Stavros’ POV
I had my fingers crossed. I was sitting on the bench outside the emergency room. I also stood up from time to time to peak at the door of the ER, expecting that the door would open anytime soon.
Masyado akong nag-aalala sa kalagayan ni Aviona. Masyadong madami ang nawalang dugo sa kaniya. I still hoped that she’s going to be fine.
Ako lang mag-isa ang sumama sa ospital. Gusto mang sumama ni Manang Eba ay sinabihan ko siyang maiwan na muna upang maghanda ng gagamitin ni Aviona habang naririto pa siya sa ospital. Mamaya rin ay susunod na iyon.
Naagaw ng aking atensyon ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko ito pinansin noong una. Wala na sana akong balak pang sagutin ito. Ngunit muli itong tumunog.
Napipilitan kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at saka iyon sinagot. “What?”
“How are you my dear stepson?” may pagkasarkastikong bungad niya.
Napairap ako sa kawalan. “What do you need, Milagros? I don’t have time to deal with you.” Napapisil ako sa pagitan ng aking kilay. This woman was making my head hurt. Wala atang pagkakataon na may mabuting dulot ito sa akin.
“Ouch!” aniya na tila nasaktan talaga sa aking pahayag. Humalakhak ito pagkatapos. “Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?”
Hindi ako sumagot. I knew already where this conversation was going.
“Anyways, kailangan ko ng pera. Naubos ang hawak ko sa casino.” Sinabi niya rin ang pakay niya na para bang candy lang ang kaniyang hinihingi.
“I am not pooping money, Milagros. Tumigil ka na sa pagsusugal mo. Kapag naubos na ang kabuuang pera mo sa kompanya ko, hindi ka na makakahingi pa sa akin ng pera pantustos diyan sa bisyo at luho mo.”
“Tsk. Just send money in my account. Alam ko naman na barya lang hinihingi ko sayo.”
Napabuntong-hininga ako. Kailan kaya titigil ang babaeng ‘to? “I’m busy. Call Dominic.” Ibinaba ko na ang tawag matapos iyon. Wala akong panahon para patulan ang isang gaya niya.
Muli akong napalingon sa pinto ng emergency room. Sarado pa rin ito.
Napatingin ako sa aking mga kamay. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga ito. Pinisil-pisil ko ang mga ito para mabawasan ang panginginig. Nang hindi mahusto ay napahilamos ako sa aking mukha saka napasuklay sa aking buhok.
I did not expect my marriage life to be like this. I was expecting something cold and distant relationship with my contracted wife. Before the wedding, I was anticipating that we would marry but we would keep our businesses on our own. But those thoughts were all different from what was happening today.
Aviona and I might be distant with each other. But her situation was the one that allows us to connect. It was what was bringing us together.
My curiosity towards her grew to the point that I already started to care for her within just a short span of time. And I wouldn’t let her be succumbed by the darkness that was eating her up.
She’s been reminding me of what I’ve gone through before. At hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. I would save her because that’s what I couldn’t do before.
“Stavros.”
Natigil ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag ni Dr. Cruz. Nakalabas na pala siya sa ER. Siya rin ang gumamot kay Aviona noong nakaraan.
Napalalim ata ang pag-iisip ko kung kaya’t hindi ko na naramdaman ang kaniyang presensya.
Napatayo ako. “How’s my wife, doc?” Iyon agad ang isinalubong ko sa kaniya.
“You’re wife’s still lucky. Maraming dugo ang nawala sa kaniya pero mabuti na lamang at hindi pa huli ang lahat nang dumating ang ambulansya. Your wife is fine now. She just needs to rest and heal her wound again.”
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa kaniyang pahayag. “Thanks, doc.”
Mabuti naman at maayos na siya.
Tumikhim si Dr. Cruz kaya napatingin akong muli sa kaniya. “They’ll be going to transfer her in a room a little later. For the meantime, can you spare me a little while?”
Napalingon ako sa pinto ng ER bago tiningnan at tinanguan si Dr. Cruz.
Iginiya niya ako papunta sa kaniyang opisina. Pinag-usapan namin ang mga dapat at di dapat gawin sa pagpapahilom ng sugat ni Aviona. Nagreseta rin siya ng mga gamot na kakailanganin ng aking asawa.
“Stavros, may I ask how was she doing after the first incident until today?” seryosong tanong ng doktor.
Muli kong inaala ang mga nakaraang araw. Hindi ko man siya nababantayan ng personal ay malaking tulong naman ang nagawa ng CCTVs at ng mga kwento ni Manang Eba tungkol sa kaniya. “She’s fine. Akala ko ay nag-improve na siya at unti-unting nakaka-adapt sa paligid niya dahil nabawasan na ang oras ng kaniyang pagkulong sa kaniyang kwarto. She can also talk with the people in the house, especially the head maid. Kaya nabigla ako nang ginawa niya iyon kanina,” kwento ko sa kaniya. It’s true. I thought that everything was going well with her. Akala ko ay nakatulong ang pag-iwas ko para mapabuti ang kaniyang kondisyon.
Natahimik si Dr. Cruz at tila hinimay ang aking pahayag.
“People’s minds are unpredictable, aren’t they? But those people who have mental health conditions are worse. Hindi mo alam kung kailan sila tunay na masaya. Hindi mo rin malalaman kung kailan ba sila binabagabag ng kanilang isipan. Sa umpisa, akala mo ay okay sila. Tapos sa isang iglap, may ginawa na silang ikakapahamak nila.”
He’s right. People with heavy baggage were actually the greatest pretenders.
“Do you know why she has this tendency of harming herself?”
Umiling ako. “No, doc. We’ve just got married for 5 weeks. And I wouldn’t lie that it was just a fixed marriage. So, I barely know her,” I admitted.
Napatango-tango siya parang naiintindihan ang aking sinabi. “I hope you can work on your marriage well, Stavros. You must have time to take care of your wife firsthand. Kahit pa sabihin na it was just a marriage for convenience. It will be a big help for the both of you kung malalaman mo kung saan siya nagmumula. With Mrs. Bienvenelo’s condition, I also suggest you to let her visit a psychologist. I know a great one. I really wanted to help your wife, but I am not aligned with studying people’s minds.” May kinuha siya sa kaniyang drawer. Inabot niya sa akin ang isang card.
Dr. Cristina Antonio. Psychologist. Iyon ang nakasulat sa munting card kasama ang contact number nito.
“I hope you can convince Mrs. Bienvenelo as soon as possible before it gets worst,” sinserong saad niya.
Napatitig akong muli sa ibinigay niya.
Yeah. I would definitely do that. I would do everything just to make her stay.
"Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr
"P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man
"That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak
"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko