Share

Chapter 4- Mad

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2023-11-10 10:56:10

Wala akong ideya sa mga lumalabas sa bibig niya. Sinong 'they' Anong ibig niyang sabihin? 

"Ania," tawag niya. 

"I'm sorry Axcl but I don't know you." I said and starts to walk away. 

Pigil ang hagolhol ko habang naglalakad paalis. Ayaw kong marinig niya ang iyak ko. Nasasaktan ako ngunit hindi ko maikakailang sumaya ang puso ko. 

May nararamdaman pa rin siya sa akin and I'm happy and contented with that. Saka ko na isipin ang ibang sinabi niya. Ang mahalaga sa akin, hinintay ako ni Axcl. 

Kung tutuparin man ng Diyos ang hiling ko, sana sabay na naming makalimutan ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

Wala na akong sama ng loob sa kaniya. Masaya na akong may Axcl sa buhay ko na minahal at hinintay ako.

Kung sino mang they ang sinasabi niya, saka ko na sila haharapin. Wala ng rason pa kung tatanungin ko sila bakit nila ako sinisiraan kay Axcl.

Ayaw ko ring malaman ng lahat na may naalala ako. Firm akong ibaon lahat iyon sa limot.

Pagdating ko sa bahay, tinapos ko lang ang mga trabaho ko at nagkulong sa kwarto.

Matapos no'n, hindi na ako lumabas ng kwarto kahit pa pag initan na naman ako ni mama. Bahala na.

Sinasabi nalang ni Bil na masama ang pakiramdam ko. Isang linggo na sigurong masama ang pakiramdam ko dahil nasa kwarto lang talaga ako.

Nagkataon na nilalagnat ako no'ng nakaraan. 

Si Bil na ang nagdadala ng pagkain sa akin. Ayaw kong makapirwisyo sa kaniya but ayaw niya talaga. Sabi niya, responsibilidad daw niyang alagaan ako.

Kaya hindi ko maatim na sundin ang gusto ko dahil hindi ko kayang saktan si Bil na maalaga at mapagmahal sa 'kin.

"Ma, may sinat ka pa ba?" nakahiga ako habang kausap siya sa phone.

"Wala na pa. Ang galing ng doctor ko e." Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"Ma naman. Pinapakilig mo 'ko." Narinig ko ang tawanan ng mga kasamahan niya sa kabilang linya. Napangiti ako at napailing.

Kinakachawan siya ng mga ito na hinahayaan lang ni Bil. "Fvck. Inggit mga gago. May asawa kasi akong maganda at mabait." Sabi niya. 

Napangiti ako muli at sinaway siya. Napaka bolero talaga. 

"O sige na. Mag-iingat ka diyan."

"Opo mama. I love you po."

Ngumiti ako. "Me too pa. Ingat ka pag-uwi."

Tinapos ko na ang tawag. Mula no'ng bumalik sa ala-ala ko si Axcl, hindi ko masabi ang I love you kay Bil.

At sana ay hindi pa niya iyon nahahalata.

Natulog nalang ulit ako. Mamaya uuwi na ang asawa ko.

Nang magising ako, una kong namulatan si Axcl. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako.

Hinagod hagod niya ang ulo ko habang nakatitig sa 'kin.

"Go back to sleep," aniya at marahan akong kinakantahan.

Siguro nga ay panaginip ito. Pumikit ako at natulog ulit.

Ang ganda ng panaginip na iyon. Nang magising ako ay nasa tabi ko na si Bil at nakatitig sa 'kin.

"Kanina ka pa?" tanong ko at siniksik ang sarili ko sa katawan niya. 

Narinig ko ang marahang pagtawa niya at niyakap ako ng mahigpit.

"My mama is so sweet." Bulong niya sa akin. Ngumiti ako at humaIik sa leeg niya. Narinig kong natawa siya marahil ay nakikiliti. 

"Ma," 

"Hmm?" 

"Lipat na tayo ng bahay. Gusto mo ba?" agad akong napaangat ng tingin. Nakita ko sa mga mata niya ang kasiyahan. 

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Biglang pumasok sa isipan ko si Axcl. 

Kung lilipat kami, hindi na lagi magtatagpo ang landas namin. 

Yumakap ako kay Bil ulit. Si Bil na ang asawa ko. Sa kaniya ako may iniwang sinumpaan. Maalaga siya at mapagmahal. 

Alam kong mamahalin ko rin si Bil na higit pa sa pagmamahal ko kay Axcl. 

Kung gusto kong bumuo ng pamilya, hindi ako magsisi kay Bil. Kaya sa kaniya dapat ako sasama at siya dapat ang uunahin ko. 

Kahit na lahat ng nasa isipin ko ngayon ay sinasaktan ang puso ko. 

Kada naiisip kong pinipili ko si Bil, ayaw tanggapin ng puso ko. Nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay mali na piliin ang asawa ko. 

But I know better. Hinarap ko siya, at tumango ako. "I like that," ngumiti ako kahit na hindi ako masaya sa naging pasya ko. 

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya at hinalikan ako sa noo. 

Yeah. This is right. 

Bumaba kami at naabutan ko si Fatima na nakaupo sa sofa habang si Axcl ay busy sa laptop nito. 

Bago kami bumaba ni Bil, narinig pa namin na para silang nagtatalo. 

Nagtagpo ang paningin namin ni Fatima at nakita ko ang pagngiti nito. 

"Sinabi mo na sa kaniya kuya?" excited na sabi ni Fatima dahilan para mapatingin sa kaniya ang asawa niya sa kaniya. 

"Yes and she said yes." Masayang sabi ni Bil. 

"Yey! I'm so happy." Ani Fatima. 

"What's going on?" sabat ni Axcl na tila ay naguguluhan. 

Umisog palapit sa kaniya si Fatima. Nakita ko ang pagpulupot niya ng kamay niya sa braso ni Axcl. 

Nag-iwas ako ng tingin. 

"Lilipat na sila ng bahay, love." 

"Really?" narinig ko ang pagpalakpak niya kaya napa-angat ako nang tingin sa kaniya. Nagtagpo ang paningin namin.

Nakangiti ang mukha niya ngunit alam kong galit ito. Lumapit siya sa amin mag-asawa.

"Congratulations, Bil." Aniya.

"Thank you, Axcl." Nakangiting sagot ng asawa ko na tuwang tuwa kay Axcl.

"Congratulations, Ania." Kinabahan ako sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko.

Tumingin ako kay Fatima na mukhang walang kamalay-malay sa ginagawa ng asawa niya. Limingon rin ako kay Bil at gaya ni Fatima ay wala rin itong alam.

"S-Salamat," nakipagkamay ako sa kaniya at ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

"This is a celebration then. Sagot ko na ang pagkain and beer." Aniya. Ramdam ko ang saya sa asawa ko.

Natutuwa siya sa mainit na pag welcome ni Axcl sa desisyon namin.

"Sige ba. But no beer to my wife. Hindi pa maayos ang tahi sa tiyan niya."

Bumaba ang tingin ni Axcl sa bandang tiyan ko kung saan naroon ang kamay ni Bil and I saw how furious he is right now.

Nang magtagpo muli ang paningin namin, alam kong simula na ito sa problemang pagdadaanan ko. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Makasalanang Asawa   END

    Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 49

    SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 48

    ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 47

    “Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 46

    Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 45

    SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status