Mahina ang tolerance ni Bil sa alak. Hindi ko alam kung bakit panay siya binibigyan ni Axcl ng shot.
Sa tabi niya, naroon ang nalalasing na si Fatima. "Tama na iyan pa. Matulog na tayo." Sabi ko kasi gabi na rin."What? Inom pa tayo." Natatawang react ni Axcl. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong dinadaya niya si Bil sa baso."Ayos lang ma. Kaya ko pa." Sabi ni Bil kahit ang totoo ay konti nalang matutumba na siya.Alas dose na at tulog na si mama. Si Fatima ay hindi na nakayanan ang alak at tulog na sa balikat ni Axcl."Tama na 'yan Axcl. Nilalasing mo ang asawa ko." Umigting ang bagang niya.Itinayo ko si Bil ngunit sa bigat niya ay halos matumba kami. Sumakit ang tahi sa tiyan ko at kita iyon sa mukha ko.Tumayo si Axcl at agad na inalalayan si Bil makatayo. "Stay here at bantayan mo si Fatima."Hindi na ako sumagot ng tumalikod siya at alalayan ang asawa ko paakyat sa kwarto namin.Umupo ako at tinignan si Fatima na lasing na lasing na at natutulog sa mesa.Bumalik ulit ang inggit ko sa katawan. Maganda si Fatima. Kamukha niya ang kuya niya. Maganda ang katawan lalo na ang mata.Hindi na ako magtataka kung nagustuhan siya ni Axcl.Nakita kong dumating si Axcl at binuhat ang asawa niya. Nagkatitigan kami at naroon na naman ang mga mata niya. Mga mapupungay niyang mata."Wait me here," utos niya at dinala si Fatima sa kwarto nila mag-asawa.Nang makita kong nakaakyat na sila, tumayo na rin ako. Babalik na ako sa kwarto ko dahil hindi ko pwedeng hintayin si Axcl. Hindi pwede ngayon o kailanman.Nakaakyat na ako sa kwarto namin. Kabilang hagdan sa kwarto nina Axcl.Pipihitin ko na ang doorknob ng may kamay na humablot sa akin at tumambad sa harapan ko ang hinihingal na mukha ni Axcl.Tagaktak ang pawis nito sa kaniyang noo. Marahil ay dinalawa o tatlong hakbang niya ang hagdanan maabutan lang ako."Baby, stop running.. please." Mabibigat ang mga matang aniya.
"Stop calling me that Axcl." Sabi ko at binawi ang kamay ko sa kaniya."Ania," napapikit ako sa tawag niya. Diyos ko! Kailan ba matatapos ito?Kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng bahay.Dinala niya ako sa kotse niya at idiniposito sa loob. Wala na akong lakas makipagtalo sa kaniya.Para lang akong papel na basta niya ipinasok sa sasakyan niya."Ania, I'm dying to talk you, baby. You need to hear me out."
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Kasalanan sa Diyos itong ginagawa ko. Kasi tumitibok ng mabilis ang puso ko ngayon na kasama ko siya.Itinigil niya ang sasakyan sa tabing dagat. Lumabas siya at kinuha ako sa loob.
Gusto kong pagbigyan ang sarili ko ngayon gabi. Pero alam kong kung pagbibigyan ko ang sarili ko ngayon, mas lalo ko lang ilalagay sa kapahamakan ang sarili namin ni Axcl."Axcl, hindi ko alam bakit ka nagkaka ganiyan.""What? No, you knew it. You knew it Ania. Kilala kita. Alam ko lahat ng galaw mo o kahit ang paghinga mo." Frustrated na sabi niya. "No. You're acting weird. Stop calling me Ania. Stop calling me baby. Baka namali ka lang ng akala sa 'kin. If you're tired with Fatima then spare me with your bullshit. I love my husband-""That's bullshit!" Sinipa niya ang sasakyan kaya alam kong nayupi iyon.
"Stop saying that bullshit. You're mad at me? Come. Slap me. Slap me Ania. Just... Just please don't pretend that you don't know me." May luha sa mata niya.Parang piniga ang puso ko sa nakikita. Please Axcl. Don't cry. I can't bear it. It breaks me so bad. Please baby. Stop.Lumuhod siya sa harapan ko. Ang makita siyang nakaluhod at umiiyak, para gusto kong pagalitan ang sarili ko.Hinawakan niya ako sa kamay. "Baby, I waited for you. I waited but you didn't come. A year after, I did nothing but to wait. Kahit anong sinasabi nila hinintay pa rin kita." Umiiyak na sabi niya.And this is the last card dahil hindi ko na napigilan ang luha ko."They fed me up by lies. They kept on telling me na sumama ka sa iba. Na iniwan mo na ako.""Axcl-" nahihirapan na sabi ko."Baby, I'm sorry. I'm sorry dahil bumigay ako. I believed the lies and now I regret everything."
"Pero kasal ka na Axcl," humigpit ang hawak niya sa kamay ko."I was lonely. Fatima was there for me when I lose hope na hindi ka na babalik sa 'kin. She was there when I was to give up my life because you're no longer with me."Parang may kung ano sa puso ko matapos niyang sabihin iyon. Alam ko, Axcl. Like I've said earlier, Fatima is beautiful, nice and sweet. Hindi kataka taka na magustuhan mo siya."And I regretted that I gave up on waiting, Ania. Because right after Fatima and I married, I found you. After of how many years of waiting and searching for your whereabouts, I finally found you."Nag-angat siya nang tingin at nakitang malungkot at puno ng pagsisi ang mukha nito.Then this night, pabayaan ko ang sarili ko. Magiging si Ania ako. Patawarin ako ng Diyos at ni Bil sa gagawin ko.Hindi ko kayang makita si Axcl na mabuhay na puno ng pagsisisi. He deserves my words. He needs to hear my side."Baby, I tried to move on. But no'ng nalaman kong buhay ka, kahit napuno ako ng galit sa 'yo, gusto ko nalang bawiin ka. Nawala sa isipan ko si Fatima. Nawala ako sa pag mo-move on sa 'yo. Kasi kahit ano pang rason na nawala ka, tatanggapin ko maging akin ka lang ulit."God! Please heal this man. Please. Mas gugustuhin ko nalang kalimutan niya ako. He deserves to be happy. Lumuhod ako at pinahiran ang luha sa mga mata niya. Ngumiti ako at hinayaang tumulo ang luha sa mga mata ko."What happened to you?" halos pabulong na sabi ko."I'm sorry.. Hindi ako nakarating sa pinag-usapan natin." Mas lalo siyang naluha sa sinabi ko."Sinubukan kong pumunta Axcl. Gustong gusto kong pumunta kasi ikaw lang at tanging ikaw lang ang pipiliin ko... noon."Hinablot niya ako at niyakap. "Hindi ko alam na maaksidente ako. Pasensya na Axcl. Pasensya na kung nahuli ako ng gising. Pasensya na kung nakalimutan kita.""Ania..."
"Masaya ako. Masaya ako na kayakap ka ngayon." Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at doon na umiyak.
"Pero Axcl, nakatali na tayo sa iba. Hindi ko na mababawi ang desisyon kong umuo sa pamilya kong pakasalan si Bil. Pasensya na kung saglit kang nawala sa isipan ko."
"Baby, please stop. Andito ka na." Nagmamakaawang aniya."Axcl, I'm not your baby anymore." Lumayo ako sa kaniya at ngumiti. Ngiting puno ng pagdadalamhati."You have your own baby and I have mine. We can't be together."Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa