MALALIM na noon ang gabi pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din ako makakatulog. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga maiaalis sa isipan ko ang isipin ang tungkol sa aking pag-aaral ng kolehiyo.
Sa tantiya ko ay alas-nuebe na iyon at alam kong nagpapahinga na sina Itay at Inay sa kanilang kuwarto ng mga sandaling iyon. Magkatabi lamang kami ng kuwarto. Tanging isang sawaling dinding lamang ang nasa pagitan namin na siyang naghihiwalay sa dalawang kuwarto. Hindi naman gaanong kalakihan ang aming bahay. Malapad lamang ang sala at ang kusinang ekstensiyon lamang sa likuran. Nakahiwalay naman ang banyo at palikuan na may limang metro ang layo.
Nakadungaw lamang ako sa bintanang hindi ko pa din nasasara sa mga oras na iyon. Sakto namang full moon ng Sabadong iyon kaya naman napakaliwanag ng palibot. Malayang nakatanaw ang kanilang mga mata sa patag na bukirin sa likuran ng kanilang bahay. Malapit sa isang basakan ang kanilang bahay na hindi naman nila pagmamay-ari. Ang nasabing basakan ay pag-aari ng isang mayamang Don sa kanilang baryo, ang nag-iisang haciendero at biyudong si Don Samson Aguirre.
Si Don Samson ang pinakamayaman at halos nagmamay-ari ng malawak na bukirin at basakan sa buong baryo Magtulis. Sa kaniya halos nakapangalan ang buong lupain ng mga taga-baryo. Kahit ang pamanang lupa ay hindi nito pinatawad dahil lang sa kagustuhang makamkam ang buong lupain sa aming baryo.
May pagkaganid sa pag-aari at yaman ang nasabing Don. Lahat ay gagawin nito para sapilitang ipagbenta ng mga residente ang kanilang mga lupaing halos katumbas na ng kanilang buhay. Ang lupa kasi ng mga tagarito ay minana pa ng mga ito sa mga kaninu-ninuan ng mga ito na kahit sa hirap ng buhay ay hindi sana magawang ipagbili pero dahil sa kabuktutan ng Don, halos magmakaawa na lamang ang mga residente rito na bilhin na nila ang lupa alang-alang sa katahimikan ng kanilang mga isip at pamilya.
Ayon daw kasi sa mga naririnig niyang kuwento sa kaniyang Inay Miriam, simula ng mamatay ang asawa nito ay lagi na daw bugnutin ang Don. Lagi na din daw itong pikunin at hindi na makausap ng maayos.
Hindi na din daw ito palangiti at hindi na magiliw sa mga nakakausap nito araw-araw.
Ayon sa kaniyang pagtatanong, may isang anak na lalaki daw itong si Don Samson na nasa Maynila at nag-aaral pa. Nag-iisang anak lang daw ito ng Don nang mabiyudo ito sa asawang si Donya Mellina. Hindi na daw nagbalak pa ang Don na mag-asawa pa kahit sa murang edad nito noong mamatay ang asawa.
Sobrang mahal daw nito si Mellina. Iyon din nga daw ang dahilan kung bakit mas lalong naging sakim ang Don at balak na kamkamin ang lahat ng lupa ng mga tagarito.
Hindi ko pa kaylanman nakita ang anak ng don simula noon. Bihira daw kasi iyong pumirmi dito sa aming baryo simula nang mamatay ang Donya Mellina. Mahaba na ang isang araw ng pananatili nito sa hacienda at agad na itong babalik sa Maynila.
Magpapatuloy pa sana sa paglalakbay ang isip ko tungkol sa buhay ng Don nang bigla kong narinig na nagsalita si Inay sa kabilang kuwarto.
"Matulog ka na diyan at kanina ka pa nakadungaw. Malalim na ang gabi ay nakabukas pa din ang bintana mo."
Iyon ang malinaw na narinig kong sabi ni Inay. Marahil ay naalimpungutan siya at napansing maliwanag pa din ag kuwarto ko kaya niya nasabi iyon. Alam ko na wala namang dapat ipag-alala ang aking ina dahil Linggo naman bukas. Hindi din naman siguro sinabi niya iyon dahil sa paniniwalang may aswang o bilang panakot lang sa akin.
"Matutulog na din po Inay, mayamaya lang po." Magalang kong tugon para payapain na lamang ang loob nito.
Wala na akong narinig na sinabi pa nito. Ayuko pa sanang isara ang bintana ng aking kuwarto at matulog. Nage-enjoy pa kasi akong panoorin ang malaki at pabilog na buwan. Halos parang umaga lamang sa labas dahil sa liwanag na mula sa buwan. Parang kaysarap maglakad-lakad sa labas ng bahay pero nagpapigil na ako sa sarili. Baka saan na naman kami abutin ng aking Inay sa sermon kapag ginawa ko nga ang nasa isipan ko ngayon.
Hindi na nga ako nagpasita pang muli at maingat kong isinara ang bintana. Oras na para ayusin ko ang aking kamang tulugan. May kaliitan ang espasyo ng aking kuwarto. Halos dalawang metro lang ang agwat ng pintuan at ng aking kama. Isang metro naman ang layo ng bintana at tanging mga makukulay na kurtina na lamang ang nagdala.
May isang maliit na kabinet na kinalalagyan ng aking mga damit at isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang aking mga libro na binabasa ko tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Maliit man ay komportable naman ako sa aking kuwarto. Hindi din naman ako naiinitan sa gabi dahil yari naman sa sawali ang aming bahay. Problema ko nga lang ay tuwing sasapit ang tag-ulan dahil madalas tumutulo at tumatalsik ang ulan sa dinding.
