Compartir

Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo
Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo
Autor: EMNOTYOU

KABANATA 1

Autor: EMNOTYOU
last update Fecha de publicación: 2026-07-17 14:50:07

ALTHEA POV

Habol-habol ko ang hininga ko habang tumatakbo sa ilalim ng napakalakas na ulan. Bawat tapak ng luma at pudpod kong tsinelas sa basang semento ng Maynila ay tila may kasamang kaba na lumulundag sa dibdib ko. Sobrang dilim ng eskinita. Walang ibang ilaw kundi ang paminsan-minsang kidlat na nagbibigay-liwanag sa paligid, sapat lang para makita ko ang mga naglalakihang tambak ng basura at mga basang pusa na mabilis ding umiiwas sa akin.

Niyakap ko nang mahigpit ang bitbit kong kupas na backpack. Naroon ang iilang piraso ng lumang damit ko, ang kaunting barya na naitabi ko mula sa pagtitinda ng kakanin sa Samar, at ang buong buhay ko.

Huwag kang hihinto, Thea. Konti na lang. Malayo na sila.

Sumasakit na ang tagiliran ko sa tindi ng pagod. Galing ako sa halos dalawampu’t apat na oras na biyahe sakay ng barko at bus. Walang kain, walang tulog. Pero hindi ko pwedeng maramdaman ang gutom ngayon. Ang tanging utak ko lang ay ang mukha ng stepfather ko habang binibilang ang maruruming papel na pera na galing kay Kapitan Turing—ang matandang sugarol sa bayan namin na may tatlong asawa at kilalang mapanakit.

"Isang buwan mula ngayon, Thea, kukunin ka na ni Kapitan. Pambayad mo sa utang ng pamilya mo," nakangising sabi ng stepfather ko noong isang gabi.

At kagabi, nang subukan akong pasukin ni Kapitan sa likod ng tindahan habang nag-aayos ako ng mga paninda, doon ko napatunayan na seryoso sila. Kung hindi ko siya nahampas ng timba sa mukha at tumakbo palabas ng p***o, baka kung ano na ang nangyari sa akin.

"Nandito lang 'yon! Hanapin niyo!"

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa dulo ng eskinita. Kilala ko ang boses na 'yon. Si Berto. Isa sa mga tauhan ni Kapitan Turing na sumunod sa akin hanggang dito sa Maynila. Hindi ko alam kung paano nila nalamang sumakay ako ng bus pa-Cubao, pero mukhang desidido silang kaladkarin ako pabalik sa Samar.

"Hatiin niyo ang grupo! Hindi pa nakakalayo ang batang 'yon!" sigaw pa ng isa.

Pumikit ako nang mariin, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga binti. Hinaplos ko ang leeg ko na may maliit pang galos mula sa pakikipagbuno ko kay Kapitan kagabi. Hindi ako pwedeng bumalik. Mas pipiliin ko pang mamatay sa lansangan ng Maynila kaysa maging laruan ng matandang 'yon.

Dahan-dahan akong sumandal sa basang pader ng isang abandonadong gusali, sinusubukang hindi gumawa ng kahit anong ingay. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malalakas na patak ng ulan sa mga bubong na yero at ang sarili kong tibok ng puso na parang tambol sa sobrang lakas.

"Berto! May nakita akong tsinelas dito sa tapat ng eskinita! Baka pumasok dito!"

Sira. Nahulog pala ang kabiyak ng tsinelas ko kanina noong nadulas ako sa may kanto.

Wala na akong oras para mag-isip. Kumaripas ulit ako ng takbo. Wala na akong pakialam kung sumasabit ang buhok ko sa mga sampayan o kung nakatapak na ako sa mga basag na bote. Dire-diretso lang ako papunta sa dulo ng eskinita kung saan medyo maliwanag. May malaking kalsada doon. Maraming sasakyan. Doon, baka sakaling mawala ako sa paningin nila.

Nang marating ko ang dulo, sinalubong ako ng silaw ng mga streetlight at ang mabilis na daloy ng trapiko sa malawak na kalsada. Umuusok ang basang kalsada sa tindi ng ulan.

