LOGIN-Freya-
Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata.
Tinatanong niya ako ng will you marry me, pero wala naman siyang pinapakitang singsing. Hays!
At sa itsura niya ngayon, para bang sigurado na siyang oo ang isasagot ko. Marahil ay iniisip niyang sa sandaling banggitin niya ang sampung milyong piso at ang operasyon ng tatay ko, wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang alok niya.
Well, he was wrong.
“Ayoko,” mariin kong sagot.
Bahagyang umangat ang isang kilay niya. “Excuse me?”
“Ayoko pong magpakasal sa inyo.” Itinaas ko ang aking baba. “At kung maaari lang, huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. Isa kayong baliw, sir.”
Akala ko ay magagalit siya sa sinabi ko. Baka pagalitan niya ako, tanggalin sa trabaho, o kaya naman ay paalisin sa opisina niya.
Pero sa halip na magalit, bigla siyang natawa nang malakas.
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kanya. Ano na naman ang nakakatawa?
“Ako, baliw?” natatawang tanong niya. “Tell me, Miss Dela Cruz, sinong matinong tao ang mag-aalok ng sampung milyong piso sa isang ordinaryong empleyado para lamang pakasalan siya? Ako lang, hindi ba?”
Napanganga ako. “Hindi po iyon dahilan para tawagin kong matino kayo!”
Lalo siyang natawa.
“Fine. How about this?” Bigla siyang tumigil sa pagtawa at muling sumandal sa kanyang upuan. “Ipopromote kita once you agree.”
Napatigil ako. “Ha?”
“Gagawin kitang manager. Hindi ka na basta encoder, at hindi mo na kailangang magtiis sa pambubully ni Giselle sa’yo.”
Parang may bombang sumabog sa loob ng opisina, at halos mapatayo ako sa kinauupuan ko. “Ano?! Pati ba naman iyon, alam ninyo?”
Hindi na siya ngumiti. Sa halip, seryoso siyang tumingin sa akin. “Alam kong binu-bully ka niya.”
Naramdaman kong biglang uminit ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa hiya.
Ilang beses ko nang tinitiis ang pambubully ni Giselle sa aki sa opisina. Palagi niyang ipinapaalala sa akin na hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo at wala akong karapatang mangarap ng mas mataas na posisyon.
Madalas niya akong utos-utusan kahit hindi naman bahagi ng trabaho ko ang mga ipinapagawa niya.
Kapag may pagkakamaling nagagawa ang ibang empleyado, kung minsan ay sa akin niya ipinapasa ang sisi. At sa tuwing sinusubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, lagi niyang ipinagmamalaki na mas mataas ang pinag-aralan niya kaysa sa akin, at mas mataas ang posisyon niya.
Hindi ko iyon ipinagsasabi sa iba dahil ayokong isipin nilang mahina ako o hindi ko kayang harapin ang problema ko sa trabaho.
Pero ngayon, lumalabas na alam pala ni Harry ang lahat.
“Alam niyong binubully niya ako, pero hindi niyo siya tinatanggal?” galit kong tanong. “Kung alam niyo ang ginagawa niyang ito, bakit hinahayaan ninyo lang siya? Kahit hindi niyo na siya tanggalin, pero sana may disciplinary action man lang para magtanda siya at hindi na umulit pa!”
Bahagya siyang napakunot-noo.
“Sinabihan ko na siya tungkol sa inaakto niya, at hindi ko naman basta-basta maaaring tanggalin ang isang empleyado nang walang sapat na dahilan. Anak siya ng matagal nang kaibigan ng daddy ko, kaya kailangan kong maging maingat sa paghawak ng sitwasyon.”
Napairap ako sa kanya. Kaya pala... Anak pala ng kaibigan ng daddy niya. Ibig sabihin, may koneksyon siya kaya hindi siya pwedeng alisin dito.
“Pero kung mas mataas na ang posisyon mo sa kanya,” pagpapatuloy ni Harry, “mas mahihirapan siyang tratuhin ka nang hindi maganda. At kung uulitin niya ang pambubully niya sa’yo, pwede mo na siyang ireport sa HR dahil mas mataas ka na sa kanya.”
Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Pwede, pwede.
Ako? Manager? Parang ang sarap yatang pakinggan nun ah.
Sa totoo lang, matagal ko nang gustong magkaroon ng mas magandang posisyon para mas malaki ang suweldo ko at mas mabilis akong makaipon para sa tatay ko.
