"Ate ano yan?" takang tanong ng kanyang kapatid pakababa niya mula sa kuwarto.
Kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya nila kaya naman sa kanya napukol ang atensyon ng mga ito.
Kaagad lumapit ang mama niya sa kanya para suriin ang hawak-hawak niyang box at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata nito.
"Hindi ba mga regalo iyan sa iyo ni Bobby," turan nito sa mga gamit na naroon, ganoon na lang ang pag-aalala nito nang masuri ang lahat ng naroon.
Mayroon teddy bear na gutay-gutay, mga larawan na punit-punit at ilang sulat na pira-piraso, nakalagay din doon ang mga iniingatan niyang niregalo ng lalake na damit, bag at posters ng paborito niyang mga artista at banda.
"Moving on na ako mama," taas noo niyang sambit. "Hindi ko kailangan aksayahin ang panahon ko sa walang kwentang lalake!" pagmamalaki niya dito.
Napahawak na lang ang mama niya habang napapakagat na lamang ng labi, bakas pa rin ang pag-aalala rito, pero hindi naman siya nito pinigilan nang magtuloy-tuloy na siya sa likod bahay nila.
Isinilid niya kaagad ang mga laman ng box sa isang basurahang lata, matapos noon ay binuhusan niya iyon ng gas bago magsindi ng posporo para silaban ito.
Ibinuhos niya na lahat ng galit niya sa mga bagay na iyon kagabi, kaya naman medyo magaan na ang kanyang pakiramdam, subalit hindi niya maipagkakaila ang panaka-nakang sikip sa kanyang dibdib habang pinanood niya kung paano lamunin ng apoy ang bawat isa sa mga naturang gamit.
"Nak, sigurado mo bang ayos ka lang?" tanong ng mama niya.
Nasa likod niya na pala ito at pinapanood rin kung paano niya burahin ang mga alaala ng kanyang kasintahan.
"Oo ma, ayos na ayos lang po ako," baling niya dito.
Panandalian niyang nilingon ang malaking silab na tila nagsasayaw habang unti-unting ginagawang abog ang mga natitirang bakas ni Bobby, tulad noon ay ipinangako niya sa sarili na kakalimutan na ito.
Wala siyang ibang nasa isip ng araw na iyon kung hindi ang gawin lahat ng mga hindi niya nagagawa noon dahil sa pagiging strikto at konserbatibo ng dating kasintahan, napag isip-isip niya na napakaraming bagay ang napalampas niya dahil lang sa kakasunod dito para lang mapanatili ang relasyon nila.
Matapos mag-almusal ay nagmadali na siyang magbihis para pumasok sa trabaho, may kakaibang pananabik ang naidulot ng natamo niyang kalayaan kahit naroon pa rin ang sakit, parang ang dami niyang gustong gawin ng araw na iyon, kaya naman hindi siya mapakali.
Natigil lang siya sa pagmamadali nang mapadaan sa isang bakeshop sa baba ng building na pinapasukan, bigla siyang natakam sa chiffon cake na nakadisplay doon, wala ng paligoy siyang pumasok roon kahit mahaba pa ang pila. Matapos ang halos kalahating oras ng paghihintay ay nagawa niya ng mabili ang naturang pagkain pero nabatid niya na halos ilang minuto na lang at malalate na siya kaya naman matapos bayaran ay ipinadeliver niya na lang ito sa pangalan nilang dalawa ng kanyang kaibigan kaysa hintayin pang ibalot ito.
Malapad ang ngiti ni Sheryll habang tumatakbo papasok sa kanilang opisina, hanggang sa makaupo siya sa kanyang lamesa ay litaw na litaw pa rin ang kakaibang lapad ng kanyang mga labi.
"Good morning Celina!" masaya niyang bati sa kaibigan, naabutan niya itong nakahawak sa sintido at malalim ang iniisip.
Isang tipid na ngiti naman ang ibinalik nito pakakita sa kanya. "Good morning Sheryll, mukhang okay ka na ah," baling ng kaibigan.