Kunsabagay ay malayo pa naman ang tag-ulan kaya saka ko na lamang poproblemahin ang tungkol doon. Saka na lamang siya maginitiate ng sagot kapag kailangan na niyang kumilos at gumawa ng aksiyon.
LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di
THIRD PERSON’s POVNoon ay magtatakip-silim na. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng magpasya akong magpahinga kasama ang aking asawa. Nakaupo ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno ng acasia, samantalang ang asawa ko naman ay kasalukuyang natutulog sa isang duyan na nakasabit ng kabilaan sa dalawang punong-kahoy na hindi naman kalakihan pero malayo naman sa posibilidad na bibitaw ang naturang duyan sa pagkakatali.Nakasandal ang aking ulo sa isang malaking puno gamit ang aking mga siko habang ang mga paa ay malayang nakabukaka sa ibabaw ng nilikha kong sahig na gawa sa kawayan. Buong tiyaga kong tinatanaw angmalawak na kapatagan na pagmamay-ari ni Don Samson Aguirre. Nakapuwesto sa bahaging kanluran ang kapatagan kaya naging napakagandang tanawin para sa akin ang lugar at puwesto na iyon tuwing sasapit ang alas-says ng gabi.Kahanga-hanga ang tanawin iyon para sa akin. Pagkatapos ng maghapong mapagod sa pagtatrabaho sa bukid at pag-aalaga ng mga pananim na siyang panguna
YZZA’s POVMATAGAL nang nakaalis ang dalawang lalaki pero nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung napansin pa ni Xavier ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kanina nang bigla akong magmulat ng mata matapos magising sa isang inaasahang halik mula sa lalaki.Hindi ko maintindihan ang sarili kanina. Gustong-gusto ko siyang iwasan pero bakit para akong natulos kanina sa kinatatayuan? Ang mas malala pa, ini-imagine ko na hinahalikan niya ako sa mga labi ko nang hindi ko man lang tinututulan!‘Ang gaga mo talaga, Yzza!’ Sermon ng sarili kong isipan. ‘Hindi ko alam kung anong nakain mo at nagawa mong pagpantasyahan ang anak ng amo mo. Ang mabuti pa ay maligo ka dahil….’Hindi ko na pinatapos sa panenermon ang aking isipan dahil bahagya ko nang hinila ang manggas ng suot kong blusa. Basa ng pawis ang ilang bahagi ng kasoutan ko. Naamoy ko na din ang aking sarili dahil sa lagkit ng pawis ko. Ang baho ko na nga!Oras na para maligo ako.Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni D
YZZA’s POVMatapos kong kumain ay inutusan ako ni Don Samson na ayusin ang kaniyang kuwarto. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa totoo lang, wala naman akong karapatang tumanggi. Paano ko ba matatanggihan ang isang utos sa isang Don?Napakapelingira ko naman kong ako pa ang may ganang tumanggi. Ang haba ng hair ko sa part na ‘yon.Idagdag pa na gusto kong maging busy. Ang anak kasi ni Don Samson. Simula ng kaganapan sa pool, parang lagi na akong sinusundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin na iyon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang iwasan.May iba akong nararamdaman sa klase ng kaniyang titig sa akin. Isang bagay na ayuko munang isipin. Basta ang kailangan ko lang gawin ay iwasan siya, hangga’t maari.Tagaktak na ang pawis ko ng mga oras na iyon. Matapos ko kasing walisan ang buong paligid ng kuwarto ay nilampasuhan ko na din. Yari sa tiles an gang kuwarto kaya sobrang kintab ng malampasuhan ko. Gamit ang Domex, nagmistulang salamin ang tiles. Ha
YZZA’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kaming maghiwalay ng landas ni Sir Loid Xavier sa pool, hindi na ako dinalaw ng antok. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ba iyon sa kaba ng muntikan na akong malunod o dahil namamahay pa din ako? Hindi ko masabi kung alin sa dalawang iyon ang dahilan o may iba pang kahulugan. Simula kasi kagabi, hindi na makatkat sa isipan ko ang mukha ng binata. Ang mala-Papa P Pascual niyang masculine figure ay parang tintang nag-iwan ng mantsa sa isipan ko. Kahit anong pilit kong alisin siya sa isipan ko ay para siyang sardinas na pilit ipinagsiksikan sa isipan ko. Ang six-pack abs niya parin ang nakikita ko kahit nakapikit na ako. Ang mas hindi ko makalimutan ay ang iyong ano niya. Kahit nakasuot pa ito ng boxer kagabi, hindi pa din niyon naikubli ang tunay na sukat niyon. Idagdag pang basa na ang binata at dahil isang lalaki ay normal na nag-init ang pakiramdam. Ang isa pang hindi ko maalis sa isipa
YZZA’s POVNapaubo ako sa aking muling pagmulat ng aking mga mata. Kasabay din no’n ay paglabas ng maraming tubig na nainom ko siguro kanina ng malunod ako. Hindi naman ako sa marunong lumangoy, sadyang nagkapulikat lang ako. Dahil na din siguro sa currency ng tubig at dahil medyo malalim na, nawalan na ako ng balance at walang naisip na gawin kundi humingi ng tulong kahit pa sabihing alam kong walang makakarinig sa akin dahil lahat ay puro tulog na. Nagulat na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakaluhod malapit sa akin.“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa akin?”.Iwan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko kahit malinaw naman sa akin na ito ang tumulong para makaahon ako sa pool. Niyakap ang sarili na parang nakahubad kahit may suot pa akong panty at bra. Never pa kasing may nakakita sa akin na nakasuot ng ganito“Ganyan ka ba magpasalamat?” Tinawanan lamang ng lalaki ang tanong ko. “Sino ako? Ako lang naman itong sumagip sa iyo sa pagkakalunod mo sa pool.” Tumayo na nga ang lala