Share

Chapter 05

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-10-25 02:15:35

-Freya-

Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?

“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”

Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”

Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.

“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”

Napailing na lang ako. Magaling din!

“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”

Saglit akong nag-isip.

Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at binasa ang first page.

Sa una ay maayos pa ang ekspresyon ng mukha ko, pero nang mabasa ko ang nakasulat tungkol sa perang ibibigay niya sa akin, halos manlaki ang mga mata ko. Isang milyon!

Isang milyong piso agad ang matatanggap ko kapag pumayag akong pakasalan siya sa lalong madaling panahon.

Napakurap ako nang ilang beses at muling binasa ang nakasulat, baka sakaling mali lang ang pagkakaintindi ko.

Pero hindi. Tama ang nabasa ko. Ano 'to? Installment? Paunang bayad ganun?

“Keep reading,” nakangiting utos ni Harry na mukhang natuwa pa sa reaksyon ko.

Napakunot naman ako ng noo bago muling ibinalik ang pansin sa dokumento.

Inilipat ko ang papel sa susunod na page at agad na tumambad sa akin ang kabuuang halagang matatanggap ko pagkatapos naming maghiwalay.

Sampung milyong piso. Nakakamangha pa rin talaga.

Pero agad ding napawi ang pagkagulat ko nang mapansin ang isa pang nakasulat sa ilalim ng kasunduan.

Posibleng maextend ang kasal namin kapag may hindi inaasahang pangyayaring makaaapekto sa napagkasunduan namin.

“Anong ibig mong sabihin? Anong extend?” tanong ko habang itinataas ang dokumento. “Akala ko ba, one year lang?”

“Baka kasi biglang maghinala ang lolo ko,” kalmado niyang sagot. “Kapag may napansin siyang kahina-hinala sa pagsasama natin, wala tayong choice kundi i-extend ang marriage natin hanggang sa maging kumbinsido siyang totoong mag-asawa tayo.”

Napakadali para sa kanya na sabihin iyon dahil hindi naman siya ang kailangang magsakripisyo nang malaki.

Ako ang kailangang makisama sa kanya, magkunwaring asawa niya sa harap ng ibang tao, at posibleng isakripisyo ang sarili kong kalayaan para lamang mapaniwala ang lolo niya.

At ngayon, may posibilidad pang hindi matupad ang isang taon na napagkasunduan namin?

Ang galing talaga!

Pinaikutan ko siya ng mga mata bago muling ibinalik ang pansin sa dokumento. Gusto ko nang matapos ang pagbabasa para malaman ko kung ano pa ang mga kondisyon niya.

Pero nang makarating ako sa ikatlong pahina, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

Una, nakasaad dito na sa iisang kuwarto lang kami matutulog sa buong panahon ng aming pagsasama.

Pangalawa, kailangan naming maging sweet sa isa't isa, lalo na kapag nasa labas kami o may mga taong nakakakita sa amin.

At pangatlo…

Nanlaki ang mga mata ko. Muli kong binasa ang nakasulat.

Tapos, isa pang beses. Baka naman may mali lang sa pagkakaintindi ko.

Pero kahit ilang beses kong basahin ang pangungusap, hindi nagbabago ang kahulugan nito.

Required kaming magtalik bilang mag-asawa. Ano?!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Galit kong ibinagsak ang folder sa ibabaw ng desk niya. Napalakas ang pagkakahampas niyon sa mesa kaya bahagyang gumalaw ang ilang papel na nandoon.

Wala na akong pakialam kung boss ko siya. Hindi ko hahayaang basta na lang niya akong utusang gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ko.

“Anong required mag-s3x?!” galit kong sigaw habang pinanlalakihan siya ng mga mata. “Hindi ako papayag!”

Hindi agad sumagot si Harry. Sa halip, tiningnan niya ang folder bago ibinalik sa akin ang kanyang malamig na titig.

“Kasal tayo, Miss Dela Cruz, so…”

“Ang sabi mo, business lang ‘to!” putol ko sa sasabihin niya bago ako padabog na tumayo. “Hindi ba malinaw na kunwari lang ang kasal na ito? Bakit kailangan pang isama ang ganoong kondisyon? Bakit kailangang mags3x?”

