Share

CHAPTER 4

Sigaw nya nang mapansin nya sigurong nakatingin ako don. Nakapalda lang kase sya tapos nandito ako sa baba normal lang na makikita ko talaga...yong panty nya...I mean, hindi ko naman sinasadyang makita yun promise.

"Animal pahawa ra jud dari kung mambastos ka! Isumbong jud taka sa among Mama ba!!" (Animal umalis ka nalang dito kung mam-ba-bastos ka lang! Isusumbong ka talaga namin sa Mama namin)

Bulyaw sakin nong kaibigan nya.

Sinulyapan ko si Ela na nasa taas at mukhang pababa na sya habang di parin nawawala ang masamang titig nya sakin. Kita ko naman nadulas yong paa nya at di sya nakahawak sa sanga mabuti nalang ay mabilis akong tumabko at sinalo sya.

Kita kong napapikit sya ng mariin at ang dalawang kamay ay nasa leeg ko nakakapit, napalunok ako nang mabaling ang paningin sa labi nya.

"O-Okay ka lang?" Tanong ko.

Unti-unti nya namang dinilat ang mata nya at agad na kumunot yong noo ng makita nya ako.

"Ouchh!!" D***g ko at nabitawan sya dahil bigla nya nalang binangga ang ulo nya sa ulo ko.

Sakit non ah, parang bato yong ulo nya.

"MANYAKKK!!!" Sigaw nya at inapakan pa yong paa ko kaya napadaing na. naman ako.

"UWAGAN KA ANIMALA KA!!!'

"Ako pa tinatawag mong manyak?! Eh, niligtas nga kita diba? Di ka man lang ba mag papasalamat!!" Irita kong saad.

"E-Ewan ko sayo! Chinchin tara na nga!" U pmmalis na silang dalawa at naiwan ako ditong mag isa.

Damn! Imbis na salamat ang sabihin manyak pa talaga ah, di ko naman sinasadyang makita yong ano nya eh. Pinitas ko lang yong mangga sa baba--teka asan na yong mangga ko??

Yumuko at hinanap, napabuntong hininga nalang ako kase natapon ko pala yon dahil natataranta na ako kanina, alangan namang unahin ko yong mangga kesa kay Ela.

Pumitas muna ako ng dalawang mangga at nang mag sisimula na sanang akong mag lakad ay napakamot ako sa ulo kase may tatlong daanan dito at di ko alam kung san ang tatahakin. Nakalimutan ko kung san ako dumaan kanina. Para kaseng lutang ako habang sinusundan yong dalawa habang nag lalakad.

"Hayst pano nga ba ako makakauwi nito?" Tanong ko sa sarili.

Nahihiya naman akong mag tanong kay Tiyo Berting at sabi nga nya diba na matutulog sya ulit, alangan namang gisingin ko pa sya.

Pag yuko ko ay may nakita akong kwentas sa lupa, kinuha ko 'yon at tinignan.

"Ave?" Takang tanong ko sa sarili.

Yon kase ang nakatatak dito sa hugis puso na pendant nong kwentas, tapos Ave ang nakasulat don...parang pamilyar to? Di ko lang maalala kung san ko 'to nakita.

"Samoka asa naman to oyy?!" (Nakakainis naman asan na ba 'yon)

Nakita ko si Ela na para bang may hinahanap don sa mga dahuman sa gilid-gilid. Ano bang hinahanap nya? Sakanya kaya 'to?

Nilagay ko yong kamay ko sa likod at lumapit sa gawi nya.

"Anong hinahanap mo?" Tanong ko sakanya. Binalingan nya ako saglit ng tingin at inirapan lang.

"Ano nga hinahanap mo?" Tanong ko ulit.

"Unsa may pake nimo!" Inirapan niya ulit ako at bahagya pa akong binangga.

"Kini imong gipangita?" (Ito ba hinahanap mo?) Sabay pinakita ko sakanya yong kwentas.

"Hala nganong naa mana sa imo!! Kawatan guro ka no!!" (Hala bakit nasayo yan!! Mag nanakaw ka siguro no)

Ako mag nanakaw? Tsk ito nalang? Eh, mukhang mura lang naman to? Hindi nga siguro umabot ng one thousand pesos yong ganito, tsk.

Kukunin nya sana yon sa kamay ko pero tinaas ko ang kamay ko para di nya maabot, hanggang balikat ko lang sya paniguradong di nya maaabot to kahit tumalon-talon pa sya na parang palaka dyan.

"Akin na!!" Seryosong sabi nya at sinusubukang kunin ulit.

"Abutin mo kung gusto mong kunin." Saad ko sabay ngisi.

"Sagpaon jud taka kong dili nimo na ihatag!" (Sasampalin talaga kita pag di mo yan binigay)

"Sige sagpaa ko, ako jud ning ilabay dara oh, sa daghang sagbot para dili nimo makita!" (Sige sampalin mo ako, itatapon ko talaga 'to dyan sa may maraming damuhan para hindi muna makita)

Banta ko sakanya. Gigil nyang kinagat yong labi nya at kita kong napatikom sya ng kamao.

Inapakan nya bigla yong paa ko kaya naibaba ko yong kamay ko na may hawak na kwentas, pilit nya naman yong hinila at biglang nawalan ako ng balance. Nahawakan ko ang siko nya kaya pareho kaming dalawang bumagsak don sa lupa.

