Share

Ang Talaarawan ni Corazon
Ang Talaarawan ni Corazon
Author: irelle

PROLOGO

~Filipinas 1864~

"Hindi mo maaaring ibigin ang isang indio Amor! Isang estupida ang sasama sa isang indio! Huwag mo kaming ipahiya! Pinagbigyan ka na namin sa mga lahat ng gusto mo! Itinigil namin ang kasal niyo ni Heneral Eusebio dahil sa pagkakaalam namin hindi ka pa handa. At ngayon ang kapal mong suwayin ang utos ko?! M****a! Qué he hecho para que mi hija me trate así?! Ha?! Anong nagawa ko?! Simula ngayon, hindi ka na pwedeng makipagkita sa indiong iyon!" (Anong nagawa ko para tratuhin ako ng aking anak ng ganito?!) rinig na rinig sa buong bahay ang pagsigaw ni Don Augusto Jacinto Luviano.

Galit na galit ito nang malamang magkasintahan pala ang kaniyang unica hija at ang bastardong indio na hardinero nila. Lumuluhang nakaluhod ngayon si Feliza Amor, na nag-iisang anak ni Don Augusto Jacinto at Donya Adelassandra, habang naglalakad papalayo ang Don, "Pero papá, mahal na mahal ko po si Jose.  Por favor, déjanos ser. Quiero estar con él, prometo que no te desobedeceré más. Solo este por favor," (Pakiusap, pabayaan ninyo kami. Pangakong hindi na ako susuway sa inyo. Pakiusap, ito na ang huling kahilingan ko) lumingon sa kaniya ang kaniyang ama at sinampal sa pisngi, napatigil naman siya sa pag-iyak pati ang kaniyang ina.

Agad lumapit ang kaniyang ina at pumagitna sa dalawa, nasa harapan niya ang kaniyang ina at na sa harapan naman nito ang kaniyang ama na galit na galit. Nakaturo ang daliri ng don sa kaniya bago ito magsalita muli.

"Putanginang pag-ibig yan! Yan ang magpapahamak sa'yo eh! Ipapapatay ko yang Jose na iyan at matutuloy ang kasal niyo ni Heneral Eusebio," lumaki ang mga mata ni Amor nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang ama na tuluyan nang naglakad papalayo sa kaniya.

Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit at isinusumpa na hindi matutuloy ang planong pagpatay nito sa kasintahan at pagpapakasal niya sa Heneral. Nilapitan siya ng kaniyang ina na kanina pa pinapanood ang nangyayari.  Nasasaktan ang kaniyang ina na makitang nahihirapan ang kaniyang anak at pinagbuhatan pa ng kamay ng Don. Mainam na hinahaplos ng kaniyang ina ang pisngi niya kung saan sinampal siya ng kaniyang ama. Inalalayan din itong tumayo at magtungo sa silid.

Gusto niya sanang makausap ang anak ngunit napagtanto niyang kailangan na itong magpahinga dahil sa nangyari kani-kanina lamang. Nang makahiga na si Amor, hinagkan niya ito sa noo at umalis na lamang sa kwarto.

Desidido na si Amor sa kaniyang gagawin, hindi siya papayag na maging miserable siya habang buhay. Hindi naman talaga masama ang Heneral na pinagkasundo ng kasal sa kaniya. Bagkus napakabait nga nito sa kaniya at maginoo pa. Pero kahit anong pilit niya ay babalik at babalik pa rin ang puso niya kay Jose.

Matapos niyang sulatan ng liham si Jose tungkol sa planong pagtakas nila, ginawan niya din ng liham ang kaniyang pinakamamahal na ina para humingi ng tawad. Ito ay kaniyang inilagay sa lamesita at pinatungan ng gasera. Sa huling pagpatak ng hatinggabi, tatakas sila ni Jose at pupunta sa Bulacan para doon na maninirahan. May kaibigan kasi si Jose doon at pwede nito silang tulungang magbagong buhay muli.

