Share

Chapter Nine: Katotohanan

“GUSTO mo bang tulungan kita magbuhat ng ref Alas?” napangiti siya sa tanong ng babae at umiling. “Hindi pwede, mabigat ito. Ipasok mo nalang sa loob ang mga pag-kain natin.” Tumango sa kaniya ang babae kaya napangiti habang umiiling siya dito. Nang maipasok niya sa loob ang ref ay nakita niya si Stella na nag-aayos ng mga delata. 

“Stella,” napalingon ito sa kaniya at ngumiti na ikinatigil niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ngumingiti ang babae sa kaniya ay napapangiti din siya at parang mayroong mga paro-paro sa kaniyang tiyan. “Ayos ka lang ba Alas?” napakurap siya dahil sa sinabi ng babae at hindi niya napansin na andito na pala sa harapan niya. 

“A-Ah oo, sasabihin ko lang sana na tuturuan na kitang mag basa mamaya ng ingles at magsulat.” Biglang nagkaroon ng ngiti sa muka ni Stella dahil doon na lalo niyang ikinahinto dahil lalong gumanda ang babae. “Talaga?! Sige, bibilisan ko na dito!” malaki ang ngiti sa muka ng babae pagkasabi niya niyon kung kaya’t nag presinta na siyang tulungan ito. 

Mabilis nilang natapos ang paglalagay ng mga pag-kain sa tamang lalagyan at maging sa ref pagkatapos ay pinahintay niya ang dalaga sa may sala. Kinuha niya ang libro niya doon sa kwarto at bumalik na may dalang isang libro. “Handa kana bang matuto Stella?” nakangiting sabi nito sa dalaga na ikinatango nito ng sunod-sunod. 

Naupo siya sa tabi nito at binuklat ang libro. “Gusto ko munang malaman mo na sa pag-aaral mo nitong ingles ay marami ka ng maiintindihan na hindi kaaya-aya na salita.” Napatingin sa kaniya ang babae at tila natakot ito dahil doon. “Wag kang matakot dahil andito naman ako.” Biglang nawala ang takot sa muka ng babae at ngumiti sa kaniya. 

“At isa pa, ang pagkatuto ng pagsasalita ng ingles at pagsusulat o pagbasa ay malaking tulong sa iyo.” Tumango ito ng sunod-sunod sa kaniya kung kaya’t nagsimula na siyang magturo. Hindi niya maiwasan na mapatingin dito sa tuwing mayroon itong hindi maintindihan at tila gusto narin niyang halikan ang pisnge na nakalatag sa harap niya. 

Napailing siya dahil doon at inialis ang isipin na iyon sa kaniyang isip. Kailangan niyang mag-focus para matuto ang dalaga sa kaniya. 

*** 

Isang linggo ang lumipas at marami na siyang naituro dito at marami na ‘ring natutunan ang dalaga. Kaya na nitong magsulat ng kaniyang pangalan at ng abakada. Kaya na ‘rin niyang umintindi ng mga basic na ingles lalo na at mabilis matuto ang babae. 

Kung minsan nga ay inaabutan niya ito sa gabi na gising pa at nag-aaral mag-isa. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi siya nakapag-aral ngunit alam niya na mahirap iyon para sa dalaga kung kaya’t gustong-gusto nito ang matuto. 

Isang gabi ng makatanggap siya ng text mula sa kaniyang ama at sinasabi nito na pumunta siya sa bahay upang mag-usap. “Ano nanaman kaya ang kailangan nito?” inis niya na sabi sarili at pumunta sa kwarto ni Stella upang tignan ito at magpaalam. Nakita niya ang dalaga na nagbabasa nanaman ng libro niya at seryosong-seryoso ito. 

“Stella,” napalingon sakaniya ang babae at napangiti kaya maging siya ay nahawa sa ngiti nito. “Bakit Alas?” lumapit siya dito bago sumagot sa dalaga. “Aalis lang ako sandali, pupuntahan ko lang ang ama ko dahil pinapatawag ako.” Tumango sa kaniya ang babae kung kaya’t hinalikan niya ito sa noo. Simula din noong mga nakaraang araw ay ganito na ang kanilang nakasanayan. 

