author-banner
KAYE
KAYE
Author

Novels by KAYE

Ang Asawang Itinakwil: Ngayon Tita Na Niya

Ang Asawang Itinakwil: Ngayon Tita Na Niya

Walong taon inakala ni Isla na masaya at maayos ang buhay nilang mag-asawa, hanggang sa matuklasan niyang may iba na palang pamilya ang asawa niya. Mas masakit pa, mismong pamilya nito ang nagtulungan para palayasin siya at siguraduhing wala siyang madadala kahit ano. Walang-wala at basang-basa sa ulan, nangako si Isla sa sarili na hindi na niya hahayaang apihin siya ng kahit sino. Makalipas ang isang taon, nagbago ang lahat. Sa gitna ng marangyang pagtitipon ng mga Panganiban, bumalik si Isla suot ang damit na nagpapaalala sa gabing winasak nila ang buhay niya. Pero hindi na siya ang dating babaeng kaya nilang yurakan. Sa pagkakataong ito, kasama niya ang pinakakinatatakutang lalaki sa kanilang angkan—ang mismong amain ng dati niyang asawa, na siya na ring bago niyang asawa. Paano haharapin ng pamilyang minsang nagpalayas at umapi sa kanya ang babaeng tinawag nilang walang kuwenta, ngayong siya na ang bago nilang Tita at ang pinakamalaking banta sa lahat ng pinaghirapan nilang kamkamin?
Read
The CEO's Accidental Mistress

The CEO's Accidental Mistress

Limang taon. Iyon ang panahong ibinigay ni Marisse sa isang malaking architectural project na pinaghirapan niyang buuin mula sa simula. Pero sa isang iglap, lahat ng sakripisyo niya ay inangkin ng sarili niyang boss at dating kasintahan. Hindi pa roon natapos ang lahat. Inakusahan pa siyang nagbenta ng kumpidensyal na mga dokumento, dahilan para masira ang kanyang reputasyon at tuluyang mawala ang career na matagal niyang pinaghirapan. At habang pilit niyang pinipigilang tuluyang bumagsak, nakikipaglaban naman sa buhay ang kanyang ina sa ospital. Wala nang natira kay Marisse. Wala siyang trabaho, pera, o sinumang mapagkakatiwalaan. Hanggang sa makilala niya si Vaughn Tiongson, isang makapangyarihang bilyonaryong may sarili ring problemang kailangang solusyonan. Isang pekeng relasyon ang naging sagot sa problema nilang dalawa. Si Vaughn ang magbibigay ng proteksyon at tutulong kay Marisse na linisin ang kanyang pangalan. Kapalit nito, kailangan niyang gampanan ang papel ng babaeng kayang bihagin ang puso ng isang bilyonaryo. Simple lang ang usapan. Walang totohanan. Walang emosyon. At higit sa lahat, walang iibig. Pero paano kung sa bawat halik, yakap, at sandaling magkasama sila, unti-unting nagiging totoo ang lahat? Habang mas lumalalim ang kanilang relasyon, mas maraming lihim ang nabubunyag. At sa likod ng mga kasinungalingan, may katotohanang posibleng sumira sa kanilang dalawa. Dahil minsan, ang pinakamapanganib na laro ay ang larong hindi mo namamalayang puso mo na pala ang nakataya. Kapag natapos ang kontrata, kaya pa kaya nilang magpanggap na walang nangyari? O pareho na silang mahuhulog sa bitag na sila mismo ang gumawa?
Read
Ang Single Mom na Nagpatibok sa Puso ng CEO

Ang Single Mom na Nagpatibok sa Puso ng CEO

Isang taon matapos siyang iwan ng mayaman niyang asawa dahil lang sa kahirapan, pinili ni Mara na bumangon ulit at magsimula ng bagong buhay kasama ang anak niya. Para subukan ang sarili at makita kung paano pinapatakbo ang sarili niyang negosyo, nagpanggap siyang simpleng kusinera at tumanggap ng raket sa isang sikat na residential building. Doon niya nakilala si Dante, isang suplado at istriktong executive na halos araw-araw siyang minamaliit at pinagdududahan ang kakayahan niya. Pero nagbago ang lahat nang matuklasan ni Dante na ang babaeng lagi niyang pinapagalitan sa kusina ay ang mismong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Habang patuloy na lumalaban si Mara para sa kinabukasan ng anak niya, pilit namang bumabawi si Dante sa mga masasakit na salitang binitiwan niya. Pero paano kung ang dating mayabang na boss na nangmamaliit sa kanya ay siya palang lalaking unti-unting mahuhulog sa isang simpleng single mom na minsan niyang hinusgahan?
Read
HIS SWEETEST REVENGE

