Malapit na po ito matapos sana po ay abangan niyo hanggang dulo❤️❤️
5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport
Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay
Jheanne's PovBalisa at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Iyon ang aking nararamdaman ngayon. Paano naman kasi, ngayon ang araw ng aking kasal. Excited na akong maasal—este makasal sa lalaking mahal na mahal ko.Si Hugo Makatarungan.Oh, apelyedo palang makatarungan na no? Si Hugo ay long-time boyfriend ko. Eight years kaming mag-jowa bago niya ako alukin na pakasalan siya. Siya ang kauna-unahang lalaki na sinagot ko at naging nobyo.Mabait siya, at hindi niya ako pinipilit na makipag-sex sa kaniya. Kahit nga kiss wala e. Gano'n siya ka-ingat sa akin, kaya nga mahal na mahal ko siya. At handa akong pakasalan siya. Gaya ngayon, narito ako sa Simbahan at nakatayo sa harapan ng altar, hawak ang braso ng daddy ko, at hinihintay siya. Nauna ako no? Oo, kasi nang dumating ako ay wala pa siya, kaya naman tumuloy na lang ako sa altar. Wala namang masama roon, ang importante ay makasal kami. Doon rin naman kasi ang punta niyon. Kaya walang problema kung sino ang nauna sa amin sa altar.Ng
Jheanne's PovSa labas palang ng Condo Building ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit kasama ko ang isang pulubi. Marahil iniisip nila na nasisiraan na ako ng ulo. Pero subukan nilang ipaparinig iyon sa akin kung ayaw nilang matanggal sa trabaho.Tinaasan ko ng kilay ang isang staff na nasa front desk, nakanganga kasi siya sa akin habang hawak ko ang braso ng pulubi. Nagsitakipan rin sila ng kanilang mga ilong dahil sa amoy ng kasama ko. Samantalang ako, parang namanhind na yata ang ilong ko."My keys. Faster." untag ko sa babaeng staff.Alanganin naman niya itong inabot sa akin."H-Heto po, Ma'am." aniya sabay abot sa akin ng susi. Mabilis ko naman itong kinuha, at hinila ko ang pulubi papasok sa elevator.Sakto at walang tao ang elevator kaya solo naming dalawa. Nang balingan ko ang pulubi ay nakayuko lang ito, at hindi man lang nagtatanong kung bakit ko siya isinama rito. Hindi ko maiwasang mainis dahil hindi yata siya marunong magsa
Nakaupo ako at katabi ko si Ubi, habang kaharap naman namin ang mga magulang ko. Hindi maalis-alis ang titig nila sa katabi ko, lalo na si Dad. Para niyang tutuklawin si Ubi. Marahil iniisip nila na may nangyari sa amin dahil sa mga damit kong nagkalat sa sahig na hindi ko na nagawa pang pulutin kanina dahil inuna ko nga itong kasama ko na paliguan kasi nakakamatay ang amoy.Napabuntonghininga ako at pinitik ang daliri sa paningin ni Dad dahil pakiramdam ko ay sasakalin na niya ang katabi ko na tila wala naman pakialam sa mundo. "Dad, stop staring at him like you gonna throw him on the window." naiiling kong sita kay Daddy. Aba binalingan niya ako at kung makatingin sa akin ay tila na dismaya pa."Dahil gagawin ko talaga iyon kapag hindi ka niya pinakasalan, Jheanne!"Napangiwi ako sa tinuran ni Dad. Grabe siya. Kasal agad? Eh, kakabitin ko nga lang sa ere dahil sa ginawang pagtataksil ni Hugo tapos ipapakasal na naman ako sa lalaking ito na basta ko na lang kinaladkad at dinala sa c
Jheanne's PovMatapos kong i-post sa social media account ko si Ubi at ang mga litrato namin ay inulan ako ng mga komento. Aba't may bago kaagad?May reserved ganoon?Ang bilis naman niyang magpalit!Baka matagal na niyang jowa iyan?Hindi kaya iyan ang dahilan kaya hindi siya sinipot ng nobyo niya sa kasal nila?Taksil rin siya!Ilan iyon sa mga komentong nabasa ko. Nasaktan ako, oo. Sino ba naman ang hindi masasaktan kong iyan ang tingin ng mga tao sayo? Na matapos kang lokohin ng nobyo mo at ipagpalit sa bestfriend mo ay pag-iisipan ka pa ng masama. At ang dating ay parang ang landi-landi ko pa.Well, ginusto ko itong palabas na ito kaya dapat lang na harapin ko ito. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin, basta ako at si Hugo, alam namin ang totoo. At speaking of gagong iyon, nakita niya kaya ang post ko? Sa pagkakaalam ko ay friend pa rin kami sa account ko. Pero depende rin, malay ko ba kung block na ako sa kaniya.Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag naki
Jheanne's PovNagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson at dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na nakapatong sa katawan ko. Ngunit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Ubi. Nakadantay ang mahahaba niyang bias sa puson ko, at nakasiksik naman ang mukha niya sa may kilikili ko habang ang braso niya ay nakayakap sa dibdib ko."Waaaaaah!" malakas kong sigaw sabay sampal sa braso niya, at marahas na bumangon. Nagulantang siya sa ginawa ko at napaupo sa kama na natutulala. Samantalang napalundag naman ako at nag-iinit ang pisngi na napapatayo sa gilid ng kama. "Bakit ka nakayakap sa akin, Ubi, huh? Manyak ka no?" singhal ko sa kaniya. Napayakap ako sa aking sarili.Walang buhay ang mga mata niya na binalingan ako. Umiling siya, hindi sang-ayon sa sinabi ko."Hindi ako manyak...malamig kasi–" aniya sabay yuko.Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko dapat iyon sina
Jheanne's PovNang balingan ko si Hugo ay nakita kong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa amin ni Ubi. Lihim akong nagdiwang sa naging reaksyon niya."Hugo, Jana, meet my fiancé. Ubi!" nakangiting untag ko sa kanila. Lalong naningkit ang mga mata ni Hugo sa sinabi ko.Thankful talaga ako at narito si Ubi. Nakayanan ko silang harapin ngayon. Hinawakan ko sa braso si Ubi at idinikit ang katawan ko sa kaniya, at taas noo silang tiningnan isa-isa. Ang mukha ng dati kong bestfriend ay masama ang tabas sa akin. Ano naman ngayon? Tsk!Binalingan ko rin si Ubi. Tahimik lamang siya at nakatitig sa kawalan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinadya kong palambingin ang boses ko."Baby, alis na tayo? Nagugutom na ako e," malambing kong sabi sa kaniya.Tiningnan niya ako at tumango siya. "Okay!" "Goodbye guys!" ani ko sa dalawang natigilan. Magsasalita pa sana si Hugo pero hinila na ako ni Ubi palabas ng building. Maigi na rin iyon dahil hindi ko na kaya ang presensya ng d