CHAPTER 15Nagtaas ako ng kamay."Aya! Wow! Okey ah! Salamat naman at may isa sa klase ko ang nag-aral at hindi lang kung ano ang nasa textbook. Sige nga, sabihin mo nga sa amin kung ano ang alam mo sa Qin dynasty?" Alam kong unti-unti ko na siyang uungusan. Simula palang iyon. Humanda siya sa mga susunod pa naming tunggalian. Unti-unti ko siyang patutumbahin. Ilalaglag ko siya sa sinimulan niyang laban.Nang matapos ang second year namin, siya na naman ang first honor at hindi man lang ako umabot sa top 5. Ang dahilan, huli na nang nagpakitang gilas ako. Pero hindi pa tapos ang laban. Nagsisimula pa lang ako at paghahandaan ko ang aming muling pagtatagian. May mga susunod pang mga taon.Dahil sa bakasyon ay minabuti ni Daddy na sunduin ako at doon sa bahay gugulin ang aking bakasyon. Hindi ako pumayag noong una ngunit napilit din nila ako. Naisip ko kasi, matagal na naman bago ko makakasama ang pamilya ko at wala rin namang silbi na manatili ako sa Diadi dahil hindi rin naman kami
CHAPTER 16Pagdating namin sa school at pagbaba ko ay nakita kong nanlalaki ang mga mata ng iba kong kamag-aral sa akin at sa aming sasakyan. Parang hindi sila makapaniwalang amin iyon at Daddy ko ang guwapo, matagkad at maskuladong kasama ko. Ganito ba talaga sa probinsiya? Sa Manila kasi, normal na lang sa aming magkakaklase ang ihatid ng kanilang mga magulang gamit ang sarili nilang sasakyan. Bakit dito iba ang kanilang mga tingin.Pagkatapos naming makipag-usap at nagkaliwanagan tungkol sa pagbibigay ng financial support kay Dindo ay umalis na si Daddy. Nag-iwan siya ng pera sa adviser namin na ibibigay naman kay Dindo. Nang araw na iyon namataan ko ang pagdating ni Dindo ngunit umalis din pagkatapos nilang mag-usap ng aming adviser. Sinilip ko siya sa bintana nang dumaan."Pssssttt!" pagpapapansin ko.Nilingon niya ako.Kumindat.Ngumiti ako.Hindi siya ngumiti ngunit hindi naman salubong ang mga kilay.Nakaramdam ako ng excitement sa sumunod na araw. Nagpabango ako, nagpolbo,
CHAPTER 17 Intramurals. Nagkaroon ng classroom elimination sa paglalaro ng chess para maging pambato naming mga third year sa buong campus. Kami ni Dindo ang huling naiwan magtunggali.Naalangan ako nang umupo ako sa harap ng chess board. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko nang naglalakad na siya palapit sa akin. Mas lalo na siyang pumogi sa tingin ko. Gumanda na lalo ang hubog ng kaniyang katawan. Tumangkad at mas pumogi dahil sa bago na ang kaniyang suot na uniform at sapatos. Alam kong lahat ng binibigay namin ni Daddy na tulong sa kaniya ay ginagamit niya iyon sa kaniyang pag-aaral. Hindi na siya mukhang gusgusin.Ngayon lang kami muling magkakaharap nang ganoon kalapit. Pagkaupo niya ay tinignan ko siya. Tumingin din siya sa akin. Naroon din ang coach naming at nakawak sa aming timer."May the best player win?" iniabot ko ang kamay ko sa kanya.Lumingon muna siya sa coach namin. Naalangan din siguro. Tinggap niya naman ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad.Ito
CHAPTER 18"Dude, okey ang assist mo kanina sa akin ah. Salamat." Sabi ko nang palapit ako sa kaniya."Nagkataon lang na ikaw na lang ang libre kanina pero kung may iba pa akong pagpapasahan sana kanina, malamang hindi ko sa iyo ipagkakatiwala ang bola.""Friends uli?" tinaas ko ang kamay ko bilang pakikipag-apir."Wala akong panahon makipagkaibigan pa. Marami akong priorities." Kinuha niya ang nakasabit niyang damit sa puno. Isunuot iyon at tumalikod. Binaba ko ang kamay ko. Pagdating ng Second Grading, pantay na kami ng average. Nakakagulat pero pantay na kami. Kailangan ko na siyang tuluyang maungusan. Mas nakita ko kung gaano na siya nagiging kamasigasig sa kaniyang pag-aaral. Dahil gusto ko siyang talunin. Hindi ako magpapatalo. Third grading. Lahat sila nag-aabang na ipost na ng Advicer namin ang Top 5. Masyado yata kasi nae-entertain ang mga kaklase ko sa sagupaan namin ni Dindo sa talino at sports. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang lumapit sa akin galing siya
