Share

Kabanata 18

Author: Lord Leaf
Pumunta sina Claire at ang kanyang pamilya sa Kempinski upang maghapunan habang si Wendell ay nagtatampo sa kanilang bahay.

Nakita niya ang pahayag sa official page ng Emgrand Group, siya ay malungkot at matamlay.

Akala niya na imposibleng makakuha ng kontrata si Claire, ngunit sa hindi inaasahan, kalahating oras lamang ang kailangan niya upang makakuha siya ng animnapung milyong dolyar na kontrata.

Sa sandaling ito, tumawag si Harold upang magreklamo sa kanyang sitwasyon. Sinabi niya sa sandaling may sumagot sa tawag, “Hoy, Wendell, anong meron! Tapat akong gumawa ng pagkakataon para sa iyo upang ligawan ang aking pinsan, pero tinalikuran mo ako at tinulungan siyang kumuha ng kontrata sa Emgrand. Paano mo nagawa sa akin ‘to?”

Umiling si Wendell nang mapanghamak. ‘Ano? Wala akong ginawa!’

Nagtanong uli si Harold, “Wendell, maging tapat ka sa’kin. Nakipagtalik ka ba sa pinsan ko?”

Sa parehong oras, masyadong mapapahiya si Wendell kung tatanggi siya na wala siyang kinalaman sa lahat ng ito. Ang ibig sabihin ay inaamin niya ang kanyang pagiging walang silbi, hindi ba?

Kaya, binulong niya nang nahihiya, “Oo. Harold, patawad, babawi ako kung may pagkakataon.”

“Sabi ko na nga ba!”. Nag buntong-hininga si Harold, at mabilis na tinanong, “Wendell, birhen pa ang pinsan ko, hindi ba? Sa tingin ko ay hindi pa siya nakikipagtalik sa talunan na ‘yon. Naka jackpot ka, swerte ka!”

Napanganga si Wendell sa gulat pagkatapos ay nasabik.

Ayos! Birhen pa si Claire!

Eh di, pwede niyang sabihin sa lahat na nakipagtalik na siya kay Claire, sa ganitong paraan, mailalayo niya rin ang relasyon sa kanyang asawa.

Habang umiikot ang tusong isipan sa kanyang utak, humagikgik siya nang pakipot at sinabi kay Harold, “Oo, birhen pa ang pinsan mo. Sobrang sikip niya at cute kaya hindi ko mapigilan! Hahaha!”

Narinig ang mapait na boses ni Harold, “Kung gano’n, huwag mo akong kalimutan tuwing mayroon kang benepisyo, ayos ba pare?”

“Huwag kang mag-alala!” Sinabi nang payak ni Wendell.

Sa sandaling natapos ang tawag ni Harold, bigla siyang tinawagan ng kanyang ama.

Ang nabalisang boses ng kanyang ama ang pumasok sa kanyang tainga. “Wendell, may problema! Hininto ng Emgrand Group ang lahat ng proyekto na may kinalaman sa atin! May ginalit ka bang tao kailan lang?”

Lubos na tumahimik si Wendell nang marinig ito.

Totoo ba? Hindi ba’t ibig sabihin nito na malaki ang mawawala sa pamilya nila?!

Mabilis niyang sinabi, “Pa, anong nangyari? Hindi, wala akong ginalit! Ikaw?”

Hindi makapaniwala ang kanyang ama at nalito. “Wala rin ako! Nasa opisina lang ako sa mga nakaraang araw kaya kaunti lang ang nakausap kong tao, lalo na ang mang-away…”

“Hey, Pa, posible ba na ang bagong chairman ng Emgrand ay may ginagawang malaking pagbabago pagkatapos tumungtong sa kumpanya?”

“Oo! Tama ka!” Sinabi ni Mr. Jones, bigla siyang natauhan. “Hindi ko pa nabibisita ang bagong chairman simula noong tumungtong siya. Ilang beses na akong nakipag-usap kay Doris, pero sinabi niya na hindi tumatanggap ng bisita ang kanilang chairman.”

“Anong gagawin natin?”

Nanahimik si Mr. Jones habang iniisip niya ang sitwasyon at sinabi, “Ay, oo. Bukas ng gabi na ang handaan ng pamilya Wilson, sinabi nila na naimbitahan nila ang chairman. Humanap tayo ng pagkakataon upang makausap siya!”

“Sige!” Pumayag agad si Wendell. “Sabay tayong pumunta bukas!”

***

.

Sa sumunod na araw, ang buong pamilya Wilson ay masaya at sobrang natuwa. Ito ang pinaka importanteng sandali sa pamilya.

Sa isang gabi, ang balita tungkol sa pamilya Wilson na nakakuha ng kontrata sa Emgrand Group at ang imbitasyon sa chairman sa handaan ay kumalat sa buong Aurous Hill!

Para sa handaan na ito, sinuot ni Charlie ang pinakamahal niyang suit at pumunta sa hotel kung saan ginanap ang handaan.

Lumabas si Charlie sa kotse pagkatapos dumating sa pasukan ng hotel nang biglang may isang Porsche na tumigil sa harap niya.

Pagkatapos, si Wendell Jones, na may maselan at mamahaling suit at makintab na buhok, ang lumabas sa kotse.

Isang weyter ang umabante at masipag siyang binati.

Mukhang nakita rin ni Wendell si Charlie. Mayroong bakas ng panghahamak sa kanyang mga mata habang siya ay tinitignan at sinabi na may tusong ngiti, “Saan mo nabili ang pekeng suit na ito? Mukha kang aso na gustong manamit.”

Sinabi nang walang ekspresyon ni Charlle, “Anong kinalaman nito sa’yo?”

Kumibot ang mga labi ni Wendell, isang linya ng panlalait ang makikita sa kanyang mukha. “Wala kang kinalaman sa’kin, pero ibang kwento ang asawa mo…”

Bahaghyang kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Anong kwento?”

.

Ang mga nanonood ay hindi maiwasan kundi tumigil habang ang pag-uusap nila ay dumaan sa kanilang mga tainga.

Simula kagabi, mayroong tsismis na umiikot sa sambayanan.

Sabi sa tsismis na nakakuha ng kontrata si Claire dahil sa malapit nilang relasyon ni Wendell. Kung hindi, paano nila maipapaliwanag ang kolaborasyon ng Emgrand Group base sa kakayahan niya at ng Wilson Group?

Kung iisipin, mukhang totoo ito at makatwiran.

Nang makita na maraming tao ang unti-unting nagtitipon sa paligid nila, sinabi ng malakas ni Wendell, “Ano sa palagay mo ang dahilan kung paano nakakuha si Claire ng kontrata sa Emgrand Group?”

Tumingin nang malamig si Charlie kay Wendell. “Ano?”

Bumaluktot ang mga labi ni Wendell sa mayabang na ngiti at sinabi, “Dahil sa’kin, syempre! Dahil babae ko na si Claire ngayon, kaya binigay ko ang lahat upang magtagumpay sita sa negosasyon sa kanila! Kung may natitira ka pang bait, maging maginoo ka at hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”

Kahit na inaasahan na nila ang dahilan, hindi maiwasan ng mga tao na mapanganga sa gulat nang marinig nila na sinabi ito ni Wendell.

Tama nga! Nakuha ni Claire ang kontrata sa pamamagitan ng pagtatalik kay Wendell Jones!

“Dahil sa’yo?” Tumawa nang nakakatakot si Charlie. “Sino ka ba sa tingin mo?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Raul Fernandez
sana may chApter 5422 na po
goodnovel comment avatar
Raul Fernandez
next chapter Po 5422
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status