Halos hindi na maidilat ni Father Mer ang mga mata sa sobrang mugto ng mga ito. Bumangon siya at muling napahiga dahil sa sakit ng kanyang ulo na para bang tinadyakan ito ng tatlong kabayo. Inabot niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lamesitang katabi ng kama para basain ang nanunuyo niyang lalamunan. Pakiramdam niya ay naubos na ang lahat ng tubig sa kanyang katawan sa ilang oras na pag-iyak noong nagdaang gabi.Nakatingin siya sa kisame. Kumurap-kurap para alisin ang agiw ng antok at pagod. Kahit na bigat na bigat ang buo niyang katawan, pinilit pa rin niyang umupo sa gilid ng kanyang kama para magdasal ng pasasalamat para sa panibagong araw na ipinagkaloob sa kanya. Noong una ay puro pa siya papuri sa Diyos hanggang sa napalitan ito ng pagsusumbong sa kanya at pagmamaktol. Bakit ayaw mawala ng bigat ng kalooban niya? Ng sakit niya sa pag-iisip? Bakit ba siya tina-traydor ng mga taong itrinato at pinakitaan naman niya ng kabutihan? Bakit kailangan niyang kunin si Kape? Hind
Naalimpungatan si Father Mer sa mga tilaok ng mga manok. Hindi niya namalayan na bente minutos na pala siyang naiidlip. Nakasandal siya sa isang kubling bahagi ng malaking aparador na nakapuwesto malapit sa tinakpang hagdanan, inaabangan ang paglabas ng magnanakaw sa sikretong pinto.Naiinis siya sa sarili. Baka kanina pa nakalabas ang magnanakaw nang 'di niya namamalayan. O baka nakatakas na ito sa isa sa mga bintana sa taas. "Napakatanga mo naman, Mer. Ang tanga-tanga mo. Nakatakas na tuloy 'yun," pinagalitan niya ang sarili, pero hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pinagtataguan. Umaasa na hindi totoo ang kanyang hinala.Hinawakan niya nang maigi ang floor mop na kinuha niya kanina sa may kusina. Gagamitin niya iyong panghambalos sa ulo ng kawatan. Sampung minuto pa ang lumipas at susuko na sana siya nang unti-unting bumukas ang sikretong pinto. Ang tunog ng langitngit nito ay lumikha ng ingay sa Casa Del Los Benditos.Dahang-dahang tumayo si Father Mer mula sa madilim na sulok n
"Ang ganda naman ng kuwintas mo. Sino nagbigay sa'yo n'yan?" hahawakan sana ni Father Mer ang kuwintas para kilatisin pang maigi pero naunahan siya ni Minggay. Dagli niyang dinaklot ang pendant at saka itinago sa loob ng kanyang kuwelyo."Bi-bigay po siya ng Mama ko," pagsisinungaling ni Minggay.Ipinag-kibit balikat na lang ni Father Mer ang ginawang iyon ni Minggay. Baka kasi nahihiya lang ang bata. "Nasa'n na nga pala mga magulang mo? Bakit si Nana Conrada na ang nag-aalaga sa'yo?" "W-wala na po sila. Pa-patay na po," lumungkot ang mga mata at labi ni Minggay para mas magmukha siyang kapani-paniwala.Tumalab naman ito sa pari. "Ah, gano'n ba? Pasensya na kung matanong ko. Gusto lang kasi kitang makilala at maging kaibigan."Umiwas ng tingin si Minggay sa nakangiting mukha ng pari. Siguradong mapapalitan ng galit ang mga ngiting iyon kung malaman nito ang lihim ng Casa Del Los Benditos. Nakokonsensya tuloy siya sa ginagawa."Sige na't maligo ka na doon at galing ka pa sa pakikipagh
Simula noong gabing iyon, nang madiskubre ni Father Mer ang pagnanakaw ng dalawang matanda, lihim na niya silang minamanmanan mula sa malayo. Hangga't maaari, hangga't hindi pa siya nagpapahinga, inaalam niya muna kung saan nagsusuot o kung saan niya sila huling nakita bago niya gawin ang kanyang iba pang trabaho.Mahirap iyon para kay Father Mer dahil hindi siya ang tipo ng tao na kayang magpanggap kapag may nakikita na siyang mali at hindi magandang gingagawa ang kanyang kapwa. Pero kailangan muna niyang manahimik muna at mag-obserba bago siya gumawa ng anumang konklusyon tungkol kina Nana Conrada at Manong Jerry. Baka naman kasi mali lang ang pagkakaintindi niya sa nakita."Kain na po kayo, Father habang mainit pa yung kanin at sinigang." Kinatok siya ni Nana Conrada sa kanyang kuwarto. "May guyabano rin po akong nabili. Baka gusto niyo po at ipaghihiwa ko po kayo.""Ah, sige po. Ako na lang po ang bahala. Salamat po, Nana," nakangiting sabi ni Father Mer kahit na naglalaro sa isip