CHAPTER 19Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa siya tumatabi sa akin. Abala sa pag-eensayo sa kaniyang cartooning o maaring naaasiwang tabihan ako. Kahit pilitin kong matulog ay hindi din naman ako makatulog dahil sa hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hanggang sa pinatay na niya ang isang ilaw dahil nakatapat ang ilaw na iyon kay Coach kaya sinabihan siya ng coach namin na matulog na para makapagpahinga kaming lahat. Ngunit may isa pang ilaw na bukas sa loob at may ilaw din sa labas ng classroom namin na siyang sumasabog pa rin ng liwanag sa aming hinigaan.Nagtanggal siya ng pantalon at damit. Tanging mahabang jersey short lang ang suot niya. Nagkunwarian akong tulog na tulog nang inaayos na niya ang kumot at unan niya. May pekeng hilik pa nga ako para mas effective. Tahimik na ang lahat. Narinig ko na din ang mahinang hilik ng mga kasamahan namin. Maliban sa langitngit sa kama nina Sir at Rod na nakatalukbong at kumikilos. Naisip ko, bakit kaya anlikot nilang matul
CHAPTER 20"Walang ganyanan sir. Nirerespeto kita. Huwag kayong gumawa ng ikakasira ng mataas na tingin ko sa inyo." Sagot ni Dindo.Tumayo ako. Binuksan ko ang ilaw. Nagulat silang dalawa na nakatingin sa akin.Si Bea man din ay napabalikwas sa pagkagulat."Sir, alam ko ang ginawa mo kay Rod at kung gagawin mo din iyan kay Dindo, pasensiyahan na lang tayo pero irereport ka namin sa Principal natin. Kaibigan ni Daddy ang principal natin at paniniwalaan ako no'n kung isusumbong ko ang ginagawa ninyo sa mga istudiyante ninyo. Hindi ako natatakot sa inyo sir. Pasensiyahan na lang ho tayo." Walang kagatol-gatol na banta ko sa coach namin.Hindi nakasagot si Sir Nestor sa akin. Alam niyang hindi ko siya tinatakot lang. Hindi ko siya aatrasan. Kinuha ni Dindo ang kumot at unan. Ipinuwesto niya iyon sa aking kama. Lumabas ang coach namin na parang natauhan sa narinig niya sa akin. Ni hindi niya kayang iharap ang mukha niya sa amin.“Okey ka lang ba, Dindo?” tanong ni Bea.“Okey lang ako. Wal
CHAPTER 21Sa Campus ay nagpatuloy ang tagisan namin sa talino. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi ko na siya nilalapitan o kaya ay kinakausap. Kung dati ako ang laging nakatingin sa kaniya, ngayon siya ang nahuhuli kong nakatitig sa akin. Madalas akong puntahan ni Bea para sabay kaming magmiryenda tuwing recess kasama ng iba ko pang mga kaibigan. Madalas din kaming nagkakantahan at ako ang laging naggigitara. Nasip ko, puwede din palang maging masaya kahit tuluyan na akong umiwas kay Dindo. Puwede pa rin akong magkaroon ng ibang mga kaibigan at hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa ayaw naman sa akin. Hindi ko siya kawalan. Dahil sa madalas na bonding naming nina Bea, nagkaroon tuloy kami ng grupo. Si Bea at isa niyang babaeng pinsan ang 4th year lang sa grupo namin.February. Kailangan kong magbigay ng pera kay Sir Marlo para sa contribution ni Dindo sa parating naming JS Prom at pati na rin ang allowance niya hanggang March. Naisip kong, ako na ang bahala sa isusuot ni Dindo
CHAPTER 22 Dahil nag-improve ang aking mga grades at nalaman ni Daddy na nakikipagcompete na ako sa National, pag-uwi ko sa araw na iyon ay may nakaparada sa bahay na bagong motor ko. Matagal ko na kasing nililigawan siya na bilhan niya ako ng motor. Napalundag ako sa tuwa noon at nayakap siya sa sobrang saya. Alam kong labag sa loob niyang bilhan ako ng motor kahit pa marunong na ako noong Grade 5 pa ako. Nagtatalo sa kaniya ang awa at takot. Awa dahil tuwing umaga ay nalalaman niya kay lolo na nakikipagsiksikan ako sa mga tricycle at kadalasan kailangan kong maglakad hanggang sa highway para lang may masakyan. Takot, dahil baka matulad ako sa mga kabataang nadidisgrasiya ngunit sadyang malambot ang puso sa akin ni Daddy. Umuwi talaga siya para personal na ibigay sa akin ang sorpresa niyang motor sa akin. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa kaniya. May mga rules lang siyang dapat sundin. Laging isuot ang helmet, huwag gamitin ang motor sa paglalakwatsa at panatilihing mataas ang aking