Klarence went to Aricella, kinuha niya mula sa kamay ni Aricella ang kwentas.
“This is fake!” sigaw niya. He checked carefully pero mas lalo lang siyang nagulat nang makitang totoo ito. “What? Is it fake or what?” tanong ni Aricella nang tumingin bigla si Klarence kay Igneel ng masama. “Ninakaw mo ba ito?” Nanlaki ang mga mata ni Igneel sa tanong ni Klarence, ganoon din si Aricella. “Anong sinasabi mo, Klarence? Paano naman magagawa iyon ni Igneel?” tanong ni Aricella. Tiningnan siya ni Klarence. “This necklace is not fake at mahal ito. Saan siya kukuha ng pera para bilhin ito. Kaya sigurado akong ninakaw niya ito! Damn it, let’s call the police—” “Nagkakamali ka. Hindi ko ninakaw ang kwentas na iyan. Binili ko mismo—” “Igneel?” hindi makapaniwalang sabi ni Aricella. Alam niyang walang trabaho si Igneel para makabili ng mamahaling gamit pero kung ninakaw niya nga ito para bigyan siya ng regalo ay dapat hindi na niya ginawa. Maraming sumagi sa isipan ni Aricella. “You stole it? I can help you basta ibalik na natin ang kwentas na ito para hindi tayo mapahamak pareho.” Napaawang ang bibig ni Igneel sa sinabi ng asawa, hindi siya makapaniwala na naniwala si Aricella na ninakaw niya ang regalong ibinigay niya sa kanya. Pero alam niyang kahit ano ang gawin niya, walang maniniwala. Huminga siya nang malalim. “Hindi ko ninakaw iyan… nanalo ako sa lotto kaya iyan ang una kong binili para sa’yo,” he reasoned out. “Hindi ko ninakaw iyan…” mahinang banggit ni Igneel. Umiling si Aricella, hindi pa rin naniwala kay Igneel kaya agad na sumigaw si Klarence. “Tumawag na tayo ng police!” Lumabas si Klarence sa opisina, isinigaw niya pa sa labas ng opisina ang ginawa ni Igneel kaya ang lahat ng empleyado ay tumayo at uniikutan si Igneel. Nanlaki ang mga mata ni Aricella sa ginawa ng kaibigan. Nagbubulungan ang mga empleyado. Sinong mag-aakala na ang lalaking kinuha lang din sa daan ay magnanakaw. Nakakahiya iyon sa parte ni Aricella at sa pamilya ni Aricella. “Please go back to your respective work! My husband did not steal anything. Now, leave!” sigaw ni Aricella. Klarence looked at her bitterly, hindi siya makapaniwala na nagawa pang iligtas ng kaibigan si Igneel. Bumaling siya kay Igneel na ngayon ay nakayuko lang. “You already done your best, Aricella. Panahon na para alisin siya sa buhay mo, you already helped him at ngayon ay nakagawa siya ng mali nagagawa mo pa rin na tanggapin? He’s from garbage, marumi siyang lalaki at ngayon mas lalong marumi lang dahil sa pagnanakaw niya. Wake up, Aricella!” Nagsimula ulit magbulungan ang mga tao, pinagsalitaan ng masama si Igneel dahil sa pagiging ignorante nito. Nakaramdam ng awa si Aricella sa asawa nang tingnan niya itong nakayuko lang, gusto niyang pagsabuyin ng asido ang mga taong nanghuhusga sa kanya pero kahit siya ay hinusgahan din si Igneel. Sa kanyang isipan, wala siyang pinagkaiba sa mga taong nanghuhusga sa kanyang asawa. “Someone call the police, now!” sigaw ni Klarence. “No! This is me and my husband’s affair. Leave us alone kung ayaw ninyong kayo mismo ang mawalan ng trabaho. Klarence… just leave us alone—” “I did not steal that.” Igneel’s baritone voice echoed. Natahimik ang lahat nang marinig nila ang buo at seryosong boses ni Igneel. Tiningnan siya ng masama ni Klarence, hindi makapniwalang may lakas pa ng loob si Igneel na magsalita. Tumingin din si Aricella sa kanya, gustong pigilan na huwag na magsalita. “What do you mean you did not steal the necklace? Kitang-kita