Share

Six : Sakripisyo

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-17 00:06:19

LOID XAVIER’S POV

Me and Rico, my family’s driver are heading to our Hacienda Aguirre at Romblon. Mula sa aking tinutuluyang magarang bahay ng aking Tita Olga at Tito Eleazar, lula ng isang kotseng pag-aari ni Dad ay nakasimangot na ako. Uuwi na naman kasi ako sa boring, matanda at puno ng malulungkot na ala-ala ni Mommy na klase ng lugar. Isang bagay na labis kong ikanayayamot pa ay mukhang magtatagal ako roon dahil sa kailangan daw ako ni Dad na asikasikuhin ang mga properties namin. Since bugtong na anak lamang ako ni Dad, wala siyang ibang maasahan kundi ako.

Tumawag siya sa akin sa telepono kagabi. Pinapauwi na niya ako dahil kailangang-kailangan niya na daw ako sa amin.Tumanggi man ako ay hindi na iyon pinansin pa ni Dad. Sinubukan ko pang gumawa ng kuwento. Na kesyo hindi pa ako puwedeng makauwi dahil may mga school papers pa akong kailangang mai-submit. Pero honestly ay wala naman kasi bago pa man magsara ang klase, I been completely passed every projects and researches.

Hindi na umandar ang mga rason ko mas kailangan daw ako ni Dad. He also want me to pursue going home right away after two days. My father’s orders are firm and final. Hindi ito dapat nade-delay or nai-interrupt. Kilala niya ang kaniyang Dad. He supposed to be the dictator and decision-maker of the house, as always he does.

Heto nga at wala na akong nagawa kundi sundin ang pakiusap na utos niya.

“Wag ka nang sumimangot. Ibang-iba na ang Hacienda Aguirre kaya you won’t bored there anymore. Marami nang nabago at binago ang Dad mo sa lugar, securing that you won’t be feel sad when you saw any memories of your Mom and you.” Tinig iyon ni Rico na nasa driver seat.

Kitang-kita kasi nito sa salaming nasa uluhan nito ang hindi maipinta kong mukha.

Iniwas ko ang aking mga mata at itinapon sa labas ng bintana. Sinubukan kong aliwin ang sarili sa mga nararaanang mga nagtataasang building ng siyudad. Ayaw na ayaw kong magkaroon ng puwang sa isip ko ang maalala ang Mommy Mellina niya. Ayaw kong maramdaman ang lungkot o mangulila kay Mom pero dinadala ako ng panahon para bumalik sa lugar na ayaw sanang makita sa ngayon.

Paano maghihilom ang sugat kung muli’t muli ay mauungkat ang nakaraan? Paano ako makapagsimula kung ang mga Dad ko mismo ang gumagawa ng paraan para maging malapit sa akong muli sa lugar? Mas mas lalong lumalim ang lungkot? O baka naman ay gusto ni Dad na hindi lang siyang mag-isang mangulila? Dapat ba ay pati din ako?

Ano ba namang biro ito ni Dad? Iyong iwas na iwas nga ako ay saka naman niya pilit akong pinapauwi. Kung siya ay nadadala niya sa paglalasing at pagdala ng iba’t ibang babae sa kuwarto nito ang pangungulila kay Mom, paano naman ako?

I swear that I never taste any kind of alcohol ever since. Kahit nga wine ay ayaw ko. Ayuko maengganyo ako o matuto ako. Even the smells of any liquors makes me dizzy the moment its foul scent reach my nosetrils.

Hindi ang magagarang building ang pumapasok sa isip ko. Ang naglalaro sa isipan ko ay mga gagawin ko pag-uwi upang hindi ako mabored sa amin. Balak kong mag fishing, maghiking, magmountain climbing sa Mt. Guting-guiting. Marami akong naiisip. Marami akong nais puntahan.

I missed everything about Romblon.

Paano ba magzipline? Paano ba magtour sa ilang Isla para sa Island hopping. Kumusta ang Carabao Island? Ang Bonbon Beach? Ang Tiamban Beach?

Sumilay ang isang matipid na ngiti habang isa-isa kong ini-imagine ang mga pupuntahan ko sa aking pag-uwi. Bahala na kung magalit si Dad kung hindi ako mapirmi sa bahay. Kukulitin ko si Mang Rico na samahan ako.