Agad naman siyang tumungo sa kanilang tagpuan na kung saan naghihintay na ang kabayong sasakyan nila para makatas. Nakita naman niyang naroon na naghihintay si Jose. Suot nito ay ang camisa de chino at ang salakot na gawa sa banig, pang ordinaryong magsasaka ang kaniyang sinusuot. Habang si Amor naman ay ang baro't saya na hindi na kaayaya para hindi gaanong mapansin at may suot din siyang kulay itim na belo para matakpan ang mukha niya.  Agad niya itong nilapitan at hinagkan ng madiin. May ibinigay siya kay Jose na mga kuwintas na gawa sa perlas.

"Gamitin natin ito kapag nakarating na tayo sa Bulacan." aniya. Hindi na sana papayag si Jose ngunit pinilit ito ni Amor kung kaya't wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito. Naisip niya rin na makakatulong ito sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay. Umangkas naman silang dalawa sa kabayo at pinatakbo na nila ito ng dahan dahan para walang makarinig.

Hindi pa nga sila nakalayo ay narinig na nila ang pagkalatong ng mga sapatos ng mga kabayo at batid nilang papalapit ito sa kanila. Hindi na nagdadalawang isip si Jose na pabilisin ang takbo ng kabayo nila para hindi na sila abutan ng mga papapunta sa kanila. Animo'y napansin ng mga humahabol sa kanila na may tumakbong kabayo papalayo kung kaya't hinabol nila ito. Narinig naman nila Jose at Amor ang pinagsisigawan ng mga guardia civil na hinahabol sila.

"Detener! En nombre de la patria España!" (Tigil! Sa ngalan ng Inang bansang Espanya!) sigaw ng isang guardia civil.

"Amor! Punyeta! Pakawalan mo ang anak ko hayop ka!" sigaw ni Don

Jacinto na sumabay sa paghabol sa kanila, "Después de ellos! Asegúrate de que mi hija esté a salvo o te mato a todos!" (Dakpin sila! Pero siguraduhin ninyong hindi mapapahamak ang anak ko kundi papatayin ko kayong lahat!) Utos ni Don Jacinto sa mga guardia civil niyang kasama.

Agad namang pinabilis pa ng mga guardia civil ang takbo ng kabayo sa pangunguna ni Heneral Eusebio. Hindi ito makapagpayag na tatakasan siya ng kaniyang magiging asawa. Natutunan niya na itong mahalin dahil sa pagiging maaalahanin at mabait nito sa kaniya. Hindi siya susuko hanggang sa maibalik sa kaniya ang tunay niyang pagmamayari.

"Amor! Por favor regrese! Te amo Amor! No me hagas esto!" (Amor!

Bumalik ka! Mahal na mahal kita! Huwag mong gawin sa akin ito!) pagmamakaawa nito sa kaniya nang masilayan niya ang mukha nito.

"Gracias por todo Sebyong. Pero no puedo," (Salamat sa lahat lahat Sebyong. Pero hindi ko talaga kaya.) sabi naman ni Amor at pinatakbo pa ni Jose ng mas mabilis ang kabayo.

Tuluyan ng nagalit si Heneral Eusebio sa sinabi ni Amor kaya pinagtangkaan niya ang buhay nito.

"Si no puedo tenerte, entonces nadie lo hará. Me aseguraré de eso. Haré tu vida miserable!" (Kung hindi ka mapapasaakin, pwes walang ibang pwedeng makakuha sa iyo! Sisiguraduhin ko iyan. Gagawin kong miserable ang buhay mo!) at pinutukan sila.

Mabuti nalang at hindi sila natamaan pero sa ikalawang putok, natamaan si Amor sa balikat niya pero hindi pa rin ito naging hadlang ng kanilang pagtakas. Hindi na naabutan ni Heneral Eusebio at ng kaniyang mga kasamahan sila Jose at Amor.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status