Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang damo. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng hangin, napakahalaga ng kahit katiting na oxygen lang habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na at pinanindigan ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan na rin siya dahil sa ginawa niyang pagkukunwariang nalunod kahit marunong din naman pala siyang lumangoy. Sumisid lang naman pala siya at mabilis na pinagtaguan ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya.
Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga kahit pa natatawa na ako.
"Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong artehan siya.
Naririnig ko ang kaniyang mga buntong hininga at alam kong ninenerbiyos siya dahil sa kaniyang sinasabi.
"Paano ba 'to? Anong gagawin ko? Uyy ano ba? Magsalita ka naman! Huminga ka!"
Inilapit niya ang kaniyang tainga sa aking ilong, naninigurado siguro kung hindi na nga talaga ako humihinga pa. Nang maramdaman niyang walang hangin ang lumalabas sa aking ilong ay inilagay niya ang kaniyang palad sa aking dibdib at ipinihit niya iyon ng tatlong beses. Ilang sandali pa ay tinakpan niya ang ilong ko at nararamdaman kong ibinaba ng isang kamay niya ang aking baba para bumuka ang aking bibig. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang kaniyang malambot na labi sa aking labi, amoy ko na ang kanyang mabango at mainit na hininga. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Iyon ang unang pagkakataong nadampihan ang labi ng bibig ng lalaki. Naramdaman kong binugahan niya ako ng hangin niya. Huli na nang gusto ko nang itigil ang pagkukunwari ko dahil kahit papaano iba na yung dadampi ang labi ng isang lalaki sa akin! Napakabata ko pa para halikan ng kung sinu-sino lang. Gusto kong mandiri pero hindi ko alam kung bakit nagbigay sa aking ng kakaibang sensasyon ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi.
“Huminga ka bata! Please! Huwag kang mamatay!" paulit-ulit niyang sinabi. Nang naramdaman kong muli niya akong i-mouth to mouth ay itinulak ko na siya.
“Uyy ano ‘yan! Anong ginagawa mo sa’kin!”
"Yun, nagising ka rin. Akala ko mamamatay ka na kanina e.”
Umupo ako. Itinali ko ang mahaba kong buhok.
“Babae ka pala?”
“Oo bakit?”
“Akala ko kasi lalaki ka e.”
“Oh ano naman kung babae ako? May problema ka ba sa aming mga babae?”
“Tingnan mong kataray ne’to. Hindi ka man lang ba marunong munang magpasalamat.”
“Ako? Magpapasalamat sa’yo? Bakit ako magpapasalamat e hinalikan mo na nga ako? Ikaw pa nga ang may atraso sa akin e.”
“Hinalikan? Hoy hindi halik yun ah. Iniligtas ko ang buhay mo hindi ko intension na halikan ka.”
“Idinampi mo ang labi ko sa labi mo, tingin mo hindi pa halik iyon?”
Inirapan niya ako. “Tumayo ka na nga lang diyan nang makauwi na tayo. Pinagluluko mo lang ako!"
"Natakot kang patay na ako no? Ha Ha ha!" pang-aasar ko.
"E, ikaw bakit hindi ka nagreklamo nang idinampi ko ang labi ko sa labi mo? Ginusto mo rin no? Crush mo ako, hindi ba?” balik pang-aasar niya.
Hindi ako nakasagot. Parang sa unang pagkakataon napahiya ako sa sarili ko. Ngunit mabilis akong naka-recover.
“Hindi kaya. Yuck ako magka-crush sa’yo. Mas marami pang gwapo sa Manila kaysa sa’yo no.”
“Hindi raw. May pa-yuck yuck ka pang nalalaman. Sinisilipan mo nga ako, tapos sasabihin mong hindi?”
"Ikaw kaya yung ninerbiyos kanina, ayaw mo akong mamatay kasi gusto mo ako!" pang-aasar ko. Sanay ako sa ganoong asaran dahil sanay ako makaipag-biruan sa mga kalaro kong mga lalaki sa Manila.
"Sige pagtawanan mo ako. Bakit, nakakatawa bang ginawa mo? Tinakot mo kaya ako." pinulot niya ang kaniyang damit at isinuot niya iyon.
"Sino kaya sa atin ang unang nanakot? Akala ko kanina nalunod ka na kaya kahit hindi ako marunong lumangoy binalak kong iligtas ka." Tumayo na rin ako. Tumingin ako sa kaniya.