HIS SWEETEST REVENGE

"She was his nephew’s fiancée. Now, she belongs to him." ​Framed for a multi-million-dollar art heist by the man she was supposed to marry, Fiona Ashford lost everything in a single night—her career, her reputation, and her freedom. ​With the police on her heels and nowhere left to run, she is forced to make a deal with the devil himself. ​Enter Gideon Mercer. ​He is the cold, ruthless patriarch of the Mercer Empire, a man feared by the entire elite society. He is also her ex-fiancé’s powerful uncle. ​Gideon offers her a sanctuary behind the locked doors of his massive estate, but his protection comes with a steep price. Fiona must sign a contract to become his private assistant, living entirely under his rules. ​But as they spend late nights wrapped in cold silence and burning tension, the boundaries of their contract begin to blur. Behind closed doors, a dangerous, forbidden attraction ignites—one that could destroy the Mercer family name. ​Fiona wanted justice. Gideon wanted control. But in this game of revenge, who will end up kneeling first?
Read
ACCIDENTALLY HIS FIANCEE

ACCIDENTALLY HIS FIANCEE

"Tito, huwag! Buntis siya!" ​Dahil sa isang malaking kasinungalingan ng limang taong gulang na si Zeke, ang buhay ng takas na art restorer na si Andeng ay biglang nagulo. Tumatakas lang naman siya mula sa mapang-aping pamilya, ngunit ngayon ay kailangan niyang makisama sa isang masungit, cold, at napakagwapong bilyonaryo—si Nicolas "Nico" Ilustre. ​Upang makapagtago, napilitan si Andeng na tanggapin ang alok ni Nico na magpanggap bilang kanyang high-class nanny at art curator. Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Sa tulong ng mautak at makulit na si Zeke, ang simpleng pagpapanggap ay mabilis na mauuwi sa isang hindi inaasahang rebelasyon sa harap ng lahat. ​"She is not just the nanny. She is my fiancée." ​Hanggang saan kayang panindigan nina Nico at Andeng ang kanilang pekeng relasyon kung ang bawat lapit at titig nila ay unti-unti nang nagiging totoo? At paano kung ang madilim na nakaraan na tinatakasan ni Andeng ay biglang makahanap sa kaniya?
Read
The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife

The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife

Para kay Samara, ang kasal niya sa bilyonaryong neurosurgeon at CEO na si Dr. Cassian Valdez ay isang magandang panagini—hanggang sa matuklasan niya ang masakit na katotohanan. “I never loved her. She’s just a tool for my family. ​Durog ang puso, ibinuhos ni Samara ang lahat ng natitirang pagmamahal sa isang mapusok na huling gabi bago siya tuluyang umalis nang walang paalam. Ang hindi alam ni Cassian, iniwan niya ang mansyon na may bitbit na lihim— buntis siya sa anak nito. Limang taon ang lumipas. Ang dating martir na asawa ay nagbabalik na bilang si Aria—isang sikat at mayamang jewelry designer. Kasama niya ang apat na taong gulang na si Altair, isang bibo at matalinong bata na kamukhang-kamukha ng lalaking nanakit sa kaniya. ​Sa isang engrandeng exhibition, muli silang nagkaharap. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na papayag si Samara na tapak-tapakan uli. Todo-tanggi siya sa katotohanan, habang ang aroganteng doktor ay lumuluhod na ngayon sa harap niya para magmakaawa. Kaya ba ng isang tusong bata na paglapitin ang magulang niya, o tuluyan nang isasara ni Samara ang kanyang puso? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang nagsisising bilyonaryo para bawiin ang pamilyang tinapon niya?
Read
You May Also Like
Love on the Chilling Breeze
Love on the Chilling Breeze
Romance · Line_Evanss
1.5K views
The World of A Marriage Life
The World of A Marriage Life
Romance · M.A.B. Writes
1.5K views
Hired by the CEO
Hired by the CEO
Romance · Writer_of_yourstory
1.5K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status