Share

Chapter 3- Baby

Sinadya kong umuwi na gabi na. Alam kong papagalitan ako ni mama dahil hindi ako nagluto kaya minabuti kong mag take out ng pagkain para may makain ang asawa ko. 

Pagdating ko ng bahay, naabutan ko si Axcl sa labas na may ginagawa sa laptop niya. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo ngunit lumabas ng bahay si Bil kaya natigilan siya sa kung ano man ang balak niyang gawin. 

"Ma," nakangiti akong sinalubong ng asawa ko. Ako na nag initiate na yakapin siya at haIikan siya. 

Gusto kong makita ni Axcl na ayos na kami sa buhay namin. 

Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. 

Bigla akong napa atras. Shit! Bakit ba ako kinabahan? Bakit ba nagpapadala ako sa kaniya? 

Pakiramdam ko mali na niyakap at hinalikan ko ang asawa ko. Pakiramdam ko mali ang lahat ng ito. 

"Aw. You missed me ma?" nakangiting tanong ni Bil. 

Bumaling sa kaniya ang attention ko. Tumango ako. 

Lumabi ang asawa ko at niyakap ako. "Thank you so much ma. Thank you for being a good wife. Ang swerte ko pumayag ka na pakasalan ako." 

Para akong napipi at hindi makasagot. Natatakot kasi ako makita ang reaction ng lalaking nasa tabi namin at nanonood sa amin. 

"I'll prepare this," sabi ni Bil at kinuha ang pinamili ko. Nauna siyang pumasok at naiwan ako. 

Susunod sana ako sa kaniya nang biglang hablutin ni Axcl ang kamay ko. 

Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang galit sa mukha niya. 

"I'm really mad Ania. Really mad." Sabi nito at nilagpasan ako habang ako ay natulala at tila ay hindi na makahinga ng maayos. Gusto kong umiyak. 

Bakit mo ba ito ginagawa Axcl? Bakit ba? Gusto kong umiyak. Gustong gusto kong sundan siya at pawiin ang galit sa mga mata niya. 

Gustong gusto ko pa rin siya. 

Wala akong gana. Nasa hapagkainan na kami. Ako, si Bil, si mama at Axcl. Kaming dalawa ni Axcl ay tahimik lang habang si mama at Bil lang ang nagsasalita. 

Minsan, naabutan ko ang pagsilip ni Axcl sa akin na tanging ako lang ang umiiwas. 

"Anda!" Mariin na tawag ni mama kaya napatingin ako sa kaniya. 

"How are you? Wala bang nangyayari sa 'yo?" tanong niya. 

"What do you mean ma?"

"Headaches? Bumalik na ba ang ala-ala mo?" tanong niya. Alam kong natigilan sila. Kahit si Axcl.

"L-Lately ma sumasakit ang ulo ko at minsan itong tahi ko. But wala pa akong naaalala." Sagot ko. Nakita ko ang pag tango ni mama.

"Your grandma asking that. She's worried." Ngumiti ako at umiling.

"B-Baka hindi importante ang nawawalang ala-ala ko ma kaya siguro hindi pa bumabalik."

Narinig ko ang pabagsak na pag bitaw ni Axcl ng kubyertos niya sa plato. "I'm sorry," sabi nito at agad na nag excuse.

Hindi pinuna ang ginawa niya na para bang hindi iyon sadya ngunit alam ko ang totoo at ayaw ko na siyang tignan ngayon dahil baka lumuhod na talaga ako sa harapan niya at humingi ng tawad sa sinabi kong hindi importante ang ala-alang iyon.

Nag-usap pa kami sa table bago natapos. Ako na pag presenta na maglinis ng pinagkainan dahil aalis rin mamaya si Bil pabalik ng site.

Matapos kong maghugas ang siya namang  pagdating ni Bil na nakabihis na.

"Alis na 'ko ma," pinunasan ko ang kamay ko at inayos ang suit niyang maayos naman.

