LOGINKaius' POV Lumabas ulit ako ng bahay at sumakay sa kotse. Kailangan kong mahanap si Hannah dahil magga-gabi na. Kailangang makita ko siya kaagad dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa labas, wala pa naman siyang alam dito sa Maynila. Huwag naman sana, pero kapag may nangyari sa kanya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.Sinubukan kong hanapin siya sa loob ng subdibisyon namin, pero wala siya kaya nakarating na ako sa gate. Inilarawan ko siya sa guwardya at tinanong kung nakita ba niya. Sayang lang at hindi ko alam kung ano ang suot niya nung araw na iyon. Nang sabihin n'ya ang oras na may lumabas nga raw na babae katulad ng paglalarawan ko ay agad akong humingi ng tulong sa administration office ng subdibisyon namin para makakuha ng copy ng CCTV footage ng ganung oras, at nakita ko nga si Hannah. Sinundan ko ang bawat bakas niya at sa ilalim ng tulay natagpuan ang huling pinuntahan niya. Parang kinurot ang pu
Hannah's POV "What happened here?" Biglang pumasok ang isang lalaki sa kusina. Sa tantya ko ay parang mga kaedaran ko lang siya. Guwapo siya, matangkad. May kulay din ang buhok niya at hindi sila nagkakalayo ng hitsura ng babaeng naunang dumating sa kanya. "Tan, she stole my dress!" Turo sa akin nung babae. "Hurry! Call the cops!"Cops? Teka, pulis yun, ah? Ipapa-aresto ba nila ako? "N-naku, huwag n'yo po akong ipakulong... W-wala po akong ini-stole, wala akong ninanakaw!" pakiusap ko.Pinandilatan ako nung babae. "Nagsinungaling ka pa, e ayan na nga ang ebidensya? Dali Tan, tumawag ka ng pulis!""Nathalie, how many times have I told you to call me kuya or kuya Nathan?" wika nung guwapong lalaki sa babae. Ibig bang sabihin ay magkapatid sila?Nang biglang dumating si nana Miding ay nakaramdam ako ng pag-asa. Siya lang ang makapagpapatunay na inosente ako. "Nana Miding, you're just a maid. Bakit kayo nagpapapasok ng kung sinu-sino dito sa bahay? Maa-afford ba ng sahod n'yo kapag
Kaius' POVNung dinala ko si Hannah sa bahay, ang saya-saya ko. Ilang araw din kasi niyang ginulo ang isip ko buhat nang umalis ako sa kanila, at ngayon nga ay nandito na siya at kasama ko na. Mabuti na lang at hindi siya nag-alinlangang tawagan ako at humingi ng tulong sa akin. Yun lang naman kasi ang kailangan ko. Yun lang ang go signal na kailangan ko para magkaroon ako ng dahilan para puntahan siya. Kinakabahan pa ako nung una nang sabihin ko sa Mommy ko na anak siya ni Heidi. Naisip ko sanang huwag na lang sabihin, pero ayaw ko namang maglihim sa kanya dahil tiyak na magkakaroon ng hindi magandang epekto sa amin ni Hannah kapag nalaman niya. Nang ihatid ng maid namin si Hannah sa magiging kuwarto niya, kinausap ako ni Mommy. "Magsabi ka nga ng totoo, Kaius. Anong binabalak mo? Anong balak mo doon sa anak ng ex mo? Huwag kang magsisinungaling sa akin." "Mom, ano ba ang iniisip ninyo? Dinala ko siya dito dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan. Gusto ninyo bang hayaan ko siy
Hannah's POV Nataranta ako at agad pinigilan ang pagkalas ng tuwalya nang tuluyan sa katawan ko.Agad namang inilingon ni Uncle Kaius sa ibang direksyon ang ulo niya. "W-wala akong nakita."Siguro ay pulang-pula na ngayon ang pisngi ko. Muntik na 'yun, ah? Muntik nang sumilip ang dalawang bulubundukin ko kay Uncle Kaius, pero bakit kinikilig ako nang maisip ko na siya ang unang makakakita nun at parang karangalan pa ata sa akin? Nababaliw na ako.Tumalikod siya. "Pasensya na sa pagpasok ko nang walang pahintulot. Kumatok kasi ako pero walang sumasagot kaya nangahas na akong pumasok. Hannah... Lilinawin ko lang, wala akong masamang intensyon, ha? Chineck lang kita kung ayos ka na dito, hindi ko naman akalaing nasa banyo ka pala... S-sige na, mukhang ayos ka naman na dito." At dali-dali siyang umalis, hindi na niya ako nilingon pa.Bumalik ako sa banyo. Matapos maligo ay nagtapis ulit ako ng tuwalya. Sumilip-silip muna ako sa labas ng pinto para masigurong ako lang talaga ang mag-isa d
Hannah's POV. Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Uncle Kaius. "U-uncle Kaius, pakiulit nga po. Kanino nga ulit ang bahay na ito?""Sa amin." "Ano?! T-talaga?" Hinaguran ko ng ilang pabalik-balik na tingin ang bahay, at hindi talaga ako nagkakamali, pangmayaman nga ito. Ang laki, eh. Parang mansyon na rin. "Uncle Kaius, ibig sabihin... Mayaman ka pala?" Parang nahihiya pa siyang sumagot dahil kakamot-kamot pa siya sa likod ng ulo niya. "Um. Parang ganun na nga." "Anong parang ganun na nga?!" Natakpan ko ang bibig ko dahil napabulalas ako. Napalakas ata ang boses ko. "Dito ka nakatira sa malaking bahay na ito, edi mayaman ka nga?""Sa mga magulang ko kasi 'yan, saka wala pa akong naipupundar na bahay o anumang property sa sarili kong pangalan."Tsk. Eh, ano naman? Dito siya lumaki, saka siya din naman ang magmamana ng kung ano ang meron ang mga magulang niya, diba? "Uncle Kaius,
Hannah's POV "Hannah?" Saka lang ako nagbalik sa wisyo nang tawagin niya ako. "Hannah, anong sagot mo? Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong niya. "Um, o-oo. Narinig ko." "Ano, papayag ka ba?" Biglang bumakas ang pag-aalala sa kanya nang hindi ako makasagot agad. Parang gusto ko na lang matawa kasi para siyang bata na naghihintay na pahintulutan ng mga magulang niyang makapaglaro sa labas ng bahay. "Wala ka namang dapat alalahanin dahil hindi kita hihigpitan sa mga gusto mong gawin. Malaya mo pa rin namang magagawa ang mga gusto mo. Magsisilbi lang naman akong guardian mo, at kung may mabigat na bagay na kailangan mong pagdesisyunan, saka lang ako makikialam." Kung tutuusin ay maganda itong alok ni Uncle Kaius. Hindi siya magiging istrikto sa akin. Ang maganda pa ay makakasama ko na ulit siya sa iisang bubong. Ibig sabihin ay palagi ko na ulit siyang makikita. "Hannah, ayaw mo ba?" tanong niya. Bakit parang atat siya? "Ayos lang, hindi kita pipilit—" Bigla ko siyang niyaka







