Iyong braincells ko lagi, nag mekus mekus. haha. Tipong, light ang update kay CLARK AT CLARISSA kasi pini-prepare ko ang twist doon sa buhay nila, tapos itong si Anda naman at Axcl, mystery na agad. hahahaha. Buti at hindi pa nagiging ROD si Axcl dito. HAHAHAHAHAHAH.
“How is it? Do you like the food?” ngumiti ako. “The food is fine,” hindi masiyadong masarap.. pwede na. Tumango siya at nagpunas ng bibig niya gamit ang table napkin matapos niyang ilagay ang fork and knife sa lamesa. “Ma, kailangan ko palang pumunta ng Australia. Papayagan mo ba ako?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mula ng kinasal kami ni Bil, hindi pa siya kailanman nagpaalam sa akin na aalis muna siya para pumunta ng ibang bansa. It’s his first time. “Anong gagawin mo doon?” “A friend invited me over there for the upcoming auction na ihi-held niya. And maybe, we will discuss about business too kung pupunta ako,” Tumango ako. Aalis siya? Maybe this is my chance to ask him kung pwede ba akong umuwi sa bahay. Papayag kaya siyang sa amin muna ako titira hanggang wala siya? I am determined to look for answers about what happened to me before the accident. “Ah, hon— “Tita!!! I found mommy!” Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may isang batang biglang lumapit sa akin at niyaka
WARNINGMidnight, nang magising at ako wala si Bil sa tabi ko. Agad ko siyang hinanap sa sala pero wala akong nakita.Pumunta akong kitchen just to look for him. "Bil, nandiyan ka ba?" walang sumasagot."Are you looking for you husband?" napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Axcl sa likuran. Agad niya akong hinawakan sa bewang at inilapit agad sa kaniya."Axcl!" Kinakabahang sabi ko."What?" aniya"I'm looking for Bil. Bakit gising ka?"Agad niya akong pinitik sa noo. "Bakit naghahanap ka ng iba e nandito ako?""Nasaan si Fatima? At bakit naglalakad ka ng hubad?" naka boxer shorts lang siya."Bakit? Naaakit ka ba?"Pinitik ko rin pabalik ang noo niya. "Tumigil ka!" Sabi ko at lumayo sa kaniya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin pupuntang sala. Binuksan ko ang ilaw at bumalik sa kusina para magtimpla ng kape.Tinimplahan ko rin si Axcl at bumalik sa sala at naabutan siya na prenteng nakaupo na parang hari at may katulong siyang taga-silbi. "Where's Fatima?""Bumalik ng
FATIMA “Bye ma’am Fatima,” ngumiti ako kay sir Albert, ang co-teacher kong medyo may katandaan na. Malaki ang tiyan nito at kalbo pa. “Itong si Fatima, bakit hindi makontento sa asawa niya?” nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig na pinagchi-chismisan na naman ako ng mga matatanda dito sa gilid. Nang lumingon ako sa mga matanda kong co-teachers, agad silang ngumiti na para bang hindi nila ako binack-stab ngayon lang. “Hi ma’am Fatima,” “Hello po.. Ah—lunch po tayo,” sabi ko. Ngumiti sila at agad na umiling. “Naku ma’am, tapos na po kami,” ang sabi nila. “Ah sige, mauna na kami sa ‘yo ma’am Fatima at maghahanda pa kami para sa susunod na klase namin.” Agad silang nawala sa paningin ko. Nawala ang ngiti sa labi ko at sinundan sila ng tingin. Kahit kailan, hindi na ako tinantanan ng dalawang iyon sa chismis nila. Ang dali lang nila husgahan ang gaya ko. Kahit ano pa ang gawin nila, wala naman silang makukuha sa akin na kahit na anong ebidensya. Pagdating ko ng classroom, sinalubo
"Ma'am Fatima, inasahan kong pupunta ka sa birthday celebration ko kahapon pero hindi ka nakapunta," ang sabi ni sir Albert nang pumasok siya sa classroom ko. "Goodbye everyone," magalang na sabi ng studyante ko na siya nalang natira dito. "Goodbye, ate. Mag-ingat ka sa pag-uwi," nakangiting sabi ko bago balingan si sir Albert nang tingin. "Sir, pasensya na. Nakalimutan ko kahapon dahil may inaasikaso ako kasama ng asawa ko," pagsisinungaling ko. Wala akong inaasikaso, nawala lang sa isipan ko. "Ganoon ba? Kailan ka ba magiging free? Lumabas naman tayo paminsan-minsan ma'am Fatima," aniya. Tumingin ako sa orasan ko at nang makita na pwede nang magsign out, tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Sige sir. Kapag may libreng oras ako," sabi ko sa kaniya. "Aasahan ko iyan ma'am Fatima," sabi niya sa akin. Lumabas na kami at agad kong nilock ang pintuan ng classroom. Agad akong dumaan ng office bago pumunta kung saan nakapark ang sasakyan ko. Gusto kong salubungin si Axcl sa pag-uwi
