Share

Chapter 15 - Ang Karanasan Ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)

Napako si Father Mauricio sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maalis ang mga mata sa rebulto ni San Serberus. Baka mag-iba na naman kasi ito ng posisyon oras na malingat siya.

"Parang awa mo na, Padre Jose. Gusto ko ng bumalik sa aking kuwarto," pagsusumamo niya.

Humakbang palapit sa kanya si Padre Jose Epifañia. Taimtim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi mo ba naiintindihan, Padre Mauricio? Ang bagay na ito ay higit pa sa ating dalawa. Kapakanan ng buong mundo ang nakasalalay dito. Oras na iwan ni Serberus ang puwesto niya, mapapahamak tayong lahat. Nakikita mo ba 'yang pintong 'yan? Ang pintong iyan ang mismong lagusan ng impyerno. Halika at nang masaksihan mo," nakaturo si Padre Epifañia sa isa pang pintuan sa bandang likuran ng silid. Wala naman itong pinagkaiba sa regular na mga pinto. Kulay kayumanggi ito, walang kahit anong pintura, may simpleng ukit ng mga kerubin at bulaklak sa harap. Ang doorknob din ay gawa sa ordinaryong metal.

Dahan-dahang inakay ni Padre Jose
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status