Share

CHAPTER 3

Auteur: MissThick
last update Dernière mise à jour: 2024-01-15 18:52:35

          Natigilan ako. Hindi ako maaring magkamali. Siya! Siya ang binatilyong nagsabing lampa ako at hambog. Ang gusto kong makita mula pa kaninang umaga na nagligtas sa akin sa cobra. Napakislot ako nang makita ko siyang walang kahit anong saplot sa katawan. Kumikintab ang moreno niyang kutis na basa ng tubig at natatamaan ng sikat ng araw. Alam kong hindi pa siya ganoon kabinata. Maaring nasa 13 o 14 years old lang siya sa tingin ko sa kaniyang mukha ngunit bakit ganoon na kaganda ang hubog ng kaniyang katawan. May kaumbukan na ang kaniyang dibdib, may masel na ang kaniyang mga braso at impis ang kaniyang tiyan. Gusto kong takpan ang mga mata ko. Gusto kong lumayo na lang doon kasi hindi na akma sa aking pagkababae ang nakatambad sa akin. Nang luminga siya ay mabilis akong nakapagtago sa sanga ng nakausling puno.

                Muli ko siyang palihim na sinilip at nakita kong nagsasabon na siya. Hindi ko man kita ang buong kahubdan niya dahil nakalublob naman siya sa tubig ay parang may kung anong sa kaibuturan kong pagmasdan lang siya nang lihim. Nagbanlaw siya at lumangoy sa mismong falls. Doon ay nagtagal siya ng bahagya. Hindi ko na siya matanaw kung hindi ako gagawa ng paraan. Kinakabahan ako. Natatakot na baka makita niya akong sinisilipan siya.

Dahil sa kagustuhan ko siyang makita ng malapitan at parang na-eenganyo akong pagmasdan ang ginagawa niyang pagsisid at paglangoy-langoy ay umakyat ako sa nakausling sanga. Nang hindi sinasadyang napahawak ako sa sangang marupok ay nawalan ako ng balanse ngunit bago ako tuluyang mahulog ay nakawahak ako sa isa pang sanga pero hindi ko kayang buhatin ang katawan ko para maisampa ito. Nahulog ang sangang marupok sa tubig kaya naglikha iyon ng ingay. Kahit hirap ako na nakabitin ay nakita kong nagulat siya na naroon ako at mabilis siyang umahon at isinuot ang kaniyang brief.

                "Tulungan mo ako! Please!" sigaw ko sa kaniya. Kung walang hihila sa akin ay alam kong tuluyan na akong babagsak.

                "Ano ba kasi ang ginagawa mo na naman diyan." Sigaw niya ngunit nakita kong mabilis siyang umakyat sa matarik na bangin.

                "Bilisan mo mahuhulog na ako! Tulungan mo ako!" histerikal na ako sa paghingi ng tulong dahil kung hindi pa siya makalapit ay tuluyan ko nang hindi makayanan ang paglambitin sa sanga ng kahoy. Bumibigay na ang mga daliri ko ngunit hindi ko kailangan isuko dahil kahit sabihing tubig ang babagsakan ko ay hindi rin ako marunong lumangoy.  Nang alam kong bibigay na nga ang isang kamay ko ay napapikit na lang ako ngunit patuloy pa rin ako sa kasisigaw sa paghingi ng tulong. Biglang hinila ako ng malakas niyang bisig.

                Inipit niya ang kaniyang paa sa isang sanga. "Iabot mo ang isang kamay mo para mahila kita, bilis!"

                Iniabot ko ang isang kamay ko pa at tinulungan niya akong isinampa ngunit dahil sa bigat ko ay siya ang tuluyang hindi nakawahak sa sanga at tuluy-tuloy siyang bumagsak sa tubig. Gustuhin ko man siyang tulungan ngunit mabilis siyang bumulusok kaya napasigaw ako sa takot sa maaring mangyari sa kaniya. Tinignan ko siya sa binagsakan niya ngunit hindi na siya lumutang. Kinabahan na ako. Paano kung siya ang mapahamak dahil sa pagkalampa ko. Paano kung tuluyan siyang nalunod? Mabilis akong bumaba at nagsisigaw ng "Hoyyyy!" dahil hindi ko naman ang pangalan niya.

                Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa mga matatarik na lampas sa taas kong bangin ngunit natagpuan ko ang sarili kong parang tinatalon-talon ko lang na hindi ko na inisip kung mabalian ba ako ng buto sa aking ginagawa. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang iligtas. Ngunit hindi ko alam kung paano. Nang nasa baba na ako ay hindi ko rin alam kung kailangan ko talagang lumusong sa tubig dahil hindi rin naman ako marunong lumangoy at imbes na mailigtas ko siya sa kamatayan ay baka sabay pa kaming mamatay.

                "Hoyyyyyyyyyyyyyy! Asan ka na! Hoyyyyyyyyyyyyy!" sigaw ko na para bang naririnig niya ako sa tubig. "Saklolooooooooooooooooooooo! Tulungan niyooooo kamiiiiiiiiiiiiii! Malakas kong paghingi ng tulong. Habang nagsisigaw ako ay mabilis akong lumusong sa tubig ngunit nang nasa dibdib ko na ang tubig ay nakaramdam ako ng takot.

                "Saklolooooooooooooooooooooo!"

                Walang kahit ano akong maramdaman na ingay sa paligid na maaring tutulong sa akin.

                Ngunit paano siya. Anong gagawin ko!

                Hindi kaya ng konsensiya kong pabayaan siya na wala akong ginagawa. Kaya kahit hanggang dibdib ko na ang tubig ay humakbang parin ako palapit sa kaniyang kinabagsakan niya ngunit parang biglang nagiging lumalim na iyon at hindi na abot ng aking mga paa. Sumisinghap na ako. Nagsimula na rin akong nakakainom ng tubig. Hindi na ako makasigaw para makahingi pa ng tulong. Buhay ko na ang parang ipinaglalaban ko. Lahat ng puwede kong gawin para manatili lang ako sa ibabaw ng tubig ay ginawa ko na ngunit parang unti-unti akong nilalamon ng tubig. Mas marami na akong naiinom na tubig. Hindi na rin ako makahinga. Tuluyan na akong nalulunod.

Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa mga matatarik na lampas sa taas kong bangin ngunit natagpuan ko ang sarili kong parang tinatalon-talon ko lang na hindi ko na inisip kung mabalian ba ako ng buto sa aking ginagawa. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang iligtas. Ngunit hindi ko alam kung paano. Nang nasa baba na ako ay hindi ko rin alam kung kailangan ko talagang lumusong sa tubig dahil hindi rin naman ako marunong lumangoy at imbes na mailigtas ko siya sa kamatayan ay baka sabay pa kaming mamatay.

                "Hoyyyyyyyyyyyyyy! Asan ka na! Hoyyyyyyyyyyyyy!" sigaw ko na para bang naririnig niya ako sa tubig. "Saklolooooooooooooooooooooo! Tulungan niyooooo kamiiiiiiiiiiiiii! Malakas kong paghingi ng tulong. Habang nagsisigaw ako ay mabilis akong lumusong sa tubig ngunit nang nasa dibdib ko na ang tubig ay nakaramdam ako ng takot.

                "Saklolooooooooooooooooooooo!"

                Walang kahit ano akong maramdaman na ingay sa paligid na maaring tutulong sa akin.

                Ngunit paano siya. Anong gagawin ko!?

                Hindi kaya ng konsensiya kong pabayaan siya na wala akong ginagawa. Kaya kahit hanggang dibdib ko na ang tubig ay humakbang parin ako palapit sa kaniyang kinabagsakan niya ngunit parang biglang nagiging lumalim na iyon at hindi na abot ng aking mga paa. Sumisinghap na ako. Nagsimula na rin akong nakakainom ng tubig. Hindi na ako makasigaw para makahingi pa ng tulong. Buhay ko na ang parang ipinaglalaban ko. Lahat ng puwede kong gawin para manatili lang ako sa ibabaw ng tubig ay ginawa ko na ngunit parang unti-unti akong nilalamon ng tubig. Mas marami na akong naiinom na tubig. Hindi na rin ako makahinga. Tuluyan na akong nalulunod.

Buhay ko na noon ang aking inililigtas.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 102

    CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 101

    CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 100

    CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 99

    CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 98

    CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status