Share

Chapter 13

Tahimik lang si Nana Conrada habang kinakausap siya ni Father Mer. Nasa loob sila ngayon ng study room ng Casa kung saan noon tinuturuan ni Mr. Aragon si Minggay kasama ang dalawa pang kapwa niya ampon ng simbahan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng isang mahabang lamesa.

"Kailan pa?" blangko ang mukha ni Father Mer, pero nagngingitngit ang kanyang kalooban sa galit.

"Ang alin po, Father?" maang na sagot naman ng matanda. Pinabalik muna ni Nana si Minggay sa kanilang tinutulugan sa likod ng Casa. Usapang pang-matanda lang, sabi nito sa kanya.

Napabuntong hininga si Father Mer. Wala na siyang oras magapaligoy-ligoy sa kasambahay kaya diniretso na niya ito. "Nakita ko sa bayong mo yung candelabra noong gabing sinabi mo na mamalengke ka. Hindi ka pa nakontento 'yung rebulto naman ng Birhen ng Fatima gusto mong nakawin. Baka gusto mo ring kunin yung korona ng birhen ng Villapureza sa altar natin sa simbahan. Tadtad ng diyamante 'yun. Siguro malaki-laki na kikitain mo du'n 'pag naibenta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status