Share

Chapter Ten: Sino ka ba Stella?

“STELLA!” 

Nagulat siya ng marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Alas kung kaya’t dali-dali niyang iniwan ang libro na hawak dahil baka kung anong ang nangyari sa lalaki. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay nakita niya ang masamang muka nito at nang magtagpo ang kanilang mata ay sobrang sama nito kung makatingin kung kaya’t napaatras siya dahil doon. 

“A-Alas, nakauwi kana pala.” Pinipilit niyang ngumiti sa harapan ng lalaki dahil sa takot dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na paglapit nito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang magkabilang braso. “Sino kaba talaga Stella?!” bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaki dahil doon lalo na sa higpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang braso. 

“N-Nasasaktan ako A-Alas,” pagpupumiglas niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. “Talagang masasaktan ka saakin!” natigilan siya sa isinigaw nito sa kaniyang muka. Kitang-kita niya na iba na ang itsura nito doon sa Alas na nakilala niya isang linggo na ang nakakaraan. “Sabihin mo saakin sino ka Stella?!” napapikit siya dahil doon at nararamdaman niyang naiiyak na siya sa sobrang takot. 

“A-Ano bang sinasabi mo Alas?” pikit mata niyang tanong dito. “Answer my God damm*d question!” napapitlag siya sa muling pag-sigaw nito. Para itong kulog na kaniyang kinatatakutan dahil unti-unti ng nanginig ang kaniyang katawan. “A-Ako si Stella.” Mas humigpit ang kapit nito sa kaniya na ikinapikit niya ng marin. 

“Alam kong si Stella ka! Sino ka?! Saang pamilya ka nanggaling?!” napadilat siya dahil sa sinabi nito at nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa nakalipas na araw ay hindi nagtanong ang lalaki tungkol sa kaniya. Alam niyang nahihiya ang lalaki na magtanong ngunit ngayon na sa ganoong paraan magtanong ang lalaki ay parang alam na niya ang kahahantungan ng usapan na iyon. 

“Sumagot ka saakin Stella.” Diin na sabi nito habang nakatingin sa brown niyang mga mata. Kusang tumulo ang luha niya kaya napapikit siya at napaiwas ng tingin pagkatapos ay nagsalita. “A-Ako si Stella Montecarlos, nagmula ako sa pamilya Montecarlos. Ako ang nag-iisang anak ng mga Montecarlos.” Napaluwag ang kapit sa kaniya ni Alas hanggang sa binitawan siya nito kung kaya’t napadilat siya. 

Pagkakita niya sa lalaki at kita niya ang gulat sa mga mata nito. “A-Alas,” napatigil siya sa pagsasalita ng bigla nanaman siya nitong hawakan sa braso at walang pakundangan na hinila papasok sa loob ng kwarto. 

*WARNNING R18+* 

“B-Bitawan mo ako!” 

“Tumahimik ka! Hindi ba ito ang gusto mo?! Wala kang ibang gustong gawin kung di ang mapalapit sa mga Del Rosario!” 

Pabagsak na napahiga sa higaan si Stella dahil marahas siyang itinulak ni Alas papunta sa higaan.Nagulat siya ng marahas nitong pinunit ang kaniyang damit na ikinalitaw ng kaniyang mapuputing dibdib. Sinubukan niyang takpan iyon ngunit hindi niya magawa dahil sa lalaki. Nagsisimula ng tumulo ang kaniyang mga luha ngunit walang patawad ang lalaking pumatong sa kaniya at inalis ang mga brasong nakatakip sa dibdib at inilagay sa magkabila niyang kamay sa gilid ng kaniyang ulunan. 

Napatitig siya sa mata nito at nanlilisik ang mga iyon. Hindi na iyon ang matang nakita niya na nagtataka at nahihiwagaan sa kaniya. 

“Ang laki ng tiwalang ibinigay ko sayo Stella! Buong akala ko ay na-iiba ka sa kanilang lahat ngunit kapareho ka lamang pala nila!” 

Napapikit siya ng biglang bumaba ang labi ng lalaki sa kaniyang leeg at pinaghahalikan nito. Nagsimula siyang magpumiglas dahil doon, sumuklab na ‘rin ang matinding takot sa kaniyang pagkatao. Nagsimula na ‘ring manginig ang kaniyang mga tuhod. 

“A-Alas t-tama na! Alas umalis ka jan!” 

