Se connecterHannah's POV "Anong nangyayari dito?" tanong ni Nathan pagpasok niya.Parang lalo akong nanliit dahil alam kong magkaka-pamilya sila. Pakiramdam ko tuloy ay may pagkukuyog na mangyayari.Nag-cross arms and tiyahin nila at naglakad palapit sa amin. "Wala naman, Nathan. Itinatama ko lang naman ito," tukoy niya sa akin."Itinatama? Bakit, Tita, ano po ang ginawa ni Hannah?""Well, inilalagay ko lang naman siya sa dapat niyang kalagyan. Buhat kasi nang dumating ito dito sa pamamahay na ito ay hindi na naging komportable ang kapatid mo.""So, you're doing this for Nathalie? Tita, ano na naman ba ang sinabi niyan sa'yo?"Lumingon si Nathan sa kapatid niya sa sofa. "Magsabi ka nga ng totoo, did you incite your friends to bully Hannah?"Pumagitna ang tiyahin nila, parang hinarangan nito si Nathan kay Nathalie... Wow, napaka-protective, ha? Nakakainggit naman."Nathan, pati ba naman ikaw? Ayan! 'Yan ang dahilan kung bakit halos ayaw nang bumalik dito ng kapatid mo..."Yumuko si Nathalie n
Hannah's POV "Can I sit here?"Napamaang na lang ako sa kanya. Ang dami namang bakanteng mesa, bakit dito pa talaga niya naisip kumain? Ano kayang binabalak nito? Hindi kaya balak niya akong gantihan, sumisimple lang siya?"Bakit ganyan ka makatingin? Huwag mong sabihing ayaw mong magpa-share ng pwesto? Bakit, nabili mo na ba ito?"Tsk. "Bakit nagpapaalam ka pa, eh, naupo ka rin naman agad?" sagot ko.Hindi na siya nagsalita pa, tahimik na lang siyang kumain.Pasimple ko siyang sinusulyapan. Base sa kilos niya, walang duda na anak-mayaman nga siya. Curious lang ako kung bakit siya nakikisama sa akin dahil hindi ako naniniwalang gusto niya lang itong pwesto ko, samantalang itong dako na ito nga ang pinaka-tago. Wala ngang halos pumupuwesto dito."Um... Ilang taon ka na?" Pagbabakasakali ko. Tingin ko ay may pagkasuplado ito kaya hindi ako umaasa na sasagutin niya ang tanong ko. Baka dedmahin niya lang ako."18."Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya. Sumagot ta
Hannah's POV Hindi na ako nakakilos nang halos dumikit na ang mukha ni Uncle Kaius sa leeg ko. Parang masyado naman ata kaming intimate nito?Nawala ang atensyon ko sa ginagawa niya nang bigla kong mamataan sa harapan namin yung mukhang mamahaling sasakyan na nabuhusan ng milk tea kanina. Kahit wala nang bubong ang sasakyang yun ay nakilala ko pa rin dahil sa plate number. Tinandaan ko kasi. Ang galing lang dahil puwede palang tanggalan iyon ng bubong.Pinagmasdan kong mabuti ang nagmamaneho para makapag-ingat ako kung masasalubong ko siya dito sa Monteciel. Guwapo siya at may kulay ang buhok. Mukha nga lang hindi maganda ang mood niya dahil nakasimangot siya. Siguro kasi namantsahan ang sasakyan niya.Bigla akong nagbalik sa wisyo. Paano kung makilala niya ako? Hindi niya ako dapat makita! "Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali ko sa kanya.Nakamaang pa siya sa akin nang lingunin ko siya habang nakahawak siya sa mukha niya, kaya inuga-uga ko na siya.Nang
Kaius' POV The more I smelled her, the more I wanted to devour her. How I wanted to kiss her all over... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ayokong isipin ni Hannah na pervert ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Isa siyang malaking tukso para sa akin. Bakit naman kasi ganito ang amoy n'ya? Ito ba ang pabangong gamit niya ngayon? Siguro ay dapat ko siyang bilhan ng bago, yung may mahinang amoy lang.Nang malapit nang sumayad ang mukha ko sa leeg niya ay bigla na lang siyang pumiglas. Tinamaan ang ilong ko kaya napalayo ako."Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali niya sa akin habang inuga-uga pa ako."Bakit?" tanong ko habang nakahawak ako sa ilong ko. Sinulyapan ko ang harapan ng sasakyan dahil sa naging reaksyon n'ya. Parang meron siyang gustong pagtaguan o kinatatakutan."B-basta... dali, magmaneho ka na. Meron kasi ako inaabangang drama, eh."Ah, yun naman pala.Binuhay ko na ang makina at nagmaneho na palabas ng Monteciel. Baka ako pa ang masisi niya kapa
Hannah's POV Parang bigla na lang tumigil ang mundo ko habang napagmamasdan ko silang nagtatawanan sa akin. Ano ang nangyayari? Bakit kailangan nila akong ipahiya nang ganito sa unang araw ko? Wala naman akong ginagawa, ah? Deserve ko ba ito?"Yo, parang welcome ritual lang ito, ha? Na may kahalong prank. Ganito kasi talaga kami dito kapag may ipinakikilala si Nathalie sa amin. You don't want to miss the fun, right?" sabi nung ungas na lalaki.Naikuyom ko ang mga kamao ko. Miss the fun mo mukha mo! Ano ang nakakatuwa dito, e halata namang binu-bully n'yo ako!"Huwag kang magagalit, ha? Joke lang naman. Kapag napikon ka, talo ka," nakangising wika ng isang babae. "You don't want to lose face, do you?"Anong pinagsasabi nito, e napahiya na nga ako sa ginawa nila? Anong lose face, lose face?Bahagya kong pinunasan ang milk tea sa mukha ko. "Alam n'yo, tama naman kayo; ang mapikon ay talo. Pero, di ba dapat ay patas tayo para masaya?"Ngumisi yung lalaking nagbuhos sa akin ng milk tea.
Hannah's POV Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Nathalie. Niyakap niya ang braso ko na para bang close kaming dalawa. Na-awkwardan ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba ito dahil hindi naman naging maganda ang pagtrato niya sa akin noong una kaming magkita.Nang sulyapan ko si Uncle Kaius ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi rin niya ito nagustuhan."Uncle Kaius, kung pag-aaralin mo sa school ko si Hannah, ako na ang bahala sa kanya. Promise, I'll take care of her," pagpiprisinta niya.Seryoso ba siya? Ayoko nga! Ang makasama nga siya saglit dito sa bahay ay para na akong sinisilihan, pati ba naman sa school? Parang ayaw ko na tuloy mag-aral, ah? Pero hindi, once in a lifetime lang ito, ika nga nila. Kaya hindi ko dapat sayangin ang kabutihang-loob ni Uncle Kaius."Hannah, ayos lang ba 'yon sa 'yo? Para meron ka nang kakilala na puwede mong malapitan at mahingan ng tulong doon.""Um..." Ano pa ba ang magagawa ko? Kung tatanggi naman ako, baka masabihan pa ako







