Share

Chapter Eight: Pamilihan

ITO ang unang pagkakataon na pupunta si Stella sa bayan para mag grocery. Kapag kasi si Abby ang kasama niya ay ibang lugar naman ang pinupuntahan nila, bar. Si Abby ang nag pakilala sa kaniya ng bar kung kaya’t natuto siyang uminom ngunit hindi siya ganoon kalakas sa alak kung kaya’t lasing na lasing siya ng may mangyaring gulo sa pagitan niya at ng mga Del Rosario. 

“Are you okay?” napalingon siya kay Alas dahil nagsalita ito at kinunutan niya ng noo. “Sorry—I mean, patawad. Ang sabi ko, kung ayos ka lang?” napangiti siya dahil sa sinabi nito at tumango sa lalaki. “Ito kasi ang unang beses na mamimili ako ng sariling pagkain.” Binigyan siya nito nang natutuwang reaksyon ng sabihin niya iyon. 

“Seryoso?” tumango siya dito. “Well, that’s good!” muli ay tinignan niya ng kakaiba ang lalaki na tila isa itong kakaibang nilalang sa mata niya. “Ang sabi ko maganda ‘yan. Alam mo dapat siguro mag-simula tayo sa mga basic English words.” Panaka-nakang tingin ang ibinigay ni Alas sa kaniya dahil nag mamaneho ito. 

“A-Ayos lang ba sayo? P-Pasensya na kung na-aabala na kita.” Nahihiya niyang sabi na ikinailing ng lalaki. “Wag mong isipin iyon. Ang mahalaga ay ayos ka, doon okay ako.” Napangiti siya sa sinabi ng lalaki at napaiwas ng tingin dito. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang saya niya sa tuwing kasama niya ang lalaki. 

Pakiramdam niya ay nasa ligtas siya palaging lugar kapag anjan ang lalaki. Ngayon niya lamang naramdaman ang bagay na iyon at sa isang lalaki pa, bukod doon ay gustong-gusto niya rin na tinatawag siya nito sa pangalan niya. Tuwing binabanggit ng lalaki ang pangalan niya ay parang mas lalong gumaganda ito. 

Ilang minuto lang ang naging byahe at nakakita na siya ng napakaraming tao na naglalakad sa daan. “Andito na tayo,” napatingin siya kay Alas dahil doon. Isa iyong lugar kung saan napapalibutan ng mga pamilihan ang loob. Para siyang isang lugar na maraming bahay ngunit ang kaibahan ay puro pamilihan ang mayroon. 

Naghanap ng mapaparadahan si Alas at ng makaparada ay tumingin ito sa kaniya. “Tandaan mo wag kang lalayo saakin,” tumango siya ng sunod-sunod sa lalaki dahil doon at bumaba ito. Bababa na din sana siya ngunit nakita niyang umikot ito upang pagbuksan siya ng pinto. 

“Salamat,” nakangiti niyang pasalamat at sinuklian lamang ito ng lalaki ng ngiti. Nakita niya na pagkababa niya palang ng sasakyan ni Alas ay nakatingin na sa kaniya ang mga tao na naroroon. “Bakit nakatingin sila satin Alas?” mahina niyang tanong habang hawak ng lalaki ang kaniyang kamay. Ang alam niya ay upang hindi siya mawala kaya pumayag siya dito. 

“Ngayon lang kasi sila nakakita ng magandang binibini katulad mo,” natawa sila pareho dahil doon at hindi nalamang pinansin ang mga tao na nakatingin sa kanila. “Magandang umaga Alas!” napatingin siya sa isang lalaki na mayroong dalang isang plangganang isda. “Magandnag umaga ‘din sayo Russio.” Nakangiting bati ng lalaki. 

“Ang ganda naman ng kasama mo, girlfriend mo?” napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito dahil hindi niya maintindihan. Napatingin pa sa kaniya si Alas at binigyan niya ito ng nagtatakang tingin. “Oo, kaya sabihin mo sa tropa na out of limits na.” natawa ang lalaki sa sinabi ni Alas at maging si Alas ay natawa kung kaya’t ngumiti nalang siya. 

“Ang galing mo talagang pumili pare! O’sige na, marami pa akong gagawin!” nagpaalam na ang lalaki at agad siyang nagtanong kay Alas. “Alas, ano ang girlfriend?” napatingin sa kaniya ang lalaki na nakangiti at umiling ngunit ipinanganak siyang makulit kung kaya’t hindi niya ito tinigilan. 

“Hay ang kulit mo talagang binbini ka,” nakangiting sabi ni Alas na ikinangiti niya din dahil alam niyang sasabihin na ito ni Alas ngayon. “Kaibigan na babae ang ibig sabihin ‘nun.” Napatango siya sa sinabi ni Alas at tumingin nalang sa paligid. Marami pa ang bumati kay Alas at puro ‘girlfriend’ ang pakilala sa kaniya ng mga ito na ikinatuwa naman niya. 

Maya-maya ay pumasok sila sa isang pamilihan kung saan ay mayroong air-con. “Wow, na miss ko ito.” Nakangiting sabi ni Stella na ikinatingin sa kaniya ng lalaki. “Akala ko ba hindi ka pa nakakapunta sa pamilihan?” napatingin siya dito at umiling sa lalaki. “Ang air-con ang sinasabi ko.” Napatango sa kaniya ang lalaki dahil doon at kumuha na ng isang ditulak na lalagyan para sa kanila. 

