Share

Eleven

Lance Jericho

Naalimpungutang nakabangon ako sa isang banyagang lugar. Matapos kong ilinga ang aking paningin sa buong paligid nang puno ng pagtataka ay sinikap kong ibangon ang sarili.

Bigla ko na lamang naramdaman na sumakit ang ulo ko at parang mahihilo. Napasapo ako sa sariling noo na parang kaybigat ng mga sandaling iyon.

"Ahhh!" Angil ko nang hindi maitayo ang sarili. Napasalampak ako sa malambot na higaan na noon ko lang napagtuunan ng pansin.

Balot ng isang maputi at floral designed na table cloth, may dalawang unan at isang wool-made na kumot na kaylambot hawakan at isuklob.

Hindi ko naiwasang mapaisip. 'So mayaman ang nagmagandang-loob sa akin? In fairness sa kamang tinutulugan ko ngayon.' ngingiti-ngiting wika ng sarili kong isip. 'Pero siyempre, wala pa ding tatalo sa kwarto ko. Nothing can replace it.' Kambiyo naman ng kabilang isipan ko.

Bago pa man ganap akong madala ng pagtatalo ng dalawa kong isip, pinilit ko muling bumangon. Gusto kong malaman kung nasaan ako ngayon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status