Ayaw kong mag-stay sa bahay. I don’t want to be there. Never! Umandar na naman ang pagiging suplado ko. Ganito na talaga ako ever since my Mom passed away. Parang kulang na lang ay isumpa ko ang lugar na ito. Even my shadow hates to be here.

Busy na noon si Eric kaya hindi na nito nakita pa kong paano ako napangiti ng lihim.

_____

YZZA’s POV

MAAGA akong ginising ni Inay Miriam. May importante daw akong puntahan ngayong araw. Hindi nila sinabi ni Itay kung ano at kung saan pero pinagmamadali nila ang aking kilos.

“Bilisan mong maligo! Naku! Ang batang ito, kung saan mas importante, doon naman naging pagong. Pabagal-bagal ang kilos!” Kahit sa banyo ay dinig na dinig ko ang pahapyaw na parinig ni Inay. Hindi natalo ng lagaslag ng tubig gripo ang boses nito. Kahit nga magbuhos ako ng isang tabo ng tubig para basain ang buong katawan ko ay mas nangingibabaw pa din ang boses ni Inay. Malinaw ko pa ding naririnig ang pagtatalak nito dangan kasi ay nasa loob ng aming bahay ang aming banyo at katabi lamang ito ng aming kusina.

Ayuko ko talaga sanang lumakad ngayon. Pinipilit ko nga lang kumilos pero sa totoo lang ay wala talaga akong ganang gumalaw. Idagdag pa na ayaw nilang sabihin kung saan ang punta ko at ganoon na lamang ang pag-apura sa akin.

“Ihahanda ko na ang mesa para sabay na tayong kumain. Mamaya ay baka hindi na matanggap ‘tong anak natin sa trabaho.” Kasunod na narinig ko mula kay Inay.

Sinasadya ko na ngang bagalan ang aking pagkilos para malinawa na marinig ang usapan nilang dalawa. May hindi pa kasi sila sinasabi kaya na-curious ako sa kung ano talaga ang pag-uusapan nila.

‘Trabaho? Mag-aaplay ako ng trabaho? Ano namang trabaho? At saan?’ Ilan lamang sa maraming tanong na nabubuo sa isipan ko. Dahan-dahan akong nagshampoo ng buhok para hindi mawala sa linya, este sa topic nilang mag-asawa.

“Naku, ‘wag mo nang stressin ang sarili mo! Mag-init ka lang kag maguba ang adlaw mo! (Maiinis ka lang at masisira ang araw mo).” Narinig kong pagpakalma rito ni Itay Samuel. “Sabi ng Don Samson, dapat daw mag-ayos ang ating anak sa pagpunta niya sa hacienda. Doon ay magsisimula na siyang magtrabaho bilang kasambahay simula sa araw na ito.”

Napatigil ako ng pagshashampoo ng buhok at napayakap sa sarili.

Okay lang sana kung trabaho nga ang pupuntahan ko. Mas makakabuti iyon para sa akin para at least ay makatulong ako kina Itay at Inay. Tutal ay bakasyon naman ngayon kaya hindi na magiging kalabisan sa akin kung mamasukan man akong kasambahay habang walang pang klase. Kaso nga lang, sa dinami-dami ng mga taong pwede kong maging amo… bakit si Don Samson Aguirre pa?

Alam naman nilang ayuko sa taong iyon! O kung alam nga nila?

Kakaiba ang matandang iyon kung tingnan ako. Nababasa ko sa mga mata nito ang labis na pagnanasa. At iyon ang kinakatakutan ko!

Halos manlamig ako at manigas sa kinatatayuan. Alam kong malamig ang tubig kanina pero hindi ko iyon naramdaman dahil sa pagmamadali. Ngayon ko lang nakilala ang lamig ng tubig.

Iyon pala ang dahilan kung bakit nagsadya si Itay kay Don Samson kahapon. Pera nga talaga ang dahilan ng pagpunta roon ni Itay. Ang masaklap pa, umutang na siya ng paunang bayad para sa aking trabaho. Hindi pa nga ako nakakapagsimula ay na-utangan na.