“Ang tawag dito ay ‘cart’ kapag mamimili ka sa ganitong air-conditioned na pamilihan ay may mga cart na kailangan gamitin lalo na kung marami ang bibilhin mo. Naiintindihan mo?” tumango siya sa lalaki at pumasok na sila sa loob. “Alas, bakit ba nakatingin sila satin?” muli niyang tanong ng makita pati ang mga napapdaan ay nakatingin sa kanila. 

“Wag mong pansinin ang nasa paligid mo, humarap ka saakin.” Tumingin siya sa lalaki dahil doon. “Tandaan mo na ang sarili mo lang ang mahalaga, kapag pinansin mo ang masasamang tingin o pinag-uusapan ng ibang tao tungkol sayo ay iiyak ka lamang. Gusto mo bang umiyak?” umiling siya ng sunod-sunod sa lalaki. “Good. Edi nag kakaintindihan tayo. Wag mo silang pansinin.” Muli siyang tumango sa lalaki. 

“Ano ang mas gusto mo?” iniharap sa kaniya nito ang apple at orange. “Apple ang gusto ko,” napangiti ang lalaki dahil doon at muling namili sa mga prutas na naroroon. “Alas,” muli niya hinablot ang damit nito upang makuha niya ang atensyon ng lalaki. “Bakit?” takang lingon nito sa kaniya. “Anong ibig sabihin ng sinabi mong ‘good’?” biglang natawa si Alas ng malakas dahil sa sinabi niya na lalong ikinatingin sa kanila ng mga tao. 

“Alas, wag kang maingay pinagtitininan tayo.” Umiling sa kaniya ang lalaki at tumawa lamang kaya hinayaan na niya ito. Ngunit napahinto siya ng marinig ang bulong-bulungan ng mga nakapaligid sa kanila. 

“Hindi ba iyon ang anak sa labas ni Daniel?” 

“Oo, narinig ko nga na nasa puder niya ito.” 

“Ang lakas ng loob hindi ba? Gayong sampid lang naman siya.” 

“Sinabi mo pa, sino naman kaya ang kasama niyang babae?” 

“Nako, siguradong isa ‘yang bayarang—” 

Biglang mayroong tumakip sa kaniyang tenga at paglingon niya doon ay nakita niya ang seryosong muka ni Alas. “Ang sabi ko sayo diba wag mong papansinin ang mga taong nakapaligid sayo?” napatulala siya dahil doon. Bigla nalamang siya nitong hinila paalis sa lugar na iyon at lumipat ng pwesto. 

“Stella, makinig ka naman saakin. Kung papakinggan mo ang sasabihin ng iba ay hindi maganda naiintindihan mo?” tumango siya sa lalaki ng lingunin siya nito habang naglalakad. Napahinto si Alas sa paglalakad at bumuntong hininga. “Ayoko lang na masaktan ka Stella. Mas mabuti pang tulungan mo nalang ako sa pamimili okay ba ‘yun?” ngumiti siya sa lalaki at tumango. 

Ayaw naman niya na mahirapan si Alas dahil sa kaniya kung kaya’t pumayag na siya. Simula niyon ay masaya na silang naghanap ng kanilang magiging pagkain sa araw-araw. Bumili din sila ng manok at baboy para kung sakaling gugustuhin nila. Bumili ‘din si Alas ng ref na maaaring paglagyan ng mga pagkain sa tuwing hindi mauubos o para sa mga frozen foods. 

“Gusto mo ba mauna ka na sa sasakyan?” tanong sa kaniya ni Alas ng makalabas sila at tinutulungan niya ang dalawang lalaki na dalhin sa sasakyan ang ref. “Hindi na, dito lang ako.” Nakangiti niyang sabi habang kapantay sa paglalakad ang mga ito. Ngunit ng ilibot niya ang mga mata sa paligid ay nanlaki iyon ng makita ang pamilya Del Rosario na kabababa lamang ng sasakyan. 

Agad siyang napatago sa may kabilang parte ng ref at pilit na hindi ipinapakita nag kaniyang katawan. “Anong nangyayari sayo Stella?” napatingin siya kay Alas at maging ang dalawang lalaki ay ganoon din. Hindi niya muna ito sinagot at tumingin sa Del Rosario at ng makitang tumatakbo na si Faith papunta sa gawi nila ay agad siyang tumakbo paalis. 

“Mauuna na ako sa sasakyan!” agad niyang sabi at tumakbo. Nagtago siya agad sa kotse at pinilit na wag makita ng mga ito. Andoon ang mag-asawang Alcantara at ang dalawang anak ng mga ito na si Diego at Faith. Inintay niya ng ilang minuto si Alas at sa wakas ay nakarating na din ang mga ito at naisakay sa likuran ang ref. 

Pick-up car kasi ang gamit nila kaya walang problema doon. “Bakit ka biglang tumakbo?” tanong ni Alas ng makaupo ito upang mag drive. “A-Ah wala, nangangawit na kasi ako.” Dahilan niya an ikinatango ng lalaki at pinaandar na ang sasakyan. “Hayaan mo uuwi na tayo,” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Debbie Gabriel
i like it and fantastic the emaginatin of the writer is weird
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status