Ito ay isang kidlat na biglang lumitaw para kina Lady Wilson at Christopher!Pinag-uusapan lang nila kanina na kailangan nilang umasa sa Emgrand Group upang makaalis sa problema, pero ngayon, nandito ang kinatawan ng Emgrand Group upang ipatigil ang kontrata at ang kahit anong kolaborasyon kasama sila! Bukod dito, sinabi pa nila na hindi na sila makikipagtulungan sa kanila kahit kailan!Ito...Malaking suntok ito sa Wilson Group!Nanginig ang matandang babae at tinanong, “Abogado, anong nangyayari? Bakit ito nangyayari? Hindi ba’t tagumpay naman ang lahat ng mga kolaborasyon natin?”Sumagot nang malamig ang abogado, “Oo, totoo nga na maganda ang trabaho at kooperasyon namin ni Miss Claire dati. Gayunpaman, narinig namin ang balita na umalis na si Miss Claire sa Wilson Group. Kaya, hindi na kami interesadong makipag koopera o makipag kolaborasyon sa Wilson Group.”Napagtanto ni Lady Wilson na ang lahat ng ito ay dahil kay Claire!Nagalit siya!Bakit!?Bakit mayroon siyang walan
Ang balita na na-blacklist ang Wilson Group ng Emgrand Group ay mabilis na kumalat sa Aurous Hill.Sa oras na ito, alam na ng lahat sa Aurous Hill na tapos na ang pamilya Wilson. Ang balita rin na na-hospital ang matandang babae sa sandaling narinig niya ang kahihinatnan ng Wilson Group ay kumalat din nang mabilis.Si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay hindi man lang nasorpresa nang marinig ang balita.Kalmado niyang sinabi sa kanyang anak na babae at sa kanyang manugang, “Ganyan talaga ang ina ko. Lagi niyang gustong kontrolin ang ibang tao sa buong buhay niya. Dumating na ang panahon na nagdusa siya sa kanyang mga ginawa! Hindi na natin kailangan maawa. Dapat natin siyang bigyan ng oras na magsisi siya sa hospital. Marahil, maiintindihan niya na kung ano ang maling ginawa niya sa kanyang buhay!”Naluwagan si Charlie dahil bihira lang kay Jacob na hindi unahin ang mga bagay tungkol sa kanyang ina.Pagkatapos huminga nang maluwag, palihim na naghanap ng trabaho si Claire.
Sino ang malas na mayamang tao na naloko ng mapagsamantalang taong iyon?Hindi maiwasang itanong ni Charlie kay Jacob, “Kanino ibenenta ni Zachary ang mga tableta?”“Hindi ko sigurado. Sinabi sa akin ni Zachary na kailangan niyang panatilihin ang etika ng pagiging propesyonal niya at dapat ay kumpidensyal lang ang mga impormasyon ng kanyang kliyente.”Pagkatapos niyang magsalita, umiling si Jacob at nagbuntong hininga, “Binigay sa akin ni Zachary ang limang daang libong dolyar at sinabi niya sa akin na ginawan niya ako ng pabor upang galangin ka. Sinubukan ko siyang bigyan ng komisyon, pero tinanggihan niya ang mga pera mula sas akin. Magaling talaga siyang tindero, pero sayang at manloloko siya. Pinayuhan ko siya na magtrabaho siya ng marangal.”Umiling si Charlie. Talagang imposibleng mag-iba ng trabaho si Zachary!Siya ay manloloko na sa pagbebenta ng mga antigo simula noong bata pa siya, at naging gawi niya na ito. Kung magtatrabaho siya ng marangal na trabaho sa opisina, mara
Ang pamilya Moore ay isa sa pinakamataas na pamilya sa Aurous Hill.Gayunpaman, ang pamilya Moore ay hindi maikukumpara sa pamilya Wade pagdating sa kanilang katayuan o reputasyon.Hindi alam ni Jasmine ang tunay na pagkakakilanlan ni Charlie, at sa kanyang mga mata, si Charlie ay isang lang binata na may kakayahan at abilidad sa mga antigo pati na rin may kaalaman sa metaphysics.Nang tinawag ni Charlie ang Thunder Oder at ginamit ang kulog at kidlat upang patayin si Jack sa mansyon ng pamilya White, totoo ngang tinakot niya nang sobra ang mga tao. Gayunpaman, tinago ni Charlie ang katotohanan kay Charlie at sinadya niya na sabihin sa kanya na nagkataon lang ito. Dahil, paano makakatawag ang isang ordinaryong tao tulad niya ng kulog at kidlat kahit kailan niya gusto.Kaya, nalito rin nang sobra si Jasmine at inisip na sobrang swerte lang talaga ni Charlie.Simula noon, tuluyang naglaho si Jasmine sa mundo ni Charlie.Sa una ay inakala ni Charlie na nawawala lang siya, gayunpaman
