Share

Kabanata 2

2

MAAGA kaming gumising para sa lakad namin. Ihahatid muna kami ni itay sa bayan bago siya mangisda. Balita ko din, sasama na daw siya kina Tiyo Nestor sa pangingisda, dahil noong nakaraan may na diskubre si Tiyo at ang mga kasamahan nito ng lugar ng mga malalaking isda.

"Bilisan mo na Anna! Maiiwan na kayo ni itay!"

Sabi ni ate Ariana. Kaya kinuha ko na ang sumbrero at sinuot bago sumunod kina ate Anne.

"Hindi kaba sasama samin te?"

Umiling lang si ate Ariana at tumalikod. Tumakbo na ako para maabutan sina ate Anne.

"Ang tagal mo!" Sita ni itay. Hindi ko nalang pinansin at sumakay na sa maliit na bangka ni itay.

" Huwag kang malikot Anna! Baka bumaliktad tayo!" Sita ni ate Anne ng biglang gumiling ang bangka ng tangkain kong kunin ang nahulog na sumbrero. "Sorry ate" hinging paumanhin ko.

"Sasama ka daw kay Crismar papuntang maynila Anna?"

Pangbabasag ni itay sa katahimikan.

"Hindi pa ako sigurado tay, pero nakapag usap kami nuon na kung gusto ko daw sumama sa kanya sa pagbalik nya dito sabihin ko lang daw." Tumango lang ito.

"Sumama ka sa kanya, para naman matulungan mo kami ng inay mo sa pag aaral ni April at ni Ian pag nag binata na. Alam mo namang mahirap lang ang buhay dito anak. Tama lang sa pagkain ang mga kita natin ng ate at inay mo."

Sa totoo lang naaawa ako sa sitwasyon namin, kumbaga isang kahig isang tuka. Kahit magtrabaho pa kami nila ate, inay, at itay hindi pa din sapat. Si kuya Angelo may binubuhay na kaya hindi rin namin maaasahan. Si ate Ariana, pa raket raket lang , ilan lang din naman ang naibibigay niya ila inay.

"Patawad tay ha, ako pa naman ang panganay pero wala man lang maitulong, maliit lang naman kasi ang kita ko sa pagbibinta ng perlas at shells" malungkot na sabi ni ate Anne. Ganito na ba kami ka awa awa? Pinunasan ko ang butil na nahulog sa pisngi ko. At bumuntong hininga.

"Tigil na nga tayo sa drama at malapit na ang daungan" sabi nalang ni itay. Kaya sabay kaming natawa ni ate.

Nang makaabot sa daungan, kaagad kaming bumaba ni ate at nagpaalam kay itay.

"Ingat ka tay" sabay naming sabi ni ate.

______________________________

"Mar! Nandito kana!" Masaya kong sigaw ng makita siya. Kaagad ko siyang niyakap at ganuon din ito.

" Anna? Oh my God! Ikaw na ba talaga yan! Ang ganda ganda mo na ah!" Hindi makapaniwalang sabi nito. Napanguso nalang ako, anong maganda? Maitim, bansot or pandak! Yan ang definition ng beauty ko.

" Kung alam mo lang Mar hija, ang daming manliligaw niyan. Kaso tingnan mo, hanggang ngayon NBSB parin! Tama ba NBSB? No boy friend since birth?" Sabi ni lola Purita ang kapit bahay ni Mar.

" Talaga lola? Grabi ka naman Anna! Kawawa naman mga lalaki dito hahaha" natatawang sabi nito. Oo maraming manliligaw mga mangingisda mga tambay mga basagulero at yong mga magnanakaw at hindi ko na sasabihin pa at mababanas pa ako. Lahat ng manliligaw ko kung hindi maiitim dahil lagi sa dagat mga payat naman na kulang nalang liparin ng hangin. Sino ba naman kasi ang manliligaw sakin na may itsura? Maganda pa nga siguro saakin si Melissa na kahit maitim matangkad naman.

" Sinong kasama mo?" Sabi nito ng makapasok sa bahay na tinutuluyan nila dati, okay pa naman ito dahil laging nililinis ni lola Purita.

" Ako lang, si ate Anne nasa Baywalk nagtitinda ng mga polseras" kumuha ito ng juice at nilagyan pati ang baso ko.

Kaagad ko namang ininum ito, minsan lang naman kasi kami makakatikim ng juice kahit 20 pesos lang sayang parin at kulang pa sa pag bili ng bigas.

Nagkukuwentuhan lang kami hanggang sa tanungin ako nito kung sasama ako sa kanya.

"Ano sasama kaba? Kung pamasahe lang sagot ko na, bayaran mo nalang pag naka sweldo ka duon." Walang nang dalawang isip pa.