"Ayun! Hawakan niyo!" angas na sigaw ni Berto mula sa likod ko. Ilang metro na lang ang agwat nila sa akin.

Sa sobrang takot ko na mahawakan nila ako, hindi ko na tiningnan kung may parating na sasakyan. Humakbang ako pabalik, sumubok na tumawid sa kalsada para makarating sa kabilang panig kung saan may nakaparadang mga dyip.

Ngunit kasabay ng paghakbang ko ay ang biglang pag-ilaw ng dalawang napakalaking headlight mula sa kaliwang bahagi ko. Isang malaking, makintab na itim na sasakyan ang rumaragasang paparating sa direksyon ko.

Nasilaw ako nang husto at napatigil sa gitna ng kalsada, tila napako ang mga paa ko sa semento. Narinig ko ang napakalakas na tili ng gulong ng sasakyan habang pilit nitong tinatapakan ang preno sa basang daan.

Ang malaking sasakyan ay dumulas nang bahagya patungo sa kinaroroonan ko, at bago ko pa man magawang umiwas, nawalan na ng lakas ang aking mga tuhod. Dumilim ang paligid at bumagsak ako sa basang kalsada, habang ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ang malakas na kalabog ng p***o ng sasakyan na bumubukas at ang mga yabag ng sapatos na papalapit sa akin.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 12

    ALTHEA POVMabilis na lumipas ang mga oras mula nang lumabas ako ng gate ng Montenegro Estate. Habang sakay ako ng isang ordinaryong pampublikong dyipni patungo sa lugar na sinabi ni Ate Marites, pilit kong pinapakalma ang nanginginig kong dibdib. Hawak-hawak ko ang maliit kong bag na naglalaman ng mga damit ko at ng perang iniwan ko sa ibabaw ng mesa. Kahit gustong-gusto kong dalhin ang advance pay na ibinigay sa akin ni Sir Marcus, alam kong hindi ko pwedeng angkinin 'yon. Utang na loob at kahihiyan lang ang madadala ko kung kukunin ko pa ang pera niya pagkatapos niya akong tulungan.Paano kung hindi ako makabalik? Paano kung saktan nila si Nanay habang nandoon pa ako?Ang mga tanong na 'yan ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ng dyipni. Kitang-kita ko ang paglubog ng araw at ang unti-unting pag-ilaw ng mga gusali sa Maynila. Parang kailan lang, tumatakas ako rito dahil sa takot na mamatay sa kamay ng stepfather ko at ni Kapitan Turing. Ta

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 11

    MARCUS AURELIUS POVHabang binabagtas ng itim kong SUV ang kahabaan ng South Luzon Expressway pabalik ng Makati galing sa Tagaytay, hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit na nagre-play sa utak ko ang hitsura ni Althea kaninang umaga bago ako umalis. Namumutla siya, nanginginig ang mga kamay, at halatang may tinatago.Bihirang-bihira akong mag-abala sa mga taong nagtatrabaho sa paligid ko. Sa mundo ng negosyo, ang emosyon ay isang klase ng kahinaan. Kung may problema ang isang empleyado, simpleng solusyon lang ang kailangan: ayusin o kaya ay palitan. Pero nung makita ko ang panginginig ng mga daliri niya habang inaabot ang tasa ng kape, iba ang naramdaman ko. May tumusok sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano.Simula nung gabing muntik ko na siyang masagasa sa madilim na eskinita, unti-unting nabago ang tahimik at kontroladong mundo ko. Sabi ko sa sarili ko nung una, kinuha ko lang siya para patigilin ang mga bali-balita at dahil kailangan ko ng kasambahay na hinding-hindi magtatang