Hindi siya pinapansin ng lalaki at nagpatuloy lamang siya sa pagsigaw ngunit maya-maya ay natigil ito ng sakupin nito ang kaniyang mga labi. “A-Ahmmm! Hmm!” sigaw niya sa gitna ng kanilang magkasugpong labi ngunit mas naging marahas pa ang lalaki ng punitin na din nito ang kaniyang bra. 

“Ahhh! Alas!” sigaw niyang muli at kagaya kanina ay wala itong silbi. 

Umangat si Alas at hinubad ang kaniyang mga damit na siyang kinuhang pagkakataon ni Stella na tumakas ngunit hinawakan ng lalaki ang kamay nito at ibinalik sa dating pwesto. 

“Saan ka pupunta?” nakangisi nitong sabi at napatingin sa dibdib niya. “These are so beautiful,” ibinaba ng lalaki ang kaniyang labi sa kaniyang dibdib na ikinatili ng babae. 

“Kyahh! A-Alas h-hindi! Hindi umalis ka jan!” 

Sinubukan niyang ilayo ang muka ng lalaki ngunit wala siyang magawa. Mas nagwala ang kaniyang katawan na siyang ikinatadyak niya sa gitnang hita nito na siyang ikinatama sa pagkalalaki ni Alas. 

“Arghh!” napasigaw si Alas sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman sa kaniyang pagkalalaki na ikinatigil din ni Stella. 

“A-Alas! Pasensya na hindi ko sinasadya!” 

Bumangon si Stella upang aluhin sana ang lalaki ngunit mas sumama ang tingin sa kaniya ng lalaki at sa isang iglap lamang ay natigilan siya dahil sinuntok nito ang kaniyang sikmura. Parang gusto niyang masuka dahil sa pagkakasuntok nito sa sikmura at bigla nalamang ding nanghina nag kaniyang katawan na ikinabagsak nitong muli sa papag. 

“Kung maka-ayaw ka saakin parang ako ang nakakadiring lalaki ang nakasama mo sa kama! Samantalang sa kapatid kong hilaw bigay todo ka!” 

“S-Sinong kapatid—Ahhh!” 

Marahas muli na hinubad ng lalaki ang kaniyang soot na panloob at dahil siya ay naka bistida malayang magagawa ito ng maayos ng lalaki. Hinubad din nito ang kaniyang panloob at pumatong sa babae. Napapikit nalamang si Stella upang hindi makita ang kalaswaang nangyayari sa kaniya. 

Naramdaman niya ang pagkalalaki nito sa pagitan ng kaniyang mga hita ngunit napatakip siya sa kaniyang bibig ng bigla nito ipinasok ang ari sa kaniya. Nakagat niya ang kaniyang kamay sa sobrang sakit kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. 

Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang ang lalaki ay naaninag niya na sarap na sarap sa kaniyang ibabaw. Biglang nakaramdam siya ng pagkahilo at panghihina hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay at nakatulog kahit na walang tigil ang lalaki sa kaniyang ibabaw at masakit ang kaniyang pakiramdam lalo na sa ibabang parte. 

*** 

NAGISING si Stella at mabilis na napaupo sa matigas na papag at napayakap sa kaniyang sarili. Nagsimulang tumulo muli ang kaniyang mga luha at ramdam na ramdma niya ang lamig na bumabalot sa kaniyang katawan dahil madaling araw palamang. 

Napatingin siya sa paligid at walang ibang tao doon kung di siya lamang kaya dali-dali siyang napatayo ngunit napabalik din sa higaan ng masakit sa kaniyang ibabang parte, sa pagitan ng hita. 

“H-Hindi naman ito masakit ng magising ako sa tabi ni Diego hindi ba?” natigilan pa sandali ang babae at nag-isip ng dahilan. “Ibig sabihin wala talagang nangyari saamin ni Diego?!” gulat na sabi niya sa sarili pagkatapos ay mabilis na tinignan ang papag at hindi nga siya nagkamali dahil may bahid ng dugo doon. 

Napangiti siya doon at napaiyak dahil sa sobrang tuwa. Ibig sabihin walang katotohanan ang lahat ng ibibintang sa kaniya. May pag-asa pa siyang maibalik sa dati ang lahat. May pag-asa pa siya upang makabalik sa pamilya Montecarlos. 

Dali-dali siyang nagbihis matapos iyon at pinunasan ng maayos ang papag upang hindi makita ng lalaki ang dugo sa higaan pagkatapos ay pinagmasdan niya muna sandali ang buong kwartong iyon. Kwarto kung saan maraming masasayang ala-ala siyang nabuo kasama si Alas. Hindi niya lang lubos na maintindihan kung bakit nagkaganoon ito nang gabing lumipas. 

