Share

Kabanata 2400

Nang marinig ni Ava ang alok ni Jeremy, nagtaka siya.

“Bakit hindi ako pwedeng magpunta sa manor ng Mendez family para hanapin ang baliw na ‘yun? Habang pinapatagal pa ‘to, lalong mapapahamak si Danny.”

“Pero kapag nagpunta ka para hanapin siya at talagang siya ang nagpadukot kay Daniel, edi pinapaalam mo lang sa kalaban. Baka lalo lang mapahamak si Daniel dahil dito,” ipinaliwanag ni Jeremy kung bakit niya pinipigilan si Ava.

“Talaga bang may inutusan ang nanay ni Naya para gawin ito?” nagdududa pa rin si Madeline.

“Gustong-gusto ni Naya si Dan, kaya paano niya magagawang saktan ang lalaking mahal na mahal ng anak niya?”

“Gusto niyang sirain ang bagay na hindi niya makukuha. Ang taong makasarili tulad ni Naya ay siguradong gagawa ng ganitong bagay.” tinikom nang mahigpit ni Ava ang mga kamao niya.

‘Danny, dapat maging ligtas ka.’

Tahimik na nagdasal si Ava sa loob niya.

Kahit na tama si Jeremy, nang maisip ni Ava kung paanong baka nasa panganib si Daniel ngayon, hindi ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status