Compartilhar

KABANATA 2

Autor: EMNOTYOU
last update Data de publicação: 2026-07-17 14:54:18

ALTHEA POV

Ang lamig. Sobrang lamig ng basang aspalto sa pisngi ko.

Gusto kong bumangon. Gustong-gusto kong pilitin ang mga binti ko na tumayo at tumakbo ulit dahil alam kong ilang metro lang ang layo nina Berto sa akin. Pero para akong naparalisa. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang gumiit sa gilid habang habol ang hininga ko, basang-basa ng ulan, at nasisilaw sa dalawang dambuhalang ilaw ng sasakyang muntik nang sumagasa sa akin.

May narinig akong malakas na kalabog ng p***o. Kahit hilong-hilo na ako at halos lumalabo na ang paningin ko, pinilit kong iangat nang bahagya ang ulo ko.

"Sir, may nabangga po ba tayo?" pamilyar na boses ng isang lalaki, medyo natatarantang tanong nito sa kung sino.

"I don't think so. Bigla siyang humarang sa daan," sagot ng isa pang boses.

Yung pangalawang boses... Iba 'yung tunog. Mababa, baritono, at sobrang lamig. Walang kahit anong bahid ng pag-aalala o takot, tila ba isa lang akong istorbo sa gitna ng daan na kailangang iurong para makadaan sila.

Narinig ko ang yabag ng mabibigat na sapatos na lumulusong sa baha. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang lalaking naka-uniporme—mukhang driver o bodyguard. Pero hindi siya ang nakakuha ng pansin ko. Sa likod niya, dahan-dahang bumaba ang isa pang lalaki mula sa backseat ng mamahaling kotse.

Kahit madilim at may malakas na ulan, kitang-kita ko kung gaano siya katangkad. Naka-suit siya na kulay charcoal gray, walang payong, pero tila hindi niya pinapansin ang ulan na pumapatak sa mukha niya. Ang talas ng panga niya, at ang mga mata niya... para akong tinitingnan ng isang lobo. Galit at naiirita ang hitsura niya habang nakatingin sa akin.

Siya siguro ang may-ari ng sasakyang ito. Isang mayamang tao na walang pakialam sa mga katulad kong nakahandusay sa kalsada.

"Miss? Miss, okay ka lang ba?" Lumapit sa akin 'yung driver at hinawakan ang balikat ko. "Nababangga ka ba namin? Saan ang masakit?"

"Leo, don't touch her," malamig na utos ng lalaking naka-suit. "Baka kung anong klaseng modus 'yan. Maraming ganyan sa Maynila, nagpapanggap na nabangga para makahingi ng pera."

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang saksakin ng masasamang tingin. Mukha ba akong nagpapanggap? Nangangatog na ang buong katawan ko sa ginaw at gutom, at pakiramdam ko ay bibigay na ang malay ko anumang oras.

"H-hindi..." mahina kong bulong, pero halos kainin ng tunog ng ulan ang boses ko. "Tulong..."

"Berto! Dito! Nakita ko na, may kotse roon!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ulit ang sigaw mula sa madilim na eskinita. Sila Berto. Nahanap na nila ako. Sa sobrang takot ko, nakalimutan ko ang sakit ng katawan ko. Gumapang ako palapit sa unahan ng gulong ng kotse, pilit na inaabot ang sapatos ng lalaking naka-suit na nakatayo lang doon at pinapanood ako na parang dumi sa daan.

Inabot ko ang dulo ng pantalon niya gamit ang marumi at basang kamay ko. Ramdam ko ang mamahaling tela niyon sa mga daliri ko.

"Please... tulungan niyo po ako," pagmamakaawa ko, habang humihikbi na ako sa tindi ng desperasyon. "May humahabol po sa akin... ibebenta nila ako... p-please..."

Kitang-kita ko ang biglang pag-igting ng panga ng lalaki. Mabilis niyang binaluktot ang binti niya para umiwas sa hawak ko, tila diring-diri na nadikit ang marurumi kong kamay sa mamahalin niyang suot.

"Let go," seryoso at may banta sa boses niya.

"Sir Marcus," tawag ng driver niya, habang nakatingin sa dulo ng eskinita kung saan papalapit na ang tatlong lalaking may hawak na pamalo at kutsilyo. "Mukhang totoo po ang sinasabi niya. May mga armadong lalaking paparating."

Tumingin si Marcus—'yun pala ang pangalan niya—sa direksyon ng eskinita. Nagtagpo ang tingin nila ni Berto na noon ay natigilan nang makita kung gaano kalaki at kayaman ang may-ari ng sasakyang nakaparada. Kahit ang mga bastos na tauhan ni Kapitan Turing ay alam kung kailan dapat matakot. Ang Rolls-Royce pa lang na nakatigil sa kalsada ay sapat na para sabihin sa kanilang hindi ordinaryong tao ang kaharap nila.

