ホーム / Romance / Ang Nawawalang Bilyonarya / One : Sino si Glory Belle?

共有

Ang Nawawalang Bilyonarya
Ang Nawawalang Bilyonarya
作者: Juanmarcuz Padilla

One : Sino si Glory Belle?

last update 最終更新日: 2024-12-05 08:12:18

Yzza'z POV

MALALAKAS at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Araw  ng Sabado at gaya ng nakaugalian ng aming pamilya ay panahon na naman para pumunta sa bukid.

"Ano ba? Hindi ka ba gigising? Kanina pa ako katok ng katok at tawag sayo ng tawag dito a!" Dinig kong sigaw ni Inay Miriam mula sa labas. Mainit ang ulo nito ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito madalas paggising niya sa akin. Paminsan-minsan lang naman na hindi na nakapagtataka.

"Opo, nandiyan na! Liligpitin ko lamang ang aking kamang tulugan." Magalang namang tugon ko para hindi na ito magalburuto pa sa labas.

"Bilis-bilisan mo diyan at mataas na ang araw. Baka abutin ka pa ng isang oras sa pagligpit mo diyan." muling hirit ni Inay. Hindi na ako sumagot pa at baka lalo lamang itong atakihin ng high blood nito. Kilala ko si Inay, the  more na sinasagot-sagot, the more na maraming pinagsasabi.

Minadali ko na ang aking ang kilos. Narinig ko ang palabas na mahihinang yabag. Nakahinga na ako ng maluwag. Alam kong umalis na ang aking ina sa labasng kuwarto ko at kung hindi ako magkakamali ay  nasa kusina na ito. Tiyak na nagliligpit na ito ng mga dadalhing gamit sa aming pagpunta sa bukid.

Sabado at Linggo ang schedule namin sa pagpunta sa bukid. Doon na kami kakain ng almusal gaya ng nakasanayan na. Magkakape lang kami saglit at sabay-sabay na kaming aalis. Gamit ang kalabaw na siya naming sasakyan, kailangang maaga pa kami makarating sa bukid. Kung hindi, masusunog na naman ang balat ko sa matinding sikat ng araw.

Ilang sandali pa ay patungo na ako sa kusina. Hindi nga ako nagkamali dahil doon ko nadatnan si Inay na bising-bisi sa ginagawa habang ako ay huminto muna sandali sa may pintuan ng aming kusina. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa mesa na para bang ingat na ingat na makalikha ng anumang ingay na mapansin niya ang presensiya ko.Akala ko nga ay hindi niya napansin ang pagdating ko pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang magsalita.

"Magtimpla ka na ng kape mo at baka bigla na lamang tayong tawagin ng Itay mo. Ikaw din, aalis kang hindi man lang nainitan nag sikmura. May itinabi akong suman diyan. Ubusin mo na at baka mapanis lamang." Pahayag niya na hindi man lang ako nagawang sulyapan.

Hindi na ako umimik at nagtimpla na lamang ng aking kape. Hinanap ko ang sinasabi niyang suman sa ibabaw ng mesa. Hindi nga siya binigo ng kaniyang ina. Agad naman siyang natakam nang makita ang dalawang suman na mainit-init pa.

LAGING ganoon na ang  ruta namin lalo na tuwing weekend. Nasanay na din ako sa ganitong buhay kaya kahit halos masunog na ang aking balat sa init ng araw ay naging natural  na lamang sa akin. Kahit pa nga minsan sa school ay tinutukso nila akong bukid girl ay balewala na sa akin. Naging karaniwang panunukso na lang din ang lahat para sa akin.

Sa kasalukuyan ay  fourth year high school na ako. Hindi naman kalayuan sa amin ang paaralan kaya nagtyatyaga na akong lumakad araw-araw. Tiis-tiis lang kahit walang baon. Hindi naman kasi importante ang baon para sa akin e. Ang mahalaga ay ang sipag at tiyaga kapag nag-aaral. At the end of the day kasi, hindi naman ako gutom kahit hindi ako nakapunta ng canteen para magsnacks.

