Beranda / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo  Doce: Gumamela

Share

Capitulo  Doce: Gumamela

last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-25 11:21:55

              Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo.

              Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

“Estrella, Victoria, vamos! (tara na!)”

               Kasunod ni Estrella ay ang hirap na hirap sa paggalaw na si Vahlia, ang mahaba nitong buhok ay bahagyang kinulot. Mahigpit ang pagkakatali sa kan'yang buhok paitaas mula sa magkabilang bahagi, sinadyang suklayin pabaliktad upang magmukhang makapal ang manipis nitong buhok. Gayunpaman, bumagay sa kaniya ang istilo ng pagkakaayos ng buhok niya. Tila isang prinsesa mula sa Europa.

“Señor Mateo, Señorita Cielo, feliz cumpleaños a usted! Parece que fue hace solo unos meses, pero aquí estás y estás completamente soltero, (Ginoong Mateo, Binibining Cielo, maligayang kaarawan sa inyo! Tila ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ngunit heto kayo at mga ganap nang mga binata't dalaga,)” bati ng Don nang makapasok n asa mancion ng mga Villamarquez.

              Hindi rin maipagkakaila ang karangyaang taglay ng pamilyang ito sa disenyo at pagkakatayo ng kanilang tirahan. Kapansin-pansin din ang iba’t ibang mga obra na nakasabit sa dingding ng buong sala mayor.

              Ang ‘Sala Mayor’ ay ang pinakamahalagang bahagi ng bahay sapagkat binubuksan ito sa mga panauhin sa mga espesyal na okasyon lamang. Ang mga nilalaman nito — mga kasangkapan, figurine, likhang sining— ay ginagamit upang ipakita ang katayuan ng isang tao sa lipunan. Nagiging isang malaking bulwagan kung saan gaganapin ang tertulia (late afternoon parties) at baile (ball). Dito, tinalakay ng mga kilalang panauhin at ng mga may-ari ng bahay ang pinakabago sa politika, negosyo at fashion, habang pinamunuan ng mga bata ang pagkanta, sayawan at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika.

¡Hala! ¿Es usted la señorita Victoria Esperanza? ¡Tengo muchas ganas de tener la oportunidad de verte en persona! (Hala! Ikaw po ba si Binibining Victoria Esperanza? Talagang hinihintay ko ang pagkakataong ika'y aking makita nang personal!)”

           Isang panibagong nakatutuwang boses ang sumalubong nang akmang ihahakbang pa lamang niya ang kaniyang kaliwang paa papasok ng mansiyon. Nang lingunin ito ni Vahlia ay nakita niya ang isang napakagandang batang babae, maputi ito at mapula ang mga labi. Sa kaniyang buhok ay may nakadisenyong pulang laso. ‘Malaki ang pagkakahawig niya kay Mateo! Mula sa mga mata, kulay ng buhok at ilong ay kuhang-kuha mula kay Mateo! Hindi kaya… anak niya ang batang ito?’

          ‘Is concubinage tolerated in this era? But he’s still twenty! Pero hindi naman iyon questionable since early marriages and forced marriages ang nauuso sa panahong ito. Or, what if may unang asawa ni Mateo at ito ang anak nila? Tapos, ako naman? Ako naman ang sunod niyang pakakasalan? A big no!!!’

“Binibini? Bakit nanlalaki po ang inyong mga mata?”

“Oh, I ahhm—I’m sorry. Anong pangalan mo munting prinsesa?” Bahagyang lumuhod si Vahlia upang magpantay sila ng batang babae.

            Ngumiti naman ito pabalik sa kaniya at hinawakan ang pisngi ni Vahlia, “Mi hermano mayor tenía razón, pareces una de las princesas de Europa. (Tama nga ang sinabi ng Kuya ko, para kang isa sa mga prinsesa ng Europa.)”

             At dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng bata ay muling kumunot ang kaniyang noo. “Paumanhin ngunit hindi ko maunawaan ang iyong sinambit, munting binibini.”

