Share

Kabanata 17

Penulis: Lord Leaf
Mabilis na nagpakita ng pekeng ngiti si Sabrina at sinabi nang nambobola kay Charlie, “Class rep, maligayang pagdating sa Shangri-La. Karangalan namin na binisita mo kami at malaking kasiyahan din ito para sa akin na dati mong kaklase sa kolehiyo. Pumasok po kayo…”

Akala niya na gamit ang kanyang papuri at banayad na tono ay makakalimutan ni Charlie ang bastos na ugali niya sa kanya kanina.

Sa kasamaang-palad, si Charlie ay hindi kasing bait tulad ng iniisip niya.

Napanganga sa sorpresa si Isaac nang marinig ang sinabi ni Sabrina at mabilis na tinanong, “Lee, kaklase ka ni Mr. Wade sa kolehiyo?”

“Opo, opo!” Sinabi nang nabalisa ni Sabrina, “Si Mr. Wade ang aking class rep noong kami ay nasa kolehiyo, magkalapit kami sa isa’t isa!”

Inanunsyo agad ni Isaac, “Pumunta ka sa opisina ng pangulo bukas. Ikaw ang magiging HR manager sa Shangri-La!”

Sa Shangri-La, ang promosyon mula sa tagapamahala ng pangkat at HR manager ay tatlong antas na magkalayo. Hindi lamang tataas ng sampung beses ang kanyang sweldo at antas, ngunit kaya niya ring kontrolin ang halos lahat ng empleyado sa hotel. Ang pagiging HR manager ay itinuturing bilang isa sa matataas na executive at antas ng pagiging tagapamahala.

Si Sabrina ay sobrang nasabik nang marinig ang kanyang sinabi sa punto na siya ay muntik nang himatayin.

Sinabi nang malamig ni Charlie, “Mr. Cameron, alam mo ba kung anong klase ng relasyon ang mayroon ako kay Sabrina Lee?”

Inakala ni Isaac na hindi gusto ni Charlie ang pagsasaayos na ginawa niya at agad na sinabi, “Mr. Wade, kaya kong itaas si Miss Lee bilang vice president kung ito ang gusto mo!”

Agad sinabi ni Charlie, “Tinawagan ko si Sabrina Lee upang tulungan ako dahil wala akong membership card, ngunit bigla niya akong ininsulto nang walang dahilan at inudyok pa ang mga guwardiya na bugbugin ako. Pero, gusto mo siyang gawing vice president? Anong ibig mong sabihin? Sinasadya mo bang inisin ako?”

Naramdaman ni Isaac ang pagkawala ng dugo sa kanyang katawan.

Tinutok niya ang kanyang papura sa maling lugar!

Pagkatapos, ang tingin na tinutok niya kay Sabrina ay puno ng poot at galit.

Iwinasiwas niya ang kanyang kamay sa mukha ni Sabrina at sinabi nang galit, “Naglakas-loob kang galitin si Mr. Wade? Kumuha ka ba ng tapang sa liyon? Gusto mong mamatay, hindi ba?”

Si Sabrina ay sobrang takot na takot na siya ay napaluhod sa lupa, siya ay nanginginig sa sobrang takot habang siya ay umiiyak at nagmamakaawa, “Mr. Cameron, patawad, patawad.”

Inangat ni Isaac ang kanyang binti at mabangis siyang sinipa, pinatalsik siya at sumigaw, “Ignoranteng babaeng aso! Tuturuan kita ng leksyon ngayon tungkol sa halaga na kailangan mong bayaran kapag ginalit si Mr. Wade!”

Pagkatapos ay humarap siya sa mga guwardiya at sumigaw, “Bugbugin siya nang maigi! Huwag kayong maawa, sirain niyo ang mukha niya na gawa sa plastik at i-anunsyo sa buong Aurous Hill na kung sino man ang tatanggap sa kanya sa bilang trabahador ay magiging kaaway ako, si Isaac Cameron!”

Si Sabrina ay labis na natakot. Mabilis siyang nagmakaawa, “Mr. Cameron, patawad, patawarin mo po ako!”

Ang mukha ni Isaac ay namula habang siya ay sumigaw, “Ngayon alam mo na kung paano manghingi ng tawad, hah! Anong nagpatuyo sa utak mo kanina? Gaano ka kangahas upang galitin si Mr. Wade? Kung hindi dahil sa kanya, pinatay na kita ngayon!”

Luha ang sumakop sa mukha ni Sabrina. Habang siya ay nakaluhod, siya ay gumapang sa harap ni Charlie at yumuko nang mabigat. “Mr. Wade, patawad, patawarin mo ako! Nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap, para sa ating pagkakaibigan…”

Tumingin nang malamig si Charlie sa kanya at sinabi, “Sabrina Lee, magkaibigan tayo, pero bakit mo ako ininsulto at ang aking asawa kanina?”

