MARICAR POVMatapos ang nangyari sa labas ng building, kung saan halos durugin ako ni Lance sa mga sinabi niya, pinilit ko pa ring tumayo at tapusin ang trabaho ko. Hindi ko puwedeng hayaang masira ang buong araw ko dahil lang sa kanila. Kailangan kong kumita ng pera. Kaya ngayong gabi, tinanggap ko ang raket bilang private caterer at cook para sa isang VIP tenant na nakatira sa penthouse ng mismong building na ito.Malaki ang bayad sa pagluluto ko rito, kaya kahit puyat ako, basa pa ang laylayan ng damit ko, at namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina, nag-apply pa rin ako sa agency ng building para maging temporary private chef.Pagpasok ko pa lang sa malawak at tahimik na penthouse, ramdam ko na agad ang lamig ng aircon. Malayo ang modernong kusina nito sa maliit naming lutuan sa apartment. Puro stainless steel ang mga gamit, at makintab na itim na marmol naman ang mga countertop. Huminga ako nang malalim, inayos ang pagkakatali ng buhok ko, at sinimulang ihanda ang mga s
Terakhir Diperbarui : 2026-10-20 Baca selengkapnya