Nakapatong sya sakin ngayon at ang bigat-bigat nya promise, di tuloy ako makahinga ng maayos.

Unti-unti kong minulat ang mata ko ng maramdamang parang may kung anong malambot ang nakadikit sa labi ko...

Pagmulat ng mata nya ay mabilis nyang tinulak ang dibdib ko para makabangon sya.

"AHHH!!! YAKSSS EWWW!! YAKKS!!" Sigaw nya at pinahiran pa yong labi gamit ang laylayan ng damit nya.

Para namang kung ano ang lumapat sa labi nya eh, labi ko lang naman yon. Nakakainis syang tignan para bang diring-diri sya ah.

Bumangon ako at seryoso syang tinignan. "Oa mo ah, kala mo naman gusto kitang halikan--aray!! Ano ba ang sakit ah!" D***g ko kase bigla nya akong sinampal sa pisngi.

"Animal ka! Pag saba nalang jud og nakagusto ka nako yawaa ka!!" (Sabihin mo nalang kase kung may gusto ka sakin yawa ka!!)

"Di ka parin ba tapos sa kakapahid dyan sa labi mo?" Tanong ko.

Nandito sya ngayon sa gilid ko nakaupo kami pareho sa lupa na may maraming dahon.

"Hindi pa!! Yakks!" Dinilaan nya pa yong labi nya at niluwa yong laway tapos pahid ulit.

Inangat ko yong palad ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nya tapos mabilis na hinalikan sya sa labi.

"AHHH!! BWESIT!! ANIMALL!! UNSA MAY PROBLEMA NIMO HA!! NABUANG NAMAN GURO KA!!" (ANO BANG PROBLEMA MO HA!! NABABALIW KA NA SIGURO!!)

Pinahiran nya ulit yong labi nya sabay tumayo. Tumakbo sya papalayo sakin. Di ko naman mapigilang hindi matawa sa inasal nya.

Ang sarap nyang inisin, ang cute nya kapag naiinis o nagagalit. Nagkakasalubong kase ang makapal nyang kilay.

Hinawakan ko ang labi ko. 

Ang lambot pala ng labi nya... 

Hmm, sh*t! Naalala ko bigla si Ken, ano ba yan nakakadiri ilang beses na ba kaming nag halikan non? Ilang years den naging kami kaya di ko na mabilang yong pag halik ko at pag halik nya sakin.

"Damn!" Napatampal ako sa noo. Dapat kase sinundan ko nalang si Ela paalis, hay nako Dave pano ka uuwi nyan?? 

"Oh, Dev nandito ka pa pala..." lumingon ako sa likuran ko at nakita ko naman si Tiyo Berting na mukhang kakababa lang sa bahay nya.

"Ahm, aalis po kayo?" Tanong ko.

"Ah, oo may ano...naa lang koy adtoan." (May pupuntahan lang ako.)

"Pwede nyo bang ituro sakin kung san ang daanan patungo kila Mama Paty?" 

"Unsa?" (Ano?)

"Ayy ila Paty." Mukhang naintindihan na nya yong sinabi ko.

Tinuro nya naman sakin kung saan at napabuntong hininga na ako ng nandito na ako sa tapat ng bahay nila.

"Oh, san ka ba galing Dev? Halika na kakain na tayo." Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman si Ela na nakaupo na sa upuan at sumusubo 'to ng mangga. Sinulyapan nya lang ako tapos inirapan.

"Ela tama na kakakain mo ng mangga! Kumain ka muna ng kanin bago yan!"

"Wala ko kasabot sa imong gi estorya." (Hindi ko maintindihan yong sinabi mo.)

"Agayy agayyy!!" (Arayy arayyy!!)

D***g nya ng kinurot ni Mama Paty yong tagiliran nya.

"Lagi na, ana gani ko mag kaon sa ko." (Oo na, sabi ko nga eh kakain muna ako.)

"Dave maupo ka na dito." 

Lumapit naman ako at uupo sana sa tabi ni Ela pero bigla nyang pinatong yong paa nya don, lumipat nalang ako sa kabila at uupo na sana pero bigla nya ding pinatong ang paa nya, nag split sya sa upuan...flexible nga pala sya. Galit ba sya sakin?

"Ela ano ba yan?!"

"Ha? Ano? May ginawa ba ako?" Inosenteng tanong nito.

"Okay lang Mama Paty." Sabi ko at don nalang umupo sa tabi nya.

"Tsk, nakiki Mama pa talaga sya sa Mama ko, ang feeling naman."

"Naririnig kita," saad ko.

"Malamang naa man kay dalunggan!" (Malamang may tainga ka eh!)

"Tama na yan! Noon ang lapit-lapit nyo sa isat-isa tapos ngayon para na kayong aso't pusa." Wika ni Mama Paty.

"Noon 'yon Ma. Lahi man ang karon." (Iba yong ngayon.)

"Yeah, Ela is right Mama Paty but even though may mga bagay na nag bago di naman ibig sabihin na di tayo pwedeng maging magkaibigan ulit?"

"Dili ko! Dili ko ganahan makipag amego og manyak na lalaki!" (Ayoko ko! Ayokong makipag kaibigan sa isang manyak na lalaki!)

Tinaasan nya pa ako ng kilay. Hindi nga ako manyak eh!!

Tumahimik nalang ako at kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status