Pagkatapos bumaba ni Charlie, si Albert, na nakaupo sa loob ng kotse, ay sinabi agad kay Charlie. “Mr. Wade, pumasok ka na po sa kotse!”Tumango si Charlie bago siya mabilis na pumasok sa kotse. Nagmaneho agad si Albert sa sandaling nakapasok si Charlie sa kotse at pumunta sila sa dakong labas ng bayan.Sa daan papunta, sinabi nang nababalisa ni Albert, “Narinig ko na pupunta rin isang sikat at kagalang-galang na maestro ng Feng Shui mula sa Hong Kong. Mr. Wade, hindi mo siya maaaring hayaan na agawin ang gawain mo!”Pagkatapos, nagpatuloy si Albert. “Si Miss Moore ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Moore, at malapit na rin niyang pamahalaan ng negosyo ng pamilya Moore. Kung maliligtas natin siya sa suliraning ito, siguradong aalagaan niya tayo sa hinaharap!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Albert, hindi ka pala gano’n kabait. Kahapon, sinabi mo sa akin na ang dahilan kung bakit nag-aalala ka kay Jasmine ay dahil gusto mong bayaran ang kabaitan ng lolo niya. Gayunpaman, lum
Kahit na malinaw na kinamumuhian ng mayordomo si Albert, hindi nagalit si Albert. Bagkus, patuloy siyang nakipag-usap nang magalang kay Oscar habang nakangiti. “Tingnan mo ito, Tito Oscar. Ang mga kaharap na problema ni Miss Moore ay mas nagiging malubha. Lahat tayo ay nag-aalala sa kanya! Bukod dito, hindi tayo sigurado na malulutas ni Master Lennard ang mga problema ni Miss Moore.”Nang marinig ito, sumagot nang malamig si Oscar, “Sa tingin mo ba talaga ay makakahanap ka ng taong kasing galing ni Master Lennard? Mangyaring umalis ka na agad. Hindi mo mababayaran ang maagiging pagkalugi ng pamilya Moore kung guguluhin mo si Master Lennard habang binabasa niya ang Feng Shui ni Miss Moore!”Balisang kinamot ni Albert ang kanyang ulo dahil hindi niya inaasahan na pipigilan sila ni Oscard na pumasok sa villa. Kung hindi sila papapasukin ni Oscar, paano matutulungan ni Charlie si Jasmine?”Habang pinag-isipan niya ito, biglang sinabi ni Albert, “Tito Oscar, narinig mo na ba ang tungkol
Sa sandaling iyon, sa kwarto, isang payat na di gaano katandang lalaki na may asul na damit ay hawak-hawak ang isang compass habang tumitingin siya sa paligid ng kwarto, bumubulong ng mga salita. Si Jasmine ay nakatayo habang nakatalikod siya sa pinto. Gayunpaman, sa sandaling narinig niya na may kumatok sa pinto, tumalikod siya at tinanong, “Tito Oscard, may mali ba?”Sumagot agad si Oscard, “Miss Moore, dinala ni Albert si Mr. Wade dito upang tulungan ka sa iyong Feng Shui.”Tumalikod si Jasmine dahil nasorpresa siya nang sobra nang makita niya si Charlie. “Charlie, bakit nandito ka?”Nang tumingin si Charlie kay Jasmine, napagtanto niya na tunay nga na mukhang mas pagod siya kumapra noong nagkita sila ilang araw na ang nakalipas. Ayon sa Apocalyptic Book, may mga anino sa kanyang noo, at tila ba may mali talaga sa kapalaran niya sa sandaling ito.Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Sinabi sa akin ni Albert na may problema ka, kaya dinala niya ako dito para tingnan ang Feng
Nang marinig ni Jasmine na nahanap na ni Master Lennard ang pinagmulan ng mga problema niya, nasabik siya nang sobra at mabilis na sinabi, “Master Lennard, dahil nahanap mo na ang pinagmulan ng mga problema ko, bubuti ba ang kapalaran ko pagkatapos kong tanggalin ang nakapasong halaman?”“Sa kasamaang-palad, hindi.” Sumagot si Master Lennard na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. “Dapat mong maintindihan na ang pormasyon ng Feng Shui ay isang pormasyon na hindi nakikita. Kahit na tanggalin mo ang nakapasong halaman, hindi mo matatanggal ang impluwensya na iniwan nito sa pormasyon ng Feng Shui.”Mabilis na tinanong ni Jasmine, “Kung gayon, ano ang dapat kong gawin?”Sumagot si Master Lennard, “Dapat kang maglagay ng isang bagay na nagpapaalis ng demonyo na ginawa ng isang maestro ng Feng Shui sa bintana sa halip na halamang nakapaso na iyon. Sa ganoong paraan, tuluyan mong mapupuksa ang lahat ng problema mo, at sa sandaling iyon, ang swerte mo ay patuloy na dadaloy mula sa sil
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin