LOGINMARICAR POV
Kinabukasan, maaga akong nagising, pero ibang-iba na ang pakiramdam ko kumpara sa mga nakaraang araw. Wala na ang pag-aalala kong baka mawalan kami ng tirahan o ang pagod sa pagluluto ng kakanin para lang kumita ng sapat na pera. Kumuha ako ng designer tweed jacket, tailored trousers, at mamahaling heels mula sa walk-in closet ng personal suite ko. Maayos kong inayos ang buhok ko at naglagay ng kaunting makeup.
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang bumalik ako sa private service kitchen at office area ng penthouse ni Dante Elizalde.
Habang naglalakad ako sa pasilyo, rinig ko ang nagmamadaling yabag ng mga tao sa labas ng mga opisina. Nagkakagulo ang mga secretary habang pawis na pawis naman ang mga manager sa kakahabol ng mga kailangang ayusin. Siyempre, sino ba namang hindi kakabahan ngayong alam na ng buong kumpanya na ang babaeng minamaliit nila kahapon ay ang may-ari ng majority shares ng buong korporasyon?
Pagpasok ko sa malawak na kusina na konektado sa opisina ni Dante, abala akong nagche-check ng ilang dokumento sa tablet ko nang bumukas ang p***o.
Si Dante.
Mukhang hindi ito nakatulog nang maayos kagabi. Gusot ang polo shirt niya, at magulo rin ang buhok dahil sa paulit-ulit na paghawak niya rito habang nai-stress. Natigilan siya nang makita akong nakatayo malapit sa counter habang umiinom ng tsaa.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang dating suplado at seryosong mukha ay napalitan ng halatang hiya at kaba.
Mukhang hindi niya alam kung paano ako haharapin matapos niya akong tawaging simpleng tagaluto na walang alam kundi ang magsunog ng pagkain noong isang gabi.
Tumayo ako nang tuwid at inilapag ang tasa ko. Humarap ako sa kaniya habang bahagyang nakataas ang isang kilay, pinapanood siyang lumunok bago dahan-dahang lumapit sa akin.
"Good morning, Mr. Elizalde," bati ko. Kalmado ang boses ko, pero sapat ang diin para makita kong pinagpapawisan siya. "Mukhang maaga ka rin ngayon. May problema ba sa mga report mo?"
Nap lunok si Dante at bahagyang yumuko, halatang pinipilit niyang itago ang hiya niya bilang isa sa mga top executive ng kumpanya.
"Ma'am Mara... I mean, Boss—"
"Mara na lang ang tawag mo sa akin noon, Dante, hindi ba?" putol ko sa kaniya habang bahagyang nakangiti. "Bakit parang biglang nag-iba ang pakikitungo mo sa akin ngayong alam mong ako pala ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo? Noong isang gabi, kung makapagsalita ka sa akin, parang ikaw ang may-ari ng kusinang iyon."
Bahagyang namula ang mga tainga ni Dante. Kitang-kita kong hindi niya alam kung paano ako sasagutin.
Sanay siyang siya ang nasusunod, siya ang nagdidikta ng gagawin ng mga tao, at siya ang may kontrol sa opisina. Pero ngayon, kaharap niya ang taong may hawak ng kontrata niya at ng buong kumpanya.
"Look, Mara..." panimula niya. Medyo alanganin ang boses niya habang bahagya pang lumalapit para makausap ako nang maayos. "Tungkol sa nangyari noong isang gabi... I didn't know. Kung alam ko lang na ikaw ang—"
"Na ako ang may-ari ng building na iyon, rerespetuhin mo ako?" dugtong ko sa sinabi niya habang nakatingala sa kaniya. "Kaya pala ganyan ka makitungo sa mga taong akala mo walang narating sa buhay. Dahil lang tingin mo sa akin ay isang cook o tindera na walang laban, puwede mo na akong bastusin at paalisin?"
