Share

APKF-3

Nakaupo ako at katabi ko si Ubi, habang kaharap naman namin ang mga magulang ko. Hindi maalis-alis ang titig nila sa katabi ko, lalo na si Dad. Para niyang tutuklawin si Ubi. Marahil iniisip nila na may nangyari sa amin dahil sa mga damit kong nagkalat sa sahig na hindi ko na nagawa pang pulutin kanina dahil inuna ko nga itong kasama ko na paliguan kasi nakakamatay ang amoy.

Napabuntonghininga ako at pinitik ang daliri sa paningin ni Dad dahil pakiramdam ko ay sasakalin na niya ang katabi ko na tila wala naman pakialam sa mundo.

"Dad, stop staring at him like you gonna throw him on the window." naiiling kong sita kay Daddy. Aba binalingan niya ako at kung makatingin sa akin ay tila na dismaya pa.

"Dahil gagawin ko talaga iyon kapag hindi ka niya pinakasalan, Jheanne!"

Napangiwi ako sa tinuran ni Dad. Grabe siya. Kasal agad? Eh, kakabitin ko nga lang sa ere dahil sa ginawang pagtataksil ni Hugo tapos ipapakasal na naman ako sa lalaking ito na basta ko na lang kinaladkad at dinala sa condo ko?

"Dad—"

"Papakasalan ka niya. Tapos!" giit pa ni Dad.

"Tama, anak. Dapat na magpakasal kayo. Ayokong lumaki ang apo ko na walang ama!" naiiyak naman na turan ni Mommy Anne.

Diyos ko! Anong apo? Virgin pa nga ako tapos apo na kaagad?

Sasagot pa sana ako, pero naisip ko na paano kung pumayag na lang ako? Tapos kunwari lang, ng sa gano'n ay makaganti ako sa gagong Hugo na iyon. Ipapakita ko sa kaniya na mabilis ko rin siyang napalitan gaya ng ginawa niya sa akin.

Napangisi ako sa aking naisip.

"Okay po! No worries. Pag-uusapan namin ni Ubi ang tungkol dito." saad ko sabay hawak sa braso ni Ubi.

Wala man lang siyang reaksyon sa sinagot ko sa mga magulang ko. Nakatulala lang siya at nakatingin sa kawalan. Para bang may sariling mundo. Hindi bale, kakausapin ko na lang siya. Hindi rin naman ako malulugi dahil tiyak na mas guwapo siya kumpara sa Hugo na iyon.

"Ikaw," sabay duro ni Dad kay Ubi. "wala ka bang sasabihin? Ibig bang sabihin ay pumapayag ka?" matigas ang tinig na tanong ni Dad kay Ubi.

Nanatili lang nakatingin ang lalaki sa kawalan at tila walang pakialam sa sinasabi ni Dad.

"Jheanne, tell me. Anong ginawa mo sa lalaking ito? Bakit siya tulala? Don't tell me na..." sambit ni Mommy sabay takip sa kaniyang bibig.

Inikotan ko ito ng mga mata ko. Kung anu-ano kasi ang naiisip niya.

"Naku, mom. Masakit ang ulo ko ngayon dahil sa ginawa ni Hugo kaya huwag mo na pong dagdagan. Saka, hindi pa po ako nasisiraan ng bait para anuhin iyang katabi ko." nakangusong turan ko kay Mom. Kinalabit ko naman si Ubi.

"Magsalita ka naman. Napagkamalan kang pipi e." untag ko sa kaniya.

Kumurap-kurap siya na napatingin sa akin. Kapagkuwan ay bumuka ang bibig niya para magsalita, pero kaagad ko iyong tinakpan gamit ang palad ko dahil bad breath siya!

"Huwag ka ng magsalita. Okay na promise!" nakangiwing turan ko. "Excuse us," wika ko sa mga magulang ko sabay hila kay Ubi.

Dinala ko siya sa banyo. Hindi pa rin siya bihis dahil nang dumating sina mom ay wala na akong panahon na hanapan siya ng masusuot. Paano kasi pinaupo kaagad kami sa sofa at kinausap. Pati nga damit ko ay hindi pa rin napapalitan, basa pa rin ako hanggang ngayon.

"Ang baho ng hininga mo grabe! Halika at kuskusin ko iyan!" ani ko kay Ubi.

Kumuha ako ng bagong sipilyo at kaagad iyon nilagyan ng maraming toothpaste. Hinawakan ko ang panga niya.

"Nga-nga!" utos ko rito.

Binuksan niya ang bibig, at wala na akong panahon na sinayang pa. Kaagad ko siyang sinipilyuhan. Hala kuskos dito, kuskos doon ang ginawa ko. Kulang na lang ay ipalaklak ko sa kaniya ang buong laman ng toothpaste at gamitan ng steel wool ang ngipin niya sa kapal ng tartar niya!

Guwapo nga, mabaho naman ang hininga! Napasampal ako sa aking noo. Ano ba kasi itong napasok ko. Pati ako ay naloloka na rin. Bakit pa kasi ako nagdala ng pulubi sa condo ko?

Matapos ko siyang sipilyuhan ay malalim akong napabuntonghininga.

"Ayan. Guwapo ka na, mabango pa hininga mo! Puwede na kitang halikan!" sambit ko. Ngunit napangiwi ako sa aking nasabi.

Bakit ko ba kasi siya hahalikan? Ay gaga!

Pagkatapos namin sa banyo ay naghanap muna ako ng puwede niyang isuot. Tamang-tama dahil may malaki akong shirt na unisex. Iyon na ang pinasuot ko sa kaniya, at dahil walang shorts na kakasya sa kaniya dahil sa laki ng katawan niya ay kumuha na lang ako ng malinis na towel at iyon ang pinambalot sa pang-ibaba niya. Jusko nakikita ko pa ang malaki niyang ano habang ginagawa ko iyon!

Nagbihis na rin ako ng damit ko.

Muli ko siyang dinala sa sala. Pagkarating namin doon ay naroon pa rin sina Mom and Dad. Pero nakatayo na sila ngayon at mukhang balak nang umalis.

"Anak, sigurado ka ba na okay ka lang dito? Kung gusto mo sumama ka na lang sa amin ngayon pauwi sa mansiyon, iwanan mo na lang dito si Ubi. Para naman may makasama ka." suhestiyon ni Mom na napapangiwi pa sa ayos ni Ubi.

Umiling ako, "No need na po, Mom. Okay na po ako dito. Don't worry po I'll be fine with Ubi. Huwag na po kayong mag-alala sa akin." wika ko at hinalikan sila pareho.

Independent kasi ako. Mas gusto ko kasi na kung ano ang problema na dumadating sa akin ay maso-solosyunan ko na ako lang mag-isa. Dahil alam ko naman na kakayanin ko. Close kami ng mga magulang ko. Iisang anak lang nila ako, pero hindi nila ako in-i-spoil. Nang makapatagpos ako ng pag-aaral sa kursong Civil engineering ay nagpasya na ako na bumili ng sarili kong condo at dito na tumira. Hindi sa ayaw kong makasama sina Mommy at Daddy, pero gusto ko kasi na maging independent na sa lahat ng bagay.

"Sure ka ba anak?" tanong pa ni Dad.

Mabilis akong tumango. "Yes po. Don't worry. Nandito naman si Ubi kaya hindi niya ako pababayaan." wika ko sabay kapit sa braso ni Ubi.

Tumango si Dad. Hinalikan nila ako bago sila umalis.

Nang masara ko ang pinto ay kaagad kong binitawan ang braso ni Ubi at isa-isang pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig. Nang mahawakan ko ang gown na suot ko kanina ay napangiti ako ng mapait. Wala na akong rason para itabi pa iyon. Baka sa tuwing makikita ko iyon ay maiiyak lang ako. Kaya naman lahat niyon ay diniretso ko na sa basurahan.

Inapak-apak ko pa para kumasya sa trash bin. Ini-imagine ko na lang na pagmumukha ni Hugo at Jana ang inaapakan ko.

Pagkatapos ay binalikan ko si Ubi. At katulad kanina ay nakaupo lang siya. Parang ang bait-bait niyang tingnan. Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.

"Ubi, iyan ang pangalan mo ha?" untag ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tumango.

Ngumiti ako. Kinuha ko ang remote ng tv at pinindot iyon. Manonood kami ng palabas ni Ubi. Kumuha rin ako ng cake, at ice cream. May can beer rin sa ref kaya kinuha ko na lahat at dinala sa mesang nasa harapan namin ni Ubi.

"Tara inom." aya ko kay Ubi. Pero hindi siya tumugon.

Sa tv nakatuon ang paningin niya. Binalingan ko ang tv at tiningnan kung ano ang palabas.

"Balita. Wait ilipat natin sa n*****x. Panoorin natin iyong sikat na palabas ngayon. Iyong tungkol sa physcho killer na pinapasok sa drum na blue ang nabibiktikma niya." wika ko.

Nilipat ko ang palabas sa n*****x channel at hinanap ang tinutukoy kong series movie.

Nang ma-play ko iyon ay naupo ako sa tabi ni Ubi habang sinisimulan ko nang inomin ang can beer.

Pinagbuksan ko rin siya at binigyan pero hindi niya tinanggap. Imbes kasi na kunin niya iyon ay tinidor ang dinampot niya at sinimulan kainin ang chocolate cake.

"Siguro iyan ang paborito mo?" tanong ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita.

Napabuntonghininga ako.

"Kumain ka lang diyan, habang ako ay mag-iinom ako." ani ko.

"That's not good in your health." Mabilis pa sa alas kuwatro na nabaling ang leeg ko paharap sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng cake at sa tv nakatingin.

Nilapitan ko siya at idinikit ko ang mukha sa mukha niya upang pagkatitigan siya ng mas malapitan pa.

"Ang galing mong mag-english, Ubi. Ano ka ba ha?" ani ko.

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko. Natawa ako sabay layo sa kaniya. "Pero seryuso ako, Ubi. Ang galing mong mag-english! Hindi nga ako lugi sayo. Tiyak kong maiinggit ang gagong Hugo na iyon kapag nabalitaan niyang may instant fiancé na ako kaagad." natatawang saad ko.

Ngunit hindi sumagot si Ubi. Napasimangot ako, kapagkuwan ay inagaw ko ang tinidor na hawak niya. Tumingin siya sa akin at tila hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"Akin na iyan." aniya sabay agaw sa tinidor ngunit inilayo ko iyon.

"Hindi. Hangga't hindi ka pumapayag na maging fiancé ko. Huwag kang mag-alala, kapag pumayag ka, libre na tirahan mo, pati pagkain mo at kung ano pang hihilingin mo sa akin. Basta pumayag ka lang." pahayag ko.

"Sure." walang kagatol-gatol na tugon niya at inagaw ang tinidor sa akin. Muli siyang kumain ng cake at hindi na ako pinansin pa.

Samantalang natatawa na lang ako sa inakto niya. Ni hindi man lang ako nahirapan na papayagin siya.

Naiiling kong tinungga ang beer. Kinuha ko rin ang cellphone ko at lumapit ako kay Ubi.

"Look, Ubi!" tawag ko sa kaniya. Humarap siya sa camera na madungis ang bibig dahil sa icing ng cake na kinakain niya. Mabilis kong pinindot ang camera para kumuha ng litrato namin. At ayon, saktong-sakto at ang ganda ng kuha naming dalawa.

Mabilis akong lumayo kay Ubi. Pumunta ako sa isang social media account ko at pinost ang litrato naming dalawa na may caption na my handsome fiancé.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status