Share

96:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-11-16 00:20:57

“Kaya tama nga yata ang desisyon kong umalis!”

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na hinahabol ang hiningang tila ayaw nang bumalik sa normal.

“Kasi kahit sinabi kong mahal ko kayo, iyon pa rin ang nasa utak ninyo? Na ano? Pera na naman? Na manatili rito dahil may makukuha ako sa inyo?”

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero sa pagkakataong iyon ay wala na akong pakialam kung anong sagot ang ibibigay niya. Pagod na akong ipagt
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog Kong Amo!   98:

    Yara's Point of View“C-Carlos?”Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng naghihintay sa labas. Si Krizzy nga iyon. Nakangiti pa ito habang papalapit sa amin, na para bang matagal na nitong hinihintay ang pagdating namin.Bumaba si Carlos sa sasakyan. Akala ko ay kakausapin niya lamang ito, pero nang tuluyan siyang makalapit, marahan niyang inilagay ang kamay sa baywang nito at hinalikan sa pisngi.Napasinghap ako.Parang may kung anong biglang pumiga sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon, o kung bakit tila napakanormal para sa kanilang dalawa ang eksenang nasa harapan ko.“What…?”Natawa si Krizzy habang nakahawak sa braso niya. “You're late.”“Had to bring someone first.”Mabilis silang nagkatinginan. May kung anong mensaheng ipinagpalitan ang dalawa na hindi ko maintindihan, at doon ko naramdaman ang unang matinding kirot ng pagdududa.Anong ibig sabihin nito?Bumaba ako ng sasakyan, halos hindi maigalaw ang mga paa ko. “Carlos, anong ibig sabihin nito?”Hi

  • Ang Maalindog Kong Amo!   97:

    Yara's Point of ViewHindi na ako nagsalita habang papunta kami sa service exit. Pagod na pagod na ako, at gusto ko na lamang makaalis sa ospital bago pa ako muling tawagin ni Sir Erwin.Pagdating sa parking area, agad akong inalalayan ni Carlos papasok sa sasakyan. Hindi na siya nagtanong kung ano ang nangyari sa rooftop. Marahil ay sapat na ang itsura ko para malaman niyang ayokong pag-usapan iyon.“Sa mansion tayo?” tanong niya habang inaayos ang seat belt.“O-oo. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.” mabilis kong sagot at hindi na nagpaliwanag pa.Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto kaming natahimik bago muling nagsalita si Carlos.“After mong kunin ang gamit mo, saan ka pupunta?”Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko pa po alam. Maghahanap na lang siguro ako ng matutuluyan.”Hindi ko alam kung saan ako pupunta, siguro uuwi ako? Pero hindi ko pa alam kung paano ko haharapin ang pamilya ko. O kung paano ako magpapaliwanag. O kung saan ako pupunta na hindi ako magugulo ng

  • Ang Maalindog Kong Amo!   96:

    “Kaya tama nga yata ang desisyon kong umalis!”Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na hinahabol ang hiningang tila ayaw nang bumalik sa normal.“Kasi kahit sinabi kong mahal ko kayo, iyon pa rin ang nasa utak ninyo? Na ano? Pera na naman? Na manatili rito dahil may makukuha ako sa inyo?”Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero sa pagkakataong iyon ay wala na akong pakialam kung anong sagot ang ibibigay niya. Pagod na akong ipagtanggol ang sarili ko sa isang taong dapat sana ay nakakakilala na sa akin.Mabilis kong pinulot ang bag ko at tumalikod.“Yara.” Rinig kong tawag niya, pero hindi ako huminto.“Yara, come back here.”Mas binilisan ko ang paglakad. Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para lingunin siya. Tuloy-tuloy akong naglakad palayo sa rooftop, pilit na pinananatiling matatag ang mga hakbang ko kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko.Naroon pa rin si Carlos sa corridor,

  • Ang Maalindog Kong Amo!   95:

    “I won't let you go either.”Napatitig ako sa kaniya, hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Ilang segundo akong nakatitig sa mga mata niya, umaasang may kasunod pa siyang sasabihin, isang paliwanag man lang kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Pero sa halip, hinawakan lamang niya ang baywang ko at bahagya akong inilapit sa kaniya.“Stay with me.”“B-bakit pa?” wala sa sarili kong tanong. Hindi ko mapigilan.Pakiramdam ko, lahat ng lakas ng loob na maaari kong mahugot sa sarili ko ay naroroon ngayon. Kanina pa ako nagpipigil, kanina pa ako natatakot sa magiging sagot niya, pero ngayong nasa harap ko na siya, hindi ko na kayang manahimik na lamang at tanggapin ang anumang ibibigay niya.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, mariin niyang hinawakan ang aking baywang, na para bang hindi niya nagustuhang marinig ang tanong ko.“Don't make this complicated.”Napaatras ako nang bahagya, pero hindi niya agad inalis ang kamay niya.“I'm telling you I want you. Ano pa bang gusto

  • Ang Maalindog Kong Amo!   94:

    “Dahil mahal kita!”Biglang nanahimik ang buong paligid. Parang may kung anong pumunit sa lahat ng pagpipigil na matagal ko nang pinanghahawakan. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang mabilis ang paghinga ko, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, muling bumuka ang mga labi ko.“Mahal kita! Kaya nga ako aalis!”Napahawak ako sa bibig ko. Diyos ko. Bakit ko inamin?!Sa lahat ng bagay na maaari kong sabihin sa kaniya, iyon pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na naisip kung paano niya iyon tatanggapin. Hindi ko na inisip kung ano ang magiging itsura ko sa paningin niya pagkatapos kong amining mahal ko ang isang lalaking may asawa. Ang alam ko lang, wala na akong lakas na ipagpatuloy ang pagtanggi sa nararamdaman ko.“A-ayaw ko na,” dugtong ko, halos hindi na marinig ang sarili kong boses. “Hindi ko na kayang manatili rito, Sir. Hindi ko kayang makita kayo araw-araw at magkunwaring wala lang sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi ko kayang umasta na parang wala akong nararamdaman hab

  • Ang Maalindog Kong Amo!   93:

    Yara's Point of ViewMarahan kong itinulak ang pinto hanggang sa marinig ko ang tuluyang pagsara nito. Ilang sandali akong nanatili sa may bungad, hawak pa rin ang strap ng bag ko.Malamig ang hangin sa rooftop, pero hindi iyon sapat para maibsan ang kakaibang init na gumagapang sa aking batok.Nasa pinakadulong bahagi pa rin si Sir Erwin, nakatalikod sa akin at nakaharap sa lungsod. Hindi ko makita ang mukha niya, pero sa paninigas ng mga balikat niya, alam kong hindi niya ako dinala rito para lamang pag-usapan ang trabaho ko.“S-sir?”Dahan-dahan siyang lumingon. Wala ni katiting na pag-aalinlangan sa mukha niya. Madilim ang kaniyang mga mata, mariing nakakuyom ang panga, at nang tuluyan siyang humarap sa akin ay agad akong nakaramdam ng bigat sa dibdib.“You're not leaving.” Saad nito na para bang siya ang magdidisesyon para sa akin!Napakurap ako. “Hindi pa naman po ako nagsasabi na aalis ako.”“But you're thinking about it.”Napababa ang tingin ko sa sahig. Hindi ko alam kung paa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status