"Medyo. Eh ikaw, anong problema? Huwag mong sabihin nag-away kayo ni bossing," biro niya sa kaibigan.
Aksidente niya kasing nalaman na ang tatay pala ng mga anak nito ay ang bagong may ari ng kompanya nila, kaya pala napaka tahimik nito pag napag uusapan nila ang tungkol doon.
"Shhh, Sheryll! Baka may makarinig sa iyo," Agad na takip ni Celina sa bibig niya.
Kahit nalaman niya na ang bagay na iyon ay halatang may nililihim pa rin ang kaibigan sa kanya.
Marahan na lang niyang tinanggal iyon. "Okay, okay, bumili ako ng cake para may snack tayo mamayang lunch," masaya niya na lang pagbibigay alam dito.
Kahit papaano ay gusto niya rin naman makabawi sa lahat ng pag-suportang ibinigay nito sa kanya, kaya naisipan niyang bumili ng makakain nila para sa tanghalian.
"Sheryll, parecieve mo na ito," saad sa kanya ng isang ka-opisina pakalatag ng ilang mga papeles sa kanyang harapan.
Buong galak niya niya naman iyon kinuha at sasayaw-sayaw pa na tumungo sa departamentong pagdadalhan noon.
Hanggang sa pagbalik ay todo kembot siya sa paglalakad, natigil lang siya nang makita ang reflection sa salamin.
Nabatid niya na may mali sa kanyang kasuotan, doon niya lang napansin na masyado nga itong maluwag, kaya naman bigla niya na lang naisip na kailangan niya ng mga bagong damit.
Tulad kanina ay galak na galak siyang nagmadali sa paglalakad pabalik sa opisina nila para sabihin sa kaibigan na magpapasama siya ulit dito na mamili, natigilan lang siya nang mabatid na napaka-seryoso bigla ng lahat ng naroon, halos hindi magkanda maliw sa pagkilos ang mga katrabao na kala mo ba ay mga abala kahit wala naman masyadong gagawin ng araw na iyon.
Nakuha niya lang ang nangyayari nang makalapit na sa lamesa niya, naroon pala ang boss nila at kunot na kunot ang mukha habang pinag-didisikitahan ang isang security.
"I'm asking you again, who sent this!" Halos gusot na ang noo nito habang sinisita ang naturang lalake.
"Si...sir, hindi naman po sinabi nang delivery boy kung kanino galing, basta nabanggit po kasi na para po kina mam Celina," yuko nitong sagot.
"Sir naman, cake lang po iyan!" pilit paliwanag naman ni Celina dito habang nakapagitna sa boss nila at sa security guard.
Doon niya namalayan na ang pinagkakaguluhan pala ng mga ito ay pina-deliver niyang chiffon cake, kuyng kaya ganoon na lang ang pagkaripas niya ng lakad palapit sa mga ito.
"Sir, sa akin po iyan! Ako po bumili niyan na cake!" hangos niyang paliwanag.
Mabilisan ang naging pagsasalubong ng kilay nito nang bumaling na sa kanya, isang malalim na paglunok lang ang nagawa niya nang mapunta na sa kanya ang nanlilisik nitong mga tingin.
"Why the hell would you have it delivered!" singhal na puna nito.
"Malalate na po kasi ako kanina, kaya pina deliver ko na lang po kaysa maghintay po ako na ibalot nila," napahawak na lang siya na parang nagdarasal sa harapan nito.
Kahit sabihin pa na gwapo ito hindi niya maipagkakaila na talaga palang nakakatakot ang naturang lalake, parang mangangain kasi ang boss nila sa talim ng mga mata nito habang nagpapabalik-balik ng tingin sa security guard at sa kanya. Natigil lang ito nang pasimpleng sikuhin at pandilatan ng kanyang kaibigan nang hindi na nakatingin ang security guard, napapigil na lang siya ng tawa nang makita ang mabilis na pagkawala ng pagsasalubong ng kilay nito at naging parang maamong tupa.