Kahit pa sabihing minsan ay naiinggit ako  sa aking mga kaklase kapag naiiwan ako sa aking upuan habang sila ay magkasama at masayang pumupunta sa canteen. Naging habit ko na lamang ang pumunta ng library at doon ay ibuhos ang vacant time ko para magbasa at matuto.

Minsan lang din  ako nakakalabas ng bahay. Hindi din naman ako mahilig gumala e. Mas gusto ko pa ngang nasa bahay lang ako at walang iniintindi kundi ang mga household choirs. Halos nakulong na sa loob ng bahay namin ang aking beauty. Ni hindi ko nga napagaksayahang ayusin ang sarili. Sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang mga lipstick na sinasabi. Malay ko diyan sa mga foundation na 'yan. Tanging pulbo lang at baby cologne ang alam kong ilagay sa katawan ko.

Kung sa damit naman ay hindi din ako maarte. Kahit ano lang basta alam kong bagay naman sa akin at komportable akong suutin ay ayos na sa akin. Kung minsan nga ay napagkamalan pa nga akong nanay. Nakakatawa man ay hindi ko na lang pinansin.

Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang nakikita ng tao o sasabihin nila tungkol sa akin. What I know is, as long as I happy and contented for what I have, who cares? Hindi din naman ako mamatay kung hindi maganda ang suot ko at kahit magmukha man akong manang or nanay di'ba?

PAGKATAPOS ng halos apat na oras sa umaga na pagtatrabaho ay masaya pa din kaming magkasamang magpapahinga sa lilim ng isang malaking puno ng mangga. Magtatanghali na kaya oras na naman para maghanda ng pananghalian.

Si Itay Samuel  ang nag-aararo ng lupang pagtataniman namin ng mais at kamoteng baging. Ako naman at si Inay ang siyang naglilinis sa gilid ng taniman. Kami na din ang nagdidilig ng iba pang mga tanim naming gulay na minsan ay siya naming pinagkukunan ng aming ikabubuhay. Sa kakarampot naming kita kapag naipagbili na namin ni Inay ang mga inani naming gulay ay saka lamang kami makakabili ng mga gamit pangkusina at iba pang pangangailangan namin sa bahay.

Dahil Sabado noon, tiyak na ako na naman ang naglalako ng mga gulay. Matapos nga naming kumain ay pinauna na nila akong umuwi ng upang magtinda ng inani nilang gulay gaya ng upo, sitaw, ampalaya at okra. Hindi naman gaanong kadami ang dala ko kaya nakaya kong dalhin iyon pauwi.

"Pagkatapos mong maibenta ang lahat ay bumalik ka rito at magdidilig pa tayo mamayang alas singko." Paalala ni Inay sa akin bago ako umalis.

"Opo, Inay." Maikling tugon ko na lamang. Agad na akong lumakad upang mabilis kong maibenta ang aking mga panindang gulay.

__________

GANOONG uri ng buhay ang aking kinamulatan kaya nasanay na ako at no choice kundi harapin ang katotohanang nag-iisa lang akong anak ng mag-asawa na siyang nagsilbing parehong lalaki at babae sa mga ito. Halos lahat ng gawain ng isang lalaki ay nagawa ko na. Hindi ko na nga halos naranasan ang pagiging isang dalaga dahil sa masyado na akong busy sa lahat kong pagtulong sa aking mga magulang. Halos nakalimutan ko na nga ang mag-ayos at gumala gaya ng mga ginagawa ng mga kaklase ko.