" Sige sasama ako Mar! Pero teka lang ano bang trabaho mo doon?" Curious kung tanong.

"Isa akong waitress, sa Happy day" Happy day?

" Ano yon? Pang birthday ba?"

Natawa nalang ito.

" Hindi! Ikaw talaga. Happy day lang tawag pero restaurant yun, Happy day restaurant. Para daw laging happy ang day mo tuwing kakain ka duon, new innovation ng may ari" napakamot nalang ako sa ulo.

" Ilan ba ang sweldo?" Natawa ulit ito.

" Hindi ka parin nagbabago Anna! Sigurista ka parin hanggang ngayon. Hahaha and 4,500 ang buwan mo" napatigil nalang ako at natulala sa kanya.

" Sigurado kaba diyan? Baka naman binibiro mo ako Crismar!" Paniniguro ko. Kung ganuon 4,500 ang buwan at baka first time kong makahawak ng ganuon kalaking pera, siguro ang iba tingin nila OA  lang pero hindi nila alam kung bakit napakamaki na sa amin ang 4,500. Sa napakadaming labahin nga ang nakukuha lang namin ni inay ay 500 na ang pinakamalaki.

" Totoo nga! Ano sama ka? Kumuha ako ng apartment puwedi ka doon." Hindi na ako nagdalawang isip. Matagal ko na itong hinihintay bakit pa ako hihindi?

" Oo Mar, sasama talaga ako!" Masaya kong sabi at niyakap siya. Sabay nalang kaming nagtawanang dalawa.

Dalawang oras din ang kuwentuhan namin at parang hindi kami nauubusan ng kuwento, ang tagal din kasing hindi kami nag kita. Pagkatapos din naman ng kuwentuhan ay tumawag na si ate Anne. Aalis na daw kami at naghihintay daw si boboy yung mag mamaneobra ng bangka.

"Ate Anne! May pasalubong si Mar para sayo!" Excited kong sabi at kaagad na tumabi sa kanya sa bangka, binuksan ko ang gift niya at tiningnan kung anong laman.

" Wah ate! Ang ganda nito" isang shoulder bag na Lacoste ang laman at kulay red.

" Patingin nga," kinuha nito at binusisi.

" Ang ganda nga nito, Anna!" Nanlalaking matang sabi nito.

"Sayo anong pasalubong nya?" Sabi nito at itinabi na ang bag.

"Syempre yung matagal ko nang hinihiling sa kanya" nanlaki lalo ang mga mata nito. At hindi makapaniwala.

" Seryoso ba yan Anna? Baka naman binibiro mo lang ako! Ikaw talaga" naiinis nitong sabi at pabirong sinabunutan ako.

" Si ate oh! Oo nga, sya na daw gagastos ng pamasahi ko"

Ang masayang mukha nito ay napalitan ng lungkot.

"Mag iingat ka doon Anna, hindi yun katulad dito, mas mapanganib lumabas sa lugar na ito lalo't na hindi ka familiar doon. Lagi ka ring tatawag" paalala nito.

"Bakit ate, maganda naman ang Maynila ah," napailing nalang ito.

"Nakikita mo lang naman sa TV kaya mo nasasabi, napaka inosente mo Anna kaya ako ang natatakot sayo eh." Tinawanan ko nalang ito.

Nang makauwi ay kaagad naming sinabi ang magandang balita. At tuwang tuwa sila dahil matagal ko daw itong inaasahan.

" Masaya kami sayo Anna, sa wakas matutupad na din ang pangarap mo." Naluluhang sabi ni inay. Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Matutulungan ko na din kayo  sa wakas nay at hindi na tayo maghihirap pa, makakain na tayo ng tatlong beses sa isang araw may pang meryenda pa"

Naluluhang sabi ko.

"Kayo talagang mag ina, kailan ba ang alis mo anak? May pera akong inipon magagamit mo yun pagdating mo doon." Sabi ni itay. " Hindi na tay, may naipon naman ako sa paglalabada namin ni inay pang gastus nyo nalang yan dito.

"Salamat nak, napakabuti mo talaga." Sabi ni itay. Sa gabing ito ay masaya kaming kumain nagluto kasi si inay ng tinolang  manok at parang celebration nalang dahil aalis na ako. Hindi paman nasasabi ni Mar kung kailan ang alis pero sabi nito mag Ready lang baka sa susunod na linggo ang alis namin or baka mapaaga pa.

Please vote comments and share and don't forget to follow me on my account Lady Kimmy thank you!

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ecinaj M. Ibanez
ANDA ng story
goodnovel comment avatar
Viana Torregoza
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Melodina Salvador
ganda sana free he he
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status