Share

APKF-2

Jheanne's Pov

Sa labas palang ng Condo Building ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit kasama ko ang isang pulubi. Marahil iniisip nila na nasisiraan na ako ng ulo. Pero subukan nilang ipaparinig iyon sa akin kung ayaw nilang matanggal sa trabaho.

Tinaasan ko ng kilay ang isang staff na nasa front desk, nakanganga kasi siya sa akin habang hawak ko ang braso ng pulubi. Nagsitakipan rin sila ng kanilang mga ilong dahil sa amoy ng kasama ko. Samantalang ako, parang namanhind na yata ang ilong ko.

"My keys. Faster." untag ko sa babaeng staff.

Alanganin naman niya itong inabot sa akin.

"H-Heto po, Ma'am." aniya sabay abot sa akin ng susi. Mabilis ko naman itong kinuha, at hinila ko ang pulubi papasok sa elevator.

Sakto at walang tao ang elevator kaya solo naming dalawa. Nang balingan ko ang pulubi ay nakayuko lang ito, at hindi man lang nagtatanong kung bakit ko siya isinama rito. Hindi ko maiwasang mainis dahil hindi yata siya marunong magsalita.

"Are you not going to say anything?" baling ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako, at umiling. Nangunot ang noo ko. Naiintindihan niya yata ang pag-ingles ko.

"Do you understand what am I saying?" kunot ang noo na tanong ko pa sa kaniya.

Muli ay tumango siya. Napasinghap naman ako. Ang galing ah. Ano kaya ang nangyari sa kaniya bago siya naging ganito? Sigurado naman ako na hindi siya baliw. Ang dumi niya lang talaga at ang baho-baho pa.

Nang bumukas ang elevator ay hinila ko na naman siya sa hallway. Pagkarating sa aking unit ay kaagad ko itong binuksan, at hilahin siya papasok sa loob.

Pagkapasok ko palang sa loob ay walang kaabog-abog kong hinubad ang aking gown kahit na nakatingin sa akin ang kasama ko. Mula sa nakapusod kong buhok, hanggang sa mga burloloy ko sa katawan, at ang isinunod ko ay ang aking damit. Basta ko na lamang itong hinagis sa sahig. Naka-brat't panty na lang ako habang naglalakad patungo sa banyo, at iniwan ang pulubi sa sala.

Naligo ako, kinusot ang mga duming dumikit sa aking katawan. At habang nasa gano'n akong gawain ay naalala ko ang masalimoot na naganap ngayong araw. Umiyak ako. Sumabay ang mga luha ko sa tubig na umaagos sa aking katawan.

"Mga hayop! Walang hiya! Paano niyo ako nagawang saktan ng ganito?" singhal ko sa kawalan habang patuloy sa pag-iyak.

Humagulhol ako habang sapo ang aking dibdib dahil tila tinutusok ito ng karayom ng paulit-ulit. Nang mapagod ang sarili ko ay napaupo ako sa tiles at nayakap ang sarili habang walang tigil sa paglandas ang tubig sa aking katawan.

Ang sakit-sakit palang maloko. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mapagdadaanan ko ito.

Hindi ko aakalain na ganito pala iyon kasakit.

Parang gusto ko na lang matulog ng buong araw ng sa gano'n ay hindi na pumasok sa isipan ko ang mga nangyari.

Nasa gano'n akong posisyon nang makarinig ako ng bagay na nabasag sa labas. Mabilis akong napatayo at nagbanlaw. Pagkatapos ay kinuha ko ang roba at isinuot iyon. Lumabas ako ng banyo upang tumungo sa sala, ngunit pagdating ko doon ay wala na ang pulubi.

Nakarinig ako ng kuluskos sa dining room kaya mabilis akong napatakbo papunta roon.

And then I saw him eating a cake!

Alam kong sina Mommy and Daddy ang nagdala ng cake na ito sa condo ko. Alam kasi nila na uuwi rin ako dito pagkatapos kong mapag-isa.

Mukhang napansin ng pulubi na nakatingin ako sa kaniya kaya bumaling ito sa gawi ko. Nabitawan niya ang tinidor at nahihiyang napayuko.

"G-Gutom." ani niya.

"Don't worry it's okay. Just continue eating." saad ko. Lumapit pa ako sa ref para ipagkuha siya ng maiinom.

"Here," sabay lapag ko ng orange juice sa tabi niya.

Nagpatuloy siya sa pagkain at hindi na ako muli pang pinansin. Binuksan ko ulit ang ref, at saktong may mga ulam pa roon. Kinuha ko iyon at ininit sa microwave. Kumuha rin ako ng kanin at nilagay iyon sa lamesa.