“Class rep, wala ako sa pag-iisip kanina. Ang lahat ng iyon ay dahil sa madumi kong bibig, pakiusap at patawarin mo ako…”

“Hindi ako aatake maliban kung inatake ako. Dahil inatake mo ako, hindi kita pagbibigyan! Iniwan mo ako ng walang pagpipilian!”

Pagkatapos ay suminghal si Charlie, “Tikman mo ang sarili mong medisina, ignoranteng babae!”

Galit na nagsalita si Isaac, “Bayarang babae! Huwag kang maglalakas-loob na guluhin ulit si Mr. Wade, tatanggalin ko ang bibig mo mula sa plastik mong mukha!”

Hindi naglakas-loob magsalita si Sabrina. Lumuhod siya sa lapag at umiyak na lang.

Hindi siya pinansin ni Charlie. Tumingin siya kay Isaac at sinabi nang payak, “Gusto kitang kausapin tungkol sa Sky Garden, pumunta tayo sa opisina mo.”

Tumango nang masigla si Isaac habang pinangunahan niya ang daan. “Syempre, Mr. Wade, mangyaring sundan mo ako!”

Bago siya umalis, siya ay humarap sa guwardiya at sumigaw, “Turuan niyo siya ng leksyon at huwag kayong titigil hangga’t hindi ko sinasabi!”

“Opo, Mr. Cameron.”

Takot na tumango ang mga guwardiya. Mabilis silang pumunta kay Sabrina, tinulak siya sa lapag, at binugbog siya.

Sa likod ni Charlie, si Sabrina ay tuloy-tuloy na umiiyak at sumisigaw, ngunit wala siyang pakialam. Inihatid siya ni Isaac papasok ng Shangri-La.

Sa sandaling nasa opisina na sila ni Isaac, sinabi agad ni Charlie, “Ipagdiriwang namin ng aking asawa ang aming anibersaryo ng kasal sa loob ng ilang araw, gusto kong ireserba ang buong Sky Garden. Maaari ba?”

Sumagot nang walang duda si Isaac, “Young Master, para sa pagiging patas sa lahat ng aming premium members, hindi kami namin pinapayagan ang pagreserba ng buong Sky Garden, kahit sa mga sikat na politiko sa siyudad. Gayunpaman, ang Sky Garden ay nakareserba lamang para sa iyo at sa iyo lamang sa hinaharap!”

Sinabi nang payak ni Charlie, “Hindi na ‘yon kailangan. Kailangan ko lang ito para sa anibersaryo ng aking kasal. Bukod dito, kailangan ko ang tulong mo upang maghanda ng sorpresa para sa aking asawa.”

“Walang problema! Makakatiyak ka na ako at ang lahat ng mga tauhan ng Shangri-La ay laging susundin ang iyong utos at hiling!”

***

Pagkatapos tapusin ang mga bagay sa Shangri-La, sumakay si Charlie sa bus at umuwi na. Napansin niya na halos lahat ng mga pasahero sa bus ay nanonood ng video at maikling video sa kanilang mga selpon.

Sa kanyang sorpresa, pare-pareho ang kanilang pinapanood!

Ito ay ang video ng pinakita niya ang labintatlong milyong dolyar na pera sa Emerald Court!

Ang video ay nagsimula nang lumabas si Stephen at ang pangkat ng mga guwardiya sa mga itim na Rolls-Royce. Pagkatapos, lumipat ang screen sa mga guwardiya na may dala ng mga itim na maleta papunta sa Emerald Court at nilapag ito, pinahiya ang ignorante at mayabang na sales manager. Ang buong insidente ay naitala at nilagay sa internet.

Gayunpaman, nabigong kunan ang mukha ni Charlie.

Ang video ay mabilis kumalat sa Aurous Hill na parang isang apoy sa gubat. Pagkamausisa ang umusbong sa lungsod habang ang mga tao ay nag-iisip kung sino ang sobrang yaman na lalaki sa likod nito. Maraming babae ang nangarap ng gising tungkol sa kanilang kathang-isip na pagiging basahan papunta sa kayamanan na parang Cinderella, hinihiling na makita agad nila ang misteryosong Prince Charming.

Nag buntong-hininga si Charlie sa kaluwagan pagkatapos makumpirma na ang kanyang mukha ay masyadong malabo sa video upang makilala.

Nang siya ay nakauwi na sa bahay, ito ay puno ng saya at kasabikan.

Nakakuha si Claire ng kontrata sa Emgrand Group at siya ay magiging direktor na ng Wilson Group. Ang mga magulang niya ay naiyak sa tuwa.