Sa kabilang banda, hindi ko gustong isipin na ang lahat ng iyon ay nakasalalay sa kung papayag akong pakasalan ang boss ko.
Hindi ko kailangan ng posisyon na kapalit ng aking kalayaan. Hindi ko kailangan ng pera kapalit ng isang desisyong maaaring magbago sa buong buhay ko.
At lalong hindi ko kailangan ng lalaking mag-aakalang maaari niyang bilhin ang pagsang-ayon ko dahil alam niyang desperado akong makaipon para sa taong mahal ko.
“Sir,” maingat kong sabi, pilit na pinananatiling kalmado ang boses ko, “Hindi ko alam kung saan niyo nakuha ang lahat ng impormasyong iyan tungkol sa akin, pero hindi ibig sabihin na kailangan ko ng tulong ay pwede niyo na akong kontrolin.”
Hindi siya sumagot.
“Kailangan ko ng pera, oo. Kailangan kong maoperahan ang tatay ko, at gusto kong mabayaran ang mga utang ko. Pero hindi ibig sabihin non ay handa na akong ipagpalit ang buhay ko sa sampung milyong piso.”
Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata.
“Hindi ako isang bagay na maaari ninyong bilhin, Mr. Harry Anderson.”
Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang usapan namin, tuluyan siyang natahimik.
At kung may natutuhan ako sa unang kasal ko, iyon ay ang katotohanang hindi sapat ang pera para gawing masaya ang isang pagsasama. Hindi sapat ang marangyang bahay, mamahaling regalo, o pangakong magandang kinabukasan kung ang kapalit naman ay ang sarili mong kapayapaan.
At kung may isang bagay akong ipinangako sa sarili ko matapos kong iwan si Alec, iyon ay ang hindi na muling hayaan ang sinumang lalaki na magdikta kung paano ko dapat pamahalaan ang sarili kong buhay.
Kahit pa ang lalaking iyon ay si Harry Anderson.
Ang boss kong bilyonaryo, napakagwapo, at mukhang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto.
Dahil kung iniisip niyang sapat na ang sampung milyong piso para mapasagot ako ng oo, mukhang kailangan pa niyang matutunan ang isang napakahalagang bagay.
Hindi lahat ng babae ay nabibili ng pera. At lalong hindi ako.
Ilang sandali akong pinag-aralan ni Harry bago siya tuluyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa metal drawer sa gilid ng kanyang desk.
Binuksan niya iyon at may kinuha mula sa loob na isang brown folder. Pagkatapos, bumalik siya sa kanyang desk at inilapag iyon sa harap ko. “Before you make your final decision, basahin mo muna ito.”
Napatingin ako sa folder, pero hindi ko agad iyon inabot. Nanatiling nakapatong ang mga palad ko sa ibabaw ng mga hita ko habang pinag-iisipan kung ano ang maaaring nilalaman niyon. Gayunpaman, hindi ko maitatangging nakaramdam ako ng matinding curiosity.
-Freya-Kinabukasan, ipinahanap niya ako at pinabantayan sa mga tauhan niya. Nakita nilang naghahanap ako ng trabaho at nagtatanong-tanong sa iba't ibang mga fast food chains kung may bakanteng trabaho.Dahil wala naman akong pinag-aralan, sa tingin ko ay doon lang ako nararapat na magtrabaho. Doon daw lalo pang humanga sa akin si Harry.Sa kabila raw ng lahat ng pinagdaanan ko, hindi ako nagpatinag at patuloy pa rin akong nagsikap na makahanap ng trabaho. Para bang hindi ako bagong hiwalay sa asawa at walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kinabukasan.Dahil doon, inutusan niya ang assistant niya na gumawa ng flyer tungkol sa Anderson Industries at ipinabigay iyon sa akin.Siyempre, dahil kailangan ko ng trabaho, at malaking kumpanya ang Anderson Industries, excited akong nag-apply doon. Hindi ko naman inakalang agad akong matatanggap, lalo na at wala akong gaanong karanasan pagdating sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.Pero hindi ko alam na may nakatago pala siyang i
