Share

Chapter 12

Simula noong gabing iyon, nang madiskubre ni Father Mer ang pagnanakaw ng dalawang matanda, lihim na niya silang minamanmanan mula sa malayo. Hangga't maaari, hangga't hindi pa siya nagpapahinga, inaalam niya muna kung saan nagsusuot o kung saan niya sila huling nakita bago niya gawin ang kanyang iba pang trabaho.

Mahirap iyon para kay Father Mer dahil hindi siya ang tipo ng tao na kayang magpanggap kapag may nakikita na siyang mali at hindi magandang gingagawa ang kanyang kapwa. Pero kailangan muna niyang manahimik muna at mag-obserba bago siya gumawa ng anumang konklusyon tungkol kina Nana Conrada at Manong Jerry. Baka naman kasi mali lang ang pagkakaintindi niya sa nakita.

"Kain na po kayo, Father habang mainit pa yung kanin at sinigang." Kinatok siya ni Nana Conrada sa kanyang kuwarto. "May guyabano rin po akong nabili. Baka gusto niyo po at ipaghihiwa ko po kayo."

"Ah, sige po. Ako na lang po ang bahala. Salamat po, Nana," nakangiting sabi ni Father Mer kahit na naglalaro sa isip
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status