Kunsabagay, may mga tao talagang masuwerteng ipinanganak na mayaman.  Iyon bang kahit maghilata na lamang sa buong maghapon ay  wala ng poproblemahin pa. Hindi kagaya ko na kung hindi magbilad sa araw at magpakahiya sa paglalako ng mga panindang gulay ay hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Hindi naman ako nagsisisi o naiinggit sa mga ito. Ano din kung laki ako sa hirap? Mahal na mahal naman ako ng Itay Samuel at Inay Miriam ko. Ano din kung sunog sa araw ang aking balat? Ano kung nagbebenta ako ng mga panindang gulay? Marangal na trabaho naman iyon e.

Ang isa pang dapat kong ipagpasalamat ay dahil hindi naman iresponsable ang aking mga magulang. Palagi nila akong sinusupurtahan sa aking pag-aaral.  Hindi din nila ako pinababayaan sa aking mga gastusin. Basta ang sabi lamang nila sa akin, kung magpapakabait lamang ako at maging masipag sa pagtulong sa kanila sa bukid, hindi nila ako bibiguin.

Ang nakakalungkot lang kasi ay hanggang hayskul lamang ang maipapangako nila sa akin. Hindi na daw nila kaya pang tustusan ang aking gastusin sa kolehiyo. Iyon din ang aking pinoproblema sa kasalukuyan.

Ngayon pa lamang ay iniisip ko na kung paano ako makakapagpatuloy sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Gustong-gusto ko talaga makapagtapos para matulungan ko sila Inay at Itay. Gusto kong makapaggraduate at magkaroon ng magandang trabaho.

Pangarap kong maahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Ayuko nang habang buhay silang magsasakripisyo para sa akin.  Gusto kong  makita sila na isang araw ay ako naman ang magsisilbi sa kanila. Gusto kong makita silang maging proud sa akin at maging karangalan nila sa gitna ng karamihan.

Ang kaso nga, hindi ko na alam kung paano ko mapagpatuloy ang aking pag-aaral. Sino naman kaya ang tutulong sa akin para maipagpatuloy ang aking pangarap?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   24: Nakakatunog na si Yzza

    LOID XAVIER’s POVHindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng nadatnan kung tagpo sa pagitan ni Dad at ni Yzza. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit na naranasan ko nang magpakamatay si Mommy dahil sa iisang dahilan-- ang pambabae ni Dad. Malinaw ang naabutan ko-- may lihim na namamagitan sa dalawa!Isang bagay na siyang lalong nagpasiklab sa galit ko kay Dad kaya hindi ko napigilang makapagbitaw ng mga salitang kahit ako ay hindi inaasahang masasabi ko.Si Dad ang kausap ko pero nakay Yzza ang mga mata ko na para bang lahat ng sinasabi ko ay patama sa kaniya lahat. Alam kong nakakabigla para sa babae ang mga sinabi ko lalo pa’t wala itong alam sa sama ng loob ko kay Dad.Ang parang maiiyak na dalaga ang nanatiling tahimik lamang ngunit sinasalubong ang bawat mga mata ko. Na para bang lahat ng akusasyon ko rito ay ako di ang makokonsiyensiya. Hindi naman ako nagpatinag at nilabanan ng titigan ang babae.Hindi isang kagaya niya ang magpapabagsak sa akin o basta magpapasuko

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   23: Xavier Cross the Line

    YZZA’s POVHawak-hawak ko ang isang tray na kinalalagyan ng baso ng tinimplang gatas na inabot ko sa Don. Matiyaga kong hinintay na maubos niya ang laman ng baso. Hindi ko alam kung sinasadya ng Don na pabagalin ang pag-inom para magtagal din ako sa loob ng kuwarto niya.Hindi naman ako natatakot o nababahala pa sa presensiya niya kaya hindi na ako nagreact ng kanina ay pinaalis niya sina Manang Goring at Aling Fatima. Nakiusap siya sa dalawa na iwan kami at hayaan na lamang daw ako na siyang mag-asikaso sa kaniya.Hindi naman ako nagtaka o nangatwiran pa. Panatag akong hindi na katulad ng dati ang impressions kay Sir Sam. Gaya ng pakiusap nito noon, Sir Sam na talaga ang ginagamit kong pagtawag sa kaniya. Dahil nga dito ay mas lalo pa niya akong ginusto na laging makausap.‘Ang sarap! Ikaw ba ang nagtimpla nito?” Mayamaya ay wika niya na tinitigan ako ng sobra.Mabilis akong tumango at umiwas ng tingin. Hindi ako umiwas ng tingin dahil sa natatakot ako sa presensiya niya. Normal l