Tahimik lang si Nana Conrada habang kinakausap siya ni Father Mer. Nasa loob sila ngayon ng study room ng Casa kung saan noon tinuturuan ni Mr. Aragon si Minggay kasama ang dalawa pang kapwa niya ampon ng simbahan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng isang mahabang lamesa."Kailan pa?" blangko ang mukha ni Father Mer, pero nagngingitngit ang kanyang kalooban sa galit. "Ang alin po, Father?" maang na sagot naman ng matanda. Pinabalik muna ni Nana si Minggay sa kanilang tinutulugan sa likod ng Casa. Usapang pang-matanda lang, sabi nito sa kanya.Napabuntong hininga si Father Mer. Wala na siyang oras magapaligoy-ligoy sa kasambahay kaya diniretso na niya ito. "Nakita ko sa bayong mo yung candelabra noong gabing sinabi mo na mamalengke ka. Hindi ka pa nakontento 'yung rebulto naman ng Birhen ng Fatima gusto mong nakawin. Baka gusto mo ring kunin yung korona ng birhen ng Villapureza sa altar natin sa simbahan. Tadtad ng diyamante 'yun. Siguro malaki-laki na kikitain mo du'n 'pag naibenta
Tinanggihan ni Padre Mauricio Espejo ang alok ng kasamahang pari na si Padre Jose Epifañia Sandoval na maging bagong bantay. Nasa kanyang silid ito ngayon, nilalagnat, payat na payat at halos puro tubig lang ang laman ng sikmura. Hindi na ito kumakain ng kahit lugaw man lang. Unti-unting inaagaw ng hindi matukoy na sakit ang katawan.Alam na marahil ng Kastilang pari ang ang nalalapit niyang pagpanaw. Kaya't isang araw, inaya niya ang kasamahan at Pilipinong pari na si Mauricio na maglakad-lakad sa aplaya sa isang tahimik na dagat noong nagbakasyon silang mga taga-simbahan sa probinsya ng Batangas."May sasabihin ako sa'yo, makinig ka," bagaman purong Kastila, matatas sa Tagalog si Padre Jose Epifañia. Dito na kasi siya ipinanganak at lumaki.Huminto si Padre Mauricio at pinunasan ang pawis sa leeg. Napakataas ng sikat ng araw at nangangagat sa balat ang init nito. Bakit ba kasi sa malayo sila nag-uusap kung puwede namang sa lilim na lang sila ng kabana?Hindi pinansin ng Kastila ang
Napako si Father Mauricio sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maalis ang mga mata sa rebulto ni San Serberus. Baka mag-iba na naman kasi ito ng posisyon oras na malingat siya."Parang awa mo na, Padre Jose. Gusto ko ng bumalik sa aking kuwarto," pagsusumamo niya.Humakbang palapit sa kanya si Padre Jose Epifañia. Taimtim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi mo ba naiintindihan, Padre Mauricio? Ang bagay na ito ay higit pa sa ating dalawa. Kapakanan ng buong mundo ang nakasalalay dito. Oras na iwan ni Serberus ang puwesto niya, mapapahamak tayong lahat. Nakikita mo ba 'yang pintong 'yan? Ang pintong iyan ang mismong lagusan ng impyerno. Halika at nang masaksihan mo," nakaturo si Padre Epifañia sa isa pang pintuan sa bandang likuran ng silid. Wala naman itong pinagkaiba sa regular na mga pinto. Kulay kayumanggi ito, walang kahit anong pintura, may simpleng ukit ng mga kerubin at bulaklak sa harap. Ang doorknob din ay gawa sa ordinaryong metal.Dahan-dahang inakay ni Padre Jose
Dumiretso si Father Mauricio sa simbahan. Nagdasal siya sa birheng Maria ng Villapureza, humingi ng gabay kung ano ang dapat niyang gawin sa lahat ng kanyang nalaman noong gabing iyon. Hinintay niya ang sagot ng mahal na ina. Minasdan niya nang maigi kung bubuka ba ang bibig nito o kakausapin ba siya sa pamamagitan ng isip, pero ni isang salita ay wala siyang nakuha. Nanatili lang itong nakatayo. Ang koronang nakaputong sa ulo nito, nagkikislapan at walang pakialam sa kanya.Tumakbo si Padre Mauricio sa kanyang kuwarto at doon nagkulong. Kinatok siya ni Padre Jose Epifañia subalit hindi niya ito pinagbuksan. Sa halip, pinagmumura niya ang Kastila at itinaboy na parang salot na ibon sa pananim. Nag-iiyak si Padre Mauricio. Kinuha niya ang maleta at itinapon ang lahat ng damit na puwedeng magkasya roon. Pero tumigil din siya. Wala na siyang ibang lugar na mapupuntahan. Hindi niya masasabi sa obispo ang tungkol sa lagusan at sa santong demonyo. Kapag nagpalipat naman siya ng parokya, gan