"Ayan po si Sheryll iyong bumili ng cake, siguro naman po hindi iyon bawal!" taas kilay na saad ni Celina sabay namaywang kahit pa malumanay ang pakakasabi nito noon.
Bumuntong hininga na lang ito bago tiim bagang na tumalikod, nagmamadali na lang itong maglakad paalis doon, ganoon na lang ang paghinga nila ng maluwag nang tuluyan na itong makalayo.
"Kuya, pasensya ka na," paghingi niya na lang ng paumanhin sa guard bago ito makaalis.
Tumango naman ito ng may ngiti na nagsasabing ayos lang iyon, nang bumaling naman siya sa kaibigan para humingi rin ng tawad rito ay nakita niyang hinihilot na nito ang sintido nito.
"Friend, pasensya ka na" malambing niyang hawak sa kamay ni Celina.
Hindi niya lubos akalain na makakalikha ng kaguluhan ang pagpapadeliver niya ng cake sa kanilang opisina ng araw na iyon. Nakonsensya na lang tuloy siya sa mga nangyari.
"Hindi, wala iyon, ganoon lang talaga iyon kapag tinotopak" ngiting paliwanag nito.
Hindi niya na ito nagawang maaya pa dahil pakalabas pa lang nila ay nakaabang na ang sasakyan ng boss nila dito. Pero kahit mag-isa ay hindi pa rin nawawala ang gana niya na mamili, kaya tumuloy pa rin siya mall.
Sa unang pagkakataon ay hindi siya nagpigil na gumastos, noon kasi ay madalas siyang nagigipit dahil nag-iipon nilang dalawa ni Bobby, naroon din na madalas siya ang gumagastos kapag lumalabas sila kaya walang natitira sa sweldo niya, pero ngayon parang sobra-sobra ang pera niya kaya naman nabilhan niya ang sarili ng mga damit at sapatos pati na rin ilang mga bagay para sa magulang at kapatid.
"Wow ate! Ngayon ka lang yata nagshopping." Salubong kaagad ng kapatid sa kanya sabay usisa sa mga dala niyang paper bag.
"Che, tumigil ka! Sukatin mo na lang ito," bato niya sa isang bag na laman ang binili niya dito.
Ngiting-ngiting nanlaki ang mata ni Sherwin pakasalo noon. "Wow, thanks ate!" masaya nitong turan nang mailabas na nito ang laman noon na bagong polo at shorts na nasa uso.
"Nay, binilhan din kita nang damit na gusto mo at si tatay din." Baba niya sa mga paper bags sa lamesa na naglalaman ng mga binili niya sa mga magulang.
Napangiti naman ito sa pasalubong niya na siya naman ikinatuwa niya, matagal na rin panahon bago niya naregaluhan ang pamilya, kaya bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam, lalo niya tuloy natatanggap na marahil nakabuti ang paghihiwalay nila ni Bobby.
Sa loob ng ilang linggo ay hindi siya mapakali matapos ng tawag na iyon, natatakot, nag-aalala sa kung anong pwedeng gawin muli ni Ray.Nagpapasalamat na lamang siya at palagi ng maaga umuwi si Bobby at kahit siya ay palaging ale
Walang patid sa paghuni ng masayang tugtugin si Bobby ng mga sandaling iyon, habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan.Naroon ang kung anong pagkasabik niya na masilayan ang galak sa hitsura ng mga anak sa oras na ipakita niya ang pasalubong na mga pagkain.Hindi man iyon ang pinangarap at naisip niyang magiging buhay nila ng magkasama ni Sheryll, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil na rin sa tuwa at gaan ng pakiramdam kasama ng pamilya.Naroon man ang katotohanan na hindi niya tunay na anak ang mga bata ay wala
Kahit labag sa kanyang loob, kahit mabigat sa kanyang dibdib ay hindi niya na tinanggihan ang tulong na ibinigay ng ama ni Raymond. Tulad ng plano ni Bobby ay lumipat sila sa liblib na probinsya ng kasintahan, pero napapalibutan ng mga kalapit na bahay. Naging sapat na
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.