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   22: Selos Game

    YZZA’s POVKinaumagahan ko na nalaman ang tungkol sa nangyari sa Don. Ang matinding depresiyon na iniwan ng pagkawala ng asawa nito ay isa sa pangunahing tinuntukoy na dahilan ng lahat. Idagdag pa ang paliging pag-iinom nito na siya ngang naabutan ni Manang Goring.Pagpasok ko sa loob ng mansiyon nalaman ang buong detalye ng nangyari. Mabuti na nga lang at agad na sinugod sa pinakamalapit na ospital ang Don. Kung hindi, ang pagtaas ng blood pressure nito at pagkaroon ng masikip na paghinga ay siyang tumapos sa kaawa-awang kalagayan ng Don.Sa totoo lang, hindi ko na din maintindihan ang nararamdaman kong ito. Dati ay takot akong maramdaman ang presensiya nito at naiilang. Iyon nga ay dahil may kakaiba sa klase ng kaniyang titig kung ako ay kaniyang tingnan. Hindi ko namamalayang sa paglakad ng mga araw na nakikita ko siya at nakakasalubong sa loob at labas ng mansiyo ay puwede pa pa lang mabago ang impresiyon ko sa kaniya.Ang dating maling paratang ko sa pagkatao niya dahil sa kung

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   21: Leksiyon kay Loid Xavier

    LOID XAVIER’s POVDahil sa mga kalokohan namin Rico, past six na kami nakauwi sa mansiyon. Tired but enjoyed- this is the only feeling I have now, but I loved. Kahit papaano ay nakalimutan ko kung paano ka miserable ang buhay ko kapag nandito ako sa mansiyon at hacienda namin. Nasa likod lang ako habang walang kakibo-kibo. Si Rico naman ay nakapokus sa pagmamaneho ng dala naming kotse. Nasa likod naman ng kose ko ang mg nakuha naming isda na tiniyak kong buhay ng ilagayko sa isang maliit na cooler para panatilihing sariwa hanggang sa aming paguwi.Habang nasa biyahe, may nadaanan kaming isang bahagi ng lugar na para bang sinasadyang ipakita sa akin para muli ko namang maalala si Mom. Nagkataon namang sinadya kong buksan ang pinto just to getsome fresh air. Hindi ko nman akalain na mahahagip pa iyon ng mga mata ko.It was the most favourite amusement park ni Mom. Medyo may kalumaan na dahil sa dami ng tourist attractions sa buong Bayan ng Romblon, parang bolang naglaho sa kasikatan ang

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   20: Konektado

    THIRD Person’s POVI know it was a dream. Yeah, I was dreaming.Time and time, I visited her and her family. Hindi ako nakakalimot na puntahan ang asikasuhin ang babae at ang pamilya niya. I knew it is kind strange, yet unacceptable. Sino ba siya at ang mga magulang niya para pag-aksayahan ko ng panahon?There was nothing special between me and her.I even clueless of what I am doing. What is clear is, I doing her a favour for every mistakes I have done I the past. For years, tinago ko ang lihim na ito at kinimkim ang sama ng loob sa totoong mga magulang ng babae.I was totally filled with hatred. This hatred is getting deeper as I saw them happily. I don’t know if it's jealousy or what. What I want is to ruin their family, the happiness trade with my precious more than I!As I learned how she fell to a miserable life upon knowing her precious and firstborn daughter was taken away from her, I realized how selfish I am. Instead of being happy about the victory I sought in ruining her

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Nineteen : Puso ng ISang INa

    LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status