“Mahal kita Alas kahit pa na sinaktan mo ako sa marahas na paraan. Masaya din ako na ikaw ang nakakuha ng aking pagkababae,” 

Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya at binuksan ang bintana na tatagos sa likod ng bahay na iyon. Bukid ang nasa likod nito at matataas ang talahib ng damo kung kaya’t magagawa niyang makatakas doon. Maingat siyang tumalon mula sa bintana ngunit nagkaroon parin siya ng sugat dahil sa hindi niya napansin ang bato na patulis sa ibaba. 

“Aww…!” d***g niya at pagtingin niya sa kaniyang tuhod ay masaganang umaagos ang dugo doon dahil sa hiwa ng bato. “Kung minamalas ka nga naman.” Iling na sabi niya at hindi nalang iyon pinansin pagkatapos ay patakbong pumunta sa malawak na damuhan at doon nagpakalayo-layo papunta sa gitna.

Ilang minito matapos niyang tumakbo papunta sa matataas na damuhan ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na ikinatigil niya sa pagtakbo. 

“Stella!” boses palang ng tumatawag sa kaniya ay kilala na niya ito. “Kapag ikaw nakita ko malalagot ka saakin!” nangilabot siya sa kaniyang narinig. 

Biglang kinabahan ang dalaga at nagmadaling tumakbo papalayo pa doon. Umabot ng ilan pang minuto ang kaniyang pagpapakalayo at sa gitna ng kaniyang pagmamadali habang palingon-lingon sa kaniyang likuran ay bigla nalamang siyang nadapa kaya maging ang kabilang tuhod niya ay mayroon ng sugat at pareho na silang dumudugo ngayon. 

Napatingin siya sa harapan ng makarinig ng kaluskos sa damuhan na tila nagmamadaling tumatakbo na siyang ikinaatras niya. “H-Hindi…” takot na bulong niya ngunit biglang lumitaw ang isang kulay brown na aso na ikinahinga niya ng maluwag. 

“B-Browny tinakot mo ako!” 

Magiliw na tumakbo kay Stella ang aso at pinagdidilaan ang pisnge nito na ikinatawa ng dalaga. 

“Woah! Tama na iyan browny, mukang tama ang aking daan dahil andito na ako sa hacienda Montecarlos.” Masaya nitong sabi at tumayo na. 

Hindi na siya nagmamadali pa dahil alam niyang hindi na siya masusundan ng lalaki dahil kapag ginawa nito ay malalagot siya sa mga tauhan lalo na at kabilang siya sa mga Del Rosario. 

“Tara na Browny!” hinawakan nito ang tali ng aso at naglakad sila papunta sa isang daan na alam na alam niya. 

Sa Hacienda Montecarlos lumaki si Stella dahil iyon ay sa kaniyang mga namayapang magulang at ang kaniyang tiyo at tiya ang sumapo sa negosyo ng mga ito pati sa kaniya. Uuwi siya ngayon upang sabihin sa mga ito ang magandang balita at para narin makabalik siya sa piling ng mga ito. 

“Browny! Browny nasan kana ba?!” 

“Browny narinig mo iyon?! Si tiya iyon!” 

Agad na tumakbo si Stella dahil sa narinig niyang sigaw at maya-maya pa ay natanaw niya ang nakatalikod na tiya at isinisigaw ang pangalan ng kaniyang aso na si Browny. 

“Tiya! Tiya andito po si Browny kasama ko!” 

Napalingon ang ginang sa kaniya at biglang nag-iba ang itsura nito ng makita siya. Hindi iyon napansin ng dalaga at mabilis na niyakap ang tiyahin ng sobrang higpit. 

“Tiya! Sabik na sabik akong makita ka!” 

Masaya niyang bati dito ngunit laking gulat niya ng itulak siya nito na ikinabagsak niya sa lupa. 

“Anong ginagawa mo ditong bata ka?! Paano ka nakapasok sa aming hacienda?!” 

Nanlilisik ang matang nakatingin sa kaniya ang tiyahin at maging ang mga salita nito ay tila nakakapanakit ng isang taong kagaya ni Stella. 

“T-Tiya andito ako—” 

“Gregorio! Gregorio mayroong lapastangan ang pumasok sa ating Hacienda!” 

