Share

Chapter 7

Penulis: Delicate8
last update Tanggal publikasi: 2022-08-04 16:53:28

"Gremlins, matagal pa ba kayo? Inaantok na kasi ako." Mag-a-alas nuwebe na ng gabi at sampung minuto nang palakad-lakad sina Kape at Ulan sa hardin pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakapagbawas.

Nakaupo siya sa bench at nakatingala sa langit. Walang kahit isang bituin siyang makita. Natabunan siguro ng mga ulap, baka uulan ngayong gabi.

Hindi maalis sa isip ni Father Mer ang narinig na mga iyak at boses kanina sa may hagdan. 'Yung iba parang nagmamakaawa, humihingi ng saklolo. Galing ba 'y
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 41

    2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 40

    Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 39

    Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 38

    Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 37

    Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 36

    "Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 16 - Ang Karanasan Ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)

    Dumiretso si Father Mauricio sa simbahan. Nagdasal siya sa birheng Maria ng Villapureza, humingi ng gabay kung ano ang dapat niyang gawin sa lahat ng kanyang nalaman noong gabing iyon. Hinintay niya ang sagot ng mahal na ina. Minasdan niya nang maigi kung bubuka ba ang bibig nito o kakausapin ba siy

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 15 - Ang Karanasan Ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)

    Napako si Father Mauricio sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maalis ang mga mata sa rebulto ni San Serberus. Baka mag-iba na naman kasi ito ng posisyon oras na malingat siya."Parang awa mo na, Padre Jose. Gusto ko ng bumalik sa aking kuwarto," pagsusumamo niya.Humakbang palapit sa kanya si Padre Jo

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 14 - Ang Karanasan ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)

    Tinanggihan ni Padre Mauricio Espejo ang alok ng kasamahang pari na si Padre Jose Epifañia Sandoval na maging bagong bantay. Nasa kanyang silid ito ngayon, nilalagnat, payat na payat at halos puro tubig lang ang laman ng sikmura. Hindi na ito kumakain ng kahit lugaw man lang. Unti-unting inaagaw ng

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 13

    Tahimik lang si Nana Conrada habang kinakausap siya ni Father Mer. Nasa loob sila ngayon ng study room ng Casa kung saan noon tinuturuan ni Mr. Aragon si Minggay kasama ang dalawa pang kapwa niya ampon ng simbahan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng isang mahabang lamesa."Kailan pa?" blangko ang mu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status