Chapter 169 Margarita "Babekiyo kayo diyan! Free lang po, wala bayad!" sigaw ni baby Hollis at baby Molly. Habang nag-iihaw sila kasama ang matandang mag-asawa at si Hershey. Nakaalalay naman si Lala sa kanilang dalawa. Ako naman ay nag-aayos na sa lamesa. May mga pagkain rin na niluto ng kusinera nila Lola. Kuha lang sa gustong kumuha. Marami rin prutas na hiniwa namin kanina. Nalagay sa malaking babasagin na tray at may maraming ice. "Whoaaaa! Daddy!" malakas na sigaw ni baby Molly. "Daddy, wow! Kupleto na tayo lahat!" sigaw rin ni baby Hollis. Napalingon ako at may mga kasama itong palapit sa aming pwesto. Oh, ang Tito niya pala. Sigurado na pamilya ng Tito niya ang kasama nila. "Hello po!" kaway ni baby Hollis sa Tito nila Harrison. "Hey little buddy! How are you?" masaya namang lumapit ang Tito ni Harrison kay baby Hollis sabay karga nito sa bata. "Magood po ako, lolo pogi. Siya po si Molly, twins kami," lumingon naman ang Tito ni Harrison kay baby Molly. Ka
Chapter 168 Margarita "Hindi mo ba natanong sa mommy mo ang tungkol diyan?" tanong ko. Umiling-iling siya. "Tinanong ko na siya dati pero ang sabi niya, namatay daw ang baby ko. Hindi man lang nila ipinakita sa akin. Hindi ko man lang nahawakan ang baby ko," humagulgol na ito. Kaya agad kong niyakap. "Alam ba ito ng Kuya mo?" "Hindi niya alam hanggang ngayon dahil ayaw ni Mommy na magkita kami noon. Dahil mas sesermonan raw ako ni Kuya at baka lumala ang depression ko. Nagalit rin ako kay Kuya dahil sa ginawa niya dati sa boyfriend ko," sumbong niya. "Mabuti at okay na kayo ngayon ng Kuya mo?" sabi ko pa. "Dahil kahit hindi ko siya kinakausap, gumagawa pa rin siya ng paraan para makita ako. Dahil na rin sa utos sa kanya ni Ate Chloe." "Ate Chloe? Sinong Chloe? Naging girlfriend ng Kuya mo? Unang girlfriend bago si Tiffany? O, pinagsabay niya ang dalawa tapos tinapon niya ang sarili sa akin? Heto ako ngayon, tira na lang ang nakuha ko!" sunod-sunod kong tanong. Napa
Chapter 167 Margarita "Daddy, alis po ikaw?" lambing na tanong ni baby Molly habang nasa hapag-kainan kami. "Yes, baby ko. May importante na lakad lang si Daddy. Why, anak?" masuyong tanong ni Harrison sa anak. Lumingon si baby Molly sa kakambal niya. Mukhang nagpapatulong ito. Mukhang may gusto silang gawin pero nahihiya silang magsabi. "Gusto po namin mag-babekiyo, Daddy. 'Yung ihaw-ihaw po, may hotdog, paa ng manok, 'yung zigzag na kain namin noon sa maliit naming bahay. Nanay, ano tawag ng bili natin lagi sa ihaw-ihaw ni ate Pal?" Ang cute ng anak ko dahil hindi pa pala niya nakakalimutan ang mabait naming kapitbahay. "Isaw, anak. Na-miss niyo ba kumain ng gano'n? Ewan ko kung pwede kayo kumain ng gano'n mga anak," sabay tingin ko kay Harrison. Bago pa magsalita si Harrison, ay sumabad na si Lolo. "We can ihaw-ihaw outside, mga apo. Ihaw natin lahat ng gusto ninyong ihawin," magiliw na sabi naman ni Lolo. "Whoaaaa talaga po!" sigaw ng kambal. "Yes,
Chapter 167 Margarita "Okay ka lang ba dito?" tanong ko kay Bella ng hinatid na namin siya sa matitirhan niya. Kasama niya si Nanay Diday sa bahay para may kasama si Bella. "Okay na ako dito. Sure naman akong safe ako dito. Maraming salamat sa inyo," pasasalamat ni Bella. "Walang anuman, friend. Walang ibang magtutulungan kundi tayong dalawa na lang. Sabihin mo lang sa akin o kay Nanay Diday kapag may kailangan ka, ha," sabi ko at yumakap sa kanya. "Safe ka dito, hija. Walang nakakapasok dito na outsider dahil may electrical ground ang bakod. Kaya kung may magtangka na pumasok, makukuryente sila," sabi naman ni Nanay Diday. "Ipapadala na lang namin ang ibang damit mo dito para may susuotin ka," sabi naman ni Harrison. "Mauna na kami, baka hinahanap na kami ng kambal. Umiiyak pa naman si baby Molly kapag hindi niya agad makita ang Daddy niya," sabi ko pa. Tumango naman si Bella. Mukhang guminhawa pa ang pakiramdam nito. Hindi na gaanong nag-worry sa anumang pang
Chapter 165 Margarita "Sana matulungan niyo akong umalis na dito sa Manila," pakiusap ni Bella. "Ayoko ng madamay pa sa mga gulong wala naman akong mapapala at kinalaman," sabi ni Bella. "We bring you home, Bella," sagot ni Harrison. "Oo, kung hindi ka comfortable sa mansion, meron naman yata extra na kwarto pa sa taniman mo, di ba, Harrison Mahal?" tanong ko. "Tatawagan ko mamaya si Manang Diday na linisan ang isang bahay roon para sa'yo. Ligtas ka roon kaya wag kang mag-alala. Hindi ka pa pwedeng umalis ng hindi pa nahuhuli ang mga siraulong mga iyon," paalala pa ni Harrison kay Bella. "Hindi ba kayo galit sa akin dahil ngayon lang ako nagsabi sa inyo?" nahihiya niyang tanong. "Bakit naman kami magagalit sa'yo, eh wala ka namang ginawang masama sa amin? Kasi kung masama kang kaibigan, di sana pinahamak mo na ako. Hindi ka dapat nagsinungaling kay Mateo para sa kaligtasan ko, yun pa lang, thankful na ako," nakakaunawang pahayag ko. "Ikaw ang isa sa totoo kong kaibigan
Chapter 164 Margarita "May nangyari na ba sa inyo ni Mateo?" alanganin kong tanong. Tumitig ako sa kanya ang mga mata nito'y may takot at pandidiri sa sarili. 'Tama ba ang hula ko?' tanong ko sa sarili. "G-Ginahasa niya ako," sabay yuko niya ng ulo. Napasinghap ako at napanganga sa siniwalat ng kaibigan ko. "G-Galit na galit siya noong umalis ka sa restaurant niya. Nagwala siya sa restaurant isang beses at alam ko na ikaw ang dahilan ng ikinagagalit niya noon," huminga siya ng malalim. Masamang-masama ang loob na tumingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niyang hirap sa buhay. "Lahat sila sinaktan ako. Wala akong laban. Wala akong magawa. Wala akong ginawa kundi tanggapin na lang ang pananakit sa akin ni Mateo. Kapag umangal at magreklamo ako, sampal at suntok ang matatanggap ko mula sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang babuyin niya ako! Takot na takot ako dahil parang baliw na talaga siya," masakit na masakit sa dibdib ang kwento nito. "S