Share

Chapter 189

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-08-22 22:01:20
Chapter 189

Margarita

Bago kami uuwi sa probinsya ng mga anak ko, nag-request muna akong makita kahit saglit lang si Harisson. Mamayang gabi na kasi ang alis nila, at sobrang nasasaktan ako na malayo kami sa isa't isa. Nasasaktan ako na hindi ko na siya makakasama sa pagbubuntis ko. Sobrang nalulungkot ako.

"Baby ko pasensya ka na kung hindi na natin makakasama pa ang Daddy mo. Huwag ka sana magtampo ha. Sana wag mo akong pahirapan sa paglilihi ko. Huwag ka sana humingi ng mga pagkain na wala sa mundo. Please lang baby ko walang pipino na itim ha. Huwag mo sana pahirapan si Nanay dahil wala si Daddy na tutulong sa akin kapag nag-crave ako sa gusto mong pagkain baby ko." Sabi ko habang hinaplos-haplos ang impis ko pang tiyan.

Kahit ang mga anak ko, umiiyak rin nang malaman nilang aalis ang lolo't lola nila kasama si Hershey at Harisson na paalis ng bansa.

Pagkarating namin sa hospital, nagmakaawa akong pumasok sa ICU ulit. Kasama ko sila Lola at Hershey dahil inaasikaso na ni L
Chelle

Ganito na muna tayo sad my dear readers. 🫶 Happy reading. Anyway, thank you so much sa suporta ninyo, always 🫶🩵🩵

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Sana naman gumaling kaagd si harrison,at sna din hindi sya magkaamnesia,kse kawawa nmn si marga at mga bata..marami ng pinagdaanan si marga kya sna matapos na ang pasakit sa knya🥲 Thank u miss a...️...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 196

    Margarita "Kelan ka pa nakauwing Pilipinas ha?" tanong ko. "Last week lang, Mahal. Nang magising raw ako, wala pa akong maalala. Pero luckily mild amnesia lang. Bago ka pa manganak, nagising na ako. Pero wala akong maalala, blurry pa ang lahat. Mag-almost two months bago ako nakaalala, pero limited lang rin hanggang sa narinig ko ang boses mo at ang boses ng mga anak natin," pagkwento ni Harrison. Ano? Pero bakit walang sinasabi sila Lola, pati sila Tito, sinabi na soon magigising rin siya. Even si Hershey, sooner or later magigising na si Kuya. "Pero noong pa-welcome party, nakita pa kitang nakahiga sa kama sa hospital noon," sabi ko. "Nakatulog na ako niyan dahil sa gamot na iniinom ko. At wala pa akong maalala sa mga araw na iyan. I even got angry with my grandparents dahil hindi ko sila kilala. Actually, una kong nakilala si mommy at daddy that time. Until I heard your voice and the kids, naging malinaw na agad ang vision ng utak ko," mahaba nitong paliwanag. Tulog na ang mg

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 195

    Chapter 194 Margarita Isang linggo lang ni Hershey dito at bumalik na sa Manila dahil may asikasuhin pa raw ito. Bago siya bumalik sa Amerika. Nalungkot ulit kaming tatlo ng kambal ko. Mag-dalawang buwan na kahit papaano may katuwang ako sa pag-aalaga sa baby ko. Sinabi ko sa kambal na sa kabilang kwarto na muna sila sa Tita Margie nila makitulog dahil doon natutulog si Lala, pero ayaw nila. Gusto raw nila akong samahan dito sa kwarto namin kasama si baby Melly. Kaya kapag umiiyak sa gabi si baby Melly, nagigising si baby Molly. Kasama ko na siya na nilalaro o taga-utos ko siya na kumuha ng pampers o yung mga simpleng bagay lang na kaya niyang gawin. Dalawa kaming napupuyat sa gabi. Kaya kapag umaga, natutulog kami at sila Nanay na ang bahala sa baby ko. Isang gabi na katahimikan habang naglalaro si baby Molly at baby Melly. Nakaramdam ako ng panunubig kaya nilagay ko na muna sa crib si baby Melly. Si baby Molly naman ay nahiga sa kama. Mabilis akong lumabas dahil baka

