WARNING! Matapos ang isang aksidente, nawala ang memorya ni Ania at kalaunan ay nagpakasal kay Bil Samonte. Nang tumira sila sa bahay ng biyenan niya, nakilala niya si Axcl, ang asawa ng hipag niya na si Fatima. Unti-unting bumabalik ang alaala ni Ania nang muli silang magsama ni Axcl sa iisang bahay at nalaman niyang si Axcl pala ang nakalimutan niyang nobyo. No’ng bumalik na ang kaniyang alaala, magkakabalikan pa kaya sila ni Axcl na lantaran siyang binabawi sa asawa niya? O magpapanggap siyang may amnesia pa rin at manatili sa pagiging asawa ni Bil?
View MoreSandali akong natigilan habang nakatingin kay Axcl na banayad na hinahalikan ang asawa nitong si Fatima.
Nagtagpo ang paningin namin dalawa at agad akong nag-iwas nang tingin nang makita ang nakakaloko niyang ngisi.Dali-dali kong kinuha ang notepad ko na naiwan ko dito sa table sa garden.
Sumikip and dibdib ko at alam ko kung bakit ako nakakaramdam nito. Alam na alam ko. Pinilit kong iwala ang halikang iyon sa isipin ko dahilan kung bakit hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala si mama, ang siyang biyenan ko."Nakapagluto ka na ba?"Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at umiling. Hindi. Hindi pa ako nakapagluto."Nawala po sa isipan ko ma,"Napayuko ako nang makita ang galit sa mukha niya. Alam kong hindi niya ako tanggapin. Hindi ko rin alam kung bakit. "Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw niya.Pumasok si Fatima kasama ni Axcl. Mas lalo kong ayaw tumingin sa kanila lalo na sa kaniya."Ma," malambing na tawag ni Axcl kay mama. "Galit ka na naman," malambing pa rin na aniya."Heto kasing si Anda, napakawalang kwenta. Walang maasahan sa kaniya."Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko na huwag tumulo ang luha sa mga mata ko. Ayaw kong maging kawawa sa harapan niya."Pagluluto na nga lang ang silbi niya, hindi pa magawa ng maayos." "Ma, hayaan mo na. Halika, may ipapakita ako sa 'yo." Sabi nito kay mama at hinila ito paalis ng sala."I'm sorry. Lika, tulungan na kita magluto." Sabi ni Fatima sa gilid ko.Tumango ako at nagpaalam na ilagay ko lang ang notepad sa kwarto namin ni Bil sa kwarto.Mabait si Fatima. Wala akong masabi sa kaniya. Halatang masaya siya sa piling ng asawa niya.Ayaw kong mainggit ngunit nainggit ako. At alam kong mali iyon. Mailing mali iyon.
Matapos naming magluto, hinanda na namin ang lamesa. Dumating sina mama na nakangiti na kasama ni Axcl.Tumingin siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.Sakto namang dumating si Bil, ang asawa ko."Kuya, ang aga mo yata." Ani Fatima na kapatid ng asawa ko."Nagkaproblema sa site pero naayos naman." Nakangiting sabi nito sa kapatid.Dumiretso siya sa akin at hinalikan ako. "How are you? Are you okay here?" nag-aalala niyang tanong.He knows that his mother doesn't like me.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Kamusta ang trabaho?"
Lumabi siya at naglalambing na yumakap sa akin. "Nakakapagod ma, but ayos na ako kasi kayakap kita."Ngumiti ako at niyakap siya pabalik habang nakatanaw sa lalaking nasa tabi ni mama at mariin na nakatingin sa 'kin."Bil, kumain na tayo." Matigas na sabi ni mama.Lumingon kami sa kaniya at sabay na umupo. Nagkatinginan pa kami ni Fatima at magaan na ngumiti sa akin.Tumingin rin ako kay Axcl at naabutan siyang mariin na nakatitig sa akin habang igting ang panga.Nagbaba ako nang tingin at naabutan si Bil na naghihiwa ng steak habang kausap ang mama niya.Nilagay niya sa plato ko ang hiniwa niya."Ako na diyan, p-pa." Nauutal kong sabi.Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ayos lang ma. It's my pleasure to do this." Aniya at ninakawan pa nga ako ng haIik sa labi.
"Salamat love," rinig kong kinikilig na sabi ni Fatima kaya napatingin ako sa kaniya.Pinagsisilbihan din siya ni Axcl. "Napakabait naman talaga nitong si Axcl." Naaliw na sabi ni mama. "Hindi gaya sa iba diyan." Hinawakan ni Bil ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa akin na tila ba pinapagaan ang loob ko.Ngumiti ako at kumain na kahit pa napuno ang lamesa ng mga komplimento ni mama kay Axcl.Kinagabihan, nakahiga na ako sa kama at hinihintay si Bil na tumabi sa 'kin.Nakaligo na siya't lahat lahat na. Napangiti ako nang makita ang asawa kong mabango at gwapo.Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I can't wait na maghilom na ang sugat dito." Sabi niya sabay hawak sa tiyan kong may tahi.Galing ako sa aksidente at napuruhan ang bandang tiyan ko. I need a complete rest for at least 1 year sabi ng Doctor."I'm sorry," malambing na sabi ko sa kaniya.
Nilapit niya ako sa kaniya at h******n sa ulo ko. "Your safety first ma. It's fine. I can wait." Aniya.
Bawal akong mabinat o gumawa ng hard activities. 7 months ago, I woke up from coma and everything changed. Everything.Then after 3 months of recovery, I met Bil, he's a family friend and my lola arranged me to him. Bil asked for my hand and my family agreed to this marriage.
Bil is a nice man. Magaan ang loob ko sa kaniya. That's why pumayag rin ako sa gusto niya. Ang pakasalan siya. Hindi na ako bumabata at hindi naman ako nagsisi na sa kaniya ako nagpakasal. And then, I don't know. Everything went so fast. It feels like my family wanted me to marry Bil immediately. Kaya 1 week preparation lang and kasal na kami. After a month of being married with him, masaya naman ang lahat. But after a month of marriage, I met his family including Axcl.Doon na nagsimula ang lahat. All the memories I forgot due to that accident cameback at halos takasan ako ng dugo nang makita ko sa memoryang iyon si Axcl.Yumakap ako kay Bil at hinayaang tangayin ng pagod ang sakit, panghihinayang, at galit ang nararamdaman ko ngayon.I am happy with my husband. Wala akong nakikitang kapintasan kay Bil. But ang sakit. Ang sakit pala malaman that my boyfriend I am inlove with married to someone else na hindi man lang kami naghiwalay.I was in coma for 2 years. And now I cameback, naka stuck pa rin ako sa 2 years na iyon.Ilang buwan. Ilang buwan na akong nakangiti at nagpatay malisya sa nangyayari sa paligid.Ni hindi ko na sinabi sa lahat na bumalik ang ala-ala ko.Para saan pa?E kasal na ako. Kasal na rin siya. Yes, Axcl was my boyfriend who is now a husband to someone else.Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments