Janna's Pov Napangiti ako habang isa-isang binabasa ang iba't ibang komento ng mga tao ukol sa video na pinakalat ko sa internet. For today's video, I feel my victory! "I'm sorry my old friend, but hindi ako magpapatalo sa'yo." nakangisi kong sabi habang pinapanood ang video.Yes, hindi ako magpapatalo sa kaniya, never!Jheanne and I, we've been friends since elementary. Iisang School ang pinapasukan namin at doon na rin kami nagkakilala at naging magkaibigan. Mayaman sila, well, ako rin naman. Ngunit may mga pag-aari siya na hindi ko kayang makuha. Katulad nalang ni Hugo.Noong high school kami ay doon namin nakilala si Hugo. Ang totoo niyan ay ako ang unang nakakilala kay Hugo at pinakilala ko ito kay Jheanne.Nakilala ko si Hugo nang araw na inilipat ito sa aming classroom dahil transferee ito mula sa ibang Paaralan. Unang kita ko palang kay Hugo ay na-inlove na ako sa kaniya, subalit inlove naman siya kay Jheanne bagay na siyang pagkabuhay ng selos sa dibdib ko.Ngunit dahil kaib
Jheanne's Pov Nakabalik kami ni Ubi ng Manila; sa condo suit ko. Pagod kong ibinagsak ang katawan sa sofa at hindi ko napigilan na hilotin ang aking sentido. Sa totoo lang ay nai-stress ako sa mga nangyayari sa Cebu at higit sa lahat sa nangyari sa eroplano.Gusto kong ipahayag sa lahat ang katotohanan, gusto kong linisin ang pangalan ko, pero hindi ko alam kung papano."Overthink again?" anang boses ni Ubi. Noon ko lamang napansin na nasa tabi ko na pala siya. Nakaligo na siya dahil basa pa ang buhok nito at gulong-gulo pa iyon. Imbes na sagutin ko siya ay tumaas ang palad ko upang haplosin ang buhok niyang basa pa. Tila nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko na lang ito."Pagupitan natin ang buhok mo?" tanong ko sa kaniya. Medyo mahaba kasi ang buhok niya. Honestly, nang una ko siyang dalhin rito ay mahaba na talaga ang buhok niya at maraming dumi na nakakapit, kaya ang ginawa ko ay pinutulan ko ang kalahati niyon. Natatawa pa nga ako dahil hindi pantay ang paggupit ko sa kani
Ubi's Pov Hindi ko maiwasang mapatitig sa maganda niyang mukha, sa nangungusap na mga mata na kahit pa namumugto iyon mula sa pag-iyak ay hindi maitatago ang ganda. Ang labi niyang tila nanghahamon nang halikan na kay sarap hagkan. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Paano nga ba nabuhay itong kakaiba kong nararamdaman para sa kaniya? Kailan lang kami nagkakilala pero pakiramdam ko ay ang lapit-lapit na namin sa isa't isa.Ni hindi ko nga alam kung sino ako, kung anong klaseng tao ba ako. Ultimo pangalan ko ay hindi ko alam, pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil binigyan niya ako ng pangalan na alam ko naman kung saan niya kinuha. Ubi is short for Pulubi. I like the name she gave me at para sa akin ay mas gusto ko na ito na lang ang magiging pangalan ko kaysa sa pangalan na tinawag sa akin ng dati kong kasamahan sa trabaho.I have so many questions for myself too, kung saan ba ako nanggaling. Kung may pamilya ba ako, o anak at asawa. I didn't know who am I. Wala akong alam tungkol sa
Jheanne's Pov Pinagmamasdan ko ang natutulog na si Ubi. Mahigit trenta'y minutos na siyang tulog simula pa kanina nang mahimatay siya. Nangangati na rin ang mga palad ko na tawagan ang family doctor namin nang sa ganoon ay matignan siya at malaman kung ano ang sanhi ng pagkirot ng ulo niya at kung bakit siya hinimatay. Lately kasi ay napapansin kong umiiba nalang bigla ang awra niya. Iyon bang tipo na okay siyang kausap, matino, pero may time na para bang lutang siya at wala sa kaniyang sarili. Gusto ko rin sana siyang tanongin tungkol sa kwento ng buhay niya, pero naiisip ko naman na baka masyado na akong atat para gawin iyon.Napabuntonghininga na lamang ako. Ayoko naman na isipin ni Ubi na pakilamera ako ng buhay na may buhay.Napabaling pa ako sa pinto nang bumukas iyon. Si Mommy Anne ang pumasok at may dala itong tray. Tiningnan ko ang laman ng tray na ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa. Dalawang mangkok na may laman na sopas na umuusok pa ang nakalagay roon. Kaagad akong naglawa
Jheanne's Pov Matapos ang isang linggo na bakasyon ay bumalik na ako sa aking trabaho sa Affinity Manpower, habang si Ubi ay iniwan ko lang sa condo. Sinabi ko sa kaniya na kung gusto niyang lumabas at mamasyal ay kumuha lang siya ng pera na iniwan ko para sa kaniya sa drawer o gamitin niya lang ang credit card ko. Tumango lang naman siya kanina. Natatawa pa nga ako dahil siya itong naglalaba ng mga marurumi naming damit na dapat ay si Manang Lita ang gumagawa. Mabuburyo lang naman daw siya dahil maghapon siyang mag-isa sa condo kaya siya na lang daw ang gagawa ng gawaing bahay at huwag na lang daw papuntahin si Manang Lita. Ang cute niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang naglalakad ako papasok ng building.Siguro kong si Ubi ang magiging asawa ko ang suwerte ko siguro sa kaniya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at naipilig ang ulo dahil sa naisip kong iyon.Bakit ko ba iyon naiisip?Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at bawat makasalubong ko na mga kasamahan ko sa trabaho ay
Jheanne's PovDahil sa dami ng trabaho na tinutukan ko, at idagdag pa ang magkasunod na pagpunta nina Hugo at Janna sa opisina ko ay nawalan na ako ng gana mananghalian. Pati ang project ko sa Iloilo ay kinansela ko na muna. Binigay ko muna iyon sa iba kong kasamahan. Napag-isip-isip ko kasi na walang makakasama si Ubi sa condo kapag umalis ako, kaya kinansel ko muna ang trabahong iyon. Kung hindi pa nga ako pinilit nina Albie at Zsa na kumain muna sa labas ay siguro nasa opisina pa rin ako ngayon at nagtatrabaho pa rin.Sa isang Korean Restaurant kami ngayon at kasalukuyang kumakain. Habang abala ako sa kinakain ko ay abala naman silang dalawa sa pagkukuwentuhan about sa mga nobyo nila. Si Zsa kasi ay may nobyo rin na engineer pero sa kabilang company naman iyon. Ayon kay Zsa ay hindi raw ito gusto ng lola ng kasintahan nito. Pera lang daw ang habol ni Zsa sa kasintahan nito bagay na hindi namin pinaniwalaan ni Albie dahil laking mayaman si Zsa. About naman kay Albie, ang nobyo nama
Rosita's Pov Napangiti ako habang tinitingnan ang dalaga mula sa loob ng bintana ng aking kotse. Nang umandar ang kotse ay nawala na rin siya sa aking paningin. I like her, really. Magaan ang loob ko sa kaniya kahit na ngayon lamang kami nagkakilala. Gusto ko iyong pagiging charming niya, para siyang si Sabrina. Si Sabrina ay asawa ng aking panganay na anak na si Carlos. Pero noong mamatay si Sabrina ay para na ring namatay ang anak ko. Ako mismo, nakita ko at na-witness ang pagmamahalan nilang dalawa. Simula pa mga bata sila ay matalik na silang magkaibigan, parang buntot ng bawat isa na kapag nasaan ang isa ay naroon rin dapat ang isa sa kanila. Hindi sila naghihiwalay. I also witnessed on how Carlos fall in love deeply with Sabrina. Halos mabaliw ang anak ko sa pagmamahal nito sa dalaga. At ganoon rin si Sabrina kay Carlos. It looks like they meant to each other talaga, sabay pa nga nila inalok ang isa't isa,na magpakasal. At sobrang masaya ako nang sa wakas ay sumumpa sila sa h
Ubi's Pov Naibaba ko ang cellphone at putol na rin ang linya ngunit ang kaba na nadarama ko kanina nang marinig ko ang boses na iyon mula sa kabilang linya ay naroon pa rin. Malakas ang pagtambol ng aking dibdib at hindi maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganoon. Lumabas si Jheanne mula sa banyo at naabutan ako sa sala na nakaupo sa sofa habang nakatulala. Nilapitan niya ako at inakbayan."Are you okay, Ubi?" aniya.Tumango ako ngunit nanatiling nakatingin sa kawalan."Sure ka ba? Mukhang hindi ka kasi okay. Teka, nagugutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita? Alam mo hindi na ako nakadaan ng pagkain kanina kasi dumiretso na ako pauwi e, pero hayaan mo bukas ibibili kita ng pasalubong—""Nakapagluto na ako. Kare-kare." putol ko mula sa sasabihin niya.Narinig ko ang pagsinghap niya, pagkatapos ay nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi upang pihitin ang leeg ko paharap sa kaniya. Ngayon ay nakatitig na kami sa isa't isa."Talaga? Nagluto ka?" Hindi makapaniwala na g