"Mag-iingat ka," tumango siya at hinaIikan ako sa labi.

Hinatid ko siya sa labas at pinanood na umalis. Kumaway ako sa kaniya kahit na hindi na niya ako nakikita. 

"Stop smiling," napatalon ako nang marinig ang boses ni Axcl sa likuran ko. 

Lalagpasan ko sana siya ngunit hinarangan niya ako. Kinabahan ako na baka makita kami ni mama. 

Bakit ba lantaran niyang pinapakita na may ugnayan kami noon? Pwede bang magkunwari nalang siya na wala? 

"Take that back," giit niya. Kumunot ang noo ko. Anong take b- sandali akong natigilan at naalala ang sinabi ko kanina. 

"Take that back. Tell me. Tell me Ania na importante ang mga memoryang iyon." Madilim ang mukha niya at halos naginginig ang katawan sa galit. 

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Gusto ko siyang hawakan. Axcl. My baby. 

Ngunit hindi na pwede. Asawa na ako ni Bil. Asawa na siya ni Fatima. 

"Bakit ba big deal sa 'yo iyon?" nakita kong natigilan siya. 

Hindi ko alam. Hindi ko alam bakit ko pa ito sinasabi. Marahil gusto kong marinig mula sa labi niya na may nararamdaman pa siya sa akin kahit na hindi na tama. 

God! Patawarin niyo ko. Sinubukan ko na lahat. Matapos kong maalala lahat halos gusto kong magwala. 

Gusto kong kamuhian ang mundo. Gusto kong saktan si Fatima. Kasi kasabay no'ng ala-alang iyon, bumalik rin ang nararamdaman ko kay Axcl. 

Patawarin ako ng Diyos. Ang nararamdaman ko ngayon sa asawa ko ay walang wala sa nararamdaman ko kay Axcl. 

Nababaliw na ako. Ngunit pinili kong magpatay malisya at magkunwaring ayos ako kahit na pinapatay ako ng selos kada makikita ko siyang yakap ang ibang babae. 

Halos gusto kong sugurin si Fatima dahil hinahalikan niya ang lalaking pinakamamahal ko. 

At ngayon ay nasa harapan ko na siya. Galit na galit at ngayon, gusto ko nalang na halikan at yakapin siya para mapawi ang hinanakit sa puso niya. 

Mabuti nalang ay may konting bait pa sa utak ko. Siyang pumipigil sa akin para gawin ang makasalanang bagay na iyon. 

"This is b*llshit!" Sinuntok niya ang kamao niya sa dingding. Sa takot kong mapansin kami ni mama ay hinila ko siya palabas ng bahay. 

Natatakot pa rin ako. Natatakot akong malaman nila at masaktan namin ang mga asawa namin. 

Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Bil, tanging hiling ko lang ay sana hindi ko siya masaktan sa pansarili kong kaligayahan. 

"Ano bang nangyayari sa 'yo Axcl?" bulyaw ko ng makalayo na kami sa bahay. 

Ngunit ang mapupungay niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Wala na. Hindi ko na alam. 

Pwede ba? Pwede ko ba siyang yakapin nalang ngayon? Ngayon lang please. 

"Ania," nahihirapan niyang sabi. 

"I know you can't remember me but baby, I waited." Pumiyok ang boses niya. Hindi ko kaya. Please don't cry Axcl. Baka mag breakdown ako sa harapan mo. 

"Hinintay kita kahit hindi ko alam kung babalik ka pa ba." May luha na ngang tumulo sa mga mata niya. 

Sinubukan niyang lapitan ako ngunit umatras na ako. Baka kung hawakan niya ako ay hindi ko na kakayanin pa. 

"Gusto kong saktan ang sarili ko. They fooled me and fed me up by lies. Baby, I'm sorry." 

Tumalikod na ako. Ayaw ko ng marinig ang sinasabi niya. Isang baby lang, gusto ko ng isuko ang sarili ko sa kaniya. God. Pinaparusahan niyo ba ako? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status