"S-sir... ang bata po namin 'yan," lakas-loob na sigaw ni Berto habang dahan-dahang lumalapit, sinusubukang magmukhang magalang pero hawak pa rin ang patalim sa likod niya. "Nagnakaw po 'yan sa amin kaya tinatakasan kami. Ibigay niyo na po sa amin para hindi kayo maabala."

Tumingin ulit si Marcus sa akin. Sa pagkakataong ito, mas bumaba ang tingin niya. Marahil ay napansin niya ang mga pasa sa braso ko, ang punit-punit kong damit, at ang sugat sa aking leeg na patuloy na dinadaluyan ng dugo at tubig-ulan.

"Nagnakaw?" ulit ni Marcus, ang boses ay tila may halong panghahamak. Pero hindi sa akin nakaturo ang panghahamak na iyon—kundi kay Berto. "At sa tingin niyo ba ay may pakialam ako sa gulo ninyo?"

"Sir, pakiusap po..." bulong ko, bago tuluyang umikot ang paligid ko.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng aking mga talukap. Ang huling nakita ko bago tuluyang dinalaw ng dilim ang aking paningin ay ang paghakbang palapit ni Marcus, habang ang driver niya ay mabilis na humarang sa harap nina Berto.

Eksaktong pagdilat ng mga mata ko, hindi malamig na semento ang naramdaman ko.

Malambot. Sobrang lambot ng hinihigaan ko. At may mainit na hangin na humahaplos sa balat ko—galing sa heater ng sasakyan. Amoy mamahaling katad at banayad na pabango na may amoy ng kahoy at mint ang buong paligid.

Dahan-dahan kong inikot ang paningin ko nang hindi gumagalaw ang ulo ko dahil sa tindi ng sakit. Nakahiga ako sa malawak na backseat ng isang sasakyan. Nakatakip sa akin ang isang napakabigat at napakainit na coat na kulay itim. Amoy ng lalaking nagngangalang Marcus ang coat na 'yon.

Nilingon ko ang gilid ko at doon ko siya nakita.

Naka-upo siya sa kabilang dulo ng backseat, may kalayuan sa akin na tila ba ayaw niyang madikit kahit isang hibla ng buhok ko sa kanya. Naka-cross ang mga binti niya habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan mabilis na lumalagpas ang mga ilaw ng siyudad. Wala na sa kanya ang coat na nakatakip sa akin ngayon. Naka-vest na lang siya at nakatupi ang manggas ng kanyang puting polo hanggang siko, ipinapakita ang matitipunong braso at ang isang mamahaling gintong orasan sa kanyang kaliwang pulso.

"Gising ka na pala," malamig niyang saad, nang hindi man lang ako nililingon.

Subsub pa rin ang kalahati ng mukha ko sa malambot na upuan. "N-nasaan po tayo?"

"Nasa sasakyan ko," simpleng sagot niya. Sa wakas ay lumingon siya sa akin, ang mga mata ay nananatiling walang emosyon. "At huwag mong isipin na ginawa ko ito dahil naawa ako sa'yo. Ayaw ko lang magkaroon ng abala sa mga pulis kung sakaling mamatay ka sa harap ng kotse ko."

Hindi ako nakapagsalita agad. Kahit napakasungit ng tono niya, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil iniligtas niya ako mula sa impiyernong naghihintay sa akin sa Samar.

"Salamat po..." mahina kong sabi, habang mas isiniksik ko ang sarili ko sa ilalim ng coat niya para itago ang nanginginig kong katawan.

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang kanyang mamahaling telepono at may mabilis na tinipa roon, tuluyang binalewala ang presensya ko sa loob ng sasakyan.

Tuluyan nang bumagsak ang mga talukap ng mata ko habang nararamdaman ko ang marahang pag-ugoy ng umaandar na sasakyan.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 5

    ALTHEA POVHingal na hingal ako habang bitbit ang tray pabalik sa ikalawang palapag ng mansyon. Buong buhay ko, ngayon lang ako natakot nang ganito sa isang tasa ng tsaa. Kung hindi magugustuhan ni Sir Marcus Montenegro ang ginawa ko, katapusan ko na.Pagpasok ko sa library, nakasandal pa rin siya sa dingding, nakapikit ang mga mata habang dahan-dahang hinahawakan ang sentido niya. Halatang hirap na hirap siya sa sakit ng ulo."S-Sir, eto na po 'yung tsaa," mahina kong sabi habang dahan-dahang inilalapag ang tasa sa mesa, medyo malayo sa mga basang papel para umiwas sa isa pang trahedya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Tiningnan niya muna ako bago lumipat ang tingin niya sa umuusok na tasa. Kumunot ang noo niya nang maamoy ang kakaibang aroma ng luya, tanglad, at honey. Sa isang bilyonaryong sanay sa mga mamahaling tsaa at imported na gamot, mukhang napakabaduy at kakaiba ng inihanda ko."Anong tawag dito?" tanong niya, medyo paos ang boses."Tsaa po mula sa luya at tan

