Share

SUA 9

"Dala mo na lahat ng gamit mo?" tanong ni mama ng pumasok siya sa kwarto ko.

Ngayon kami aalis para puntahan ang condo na inirekomenda ni tito Shawn sa amin.

"Opo mama," sagot ko. She smiled at kinuha niya ang kamay ko.

"Alam mo, mana ka nga sa amin ng papa mo. May prinsipyo at alam ang pinaglalaban."

Masaya ako marinig sa kanila yan. Hindi ko kailanman naramdaman na iba ako. Anak talaga ako sa kanila.

"Salamat po mama," saad ko.

Tumingin kaming dalawa sa salamin. Kamukhang kamukha ko si mama. Para kaming pinagbiyak na bunga, marahil dahil sabi niya, kamukha na kamukha niya rin si mama Alana. Ang totoo kong ina.

"Ang ganda mo anak. Ang ganda ganda mo," saad niya.

"Mas maganda naman po kayo sa akin mama," sabi ko. Natawa siya siguro dahil pareho naming alam na mag kamukha lang kami kaya kung anong makikita mo sa kaniya, ay makikita mo sa akin.

"Alam mo Sua, sobrang saya ko dahil lumaki kang matalino at mapagmahal na ate at anak sa amin ni Axcl. Hindi ko kailanman naranasan ang mamrob
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status