Sa isip nga niya ay para na silang mag-asawa na hindi pa kasal ngunit nasa iisang bubong. “Mag-iingat ka. Iintayin kita.” Tumango siya sa dalaga dahil alam naman niya na sandali lang siya sa pagpunta sa kaniya ama. Lumabas na siya doon at sumakay sa kaniyang sasakyan pagkatapos ay nagmaneho na paalis. 

Pagkarating niya sa bahay ng mga ito ay seryosong naka-abang ang kaniyang ama sa tapat ng pintuan nito. “Anong meron?” walang gana niyang tanong sa ama ngunit naglakad lang ito papunta sa kwadra na ikinasunod naman nito dito. Kapag seryoso ang usapan ay doon ito napunta kaya alam niyang seryoso na pag usapan nila. 

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila at tanging ang mga kabayo lamang ang nag-iigay sa paligid nang makapasok sila sa loob. Malayo ito sa pinakang bahay ng mga Del Rosario kung kaya’t alam niya na hindi sila maririnig ng mga ito. “Bakit mo kasama sa iisang bahay si Stella Montecarlos?” napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. 

“Stella Montecarlos?” bigla siyang kinabahan ng mapagtanto niya na kapangalan ito ni Stella. Ngunit hindi nga naman pala niya alam ang apilyido nito. Gulat siyang napatingin sa ama sakto humarap ito sa kaniya pagkatapos ay inihagis sa kaniya ang napakaraming larawan. 

“Paano mo nagawang magpapasok sa pamamahay ko ng isang Montecarlos na siyang dahilan ng pagakakagulo ng pamilya natin?!” gulat siyang napatingin sa sahig at doon ay nakita niya ang mga larawan nila ni Stella na magkasama sa bahay. Hindi niya alam na minamanmanan pala siya ng kaniyang ama. 

“H-Hindi ko alam na siya ay isang Montecarlos.” Sinamaan siya ng tingin ng ama dahil doon. “Ayun na nga! Hindi mo alam dahil sinadya niyang hindi ipaalam! Alam mo ba na siya ang babaeng nakasama ni Diego ng isang gabi sa kumalat na balita?!” bigla siyang natigilan dahil sa sinabi ng ama at parang tinamaan ng isang pana sa kaniyang dibdib. 

“Walang ibang gusto ang babaeng iyon kung di ang maghanap ng gulo! Ang guluhin ang pamilya natin!” napaatras siya dahil sa sinabi nito at umiling sa kaniyang ama. “H-Hindi totoo ‘yan. K-Kilala ko si Stella.” Mabilis na lumapit sa kaniya ang lalaki at doon ay sinapak ito sa muka na siyang ikinatumba niya sa sahig na ikinaingay lalo ng mga kabayo. 

“Wake up son! Ginagamit ka lang niya, ginagamit ka lang niya dahil kapatid mo si Diego!” doon na siya nawalan ng tuliro at hindi na niya namalayan ang pag-alis ng kaniyang ama. Napatingin siya sa mga larawan na nasa sahig at pawang nakangiti siya sa isa’t-isa. Ngunit ang nakakuha ng kaniyang atensyon ay ang isang larawan na nakahiga ang isang babae at lalaki sa iisang kama at pawang walang mga saplot. 

Nanginginig ang kaniyang kamay ng pulutin niya ito at doon ay nakita niya ng malapitan na tama nga ang kaniyang ama. Si Diego ito at si Stella habang natutulog sa iisang kama. Bigla siyang nakaramdam ng sakit, puot at pighati dahil doon at naikuyom ang kaniyang kamao kasabay ng litrato na hawak niya. 

Tumulo ang kaniyang luha dahil sa samu’t-saring emosyon na kaniyang nararamdaman. Unti-unti siyang tumayo at naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan pakatapos ay nagmaneho pauwi. Unti-unting bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga panahon na nakilala niya ito, marunong itong gumamit ng kabayo gayong pangmayaman lamang ito. Mayroon sila Air-con na gayong hindi niya pinagtuunan ng pansin. 

“Sh*t!” Galit na hinampas niya ang manibela lalo na at nagagalit siya sa babae dahil nagsinungaling ito. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Madel Caguete Umali
next plss...
goodnovel comment avatar
Madel Caguete Umali
next plss....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status