Gusto kong maiyak dahil sa nalaman. Inilihim na nga nila ang tungkol sa pupuntahan ko, pati ba naman ang pag cash advance ay hindi din sinabi?

Para naman akong alipin na ibenenta ng mga ito sa mayaman! Anong klaseng magulang sila?

Bumalong ang mga luha sa mga mata ko at nahulog sakto sa mismong timba. Nahimasmasan ako dahil dito. Kailangan ko nang matapos sa pagliligo dahil lalakad ako. Sinubukan kong kalmahin ang mga mata ko at tiniyak na walang bakas ng luha doon.

Ayaw kong pangunahan ang mga magulang kahit dinidiktahan na ng mga ito ang buhay ko. Alang-alang sa pagiging anak ko sa mga ito at sa aking pagpapatuloy ng pag-aaral, mag-iipon ako. Susubukan kong kunin at ipunin ang aking magiging sahod para sa aking pagbabalik iskuwela pagkatapos ng bakasyon.

“Yzza, ano ba? Matagal pa ba ‘yan? Halika na at nang makakain na tayo! Lalamig na ang pagkain rito!” Narinig kong tawag ni Inay Miriam.

“Andiyan na po, Inay! Magbibihis na lang!” malambing pa ding tugon ko kahit sa totoo lang ay sobra na akong nasaktan sa ginawang paglihim ng mga ito sa akin.

“Sige, bilisan mo na at mag-aalas siyete emedya na.” dagdag ni Inay.

Matapos ko ngang matiyak na okay na ulit at kalmado na ang mga mata ko, lumabas na ako ng banyo at nakapagpalit na din ng damit. Ibinalot ko sa tuwalyang makapal ang aking maitim at tuwid na buhok upang mabilis na matuyo.

“O halika na! Dito ka na maupo!” Mayamaya ay alok ni Itay Samuel nang makita niya akong lumabas na ng banyo. Isang karaniwang ngiti ang aking ibinigay rito upang manatiling kalmado ang sitwasyon. Hindi ko na ibig pang mangusisa sa mga ito dangan ay narinig ko na din ang lahat ng piang-uusapan ng mga ito.

Umupo na nga ako at nagsandok ng kanin.

Hindi ko namalayang kanina pa ako tinitigan ng aking Itay. Nagtaka naman ako kaya bumuka ang bibig ko at nagtanong. Hindi ko napigilan ang sariling makapagtanong.

“Bakit po, Itay? May problema po ba?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Juanmarcuz Padilla
sorry busy po ako maam. puwede pong pasupport ng books ko?
goodnovel comment avatar
Susan Maranan
more up dates please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Nineteen : Puso ng ISang INa

    LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Eighteen: Past Torture

    THIRD PERSON’s POVNoon ay magtatakip-silim na. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng magpasya akong magpahinga kasama ang aking asawa. Nakaupo ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno ng acasia, samantalang ang asawa ko naman ay kasalukuyang natutulog sa isang duyan na nakasabit ng kabilaan sa dalawang punong-kahoy na hindi naman kalakihan pero malayo naman sa posibilidad na bibitaw ang naturang duyan sa pagkakatali.Nakasandal ang aking ulo sa isang malaking puno gamit ang aking mga siko habang ang mga paa ay malayang nakabukaka sa ibabaw ng nilikha kong sahig na gawa sa kawayan. Buong tiyaga kong tinatanaw angmalawak na kapatagan na pagmamay-ari ni Don Samson Aguirre. Nakapuwesto sa bahaging kanluran ang kapatagan kaya naging napakagandang tanawin para sa akin ang lugar at puwesto na iyon tuwing sasapit ang alas-says ng gabi.Kahanga-hanga ang tanawin iyon para sa akin. Pagkatapos ng maghapong mapagod sa pagtatrabaho sa bukid at pag-aalaga ng mga pananim na siyang panguna

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Seventeen: Inlove ang peg!