Agad na umiling si Dante at bahagyang itinaas ang mga kamay niya, na para bang gusto niyang ipakitang hindi niya ako kinokontra.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Sanay lang ako na... ewan. Pagod ako galing sa ibang bansa, tapos nakita kitang nagkamali sa kusina ko. Pero alam kong hindi iyon sapat na dahilan. Mali ako, Mara. Inaamin ko. Hindi ko dapat hinusgahan ang pagkatao mo base lang sa itsura mo."
"Mabuti naman at alam mo," sagot ko.
Humakbang ako palapit sa kaniya hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang gawin ko iyon, pero hindi ako umatras.
"Mr. Elizalde, mukhang kailangan mo munang matutong rumespeto sa mga taong tinatawag mong ordinaryo bago mo pamunuan ang mga empleyado ko rito."
"Ano ang gusto mong gawin ko?" seryosong tanong ni Dante habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Wala na ang dating yabang sa mukha niya. Sa pagkakataong iyon, mukhang handa siyang tanggapin kung ano man ang magiging desisyon ko. "Gusto mo ba akong mag-resign? O gusto mong ibaba ang posisyon ko?"
"Hindi ko kailangang tanggalin ka, Dante. May alam ka sa negosyo at magaling ka sa trabaho mo. Iyon ang dahilan kung bakit ikaw ang kinuha ko para sa posisyong iyan," sagot ko habang inaayos ang kwelyo ng suit niya, sabay bigay ng mapang-asar na ngiti. "Pero simula ngayon, mas magiging mahigpit ako sa ugali mo. Subukan mo lang ulit maliitin o laitin ang kahit sino sa mga empleyado ko, at sisiguraduhin kong hindi lang posisyon mo ang mawawala sa iyo."
Bago pa makasagot si Dante, tumalikod na ako at bumalik sa pag-check ng mga dokumento sa mesa. May mga kailangan pa akong asikasuhin, at wala akong balak sayangin ang oras ko sa pakikipagtalo sa kaniya.
Pero bago ako tuluyang makalabas, narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya. Sumunod ang mababa niyang boses mula sa likuran ko.
"You really know how to turn my world upside down, Mara," mahina niyang sabi. May kakaibang tono sa boses niya na hindi ko maipaliwanag.
Hindi na ako lumingon pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng penthouse para simulan ang mga opisyal na meeting kasama ang buong korporasyon.
MARICAR POVMatapos ang nangyari sa opisina, kung saan halos hindi ako matingnan nang diretso ni Dante, nagpasya akong bumaba muna sa main lobby para tingnan ang ilang commercial stalls at makipag-usap sa property manager tungkol sa mga bagong tenant. Suot ko ang tweed jacket at heels ko, kaya kitang-kita ang pagkakaiba ng itsura ko ngayon kumpara noong araw na pinalayas ako rito habang may bitbit na mga tupperware ng kakanin.Noon, ang iniisip ko lang ay kung paano ko bubuhayin si Liam at kung saan ako kukuha ng pambayad sa upa bago kami tuluyang mapalayas. Pero ngayon, ako na ang may hawak ng buong korporasyon. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik sa akin ang hustisya matapos ang lahat ng pangmamaliit at pang-aaping naranasan ko.Habang naglalakad ako papunta sa front desk kasama ang dalawang security consultant, biglang umalingawngaw ang isang pamilyar at malakas na boses sa loob ng malawak na lobby."Sino bang nagsabing hindi ako puwedeng pumasok dito? Kilala ba ninyo ang asawa