Sarap na sarap siya sa kinakain na chocolate cake, paborito ko iyon at ako pa ang pumili ng design, pero wala na akong gana na kainin iyon. Kinuha ko ang box ng cake, napatingin sa akin ang pulubi at sumama ang mukha.

"Mamaya na ito. Kumain ka ng kanin para mabusog ka." wika ko sa kaniya.

Pinalitan ko ng kanin at ulam ang cake. Kinain naman niya iyon. At habang abala siya sa pagkain ay pumasok ako sa aking silid upang magbihis.

Kinuha ko rin ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at binuksan iyon. Maraming mensahe akong natanggap at kadalasan ay sa mga magulang ko iyon galing. Nireplayan ko na lang sila na okay lang ako at gusto ko lang mapag-isa.

Hanggang sa may makita akong mensahe na galing kay Hugo. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ito. At gano'n na lang ang pagsidhi ng kirot sa puso ko ng isang larawan nila ni Janna ang ipinadala niya. Naghahalikan sila sa litratong iyon.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Mabilis kong nilapag ang cellphone sa bedside table at lumabas ng aking silid.

Bumalik ako sa dining, at napaawang ang bibig ko sa aking nasaksihan. Ang pulubi ay tapos nang kumain at kasalukuyan itong naghuhugas ng pinggan.

Napasandal ako sa pader at patuloy lang itong pinagmasdan, hanggang sa matapos ito sa ginagawa. Pumihit siya paharap at nagtagpo ang aming mga mata. Nagkatitigan kami, ngunit bigla akong napabahing ng sunod-sunod.

"Y-You need to take a bath. Baka mamaga na ang sinus ko dahil sa amoy mo!" wika ko. Kaagad ko siyang nilapitan at hinila papasok sa banyo.

"A-Ayaw–" aniya sabay atras nang paandarin ko ang shower.

"Anong ayaw? Ang baho-baho mo no!" bulyaw ko sa kaniya, sabay hila palapit sa tubig na nagmumula sa shower.

Aba ang loko parang kambing at ayaw mabasa ng tubig! Naghabulan pa kami sa loob ng banyo. Nabasa pa ako dahil sa kaniya! Kainis!

"Stop running!" pagalit na sigaw ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa pag-atras abante at napayuko.

Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil sa pagsigaw ko sa kaniya.

"I'm sorry. Ikaw naman kasi e. Alam mo kailangan mong maligo kasi hindi ko na kaya ang amoy mo. Ayaw mo ba no'n habang kumakain ka, kasabay mo ako? Pareho na tayong hindi mag-iisa. Pero syempre bago mo ako makasabay kumain kailangan maligo ka muna." pahayag ko. Nanatili lamang siyang walang imik. "Hubad na." utos ko sa kaniya habang nakapamewang ako.

Hindi pa rin siya kumibo. Nilapitan ko na siya at sinimulan hubarin ang mga damit niya. Wala naman akong nararamdaman na hiya habang ginagawa iyon. Gusto ko lang naman siyang tulungan. Nang mahubad ang kaniyang mga damit ay nandidiri akong itinapon ang mga iyon sa basurahan. Wala siyang suot na brief ng mahubaran ko siya, nakapantalon siya na butas-butas na, at ang suot na pang-itaas ay kupas na tsirt at butas rin.

Nakita ko ang k*****a niya. Ang dungis. Napangiwi ako. Pero hindi ko maipagkakaila na malaki iyon. Napaisip tuloy ako kung gano'n rin ba kalaki ang kay Hugo? Napailing ako at iwinaksi sa isipan ang hayop na lalaking iyon.

Hinila ko ang lalaking hubo't hubad sa ilalim ng shower.

Dahil para siyang tuod at hindi gumagalaw ay ako na lang ang kumuskos sa buong katawan niya. Ewan ba kung bakit wala talaga akong maramdaman na kahihiyan kahit na nahahawakan ko na ang maselang parte ng katawan niya, siguro dahil wala pa talaga akong karahasan sa sex. At parang wala lang sa akin ang mga nakikita ko sa kaniya.

Sinabon ko siya ng anim na beses, at kinuskos ko rin ng maigi ang katawan niya. At dahil hindi ko masyadong maabot ang buhok niya para lagyan ng shampoo ay kumuha ako ng isang silya at pinaupo siya doon. Sa wakas ay malaya ko na siyang nasasabon. Isa lang talaga ang napansin ko sa kaniya, ang laki ng katawan niya. Matipuno ang dibdib at batak ang mamasel-masel na katawan. Para bang nag-g-gym siya.

Sinabon ko siya hanggang sa makarating ako sa pagkalalaki niya. Lumuhod ako sa sahig. Wala na. Basa na rin naman ako kaya bahala na. Napabuntonghininga ako, at tiningnan siya.