"Hindi ka naman pala marunong lumangoy ta's anlakas ng loob mong sagipin ako." Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Kasi nga lagi mo akong inililigtas. Gusto ko lang naman sana na kahit papaano e, makabawi man lang sana ako sa'yo para mapatunayan ko sanang hindi ako lampa tulad ng sinabi mo.”
“Hindi ng aba? Kung hindi kita sinagip kanina baka ikaw pa ang namatay.”
“Yabang mo naman. E di sige, ikaw na ang malakas. Umaamin na akong lampa ako ngunit hindi naman ako hambog kagaya mo. Saka dapat inisip mo, babae pa rin ako. siyempre iba pa rin talaga ang lakas ninyong mga lalaki ‘no."
“Babae e nakasuot ka ngang panlalaki tas nakasumbrero ka pa. Wala namang babaeng ganyan dito sa probinsiya e.”
“Meron.”
“Wala! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin.”
“Meron nga.”
“O e di sige, nasaan?”
“Ako.” Natawa ako.
“Hindi ako natawa.”
“Hindi naman ako nagpapatawa.”
"Sandali nga, bakit ka nga ba nandito? Sinusundan mo ba ako?"
"Hindi no." umupo ako sa bato.
"E, kung hindi mo ako sinusundan, anong ginawa mo nga rito."
"Nilipad kasi yung saranggola ko, hindi ko alam kung saan bumagsak kaya ko sinundan ko dito sa gubat pero narinig ko itong lagaslas ng tubig kaya ako pumunta rito e' saktong nandito ka rin pala."
"Kababae mo kasing tao, nagsasaranggola ka pa. Umuwi ka na lang. Baka hinahanap ka na sa inyo."
"Bakit sa tuwing nagkikita tayo lagi mo akong pinauuwi. Di naman kita tatay o kuya. Di mo pa nga sinasabi ang pangalan mo."
"E, kasi mga katulad mong tiga-Maynila, parang mga alagain.”
“Alagain? Hoy kahit kailan di ako papaalaga sa’yo no!”
“E di hindi na. Di ka ba natatakot, pumapasok ka sa gubat na ikaw lang? Buti sana kung lalaki ka. Mamaya may mangyari pa sa’yo.”
“Ano namang mangyari sa akin?”
“Maraming masasamang loob.”
“Dito sa probinsiya? Sa Manila oo, pero di ako naniniwala na meron din dito.”
“Bata ka pa kasi kaya hindi mo pa alam ang sinasabi mo.”
“Lagi mong sinasabing bata ako e, ikaw bata ka pa rin naman ah.”
“Sige na, baka hinahanap na rin ako." Sinuot niya ang kaniyang short.
"Aya, Aya pala pangalan ko. Ikaw?
"Bakit?”
"Sungit naman ne’to. Ano nga?"
"Dindo."
"Dindo? Parang hindi pang-probinsyang pangalan.”
“Bakit may dapat bang pangalan ang tiga probinsiya?”
“Kasi dito madalas kong naririnig na pagalan ng mga tao, Caloy, Dodoing, Boy, Dado, mga gano’n.”
“Bakit ilang taon na mga ang mga may pangalan ng mga ‘yan?”
“Sabagay,” tumawa ako. “Pangalan ng mga tito ko ‘yon. Ilang taon ka na?"
"14. E ikaw?"
"Nauna ka lang pala sa aking ng isang taon e.”
“Ah 13?”
“Hindi, 7 years old ako. Natural 13.”
Kumunot ang noo niya. Hindi niya nasakyan ang buma-Vice na joke ko.
“Bago ka lang dito? Kasi taun-taon kami nagbabakasyon dito pero ngayon lang kita nakita. Saan ka nakatira?"
Kinamot niya ang ulo niya. "Bakit ba andami mong tanong? Umuwi ka na nga." Tumalikod na siya.
"Sandali." Hinabol ko siya. Nang pigilan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya.
"Ano ba?" inis niyang sagot.
"Salamat pala sa pagliligtas mo sa akin, Dindo."
"Wala 'yun, sige na."
Tumalikod na siya. Naiwan ako doon na hindi ko alam kung saan ako lalabas dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saan ang daan ko pauwi sa bahay nina lola.
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi
CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu
CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc
CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay