Share

Chapter Seven: Hiya

PAGKABALIK niya galing sa pagpapalit ng damit ay agad niya itong pinainom ng gamot at paulit-ulit na pinahidan ng bimpo na basa upang kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. “M-Mommy… wag niyo po akong iwan…” napatigil siya sa pagpupunas ng bigla itong magsalita habang natutulog. “M-Mommy… Daddy…” hindi niya mapigilan na maawa sa babae. 

Alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Alam niya ang feeling ng mawalan ng pamilya kung kaya’t alam niyang masakit ito para sa babae. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas niya sa babae ngunit lumipas ang ilang minuto ng magulat siya dahil bigla itong nanginig dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. 

“S-Stella, Stella anong nangyayari sayo?!” tawag niya dito ngunit hindi nito magawang idilat ang kaniyang mga mata o di kaya ang sagutin manlang siya. “W-Wala po akong kasalanan!” napatigil siya ng magsalita nanaman ito. Alam na niya, binabangungot ang babae kung kaya’t nilamig siya ng ganoon lalo na at mataas ang lagnat nito. 

Gusto na niya itong dalhin sa ospital ngunit alam niya na ayaw nito doon kaya wala siyang ibang alam na gawin kung di ang hubarin ang kaniyang damit at akapin ang babae. Nang akapin niya ito ay naramdaman niyang basa ang damit ng dalaga kaya wala siyang ibang magagawa kung di ang palitan ito ng damit. 

Iyon ang unang beses na magpapalit siya ng damit ng babae kung kaya’t nanginginig ang kaniyang kamay. Buong tapang niyang hinubad ang damit nito, napatingin siya sandali sa katawan ng dalaga na napakaputi kung kaya’t agad niya ‘ring iniwas ang tingin. “Alas bilisan mo,” sabi niya sa sarili at ipinasoot dito ang damit niya na malaki upang hindi na niya ito sootan ng short. 

Nang matapos ang dalaga ay nilagyan niya ito ng kumot ngunit hindi sasapat ang kumot lamang upang mawala ang panlalamig ng dalaga kung kaya’t iyon ang tanging paraan na alam niya. “T-Tiyo m-maniwala kapo saakin,” nakita niya ang tumulong luha sa mata nito kung kaya’t pinunasan niya ito at tinabihan na ang dalaga. Hindi na niya pinansin ang ayos nila at ginusto na gumaling nalang ito. 

“Shh… Andito lang ako Stella,” 

*** 

NAGISING siya dahil sa nakaramdam na siya ng lamig sa katawan, naabutan niyang tulog ang dalaga sa kaniyang tabi at agad niyang hinipo ang noo nito at sa wakas ay bumaba na ang lagnat niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon at itinabi na ang mga ginamit niya. Paglabas niya ng silid ay nakita niyang alastres na ng madaling araw kung kaya’t nagluto naman siya ng noodles upang iyon ang ipakain sa dalaga. 

“Stella, Stella gumising ka,” idinilat ng babae ang kaniyang mata at doon ay napangiti ito sa kaniya. “A-Alas ikaw pala.” Ibinaba niya saglit ang hawak na mangkok at umupo sa tabi nito upang alalayan maupo. “Mabuti at bumaba na ang lagnat mo, eto kainin mo para gumaling ka na lalo.” Tumango sa kaniya ito at muli ay sinubuan niya ito. Matapos kumain ay pinainom niya ito ng gamot at handa ng lumabas ng hawakan ni Stella ang kamay niya. 

“W-Wag mo akong iwan,” hindi makatingin na sabi ni Stella sa kaniya na ikinangiti niya kung kaya’t ibinaba niya muli ang lalagyan at tumabi sa kaniya pahiga. Inakap niya ang dalaga at pinaunan ito sa kaniyang braso. “S-Salamat Alas, siguro kung wala ka mawawala na ako dahil sa lagnat ko.” Umiling siya sa babae dahil doon. “Ano kaba, ako ang may kasalanan kaya tama lang na bantayan kita. At wag kang magsasabi na mawawala ka, dahil hindi ka pwedeng mawala okay?” 

Niyakap siya ng babae sa bewang na ikinahinto niya at ikinabilis ng tibok ng kaniyang puso. “Salamat parin Alas, ikaw talaga ang tagapagligtas ko.” Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto niyang binabanggit ng babae ang kaniyang pangalan. Kapag si Stella ang tumatawag sa kaniyang palayaw ay parang kay ganda niyon. Ginantihan nalamang niya ng yakap ang babae at nagpatangay sa kaniyang antok at natulog. 

NAGISING si Stella ng magtila-ok ang manok at unang sumalubong sa kaniya ay ang muka ni Alas na tulog na tulog. Alam niyang napuyat ito sa pagbabantay sa kaniya kung kaya’t maingat siyang bumaba sa papag at nagpunta sa kusina upang magluto ng umagahan. 