"Sasabunin ko 'tong pitutoy mo ha. Ang dungis rin e." paalam ko sa kaniya. Bago pa man siya makasagot ay nahawakan ko na ang pagkalalaki niya at sinabon iyon. Tinaas-baba ko pa ito para masiguro na matatanggal talaga ang libag.

Tumaas ang puwetan niya at tila nahirapan siyang huminga.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Huwag kang magkakamaling tumayo kung ayaw mong baliin ko ito." pagbabanta ko sa kaniya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Napailing ako.

Matapos kong sabunin ang pitutoy niya ay binanlawan ko na siya.

"Hanep. Halos maubos ang laman ng body wash ko. Pati shampoo ubos na dahil sa makapal mong buhok. Paano puro kasing lupa iyang buhok mo, saka ang baho-baho pa. Saan ka ba kasi nag-swimming? Sa imburnal?" sambit ko na naiiling.

Nanatili lamang siyang nakaupo at nakatulala.

Binuksan ko ang cabinet. Kinuha ko ang gunting at shaver.

"Gugupitan kita kaya huwag kang malikot." ani ko.

Ginupitan ko ang mahaba niyang buhok. Binawasan ko lang iyon, at tinanggal ko lang ang mga nakakapit sa buhok niya. Nang okay na iyon sa paningin ko ay sinimulan ko naman ahitin ang mahaba niyang balbas.

"Done." Sa wakas ay nasambit ko. "Now, look at yourself." Pinaharap ko siya sa salamin.

Wala naman siyang reaksyon sa nakikita niyang pagbabago sa sarili niya, samantalang ako ay halos mapaawang bibig ko dahil sa naging transpormasyon niya. Ang guwapo-guwapo niya! Parang siyang nag-ibang tao. Nawala na iyong pulubi na mabaho na kasama ko kanina, dahil ang kasama ko ngayon ay napakaguwapo.

Napabuntonghininga nalang ako. Pinasuot ko siya ng roba at hinila palabas ng banyo. Ngunit saktong paglabas namin ng banyo ay nang marinig ko ang pagtunog ng buzzer.

"Dito ka lang." bilin ko sa lalaki bago ko tinungo ang pintoan sa sala.

Pagkabukas ko ng pinto ay si Mommy Anne at Daddy Jennel ang nasa labas. At bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.

"Jheanne!" Kaagad akong niyakap ni Mommy. "Saan ka ba nagpupunta na bata ka! Hanap kami nang hanap sayo!" umiiyak na pahayag ni Mom.

"Where have you been, baby?" tanong naman ni Dad na nagsisimula na rin umiyak.

Kumalas ako kay Mom at ngumiti sa mga ito.

"Namasyal lang po sa Mall. Don't worry po dahil wala namang nangyari sa akin." sagot ko.

"Kahit na. Dapat sinabi mo pa rin kung saan ka naroon, anak. Halos mabaliw kami ng daddy mo sa kakahanap sayo." saad ni Mommy.

"Wala po akong dala na kahit ano. Saka gusto ko lang talaga mapag-isa kaya intindihin niyo nalang po ako at hindi madali itong pinagdadaanan ko ngayon." rason ko. Muli akong niyakap ni Mommy.

"I'm so sorry, baby." pag-aalo nito sa akin.

"Okay lang po."

Ngunit sabay-sabay pa kami napatingin sa kinaroroonan ng lalaking kasama ko nang may biglang nabasag na bagay.

Narinig ko ang sabay na pagsinghap nina Mommy at Daddy nang makita ang kasama ko na natuod sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa vase na nahulog sa sahig at nabasag.

"What the...who are you?!" tanong ni Dad sa lalaki. Si Mommy naman ay nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking kasama ko.

I cleared my throat before answering dad's question.

"H-He is...my new boyfriend." wika ko.

"Ano?! Agad-agad anak?!" sabay na bulalas ng mga magulang ko.

Bumuntonghininga ako at nilapitan ang lalaki. Inakay ko ito sa braso palapit sa mga magulang ko.

"Agad-agad rin naman po akong pinagpalit ni Hugo e. Kaya gagawin ko rin po ang ginawa niya." walang gana ko na sagot.

Sabay silang napasampal sa kanilang mga noo.

"By the way po. He is..." Nag-isip pa ako ng ipapangalan ko sa lalaki dahil hindi ko nga pala alam ang pangalan nito, "Ubi."

Shortcut iyon ng Pulubi. Wala na kasi akong maisip na ipapangalan sa kaniya.

"And I just met him in the sidewalk."

"Ano?!"

"What?!"

Gulat at hindi makapaniwala na turan ng mga magulang ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chammie Bouyi
Hahahahahahahaha.. Natatawa nman ako d2 sa kwento.. Ubi, short for pulubi .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status