nating lahat na wala kang kakayahan para bilhin ito at idadahilan mo pang nanalo ka sa lotto? Lokohin mo na lahat, not me, trash.” “Bili ko iyan, mismong pera ko. Hindi ko alam kung maniniwala kayo but I am the heir. Anak ako ng isa sa mayamang—” Hindi natuloy ang sasabihin niya nang marinig niya ang malakas na panunuyang tawa mula sa mga tao, nangunguna si Klarence. Naisip nila na nagawa pang magsinungaling ng kakaiba ni Igneel, kahit si Aricella ay hindi nasisiyahan sa sinabi ni Igneel. Hindi niya akalain na ganoon ang sinasabi ni Igneel, kaya niyang magsinungaling na alam niyang malabo siyang paniwalaan. Nang makitang hindi talaga siya pinaniwalaan, naalala niyang nasa kanya pa ang resibo mula sa shop. Kinuha niya ito mula sa kanyang sirang pitaka at pinakita sa mga tao, agad iyong binawi ni Klarence at siya na mismo ang tumingin. “This is your name,” banggit ni Klarence. Kinuha rin iyon ni Aricella at nakitang pangalan ni Igneel ang naroon na nagsasabing siya ang bumili ng mamahaling kwentas, nakita rin ang halaga ng kwentas. At dahil doon, naniwala na si Aricella na hindi ninakaw ang kwentas. ‘Totoo bang nanalo siya sa lotto?’ iisang isip ng mga tao. Still, hindi pa rin naniwala si Klarence kahit totoo naman talaga ang resibo na pinakita ni Igneel. “Tatawagan ko ang shop na ito!” sigaw niya at kinuha ang cellphone. Hinayaan lang siya ni Igneel, ilang segundo ay sumagot ang manager ng shop. “I would like to confirm kung mayroon ba kayong customer na nangangalang Igneel Mauro o ninakaw niya lang ang kwentas sa shop ninyo?” Hindi pinahalata ni Klarence ang boses niyang nanginginig, nakatingin pa siya kay Igneel na parang wala lang ang sinabi ni Igneel. Kapag nalaman ni Klarence na hindi siya nagsisinungaling, sino kaya sa kanilang dalawa ang mapapahiya? Natahimik naman si Klarence nang marinig ang tawa ng kausap niyang manager. “Are you insane, Sir? He is our gold customer for today and you accused him stealing the necklace? Why would you check online and let us see kung ninakaw niya ba talaga?” sabi ng manager at nagpaalam na. Ayaw pa rin maniwala ni Klarence at kahit labag sa loob niya; tiningnan niya ang online website ng shop. Halos manlaki ang mata niya, tumabi rin sa kanya si Aricella para tingnan. Kagaya ng reaction ni Klarence, napaawang ang bibig ni Aricella nang makitang nakasulat sa website ng shop ang pangalan ni Igneel at ang katabing picture nito ay ang picture ng kwentas, picture rin ni Igneel na nakatalikod habang hawak ang kwentas. Binasa pa nila ang iilang comments na keso ang swerte ng pagbibigyan ng lalaki sa picture kahit hindi ito nakasuot ng mamahaling damit. Tumingin si Klarence kay Igneel, nanghihina sa nalaman. He admits to himself na talo siya pero ayaw niyang sabihin iyon lalo na sa harap ng isang lalaking pinulot lang kung saan ng kanyang kaibigan. “Totoo bang nanalo ka sa lotto kaya mo nabili ito?” tanong niya kay Igneel. Nagkibit balikat lang si Igneel at hindi na sinagot si Klarence dahil tapos na rin naman ang paliwanag niya. Sa isipan ni Klarence, kung nanalo siya ng lotto bakit hindi niya agad mabili ang bahay o kotse manlang, bakit kwentas lang. But at somehow, dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng inggit mula kay Aricella. Ang manalo sa lotto ay isa sa mga pangarap ng mga tao, kasama siya roon."I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah
“Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.
Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n