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 194

    Chapter 193 Margarita Pagka-uwi namin sa bahay, ay may pa-welcome party pa sila sa amin ni baby Melly. Nagulat pa ako nang makita ko ang ilan sa mga bisita namin sa bahay. Sila Tito Roberto at ang kanyang buong pamilya. Hindi ko na pansin ang mga sasakyan na nakaparada sa labas. Kompleto na silang lahat dahil nakasama na sa kanila ang asawa ni ate Chloe. "Marga!" masayang bulalas ni ate Chloe pagkakita niya sa akin. Nakaupo ako sa wheelchair habang karga ko ang bagong silang na sanggol. Lumapit na silang lahat sa gawi at tuwang-tuwa sila kay baby Melly. "Tita, baby Melly po ang name niya. Ang cute po ni baby Melly, di ba po?" tuwang-tuwa pa na sambit ni baby Molly.Tumango-tango naman si ate Chloe. "Nanay, okay lang po ikaw ha?" tanong naman agad ni baby Hollis ng makalapit ito sa akin. "Okay na si Nanay dahil nakita ko na kayo na happy," sagot ko naman. "Pede po namin kiss si baby Melly po Nanay?" masayang tanong ni baby Molly. Kinarga naman ni ate Chloe ang baby at naupo

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 193

    Margarita Umaga na ng magising ako dahil sa iyak ng isang sanggol. "Baby ko," mahina kong tawag. Napalingon naman agad ang isang nurse sa gawi ko. Napangiti ito at agad na lumapit sa akin. "Gising na si Mommy, tahan na baby," rinig ko na sabi ng nurse. "Nanay lang, nurse, wag Mommy, masyadong sosyal at baka masanay ang baby ko," ngiti ko naman. "Napaka-humble mo naman po, ma'am. Alam ng karamihan ng staff dito na asawa ka po ng isang mayamang abogado. At..." napatigil ito sa pagsasalita. "Shhh... asawa lang ako at hindi ko pwedeng angkinin ang kayamanan nila. Ano ka ba, baka masabihan pa akong gold digger. Alam mo naman ang utak ng mga kapwa nating mga Pinoy, kung hindi judgmental, inggitera naman ang iba at masama ang ugali," simangot ko. Mahina naman natawa ang nurse. "Ay ikaw talaga, ma'am. Kita naman kung gaano ka nila pinapahalagahan ng pamilya ng asawa mo. Panay bilin nila sa doctor at staff dito na kailangan alagaan kayong mabuti ni baby. May pagbabanta pa nga an

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 192

    Chapter 192 Margarita Matutulog na ako nang makaramdam ako ng pananakit ng aking tiyan. Hinayaan ko lang at marahan na hinahaplos. Pero maya't maya ay sumakit na naman ang tiyan ko, pero ngayon ay mas masakit na. Napadaing ako sa malakas na pagsipa ng baby sa tiyan ko. Lumabas ako ng kwarto dahil ayokong magising ang kambal na payapang nakatulog na. "Nay! Tay!" malakas kong pagtawag. Napaaray na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Nayyy! Manganganak na ako!" malakas kong sigaw. "Ate!" nataranta ang pagtawag sa akin ni Lala. Galing ito sa banyo at mukhang katatapos lang gumamit ng banyo. "Nay! Marlon! Tatay... Tulong, manganganak na si ate Marga!" malakas nitong pagtawag. Mabilis na lumabas ng kwarto si Marlon. Kasunod si Nanay na mukhang kagigising lang. Maaga kasi silang natutulog. "Anong nangyayari?" tarantang tanong ni Marlon. "Si ate Marga manganganak na!" sambit ni Lala na di mapakali. Patakbo naman lumabas si Marlon para ihanda ang gagamitin naming sasaky

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 191

    Chapter 191 Margarita Malungkot pa rin ang anak kong si baby Molly habang si baby Hollis ay masaya dahil sa mga nakikita sa paligid. Mabilis lang siyang naka-adjust. Habang si baby Molly bugnutin at malungkotin. Laging matamlay kaya minsan nag-aalala na ako. Pero kapag tumatawag naman sina Lola masigla ito. Siya pa madalas ang nakikipag-usap sa Lolo at Lola nila. Si baby Hollis, tumutulong rin ito na magpakain ng mga manok. Sumasama sa bukid kasama si Marlon at Lala. Si baby Molly ay nasa tabi ko lang, hinihintay ang tawag nila Lola mula sa Amerika. Wala pang malay si Harrison at nalulungkot ako dahil hindi ko na naman siya makakasama sa panganganak ko. Isang beses sa isang linggo lang tumatawag si Lola dahil na rin sa magkaiba ang oras ng Amerika at Pilipinas. Hindi rin sila pwedeng magpuyat at ganoon din ako. Kaya mas lalo kaming nalungkot ni baby Molly. May mga pictures naman ni Harrison na ipinapasa sa amin ni Hershey, at kahit papaano, naibsan ang lungkot namin dahil sa mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status