Akala ko, pera lang ang magiging kapalit ng pagsasama namin. Akala ko, kailangan ko lang magpanggap bilang asawa niya sa loob ng isang taon at pagkatapos ay matatapos na ang lahat.

Pero hindi ko inaasahang pati ang katawan ko ay gusto niyang isama sa kasunduan!

Anong tingin niya sa akin? Isang bagay na pwede niyang bilhin dahil lamang sa mayaman siya?

“Hindi ako papayag na ikama mo ako!” madiin kong sabi habang nakatitig sa kanya. “Magpapagalaw lang ako sa lalaking mahal ko!”

Nakita ang pag-igting ng kanyang panga sa sinabi ko.

Napatitig siya sa akin nang ilang segundo na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumayo mula sa swivel chair niya.

Mabilis siyang naglakad palapit sa akin at ilang hakbang lang ay nasa harap ko na siya.

Napaatras ako nang bahagya nang mapansin kong ilang pulgada na lang ang pagitan namin.

Matangkad siya, at dahil sa seryosong ekspresyon ng mukha niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kaba.

Pero hindi ako nagpahalata. Hindi ako uurong sa usapang ito.

“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong niya habang tuwirang sinasalubong ang mga titig ko.

Hindi ako sumagot. Hinintay ko siyang magpatuloy.

“Lalaki ako, Miss Dela Cruz. May mga pangangailangan din ako.”

Napakunot ang noo ko. “So?”

“So, hindi ako ang tipo ng lalaking kung sino-sinong babae na lang ang kukunin para ikama.” Bahagya siyang yumuko upang mapantayan ang tingin ko. “May asawa ako, so bakit pa ako kukuha ng ibang babae? Alam mong makapangyarihan akong tao. Maraming mata ang nakatingin sa akin, at bawat kilos ko ay pwedeng makaapekto sa pangalan at reputasyon ko. Kapag may nakakita sa akin na pumasok sa isang hotel kasama ang ibang babae, ano sa tingin mo ang iisipin nila?”

Hindi ako nakasagot.

“Isipin mo na lang ang magiging balita. Si Harry Anderson, kasal na pero nakikipagkita pa sa ibang babae sa isang hotel.” Bahagya siyang napailing. “Kahit wala namang nangyari, sapat na ang ganoong larawan para pag-usapan ako ng mga tao. At kapag nalaman ito ng lolo ko, mawawalan ng silbi itong arrangement natin. Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, Miss Dela Cruz.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 010

    -Freya-Kinabukasan, ipinahanap niya ako at pinabantayan sa mga tauhan niya. Nakita nilang naghahanap ako ng trabaho at nagtatanong-tanong sa iba't ibang mga fast food chains kung may bakanteng trabaho.Dahil wala naman akong pinag-aralan, sa tingin ko ay doon lang ako nararapat na magtrabaho. Doon daw lalo pang humanga sa akin si Harry.Sa kabila raw ng lahat ng pinagdaanan ko, hindi ako nagpatinag at patuloy pa rin akong nagsikap na makahanap ng trabaho. Para bang hindi ako bagong hiwalay sa asawa at walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kinabukasan.Dahil doon, inutusan niya ang assistant niya na gumawa ng flyer tungkol sa Anderson Industries at ipinabigay iyon sa akin.Siyempre, dahil kailangan ko ng trabaho, at malaking kumpanya ang Anderson Industries, excited akong nag-apply doon. Hindi ko naman inakalang agad akong matatanggap, lalo na at wala akong gaanong karanasan pagdating sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.Pero hindi ko alam na may nakatago pala siyang i

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 09

    -Freya-“Freya! Ang aga mo yatang dumating ngayon?” nakangiting bati ni Mia nang pangbuksan niya ako ng pint0 ng apartment niya.Si Mia ay isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan. Magkaibigan na kami mula pa noong high school, at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Alec. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay, at kahit hindi kami palaging nagkikita noon dahil pareho kaming abala sa pagtatrabaho, hindi naman nabawasan ang pagiging malapit namin sa isa't isa.Isa na siyang elementary teacher ngayon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil pareho kaming nagtrabaho noon para matustusan ang aming mga pangangailangan. Gayunpaman, lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pambayad ng tuition at iba pang gastusin sa pag-aaral, samantalang ang sahod ko naman ay ipinapadala ko sa tatay ko sa probinsiya. May bahagi rin akong inilalaan para sa pag-aaral ni Adrian, ang nakababata kong kapatid. Kaya siya nakatapos ng college at ako ay hindi.Matagal nang pumanaw ang nanay ko. Nasagasaan siya