“¿Eh? ¿Es eso así? Pero te escuché hablar en un idioma extranjero últimamente, (Eh? Ganoon ba? Ngunit narinig kitang nagsalita ng wikang banyaga kanina lamang,)” pansin ng bata na hindi naman sinagot ni Vahlia. Hindi na talaga niya maunawaan ang pagkakastila ng batang babaeng kaniyang kaharap.

            Tumikhim naman ito bago muling nagsalita na siyang ikinagulat ni Vahlia, “It seems that you understand English language, you’ve used it a while ago.”

            Hindi makapaniwalang nagsasalita ng ingles ang kaniyang kaharap. Namuo ang isang nagagalak na ngiti sa mukha ni Vahlia, “Yes, I do understand you. It feels so great to have someone to talk to. I mean, someone I can speak with another language a—”

“Are you saying it isn’t convenient to speak with each other using tagalog?”

“Hindi naman sa ganoon,” sagot ni Vahlia sa bata. Nagpakawala ng isang ngiti bago muling nagsalita, “Iba ang sitwasyong aking kinasasadlakan, taliwas sa iyong iniisip kung ano man iyan. Hindi ko na nga alam kung nabibilang ba ako sa mundong ito.”

“Tila may ibig kang sabihin, binibining Victoria?”

“Huwag mo na lamang akong intindihin, munting binibini.” Sa kayumanggi nitong mga mata ay iba ang ipinapahiwatig, nababasa ito ng batang babaeng kaniyang kaharap.

“Guadalupe Villamarquez,” pang-iiba nito sa usapan. “Iyon ang aking ngalan, ako ang bunsong kapatid ng iyong mapapangasawang si Kuya Mateo.”

             ‘Ahhh, kapatid pala,’

“Nagagalak akong makilala ka, munting Binibini.”

             Maya-maya pa’y umalingawngaw ang palakpakan sa buong mansiyon, ang lahat ay nakatuon ang paningin sa engrandeng escalera ng mansión, marahang bumababa ang isang babae na nakasuot ng napakarangyang berdeng saya. Sa tabi nito ay si Mateo na nakasuot din ng makalaglag pangang pananamit na aakalain mong isang prinsipe.

            Nanatili ang kaniyang mga mata sa lalaking nasa harapan, ewan kung paano maililihis pa. “Ah! Titig na titig ka kay ginoong Mateo ah.” Nang-aasar na mukha ni Estrella ang biglang lumitaw sa harapan ni Vahlia, hinaharangan ang kaniyang paninitig sa Ginoong nasa harapan.

“Anong tinititigan? Hindi kaya,” depensa naman nito na siyang mas lalong ikinalaki ng ngisi ng kaniyang kapatid.

“Huwag mo nang itanggi pa, tinititigan mo siya.”

“Ahh! Oo na, tinititigan ko siya dahil mukha na siyang espasol na binalot sa dahon ng saging,” iritadong aniya.

            Tumawa naman si Estrella bago ikinawit ang kamay sa kapatid, “Oo na kung iyan ang iyong palusot, nagmumukha ka nang kamatis na hinog. Halika’t salubungin natin sila sa harapan. Iyo ring batiin ang iyong novio.”

“Anong nobyo?” kunot-noong angal niya.

“Hindi mo ba nababatid na kapag ang dalawa’y itinakda nang ikasal ay sila’y magnobyo’t nobya na?”

             Tanging irap naman ang isinagot ni Vahlia sa kapatid habang humahagikhik siyang hinihila papalapit sa kinaroroonan ni Mateo at ng babae. “Feliz Compleaños, señor Mateo, señorita Cielo, (Maligayang kaarawan, ginoong Mateo, binibining Cielo,)” bati ni Estrella sa kanila nang marating na nila ang harapan.