Matapos silang kutyain at laitin ng maraming taon, mayayakap na nila ang tagumpay at sisikat na!

Salamat sa kaaya-ayang kalagayan ng kanyang mga biyenan, hindi nila siya natagpuan bilang kasuklam-suklam o nakakainis tulad ng dati.

Sinabi nang natutuwa ni Elaine, “Hah, tuwang tuwa ako ngayong araw! Sobrang galing ng aking anak na babae!”

Pagkatapos ay humanap siya kay Charlie at sinabi nang nakangiti, isang bihirang pangyayari, “Charlie, kahit na wala kang kwenta, magbibigay ako ng pasasalamat kung saan ito nararapat, nagawang magtagumpay ni Claire salamat sa iyong pagbibigay ng lakas ng loob, kaya hindi mo na kailangan magluto ng pagkain ngayong gabi. Lalabas tayo at magdiriwang!”

Tumawa nang marahan si Claire. “Punta tayo sa Kempinski!”

“Masyadong mahal!” Gulat na sinabi ni Elaine. “Ito ay hindi bababa sa isang libong dolyar kada tao, hindi ba?”

Masayang tumawa si Claire at sinabi, “Ma, ang sweldo ng pagiging direktor ay sobrang laki, isang milyon sa isang taon.”

“Aba!” Pumalakpak si Elaine at sumaya, “Ang galing! Sa wakas ay nakagawa na ng makabuluhang bahay ang aking mahal na Claire!”

Pagkatapos ng mabilis na pag-iisip, nagpatuloy siya, “Pero dapat mong ibigay sa akin ang 70% ng iyong sweldo. Kayong mga bata ay hindi pa marunong humawak ng pera, ibigay mo sa aking ang pera at ako na ang mangangasiwa. Sigurado ako na mas maaasahan ito kaysa mag-ipon kayo!”

Tumango si Claire. “Sige, Ma. Pangako na ibibigay ko sa iyo ito bawat buwan, pero kailangan nating gumawa ng panuntunan dito. Huwag mo nang kutyain si Charlie, siya ang iyong manugang na lalaki, hay nako!”

“Okay, sige! Para sa iyong kapakanan, pangako na hindi ko na siya pupunahin tulad ng dati!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6301

    Pinakamadali sana kung patay na sila. Ang kailangan lang gawin ay hanapin ang kanilang mga bangkay at iuwi ito kay Jennie.Kung pangalawa o pangatlong posibilidad naman, ang misyon ay hanapin sina Edmund at Salem, kahit na nagtatago sila nang kusa o sapilitan. Maituturing na tapos ang misyon kapag naibalik na sila sa United States.Kaya tumingin si Harrison sa mga direktang kamag-anak na nasa magkabilang panig ng mesa at nagtanong, "Sino sa inyo ang gustong magboluntaryo na pumunta sa Oskia at tulungan si Jennie na hanapin ang kanyang asawa at anak?"Nagpalitan ng alanganing tingin ang mga tao.Walang gustong umalis ng New York sa ganitong panahon.Kung may mangyari habang nasa Oskia sila, tuluyan nilang mawawala ang kanilang kalamangan sa pakikipagkompetensya.Nang makita ni Harrison na walang gustong sumagot, nairita siya. Ang kanyang mga inapo, na karaniwang nagpapakita ng kumpiyansa at masunurin, ay biglang walang ipinapakitang pagkakusa. Mamamatay siya sa kahihiyan kung wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6300

    Dahil sa pangako ni Harrison, sobrang natuwa si Jennie kaya hindi siya tumigil sa pag-iyak habang paulit-ulit siyang nagpapasalamat. "Salamat, Mr. Harrison! Salamat!"Matagal nang naubusan ng paraan si Jennie at wala na siyang mabisang solusyon sa kanyang sitwasyon. Sa simula, hindi siya naglakas-loob humingi ng tulong sa pamilya Rothschild dahil alam niyang minamaliit nila ang mga malalayong kamag-anak na katulad niya.Pero ngayong araw, napakaswerte niya!Biglang nagpakita ng kabutihan si Harrison sa mga collateral family, at agad na naisip ni Jennie na ito ay isang bihirang pagkakataon na minsan lang dumarating sa buhay.Nang makita nila ang pagpapakita ni Harrison ng responsibilidad para sa mga collateral family, nakaramdam din ang iba ng matinding pasasalamat at kasabikan.Tumayo si Harrison at mahinahong ngumiti habang nagsabi, "Kung may mangyari pang katulad nito sa hinaharap, huwag kayong mag-atubiling pumunta sa Family Relations Office anumang oras. Maglalagay ako roon ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6299