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 08

    -Freya-Hindi na ako nag-overtime noong araw na ‘yon.Bakit pa? Hindi ko na rin naman kailangang maghabol ng dagdag na kita kapag naging asawa ko na si Harry. Pagkapirma ko pa lang sa kontrata, isang milyon na agad ang ibibigay niya sa akin. Sapat na iyon para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag at masimulan nang bayaran ang mga utang ko, pero uunahin ko muna si tatay, siyempre.Isa pa, kinausap niya rin ako kanina tungkol sa palagi kong pag-o-overtime. Hindi naman daw sa pinagbabawalan niya akong magtrabaho nang lampas sa oras, pero ayaw lang niyang maabuso ang katawan ng mga empleyado niya. Baka raw magkasakit ako kapag palagi akong nagpupuyat at kulang sa pahinga.At least, may concern pa rin pala siya sa mga empleyado niya kahit paano.Kaya naman hindi nakapagtataka na nagulat ang mga kasamahan ko nang makita nilang tumayo na rin ako mula sa desk ko pagsapit na pagsapit ng alas-singko. Karaniwan kasi, ako ang isa sa mga huling umaalis sa departament namin. Minsan nga, halo

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 07

    -Freya-“So, paano na ang gagawin natin? Hindi mo naman basta pwedeng ianunsyo na ikakasal na tayo, eh hindi naman nila tayo nakitang nag-date kahit minsan. Baka… baka hindi maniwala ang lolo mo kapag sinabi mong matagal na tayong mag-on.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Harry nang marinig ang sinabi ko. Dahil nagtanong ako ng ganon, iniisip niya na siguro na pumapayag na ako sa alok niya.“Well, pwede nating sabihin sa kanila na nagkakilala tayo sa isang coffee shop sa Amerika. Nabangga mo ako at nabuhusan ng kape. Tapos, nang punasan mo ang nabasang pantalon ko, aksidente mong nasagi ang ano ko… at doon nagsimula ang lahat.”Napatitig ako sa kanya.Ang pangit naman ng script nito! Bakit kailangan pang isingit ang pagsagi sa ano niya? Manyak ba ang lalaking ‘to?Hindi ba pwedeng simpleng love story na lang? Iyong nagkabanggaan kami, nagkausap, nagpalitan ng number, at unti-unting nahulog sa isa’t isa? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong eksena? Juskolord! Baka naman sabihin

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 06

    -Freya-Biglang bumigat ang mga dibdib ko sa sinabi niya, at pati ang mga ut0ng ko ay nanigas dahil sa sinabi niyang lalaki siya at may pangangailangan. Teka, bakit ganito na agad ang epekto sa akin ng lalaking ito? Eh ayoko ngang magpakasal sa kanya!Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ngumingiti siya nang ganoon, parang bigla akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang maayos. Nakakainis! Dapat ay galit ako sa kanya dahil sa nakakainis niyang proposal, pero bakit parang mas nauuna pang mag-react ang puso ko kaysa sa utak ko?Napahalukipkip na lang ako at hindi inalis ang tingin sa kanya.“Lalong ayokong pumayag na magpakasal sa'yo dahil diyan, Mr. Anderson.”Bahagya siyang napangiti, na para bang hindi man lang siya naapektuhan sa pagtanggi ko. Sa halip, mahinahon niyang isinara ang folder na nasa ibabaw ng desk niya at saka ako muling hinrap.“Iuwi mo muna ang kontrata at pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” sabi niya. “Ten million pesos ang matatanggap mo, at ipapaopera k

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 05

    -Freya-Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”Napailing na lang ako. Magaling din!“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”Saglit akong nag-isip.Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at bina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status