    YZZA’s POVMATAGAL nang nakaalis ang dalawang lalaki pero nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung napansin pa ni Xavier ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kanina nang bigla akong magmulat ng mata matapos magising sa isang inaasahang halik mula sa lalaki.Hindi ko maintindihan ang sarili kanina. Gustong-gusto ko siyang iwasan pero bakit para akong natulos kanina sa kinatatayuan? Ang mas malala pa, ini-imagine ko na hinahalikan niya ako sa mga labi ko nang hindi ko man lang tinututulan!‘Ang gaga mo talaga, Yzza!’ Sermon ng sarili kong isipan. ‘Hindi ko alam kung anong nakain mo at nagawa mong pagpantasyahan ang anak ng amo mo. Ang mabuti pa ay maligo ka dahil….’Hindi ko na pinatapos sa panenermon ang aking isipan dahil bahagya ko nang hinila ang manggas ng suot kong blusa. Basa ng pawis ang ilang bahagi ng kasoutan ko. Naamoy ko na din ang aking sarili dahil sa lagkit ng pawis ko. Ang baho ko na nga!Oras na para maligo ako.Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni D

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Sixteen: Paastigan

    YZZA’s POVMatapos kong kumain ay inutusan ako ni Don Samson na ayusin ang kaniyang kuwarto. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa totoo lang, wala naman akong karapatang tumanggi. Paano ko ba matatanggihan ang isang utos sa isang Don?Napakapelingira ko naman kong ako pa ang may ganang tumanggi. Ang haba ng hair ko sa part na ‘yon.Idagdag pa na gusto kong maging busy. Ang anak kasi ni Don Samson. Simula ng kaganapan sa pool, parang lagi na akong sinusundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin na iyon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang iwasan.May iba akong nararamdaman sa klase ng kaniyang titig sa akin. Isang bagay na ayuko munang isipin. Basta ang kailangan ko lang gawin ay iwasan siya, hangga’t maari.Tagaktak na ang pawis ko ng mga oras na iyon. Matapos ko kasing walisan ang buong paligid ng kuwarto ay nilampasuhan ko na din. Yari sa tiles an gang kuwarto kaya sobrang kintab ng malampasuhan ko. Gamit ang Domex, nagmistulang salamin ang tiles. Ha

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Fifteen: Love Triangle

    YZZA’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kaming maghiwalay ng landas ni Sir Loid Xavier sa pool, hindi na ako dinalaw ng antok. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ba iyon sa kaba ng muntikan na akong malunod o dahil namamahay pa din ako? Hindi ko masabi kung alin sa dalawang iyon ang dahilan o may iba pang kahulugan. Simula kasi kagabi, hindi na makatkat sa isipan ko ang mukha ng binata. Ang mala-Papa P Pascual niyang masculine figure ay parang tintang nag-iwan ng mantsa sa isipan ko. Kahit anong pilit kong alisin siya sa isipan ko ay para siyang sardinas na pilit ipinagsiksikan sa isipan ko. Ang six-pack abs niya parin ang nakikita ko kahit nakapikit na ako. Ang mas hindi ko makalimutan ay ang iyong ano niya. Kahit nakasuot pa ito ng boxer kagabi, hindi pa din niyon naikubli ang tunay na sukat niyon. Idagdag pang basa na ang binata at dahil isang lalaki ay normal na nag-init ang pakiramdam. Ang isa pang hindi ko maalis sa isipa

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Fourteen : Kilig Feber

    YZZA’s POVNapaubo ako sa aking muling pagmulat ng aking mga mata. Kasabay din no’n ay paglabas ng maraming tubig na nainom ko siguro kanina ng malunod ako. Hindi naman ako sa marunong lumangoy, sadyang nagkapulikat lang ako. Dahil na din siguro sa currency ng tubig at dahil medyo malalim na, nawalan na ako ng balance at walang naisip na gawin kundi humingi ng tulong kahit pa sabihing alam kong walang makakarinig sa akin dahil lahat ay puro tulog na. Nagulat na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakaluhod malapit sa akin.“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa akin?”.Iwan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko kahit malinaw naman sa akin na ito ang tumulong para makaahon ako sa pool. Niyakap ang sarili na parang nakahubad kahit may suot pa akong panty at bra. Never pa kasing may nakakita sa akin na nakasuot ng ganito“Ganyan ka ba magpasalamat?” Tinawanan lamang ng lalaki ang tanong ko. “Sino ako? Ako lang naman itong sumagip sa iyo sa pagkakalunod mo sa pool.” Tumayo na nga ang lala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status