-Freya-“Freya! Ang aga mo yatang dumating ngayon?” nakangiting bati ni Mia nang pangbuksan niya ako ng pint0 ng apartment niya.Si Mia ay isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan. Magkaibigan na kami mula pa noong high school, at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Alec. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay, at kahit hindi kami palaging nagkikita noon dahil pareho kaming abala sa pagtatrabaho, hindi naman nabawasan ang pagiging malapit namin sa isa't isa.Isa na siyang elementary teacher ngayon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil pareho kaming nagtrabaho noon para matustusan ang aming mga pangangailangan. Gayunpaman, lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pambayad ng tuition at iba pang gastusin sa pag-aaral, samantalang ang sahod ko naman ay ipinapadala ko sa tatay ko sa probinsiya. May bahagi rin akong inilalaan para sa pag-aaral ni Adrian, ang nakababata kong kapatid. Kaya siya nakatapos ng college at ako ay hindi.Matagal nang pumanaw ang nanay ko. Nasagasaan siya
-Freya-Hindi na ako nag-overtime noong araw na ‘yon.Bakit pa? Hindi ko na rin naman kailangang maghabol ng dagdag na kita kapag naging asawa ko na si Harry. Pagkapirma ko pa lang sa kontrata, isang milyon na agad ang ibibigay niya sa akin. Sapat na iyon para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag at masimulan nang bayaran ang mga utang ko, pero uunahin ko muna si tatay, siyempre.Isa pa, kinausap niya rin ako kanina tungkol sa palagi kong pag-o-overtime. Hindi naman daw sa pinagbabawalan niya akong magtrabaho nang lampas sa oras, pero ayaw lang niyang maabuso ang katawan ng mga empleyado niya. Baka raw magkasakit ako kapag palagi akong nagpupuyat at kulang sa pahinga.At least, may concern pa rin pala siya sa mga empleyado niya kahit paano.Kaya naman hindi nakapagtataka na nagulat ang mga kasamahan ko nang makita nilang tumayo na rin ako mula sa desk ko pagsapit na pagsapit ng alas-singko. Karaniwan kasi, ako ang isa sa mga huling umaalis sa departament namin. Minsan nga, halo
-Freya-“So, paano na ang gagawin natin? Hindi mo naman basta pwedeng ianunsyo na ikakasal na tayo, eh hindi naman nila tayo nakitang nag-date kahit minsan. Baka… baka hindi maniwala ang lolo mo kapag sinabi mong matagal na tayong mag-on.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Harry nang marinig ang sinabi ko. Dahil nagtanong ako ng ganon, iniisip niya na siguro na pumapayag na ako sa alok niya.“Well, pwede nating sabihin sa kanila na nagkakilala tayo sa isang coffee shop sa Amerika. Nabangga mo ako at nabuhusan ng kape. Tapos, nang punasan mo ang nabasang pantalon ko, aksidente mong nasagi ang ano ko… at doon nagsimula ang lahat.”Napatitig ako sa kanya.Ang pangit naman ng script nito! Bakit kailangan pang isingit ang pagsagi sa ano niya? Manyak ba ang lalaking ‘to?Hindi ba pwedeng simpleng love story na lang? Iyong nagkabanggaan kami, nagkausap, nagpalitan ng number, at unti-unting nahulog sa isa’t isa? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong eksena? Juskolord! Baka naman sabihin
-Freya-Biglang bumigat ang mga dibdib ko sa sinabi niya, at pati ang mga ut0ng ko ay nanigas dahil sa sinabi niyang lalaki siya at may pangangailangan. Teka, bakit ganito na agad ang epekto sa akin ng lalaking ito? Eh ayoko ngang magpakasal sa kanya!Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ngumingiti siya nang ganoon, parang bigla akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang maayos. Nakakainis! Dapat ay galit ako sa kanya dahil sa nakakainis niyang proposal, pero bakit parang mas nauuna pang mag-react ang puso ko kaysa sa utak ko?Napahalukipkip na lang ako at hindi inalis ang tingin sa kanya.“Lalong ayokong pumayag na magpakasal sa'yo dahil diyan, Mr. Anderson.”Bahagya siyang napangiti, na para bang hindi man lang siya naapektuhan sa pagtanggi ko. Sa halip, mahinahon niyang isinara ang folder na nasa ibabaw ng desk niya at saka ako muling hinrap.“Iuwi mo muna ang kontrata at pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” sabi niya. “Ten million pesos ang matatanggap mo, at ipapaopera k
-Freya-Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”Napailing na lang ako. Magaling din!“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”Saglit akong nag-isip.Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at bina