    Pero sa pagkakataong ito, lubos nang nagbago ang pananaw ni Harrison kumpara dati.Naintindihan niya ang isang bagay—ang tunay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay hindi na ang kinabukasan ng pamilya Rothschild, kundi ang sarili niyang kinabukasan.Habang tumatanda siya at patuloy na ayaw ipasa ang posisyon ng pinuno ng pamilya sa mga anak niya, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng sama ng loob. Posibleng balang araw ay may isa sa kanila na susubukang patalsikin siya o itabi siya. Kaya nagpasya siyang unang makipagkasundo sa mga collateral branch ng pamilya, at ialok sa kanila ang bahagi ng mga benepisyo ng pamilya kapalit ang kanilang buong suporta, para masiguro ang mas ligtas na kinabukasan para sa kanya.Sa pag-iisip na iyon, tumayo siya sa gitna ng palakpakan ng lahat, puno ng sigla, at sinabi, "Simula ngayon, tandaan ninyo na basta’t nananatili kayong matatag na nagkakaisa sa amin, hinding-hindi namin kayo pababayaan o hahayaang dumanas ng kahihiyan, dahil pamilya tay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6298

    Nakaupo si Harrison sa pangunahing upuan sa meeting room, nakangiti at punong-puno ng saya at pananabik.Pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid at nakangiting sinabi, "Umupo na kayong lahat!"Isa-isang naupo ang lahat.Nakangiti si Harrison habang nakatingin sa lahat at nagsimulang magsalita, "Ito ang unang beses na ganito karaming tao ang nagtipon sa meeting room na ito. Nakikita ko na marami sa inyo ang walang maayos na upuan. Ang plano ko sana ay tipunin kayo lahat sa headquarters para mas komportable, pero dahil ilang araw na akong hindi nakakapunta sa kumpanya, dito ko na lang kayo ipinatawag. Pasensya na sa abala at sa anumang hindi magandang idinulot nito. Sana huwag niyo itong pag-isipin nang masama.""W-Wala po iyon." Mabilis na kumaway ang mga miyembro ng mga branch family na may mapagpakumbabang ekspresyon, hindi makita ang kahit bahagyang senyales ng pagkadismaya o pagod sa mga mukha nila.Hindi nila inasahan na si Harrison, na palaging malamig sa kanila, ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6297

    Dahil sa biglaang pagtitipon at pagpupulong, napaisip ang mga miyembro ng mga branch family kung ipapasa ba ni Harrison ang posisyon bilang pinuno ng pamilya kay Julien ngayong araw. Pero ang lalo nilang ikinalito at ikinaintriga ay ang parang ang pinakamalungkot na tao sa silid ay sina Julien at Royce.Kung tutuusin, dapat sina Julien at Royce ang pinakamasayang tao sa silid kung si Julien nga ang tatanggap ng posisyon bilang pinuno ng pamilya ngayong araw.Pero base sa mga itsura nila, inakala ng lahat na mukhang hindi maganda ang kahihinatnan ng meeting na ito para kay Julien. Posible bang papalitan na ang tagapagmana?Dahil sa hindi tiyak na sitwasyon, nagsama-sama ang ilang miyembro ng mga branch family at nagbubulungan, hindi mapakali.Ang ganitong eksena ay nagparamdam kay Julien na para bang nakaupo siya sa tinik at karayom.Dahil isa siyang taong pinapahalagahan ang dangal, ang palaging pinag-uusapan at pinagmamasdan nang palihim ay nagparamdam sa kanya na parang isa s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6296

    Sinabi ni Bill nang walang pag-aatubili, "Sige, sabihin mo na. Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin. Kung matutulungan kita dito, gagawin ko talaga ito."Sinabi ni Harrison, "Narinig ko na may data center ang Microsoft sa Northern Europe. Gusto ko itong bilhin.""Bilhin?" Medyo nagulat si Bill pero agad siyang sumagot, "Mr. Rothschild, kung ang cloud services ng Microsoft ay parang isang Boeing 747, ang data center sa Northern Europe ay isa sa apat na engine ng eroplano. Hindi basta pwedeng tanggalin ng isang airline ang isang engine mula sa gumaganang eroplano at ibenta ito. Kung ibebenta namin ito, babagsak ang cloud services ng kalahati ng Europe, at hindi kakayanin ng ibang data centers ang ganoon kalaking load sa maikling panahon. Hindi namin ginawa ang system na may ganoong kalaking redundancy.""Imposible." Kaswal na sinabi ni Harrison, "Isa ako sa mga bisitang nakasakay sa Boeing 747 nang opisyal itong inilunsad 50 taon na ang nakalipas. Binata ka pa lang noon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status