Kuya is going to Australia at 2 days nang hindi umuuwi si Axcl sa bahay, hindi rin niya ako sinasagot sa lahat ng mga tawag ko. Nakatingin ako kay Anda na busy sa laptop niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Naramdaman kong tumigil siya sandali sa sinusulat niya bago nagpatuloy muli. "Anda, alam mo ba nasaan si Axcl?" tanong ko. Wala siyang sinabi sa akin, nakatitig lang siya bago umiling. "Bakit hindi mo alam?" "Bakit sa akin mo tinatanong kung nasaan ang asawa mo? Hindi ba kayo ang mag-asawa?" Nagulat ako sa pangbabara niya. Ganito ba ang ugali niya? Nasaan na iyong mahiyaing Anda? "Bakit hindi pa kayo lumilipat ni kuya?" tumingin siya muli sa akin. "Bakit? Wala pa sa plano namin ni Bil na lumipat agad." "Hindi ba sa lalong madaling panahon kayo lilipat?" Sinirado niya ang laptop niya at humarap sa akin. "Kung may away kayo ni Axcl, huwag mo sa akin ibunton ang galit mo. Atupagin mo ang asawa mo, huwag ako." Namilog ang mata ko at natameme. Umalis siya sa harapan ko at
ANDANIA “Bye, pa,” sabi ko matapos kong ihatid sa labas ng bahay namin si Bil. Hinatid niya na kasi ako dito sa pamilya ko. Matapos niya akong haIikan sa noo, agad na itong umalis. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ang pamilya kong malaki ang matang nakatingin sa akin. Si lola Torya, si mommy Geneva, daddy Wilson, at ang kapatid kong si Wilyn. Lahat sila, nakatingin sa akin na gulat na gulat. “Hi?” Nakita ko ang unti-unting pagporma ng ngiti sa mga labi nila, ngiting pilit. Hindi ba sila masaya na makita ako? “A-Anak, what are you doing here?” si mommy na agad lumapit sa akin para yakapin ako. “Gusto ko lang kayong makasama habang wala si Bil,” “Aalis si Bil? Saan daw siya pupunta?” tanong ng mommy “Australia,” “Bakit hindi ka kasama?” napatingin ako kay dad. “Bakit dad? Ayaw niyo ba ako dito?” “What? Of course that’s not what I mean, anak. I’m just wondering bakit hindi ka kasama sa travel niya,” “It’s about business and I don’t think it’s essential for me to come alo
BINUKSAN ko ang bintana ng kwarto ko. Dumungaw ako sa ibaba at nakita ko si Avo (Sharfvon) kasama ni Wilyn, nag-uusap sila hanggang sa nakita kong hinaIikan ni Wilyn si Avo sa mga labi nito. Nakatuko ang siko ko sa bintana habang bahagya kong inihiga ang pisngi ko sa palad ko. Na-inlove pala si Avo sa kapatid kong impakta. If my memory is correct, ayaw ni Sharfvon kay Wilyn. Wilyn is very pretentious at alam ni Avo lahat ng mga pagkukunwari ni Wilyn. So I'm quite surprised na may relasyon sila. I'm not against, hindi ko rin naman pipigilan. Hahayaan ko lang sila. Avo is not Axcl so I'm out of the line. Si Axcl lang naman ang mahalaga sa akin. Tumingala si Avo sa akin. Ngumiti ako at kinawayan siya dahilan kung bakit niya naitulak si Wilyn palayo. Nakita kong bahagyang tumingin si Wilyn sa akin at nakita ko na naman ang galit niyang mga mata. Wala naman akong ginawang mali. Hindi ko kasalanan bakit siya tinulak ni Avo palayo. Pinanood ko lang sila hanggang sa nakita ko nang umali
“Wala ba talagang aamin sa inyo kung kanino galing itong panty na ito dito?” mahinahon ngunit puno ng gigil na sabi ni mommy sa mga nakalinyang mga katulong. Nagsiyukuan ang lahat ng mga katulong, takot na tumingin kay mommy. Gusto kong matawa dahil pinapanood ko ang itsura no’ng katulong na may-ari no’ng panty na halos hindi na makatingin sa amin. Si daddy sa tabi namin ay tahimik lang din pero alam kong nag-iisip na siya ng paraan paano niya malulusutan ang kawalang-hiyaang ginawa niya. Kung sana ay hindi sila gumawa ng kababuyan dito sa bahay, hindi siya mahihirapan gaya nito. “Anong nangyayari dito?” sabi ni Wilyn na kararating lang. “May panty na nakita sa sala. Tinatanong ni mommy kung kanino, walang umaamin,” “Panty? Kaninong panty ‘yon? Ang baboy ah!” Maarteng sabi ni Wilyn. “Oh my God! Don’t tell me may ginagawang kababalaghan sa sala ang may-ari ng panty na iyon?” “That’s what mom suspecting. Wala namang rason para maiwan sa sala ang panty,” sabi ko. Nakita kong napas