Nagluto siya ng kanin at sinangang iyon pagkatapos ay mayroon siyang nakitang itlog sa isang tabi kung kaya’t iyon nalang ang iniluto niya. May binati at nilagang itlog at omelet. Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto ng binata kung kaya’t nagluto na siya. Mayroon pa siyang nakitang tuyo sa isang tabi kung kaya’t naisipan niya itong iluto tutal ay matagal na ng huli siyang nakakain. 

Pasayaw-sayaw pa siya habang nag piprito ng kanilang kakainin at tuwang tuwa siya sa amoy ng tuyo nang mapatigil siya dahil sa nagsalita. “Mukang maganda ang gising mo ah,” agad siyang napapitlag at dahil doon ay nahihiyang humarap dito. “G-Gising kana pala, nagluto ako ng umagahan natin.” Hindi makatingin na sabi niya sa lalaki. 

“Nakita ko nga,” napatingin siya dito dahil doon at muli siyang napaiwas ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Bagay pala sayo ang damit ko,” nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at napatingin sa kaniyang damit na ngayon niya lang napansin. Isa iyong black na malaking damit na panlalaki at ngayon niya lang din nahalata na wala siyang soot na short. 

“Kyahhh!” agad siyang napaupo sa sahig dahil doon at nabitawan ang kaniyang hawak na pamprito. “Stella! Ayos ka lang ba?!” muli siyang nagulat dahil doon at pinigilan ang lalaki na lumapit sa kaniya. “Wag kang lalapit! Sino ang nagbihis saakin?!” sigaw niya dito na ikinatigil ng lalaki at nagtaka sa sinabi niyang iyon. 

“Sino pa ba ang ibang kasama natin?” mas lalo siyang namula dahil sa sinabi nito at agad na tumakbo papasok sa kwarto. “Kyahhhh!” tili siya sa loob at napatingin sa kaniyang soot at wala nga itong soot na short. Narinig niya ang tawa ni Alas sa labas ng kwarto na ikinainis niya. 

“Bakit mo ako binihisan?!” sigaw niya dito na ikinasagot ng lalaki. “Syempre sumuka ka kagabi hindi mo na namalayan!” napatakip siya sa kaniyang muka dahil doon at muling nagtitili. Hindi niya lubos na maisip na nakita ng lalaki na nakapanloob lamang siya. Sobrang kahihiyan ang inaabot niya ngayon. 

*** 

“Stella lumabas kana jan! Sorry na okay? Kumain na tayo nagugutom na ako,” 

Binuksan niya ang pinto at hindi ito makatingin sa lalaki na nag-aabang sa kaniya sa labas. “K-Kalimutan mo nalang ang nakita mo,” nahihiya niyang sabi. Nakasoot na siya ngayon ng damit niya at isang short. “H’wag kang mag-alala hindi ako tumingin sayo pangako.” Napatingin siya dito dahil doon at parang naninigurado. Ngumiti ito sa kaniya at tumango kaya maging siya ay napangiti na din. 

Naglakad na sila papunta sa lamesa at nagsimula nang kumain. Tinignan niya ang lalaki ng palihim at mukang bale-wala naman ito dito kung kaya’t hinayaan na niya iyon at masaya nalang na kumain tutal ay gutom na siya. “Ang sarap ng luto mo ah,” nakangiting sabi ni Alas na ikinatawa niya ng mahina. “Prito lang ‘yan at laga. Paano sasarap ‘yan?” natawa din ang lalaki dahil sa sinabi niya kung kaya’t inasar na niya ito ng inasar. 

Nang matapos silang kumain ay si Alas na ang nagprisenta na mag-huhugas dahil siya daw ang nag-luto kung ka’t hinayaan na niya ito at hinintay nalang niya ito na matapos. “Stella, oo nga pala, maiwan ka dito mamaya ah? Mamimili lang ako sa bayan,” nabuhayan ang dalaga dahil sa sinabi nito at agad na napatingin sa lalaki. 

“Sasama ako!” napalingon sa kaniya si Alas habang nakakunot ang noo. “Hindi pwede, kagagaling lang ng sakit mo.” Umiling siya dito at hinipo ang sariling leeg. “Wala na akong sakit! Malakas na ako! Kaya ko na ang sarili ko!” napasimangot si Alas dahil doon at muling bumalik sa paghuhugas. Hindi niya tinantanan ang lalaki at kinulit ng kinulit hanggang sa napapayag niya ito. 

“Sa isang kundisyon!” napatayo siya ng maayos dahil doon at inintay ang sasabihin niya. “Wag kang lalayo saakin, maliwanag?” napangiti siya ngg malaki dahil doon at sunod-sunod na tumango. “Masusunod po!” napatawa ito sa naging akto niya at ginulo ang kaniyang buhok. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status