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 4

    ALTHEA POVInabot ako ng tatlong araw bago tuluyang maka-recover. Sa tatlong araw na 'yon, hindi ko nakita si Sir Marcus. Literal na nakakulong lang ako sa kwarto ko, nilalapatan ng kung anu-anong ointment ni Nana Rosa 'yung mga pasa ko, at pinapakain ng masasarap na putahe na sa panaginip ko lang nakikita rito sa Montenegro Estate.Pero ngayong umaga, opisyal na ang simula ng aking "isang buwang palugit."Kasalukuyan kong suot ang uniporme ko—isang simpleng kulay abong bistida na lagpas tuhod at may puting apron sa harap. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo bumalik na ang kulay sa mga pisngi ko, pero mukha pa rin akong bata na naliligaw sa dambuhalang mansyon na ito."Heto ang listahan ng mga gawaing itinalaga ko sa'yo, Thea," sabi ni Nana Rosa habang iniaabot sa akin ang isang pirasong papel. "Sa ngayon, ang tanging pwede mo lang galawin ay ang library at ang private office ni Sir Marcus sa ikalawang palapag. Huwag mong pakikialaman ang mga papel sa desk niya. Ayusin mo lan

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 3

    ALTHEA POVAmoy gamot na may hinalong mamahaling pabango ang unang pumasok sa ilong ko paggising ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nag-e-expect na ang madilim at mabahong eskinita o ang maruming bodega ni Kapitan Turing ang sasalubong sa akin. Pero nagkamali ako. Isang napakalawak na puting kisame na may dambuhalang chandelier na gawa sa kristal ang nakatapat sa akin.Grabe, nananaginip ba ako? Patay na ba ako at nasa langit na?Sububukan ko sanang umupo pero biglang kumulo ang tyan ko at naramdaman ko ang matinding hilo."Huwag ka munang biglang babangon, hija. Kakakabit ko lang ng IV fluids sa'yo," isang mahinahong boses ng matandang lalaki ang narinig ko mula sa gilid ko.Nalingon ko siya nang dahan-dahan. Naka-salamin siya at may suot na stethoscope sa leeg. Mukha siyang doktor na madalas kong nakikita sa mga palabas sa telebisyon."N-nasaan po ako?" patay-gutom kong tanong habang pilit na inaayos ang sarili ko.Nakahiga ako sa isang kama na kung ihahambing sa banig k

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 2

    ALTHEA POVAng lamig. Sobrang lamig ng basang aspalto sa pisngi ko.Gusto kong bumangon. Gustong-gusto kong pilitin ang mga binti ko na tumayo at tumakbo ulit dahil alam kong ilang metro lang ang layo nina Berto sa akin. Pero para akong naparalisa. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang gumiit sa gilid habang habol ang hininga ko, basang-basa ng ulan, at nasisilaw sa dalawang dambuhalang ilaw ng sasakyang muntik nang sumagasa sa akin.May narinig akong malakas na kalabog ng pinto. Kahit hilong-hilo na ako at halos lumalabo na ang paningin ko, pinilit kong iangat nang bahagya ang ulo ko."Sir, may nabangga po ba tayo?" pamilyar na boses ng isang lalaki, medyo natatarantang tanong nito sa kung sino."I don't think so. Bigla siyang humarang sa daan," sagot ng isa pang boses.Yung pangalawang boses... Iba 'yung tunog. Mababa, baritono, at sobrang lamig. Walang kahit anong bahid ng pag-aalala o takot, tila ba isa lang akong istorbo sa gitna ng daan na kailangang iurong para makadaan sila.Nar

  • Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo   KABANATA 1

    ALTHEA POVHabol-habol ko ang hininga ko habang tumatakbo sa ilalim ng napakalakas na ulan. Bawat tapak ng luma at pudpod kong tsinelas sa basang semento ng Maynila ay tila may kasamang kaba na lumulundag sa dibdib ko. Sobrang dilim ng eskinita. Walang ibang ilaw kundi ang paminsan-minsang kidlat na nagbibigay-liwanag sa paligid, sapat lang para makita ko ang mga naglalakihang tambak ng basura at mga basang pusa na mabilis ding umiiwas sa akin.Niyakap ko nang mahigpit ang bitbit kong kupas na backpack. Naroon ang iilang piraso ng lumang damit ko, ang kaunting barya na naitabi ko mula sa pagtitinda ng kakanin sa Samar, at ang buong buhay ko.Huwag kang hihinto, Thea. Konti na lang. Malayo na sila.Sumasakit na ang tagiliran ko sa tindi ng pagod. Galing ako sa halos dalawampu’t apat na oras na biyahe sakay ng barko at bus. Walang kain, walang tulog. Pero hindi ko pwedeng maramdaman ang gutom ngayon. Ang tanging utak ko lang ay ang mukha ng stepfather ko habang binibilang ang maruruming

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status