LOGINSalamat dear readers sa suporta. Please support my book until the end. Thank you 🫶🏼🫶🏼🫶🏼🫶🏼
Banggaan Third Pov Tahimik ang consultation room ng mental health facility, pero ramdam ang tensyon sa paligid. Nakatayo si Mommy sa tabi ng mesa ng doktor, tuwid ang likod, matigas ang mukha. Basta na lang pumasok si Kuya nang hindi kumakatok. Galit na galit itong sinugod ang ina. "Bakit mo siya pinigilan?" diretso tanong ni Haris. Hindi na nagkunwari si Mommy. "Dahil iyon lang ang tama." "Tama para kanino? Para kay Hershey o para sa pride mo?" madiing sagot ni Kuya. Nagliwanag ang mata ni Mommy sa galit. "Huwag mo akong bastusin." "Huwag mo ring kontrolin ang buhay niya. Just because ikaw ang ina, hindi ibig sabihin na diktahan mo kaming mga anak mo na parang mga robot!" balik ni Harrison. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pinto sa hallway, nakatayo si Ralph. Nakatago sa gilid, tahimik, pero bawat salita ay tumatama sa dibdib niya. "Buhay si Ralph," mariing sabi ni Kuya. "At may karapatan si Hershey malaman iyon." "Wala siyang kailangan malaman!" putol ni Mommy. "Sa tuwi
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Wala siyang choice kundi hanapin ang kontak ng Kuya ni Hershey para magpatulong dito. Bahala na kung magagalit siya sa akin. Ang mahalaga lang ngayon ay makita ko si Hershey. Sana paniwalaan niya ako sa ipapaliwanag ko sa kanya. At sana pumayag siya sa gusto kong mangyari na makita si Hershey kahit isang beses lang. Sa gabing iyon, tumakas na naman ako sa hospital. Kailangan ko pa kasing mamalagi ng ilang araw dito. Pero dahil pasaway ako, hindi ako nakinig sa doktor ko. Makikipagkita ako sa kuya ni Hershey. Pasalamat ako dahil nandito siya sa Amerika. Pagdating ko, madilim ang rooftop parking ng mental health center. Mahangin at malamig ang simoy ng hangin. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran. Pero mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa ng lalaking kaharap ko ngayon. Nakatayo si Kuya Haris, ang mga kamay niya ay nasa bulsa, matigas ang panga habang nakatingin sa akin. Nandito ako sa harapan niya. A
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Third POV Tahimik ang private lounge ng mental health center. Amoy kape at antiseptic. Nasa isang sulok ang Mommy ni Hershey, hawak ang phone, habang kausap ang isang staff na tila nag-aalangan. "Ma'am... I'm sorry, but I can't disclose any information..." nanginginig na sabi ng staff. "Hindi ko hinihingi ang records ng anak ko," malamig na putol ni Mommy. "Ang tanong ko lang... sino 'yung lalaking nasa labas noong isang araw. Narinig ko ang sabi ng guard dito?" Napatingin ang staff sa pinto. Halatang kinakabahan kasi alam nilang matapang at war freak siyang tao. Walang pinapalampas na kahit ano. "Ma'am, we really... " Umusog si Mommy palapit sa staff. Tumaas ang kilay at matalim ang titig. "Don't play with me," bulong niya, pero parang kutsilyo ang bawat salita. "Alam kong hindi random visitor 'yon. May dahilan kung bakit siya nagtanong kay Hershey." Natahimik ang staff. Hanggang sa malalim itong napabuntong-hininga.
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Aalis na sana ako ng maalala kong i-message ang kaibigan ko. Nang maka-message na ako kay Jorge para ipaalam sa kanya kung nasaan ako ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang paninermon niya sa akin. Itutuloy ko pa rin ang balak ko. Kahit isang beses makita ko lang siya , ayos na ako. Sa labas ng Mental Health Center ay nakatayo lang ako. Panalangin na sana wala siyang bisita. Kahit masilip lang siya saglit. Hindi ako susuko. Gagawa ako ng paraan. Sana paunlakan nila ang hiling ko. Nasa parking area na ako, nakatayo sa labas ng gate. Malinis ang suot ko, naka-cap para hindi nila ako agad makilala, pero halata ang kaba sa katawan ko. Medyo nanginginig pa nga ako. Tumingala ako sa gusali na nasa harapan ko. Tahimik ang lugar. Walang ingay na maririnig. Tamang-tama sa mga may mga karamdaman na nagpapagaling dito. Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko ang mahal kong babae dito. Wa
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Ang balitang hindi ko talaga inasahan na mangyayari. Sumakit bigla ang dibdib ko. Makalipas ang ilang linggo ng gamutan, nakatayo na ako, malakas na at pwede na akong umuwi. Nakatingin ako sa harap ng salamin sa private room ko. May peklat sa gilid ng kilay ko may bahagyang pilay pa rin ang paglakad ko, pero mas malinaw na ang paningin ko ngayon. Mas malinaw na rin ang galit ko sa mga taong inakala kong totoong pamilya. Ngayon, nakaramdam ako ng mas matinding pangungulila sa mga magulang ko at kay Hershey. Kung sana may kapatid ako, hindi sana ako nahihirapan ng ganito at lumalaban na mag-isa. Sumikip na naman ang dibdib ko ng maalala ko ang mga magulang ko. May karamay sana ako sa lahat ng problemang dumarating sa buhay ko. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Mahina daw ang ebidensya kaya agad nilang ibinasura sa Korte nang hindi man lang sila nag-iimbestiga. Alam ko na may kina
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Naaalala ko na naman si Hershey. I really miss her so much. Gusto ko na siyang makita at makausap kaya lang kinuha nila lahat ang gadget na pwedeng pangtawag kay Hershey.Kumusta na kaya siya? "At si Hershey? Paano siya? Is she okay?" mahinang tanong ko. Sigurado akong nagluluksa na iyon, o worst, baka kung ano na ang ginawa niya sa sarili niya. Pero baka mas lalong mapahamak siya kapag magmatigas ako. Tumahimik ang lahat. Hindi rin nila alam ang sagot sa tanong ko. Tumingin ako kay Jorge at umiling lang ito. "Alam naming masakit, pero kung ipapaalam natin ngayon, magiging target din siya. Emosyonal man o pisikal. Baka pagsisihan mo sa bandang huli," mahinang sabi ng doktor. Parang sinaksak ang dibdib ko. Parang hindi ko kayang i-imagine na iniisip nitong patay na ako. Na-iimagine ko na ang itsura niya, ang kalungkutan niya at pagluluksa. 'Tatagan mo ang loob mo babe.' ikaw ng utak ko. "Ginagamit nila ang pagka