Putol na sigaw ng tiyahin na siyang nag-eco sa buong paligid lalo na at nasa likuran sila na bahagi ng malaking mansion ng mga Montecarlos. 

“S-Sandali tiya makinig ka saakin.” Hindi nakinig ang babae at maya-maya pa ay humahangos na dumating si Gregorio. 

“Anong nangyayari dito Amanda?” 

“Ito! Mayroong lapastangang pumasok sa ating Hacienda!” 

Itinuro siya ng tiyahin na ikinailing niya at halos iyuko na niya ang noo sa lupa dahil sa sobrang paggalang sa mga ito. 

“Anong ginagawa mo dito?!” 

“T-Tiyo making kayo saakin! Nandito ako para sabihing wala talagang nangyari saamin ni Diego! Walang namamagitan saaming dalawa! Isa lamang iyong pa-in, maniwala ho kayo saakin!” 

Umiiyak na sabi nito habang hindi nakatingin sa mga ito dahil pauli-ulit siyang yumuyukod sa dalawa. 

“Paano mo nasabing walang nangyari gayong lasing na lasing ka?!” sigaw ng kaniyang tiyahin. 

“T-Tiya nalaman ko ho kagabi sa piling ni—A-Alas,” pahinang pahina niyang sabi dahil napagtanto niya ang ibig sabihin ng kaniyang binibigkas na salita. 

“Sa piling? Nakipagtalik ka sa lalaking nagngangalang Alas?!” nagulat siya sa biglaang pagsigaw ng kaniyang tiyuhin at hindi na niya nagawa pang sumagot dahil sa sobrang takot kaya’t umiyak nalamang siya ng umiyak. 

“Alas? Hindi ba siya ang anak sa labas ni Daniel Alcantara na asawa ni Talia Del Rosario?” 

Natigilan si Stella dahil sa narinig at napaangat ng tingin dito. “A-Anak sa labas?” biglang pumasok sa isip niya ang dahilan kung bakit ito nasa dulong parte ng ari-arian ng mga Del Rosario. 

Kabilang ang lalaki sa Del Rosario! Marahil kaya din nito nabanggit kagabi ang tungkol sa kapatid nito dahil wala itong ibang tinutukoy kung di si Diego! Si Diego na buong akala ng kanilang pamilya ay may nangyari sa pagitan nilang dalawa! 

“Nakipagtalik ka sa isang Alas Alcantara Stella?!” napakurap siya sa sigaw ng kaniyang tiyuhin at napayuko nalamang kasabay ng kaniyang panlulumo. 

Ang gusto lang naman niya ay ang muling makabalik sa kaniyang tahanan at muling matanggap ng tiyo at tiya. Maya-maya ay nagulat siya ng biglang mayroong mahigpit na kamay ang humawak sa braso niya at kinaladkad siya palabas doon. 

“T-Tiyo! Tiyo sandali lamang po! Makinig kayo saakin! Hindi ko ginusto ang nangyari—” 

Pabalang siya nitong itinulak palabas ng kanilang malaking pinto na ikinabagsak niyang muli sa sahig katulad noong pagpapalayas ng mga ito sa kaniya. 

“Hindi ginusto samantalang pangalawa na iyan Stella! Wala ka nang ibang ginawa kung di ang ipahiya kami ng iyong tiyahin at pumapel sa mga Del Rosario’ng pumatay sa iyong mga magulang!” 

Napaiyak nalamang ang dalaga at paulit-ulit na nagmaka-awa sa tiyuhin. 

“T-Tiyo maawa po kayo saakin! G-Gusto ko na pong umuwi dito, ayoko na po sa lansangan!” 

“Magtiis ka! Iyan ang resulta ng pagiging suwail mo na bata! Hindi ko akalain na nagpalaki kami ng isang ahas! Halika na pumasok na tayo Gregorio!” galit na sabi ng tiyahin at naglakad papasok sa loob. 

Ang kaniyang tiyuhin ay tinignan pa siya ng may panlalait at panghihinayang pagkatapos ay tumalikod na upang at pumasok din sa loob. 

“T-Tiyo! Tiyo maniwala ho kayo saakin!” 

Pinigilan siya ng mga bantay na andodoon kaya hindi na niya magawa pang sumunod sa loob hanggang sa sumara na nag malalaking pinto na siyang ikinasara na ‘rin ng kaniyang huling pag-asa. 

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Ingay Libeg Clarin
more bonus please
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Naiyak ako para Kay estella
goodnovel comment avatar
Rick John Castillo
unlock please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status