            Marami ring mga visita ang sabay-sabay na bumati sa kanila kung kaya’t hindi agad napansin si Vahlia na tahimik na nakatinging sa kawalan. “¡Ah! Tal vez sea la señorita Victoria Esperanza, me alegro de verla ... en persona. (Ah! Marahil ay ikaw na siguro si Binibining Victoria Esperanza, nagagalak akong makita ka-- nang personal.)

            Napatagilid ang ulo ni Vahlia nang bigla siyang kausapin ng babaeng katabi ni Mateo, nagngangalang Cielo. Nakangisi ito na tila nanghahamon.

             Dahil sa hindi ulit iyon naintindihan ni Vahlia ay ngumiti na lamang siya pabalik, “Nagagalak din po akong makilala kayo, Señorita.”

“Bueno, nais kong makipagkuwentuhan sa iyo mamaya.” Nakataas ang kilay nito at mataray na nginitihan ulit si Vahlia.

            Nang mapansin ang hindi kaaya-ayang pakikitungo ni Cielo sa kan’ya ay patas itong nginisihan ni Vahlia, tila inilalabas ang pagkasuplada niyang mahirap itago. “Hihintayin kita.”

            Naglakad papalayo si Cielo at nakisalamuha sa mga visita, samantalang si Mateo naman ay naglakad papalapit sa kan'ya. Nawala na rin sa kaniyang tabi si Estrella. “Ayos ‘yon ah, hindi talaga maipagkakailang kapatid mo,” napapairap na salubong nito sa Binata.

“Paumanhin sa naging asal ni Cielo sa iyo, marahil ay nais lamang niyang subukan ang iyong pasensiya.” Iginiya niya patungo sa hardin ang binibini habang inaaliw ito sa pag-uusap.

“Ah ganoon ba? Baka nais mo ring sabihin sa akin kung saan mo ako dadalhin.”

“Baka maaari ring tumahimik ka na lang muna at hayaan mo ako sa aking gagawin.”

            Sumiklab ang kaba sa kaniyang dibdib sa sinabing iyon ni Mateo, lalo na nang maabot nila ang madilim na parte ng hardin. Walang masiyadong tao at napapalibutan rin ng mga makakapal na palumpong (bushes).

“A-anong gagawin mo?” Nangangatog na hinarap niya si Mateo na walang kaemo-emosyong mababasa sa mukha nito.

            ‘Di’ba mababait naman ang mga kalalakihan sa panahong ito? Gaya ng binibida ni maam Fontejo sa klase. Pero paano kung totoo ngang anak niya yung batang nakausap ko kanina? Na ako yung magiging pangalawang asawa niya at kapag wala na akong silbi sa kan'ya ay papatayin niya rin ako gaya ng ginawa niya sa unang asawa niya!’

           Maya-maya pa’y huminto sa paglalakad si Mateo at hinarap siya, “Ipikit mo ang iyong mga mata,” nakangiti niyang utos sa dalaga.

“Bakit naman ako pipikit, ah? Subukan mo lang gawin sa akin iyang binabalak mo at ingungod-ngod kita sa katawan ng punong nasa likuran mo!” pagbabanta niya habang pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.

            Simpleng tumawa naman ang binata, “At ano naman ang iniisip mong gagawin ko sa i'yo? Paumanhin Binibini ngunit tila ikaw itong nag-iisip ng masama.”

“Una sa lahat, babae ako at lalaki ka, ano ang aasahan mong iisipin ko kapag dinala mo ako sa isang lugar na madilim at walang katao-tao?”

“Pinaka-una sa lahat, Binibining Victoria. Iginagalang ko ang mga kababaihang tulad mo at labag sa aking kalooban ang gumawa ng kabastusan sa harapan ng isang binibini. Alam ko namang hindi mo ibig sundin ang utos ko kaya’t kahit huwag mo na lamang ipikit ang iyong mga mata.”