MARICAR POVKinabukasan, maaga akong nagising, pero ibang-iba na ang pakiramdam ko kumpara sa mga nakaraang araw. Wala na ang pag-aalala kong baka mawalan kami ng tirahan o ang pagod sa pagluluto ng kakanin para lang kumita ng sapat na pera. Kumuha ako ng designer tweed jacket, tailored trousers, at mamahaling heels mula sa walk-in closet ng personal suite ko. Maayos kong inayos ang buhok ko at naglagay ng kaunting makeup.Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang bumalik ako sa private service kitchen at office area ng penthouse ni Dante Elizalde.Habang naglalakad ako sa pasilyo, rinig ko ang nagmamadaling yabag ng mga tao sa labas ng mga opisina. Nagkakagulo ang mga secretary habang pawis na pawis naman ang mga manager sa kakahabol ng mga kailangang ayusin. Siyempre, sino ba namang hindi kakabahan ngayong alam na ng buong kumpanya na ang babaeng minamaliit nila kahapon ay ang may-ari ng majority shares ng buong korporasyon?Pagpasok ko sa malawak na kusina na konektado sa opisina ni Dant
MARICAR POVKinabukasan, maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog kakaisip sa banta ni Lance at sa nangyari sa amin ni Dante Elizalde kagabi. Kahit ayoko nang bumalik sa building na iyon, kailangan ko pa rin. May naiwan kasi akong maliit na lalagyan ng mga rekado sa service kitchen. Kailangan ko ring kausapin ang agency tungkol sa bayad sa trabaho ko bilang private cook.Nagsuot lang ako ng simpleng oversized white T-shirt, maong na pantalon, at luma kong rubber shoes. Itinali ko ang buhok ko sa isang messy bun bago ako umalis. Nang ihatid ko si Liam sa kapitbahay naming pinagkakatiwalaan ko tuwing umaga, mahigpit ko muna siyang niyakap."Anak, dito ka muna kay Aling Nena, ha? Ibibili kita ng paborito mong palaman mamaya pag-uwi ko," bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.Pagdating ko sa ground floor ng Elizalde Commercial and Residential Tower, agad kong napansin ang kakaibang tensyon sa paligid. Nagkakagulo ang mga staff sa lobby. Ang mga security guard ay nakatayo
MARICAR POVMatapos ang nangyari sa labas ng building, kung saan halos durugin ako ni Lance sa mga sinabi niya, pinilit ko pa ring tumayo at tapusin ang trabaho ko. Hindi ko puwedeng hayaang masira ang buong araw ko dahil lang sa kanila. Kailangan kong kumita ng pera. Kaya ngayong gabi, tinanggap ko ang raket bilang private caterer at cook para sa isang VIP tenant na nakatira sa penthouse ng mismong building na ito.Malaki ang bayad sa pagluluto ko rito, kaya kahit puyat ako, basa pa ang laylayan ng damit ko, at namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina, nag-apply pa rin ako sa agency ng building para maging temporary private chef.Pagpasok ko pa lang sa malawak at tahimik na penthouse, ramdam ko na agad ang lamig ng aircon. Malayo ang modernong kusina nito sa maliit naming lutuan sa apartment. Puro stainless steel ang mga gamit, at makintab na itim na marmol naman ang mga countertop. Huminga ako nang malalim, inayos ang pagkakatali ng buhok ko, at sinimulang ihanda ang mga s
MARICAR POVAlas-kuwatro y medya pa lang ng madaling araw, gising na ako. Agad akong bumangon kahit masakit pa ang likod ko dahil sa nipis ng kutson na tinutulugan namin sa maliit naming apartment. Sa ibabaw ng maliit na lamesa, nakahilera ang mga tupperware na puno ng kutsinta at puto na niluto ko para sa mga o-order ngayong umaga.May limang taong gulang akong anak, si Liam. Mahimbing pa ang tulog niya habang yakap ang maliit niyang unan. Pagkakita ko sa mukha niya, parang nawala agad ang antok ko. Kinuha ko ang bimpo at marahang pinunasan ang pawis sa noo niya. Kaya kong gumising nang maaga at magtrabaho nang maghapong pagod dahil sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako puwedeng sumuko. Pero habang inilalagay ko sa eco-bag ang mga paninda ko, napatingin ako sa papel na nakasingit sa ilalim ng basahan malapit sa pinto.Notice of Eviction.Tatlong araw na lang ang ibinigay sa amin para makaalis dito kapag hindi ko nabayaran ang tatlong buwang atrasadong upa. Bigla kasing hal