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 10

    ALTHEA POVNagising ako sa tunog ng malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis akong napaupo sa kama at tiningnan ang oras sa maliit na alarm clock sa side table. Alas-singko pa lang ng umaga."Thea, gising ka na ba?" boses iyon ni Nana Rosa mula sa labas. Medyo mabilis at balisa ang tono ng boses niya.Dali-dali akong tumayo, inayos ang gulo-gulong buhok, at binuksan ang pinto. "Opo, Nana. Bakit po? May nangyari po ba?"Pumasok si Nana Rosa at mabilis na isinarado ang pinto sa likod niya. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib na parang hinihingal."May nagpadala ng sobre sa main gate kaninang alas-kwatro ng madaling araw. Nakapangalan sa'yo," bulong niya sabay abot sa akin ng isang lukot na kulay cokelateng sobre.Napakunot ang noo ko habang tinititigan ang sobre. Wala itong stamp o kahit anong return address. Ang nakasulat lang sa tapat ay ang pangalan ko na isinulat gamit ang itim na ballpen: ALTHEA DIMACULANGAN."Sino raw po ang nag-iwan niyan?" tanong ko habang unt-unting kuma

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 9

    ALTHEA POVLigtas na ako. Paulit-ulit ko 'yong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Kulong na sina Berto. Wala nang humahabol sa akin, at wala nang pwedeng magkaladkad sa akin pabalik sa Samar. Pero imbes na makahinga nang maluwag, mas lalo lang yata akong hindi mapakali.Ang lalaking katulad ni Sir Marcus, hindi basta-basta nagtatanggol ng ibang tao nang walang kapalit. Bakit niya ginawa 'yon para sa akin? Dahil lang ba ayaw niyang mabulabog ang estate niya, o may iba pa?Napabuntong-hininga ako at napaupo sa kama. Ayokong mag-isip nang kung ano-ano. Sa ngayon, kailangan ko lang gampanan ang trabaho ko para hindi ako makick-out dito.Kinaumagahan, maagang-maaga pa lang ay abala na ang buong mansyon. Halos magkandarapa ang ibang mga kasambahay sa pagpapakintab ng mga figurine, pagpapalit ng mga kurtina, at pag-aayos ng malalaking flower arrangement sa grand hall."O, Thea, mabuti at gising ka na," bati sa akin ni Nana Rosa habang mabilis na naglalakad sa hall

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 8

    ALTHEA POVHalos madapa ako habang hila-hila ni Sir Marcus ang siko ko palabas ng boutique. Sobrang bilis ng mga hakbang niya. Ang mga tao sa mall na nadadaanan namin, napapalingon sa amin—lalo na sa akin na nakasuot pa ng bagong dilaw na dress habang hawak-hawak ko ang laylayan niyon para lang hindi ako matapilok sa mga flat shoes ko."S-Sir Marcus, dahan-dahan lang po!" sigaw ko sa gitna ng hingal habang nasa loob na kami ng pribadong elevator pababa sa parking lot.Hindi siya sumagot. Nakaigting ang panga niya at diretso lang ang tingin sa nagsasarang pinto ng elevator. Ang lamig at ang dilim ng aura niya ngayon, mas matindi pa kaysa noong unang gabi na muntik na niya akong masagasa.Pagkabukas ng elevator sa basement parking, mabilis na lumapit si Leo sa amin habang nakahawak sa earpiece niya."Sir, nakita sila ng security team malapit sa main gate ng estate kanina," mabilis at seryosong ulat ni Leo habang binubuksan ang pinto ng SUV. "Hindi sila nakapasok dahil sa mga cctv at rov

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 7

    ALTHEA POVBumagsak ang panga ko at parang gustong lumubog ng mga paa ko sa sahig ng study room. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakasandal siya sa matangkad niyang leather chair, sobrang kalmado na parang pinapanood lang niya akong mag-panic.Aamin ba ako? O magmamagaling pa rin ako na wala akong alam?"S-Sir... medyo masama lang po kasi ang pakiramdam niyo kagabi, kaya—""I know what happened, Thea," putol niya sa pagsasalita ko. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa upuan at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Humakbang siya palapit sa akin. "At alam kong hindi ka pumasok para lang magdala ng tubig."Napayuko ako agad, pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. Bawat lakad niya palapit ay parang bumabawas sa hangin sa loob ng kwarto."Hindi ko naman po balak manghimasok, Sir Marcus. Narinig ko lang po kasi na parang nahihirapan kayo matulog. Nag-alala lang po ako kaya ako pumasok," mahina kong paliwanag habang mahigpit kong hawak ang dalawang kamay ko sa tapat ng apro

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status