“Sige na nga, oh, pipikit na.” Agad-agad na isinara ni Vahlia ang mga mata na siyang ikinatawa naman ni Mateo at maingat na hinawakan ang mga kamay niya upang gabayan sa paglalakad, “Pipikit ka rin naman pala, marami ka pang satsat.”

              Ilang minuto silang naglakad habang nakapikit ang binibini, patungo sa lugar na wala siyang kaide-ideya kung saan. Mga bato na kan'yang natatapakan at mga dahon ng halamang nararamdaman niyang lumalandas sa suot niyang saya.

“Huwag mo na munang buksan ang iyong mga mata, sabayan mo ang aking pagbibilang hanggang cinco, maliwanag?” sambit niya nang huminto siya sa paglakad at ganoon din si Vahlia. “Uno… Dos… Tres… Cuatro… Cinco…”

             Nang imulat na nga ni Vahlia ang mga mata ay bumulaga ang isang napakagandang tagpo. Nakahilera ang mga lampara sa madamong daanan at sa paligid ay mga puno ng Gumamelang napapaligiran ng mga alitaptap na siyang nagsisilbing ilaw upang makita ang magkakaibang kulay ng mga bulaklak ng puno.

            Nakamamangha ang tanawing iyon, nakangiti nitong hinarap si Mateo at tinignan sa mga mata, nanghihingi ng permiso kung maaari ba siyang humakbang pa ng mas malapitan.

“Hindi mo nanaising takutin ang mga alitaptap kung kaya’t tahimik ka na munang maglakad,” bulong nito sa kaniya. Tumango naman si Vahlia bago sumagot, “Salamat, Mateo.”

           Abot tainga ang ngiti niya habang tinatahak ang daang pinaliliwanag ng mga nakahilerang lampara, sa bawat hakbang ay sumasabay si Mateo na tulad niya ay nakangiti na rin. Hindi sa magandang paligid ang tingin kundi sa pambihirang binibining kaharap niya. Kasabay ng bawat kislap ng mga alitaptap sa paligid, bawat tibok ng kanilang mga puso at ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.

“Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—”

            Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. Inaalala ang pangyayari noon kung bakit itinatangi niya ang bulaklak ng gumamela.

~Hibiscus Park, 2011~

“Mommy, Bakit mo po ako dinala rito?” nagtatakang tanong ng batang si Vahlia sa kan'yang ina. Hindi umimik si Elisa at binuhat ang anak palabas ng sasakyan. Napuno ng pagkabigo ang mga mata ni Vahlia nang makita ang kabuuan ng lugar, tanging mga tanim na gumamela ang nagkalat sa malawak na lupain. Magkakaiba ang kulay at ganoon din ang mga paru-parong naglilibot.

“You said you’re gonna take me to the arcade, why here?” Tumawa ang ina sa reklamo ng anak at marahang binuhat ang anak, “Take a look around, isn’t it much more beautiful than the arcade you’re talking about?”

           Inilibot naman ng batang babae ang tingin sa paligid. Oo nga naman, ang payapa at malaparaisong hardin ng mga gumamela. Ang mga paru-parong nagmistulang mga maliliit na diwatang tagapagbantay ng kaharian. Minsan kung ano pa ang palaging nariyan at malapit lang ay iyon pa ang hindi masiyadong napapansin.

“Vahlia, sweetie. I didn’t brought you here for nothing, I want you to appreciate what our creator has given us. Gusto kong tignan mo rin kung ano ang nasa labas ng bahay, explore somewhere you wouldn’t expect it would be.”

             Pagkatapos ng araw na iyon ay iyon na rin ang huling pagkakataong lumabas sila nang magkasama ng kan'yang ina dahil sa pagiging abala ng mag-asawang Medrano sa kanilang mga kasong hawak at ang pagbubuntis ni Elisa sa bunso nilang kapatid na si Kahlia.

              Magmula nang araw na iyon ay palagi niyang binabalikbalikan ang lugar ng mga libo-libong gumamela, hanggang sa hindi niya namamalayang nahuhumaling na siya sa bulaklak na iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status